SD 73.5 MEYER SCHOOL - Pagbabalik sa Paaralan - Phase 3 Survey para sa Magulang at Tagapag-alaga
Mahal na Mga Magulang at Tagapag-alaga ng Meyer School:

Kasalukuyan tayong nasa Adaptive Pause, at lahat ng pagtuturo ay nananatiling malayuan, nagsasagawa pa rin kami ng paghahanda para mapabalik ang mga estudyante namin sa paaralan kapag umabot ang mga sukatan sa ligtas na antas. Kasama sa Phase 1 at 2 na pabalikin ang mga estudyanteng tumatanggap ng Special Education, English Learner, 504 Plan na serbisyo, at mga kinailangan ng karagdagang suporta na may malayuang pagtuturo kapag natukoy ng mga sukatan ng COVID-19 na ligtas na. Ang inaasahang pagsisimula ng Phase 1 at 2 ay Pebrero 25.

Handa na kaming planuhin ang Phase 3 ng aming Pagbabalik sa Paaralan. Ang Phase 3 Hybrid plan ay magbibigay ng pagkakataon para sa lahat ng estudyante ng Meyer na makatanggap ng personal na pagtuturo, 5 na kalahating araw bawat linggo (Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes), na may inaasahang pagsisimula sa Marso 8.

Lahat ng mga magulang/tagapag-alaga sa Meyer ay inaasahang kumumpleto ng survey na ito para piliin ang kagustuhan nila para sa bawat bata sa Meyer, para sa Phase 3 na plano sa Pagbabalik sa Paaralan. Ang mga estudyante sa Meyer ay maaaring lumahok sa isa sa mga modelong ito.

      1) HYBRID NA MODELO - Kumbinasyon ng personal na 4 na kalahating araw bawat linggo na pag-aaral, na ang natitirang oras ay malayuang gagawin at sa bahay.

      2) BUONG MALAYUANG PAG-AARAL - Lahat ng pag-aaral ay malayuang gagawin at sa bahay. Ang mga estudyante ay susunod sa iskedyul na katulad ng kasalukuyan nilang sinusundan sa bahay.

Mangyaring kumpletuhin ang survey na ito sa katapusan ng araw, Biyernes, Pebrero 12, 2021. Ang napili mo ay ang modeli kung saan ilalagay ang anak mo sa katapusan ng taon ng pag-aaral. Kung ang survey ay hindi nakumpleto sa pagsapit ng Pebrero 12, ang (mga) estudyante niyo ay mananatili sa Malayuang Pag-aaral na modelo para sa natitirang bahagi ng taon ng pag-aaral. Pakitandaan na ang mga estudyanteng piniling manatili sa Malayuang Pag-aaral na modelo ay hindi makakalipat sa Hybrid na modelo sa kalaunan.

Magho-host ang Meyer ng Virtual na Gabi ng Impormasyon ng Magulang sa Miyerkules, Pebrero 10, 6:00-7:00 p.m. para matuto pa ang mga pamilya tungkol sa mga plano sa Pagbabalik sa Paaralan ng Meyer - Phase 3.

Ang mga sumusunod na seksiyon ng survey na ito ay maglalarawan sa Hybrid na Modelo at sa Malayuang Pag-aaral na Modelo. Mangyaring magpatuloy para sa higit pang mga detalye.

Ang mga pagsasaling-wika ng dokumentong ito papunta sa mga ibang pangunahing wika ay inihahanda at lalabas sa lalong madaling panahon.

Sign in to Google to save your progress. Learn more
Email *
May estudyante ka ba sa preschool?
Clear selection
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This form was created inside of Skokie School District 73.5. Report Abuse