PAHAYAG SA PAGKUHA KAY GINANG ARANETA-MARCOS BILANG PART-TIME NA MIYEMBRO NG KAGAWARAN NG WVSU COLLEGE OF LAW

Ang mga pampublikong unibersidad at mga pamantasan ng bayan ay naging parte ng paglinang at pagyabong ng pambansang kamalayan ng kabataang Pilipino. Ang mga pampublikong unibersidad din kagaya ng West Visayas State University ay mayaman ang kasaysayan ng pakikibaka laban sa mga tiraniya at diktadurya, 120-daantaon nang nagsisilbi sa bayan ang WVSU. 

Napagdaanan ng paaralan ang mapait at madilim na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng batas militar ni Marcos Sr., ngunit kagaya ng mga unibersidad at pamantasan sa Luzon hindi naging matagumpay si Marcos Sr. sa paggapi sa demonstrasyon at pagtutol ng mga lider estudyante at ang malawak na masa sa pagpapatalsik sa diktador na si Marcos Sr. Nakita rin ng kabataang pilipino na sa ilalim ng pamumuno ni Marcos Jr. kailangan nating tatagan ang ating mga sarili para sa mga darating na araw.

Tayo ngayon ay tinatawag ng panahon upang palakasin at palawakin ang ating hanay, bilang mga iskolar ng bayan at tagapaglingkod ng sambayanan, marapatin nating protektahan at ‘di payagan ang pagbibigay ng plataporma sa mga Marcos upang palaparin ang kanilang disinformation campaign. Hindi kailanman magiging magandang ehemplo sa mga estudyante ang magkaroon ng isa sa mga Marcoses, na numero unong tagasuway ng batas at may pananagutan sa taumbayan!

Ang University Student Council, kasama ang mag-aaral ng College of Law, at iba’t ibang organisasyon at ubos-lakas na pwersa ng kabataan na mag-aaral ng West Visayas State University ay nananawagan sa administrasyon ng pang-akademikong institusyon na sumama sa pagtindig laban sa pagbibigay ng oportunidad sa mga Marcos - at kay Ginang Lisa Aranate Marcos  - na makapag turo sa kolehiyo.

Ang panawagan ng mga mag-aaral ngayon ay katiyakan ng isang #LigtasNaBalikEskwela, konkretong mga plano sa muling pagbubukas ng pamantasan at taong panuruan. Tutulan ang pagkuha kay Ginang Araneta-Marcos bilang part-time na miyembro ng kagawaran ng WVSU College of Law!

#NeverForget
#NeverAgain
#MarcosNotWelcome
#RejectAndResist


Sign in to Google to save your progress. Learn more
Email *
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This form was created inside of West Visayas State University. Report Abuse