Isulong ang laban ng ating panahon at itatag ang nagkakaisang hanay para sa pagbabago ng sistema laban sa Neoliberal na Globalisasyon!

Sign-on statement

Pahayag ng Magkasanib na Pwersa ng Manggagawa para sa Mayo Uno ng International Peoples Front (IPF), Asia Pacific Research Network (APRN), International Migrants Alliance (IMA), International League for Peoples Struggle (ILPS), People Over Profit (POP) at WORKINS.

Nasa gitna tayo ng pinakamalalang krisis sa ekonomiya ng ating panahon. Daan-daang milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho at kita sa panahon ng COVID-19, at ang mga suliranin ay nanatili sa atin. Maraming manggagawa ang naging bahagi ng precariat, dahil sa pandemya ng COVID-19 kung saan nagsara ang maraming negosyo at pabrika, nagtulak sa marami sa atin na maghanap ng trabahong hindi ligtas at mababang ang sahod upang may pangkain. Naging kalakaran na ang mga walang kaseguruhan at mahabang oras ng pagtatrabaho, na nagtutulak sa mga manggagawa sa bingit.

Ang gutom, kahirapan, at kawalan ng kabuhayan ay rumaragasa sa mga bansa ng Global South. Ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa Africa, Asia-Pacific, at Latin America ay hindi nakakatanggap ng mga pangunahing serbisyong panlipunan, kasama na ang tamang pangangalaga sa kalusugan, habang ipinapatupad ng kanilang gobyerno ang mga mapanganib na pagtitipid upang makapagbayad ng utang sa mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi. Ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at komoditi ay nasa lahat ng dako, kasama na ang mga ekonomiya sa Global North, kung saan patuloy na hinaharap ng mga manggagawa ang mga austerity measures, mga reporma sa pensyon, at mga pagkaltas sa trabaho at kita. Ang mga manggagawa at ang kanilang mga batayang karapatan ay nasa ilalim ng atake ng malalaking kapitalista at ng kanilang mga tagasuporta sa estado. Ang mga pagpatay, pagdukot, at pag-uusig sa mga manggagawa ay walang habas, at buong laya ang karahasan na ginagawa ng mga employer at mga ahente ng estado laban sa mga manggagawa.

Ang pinakamasamang panahon para sa atin ay yaon namang pinakamagandang pagkakataon para sa malalaking kapitalista at kanilang mga estado. Nakakalula ang bilang ng mga bilyonaryong nabuo sa panahon ng COVID-19, kung saan ang pinakamayamang 1% ay may hawak ng 2/3 ng global na kayamanan na nalikha. Ipinalabas ng isang ulat mula sa Oxfam na 95 kumpanya sa pagkain at enerhiya ay nakakuha ng doble o higit pa sa kanilang kita noong 2022, na may $306 bilyon na windfall profits. Patuloy na kumikita ng super-ganansya ang mga korporasyon ng Big Tech, Big Pharma, at Big Finance, kasama na ang mga Military-Industrial Complex na tulad ng Northrop Grumman, Raytheon, at Lockheed Martin na kumikita sa mga profit mula sa giyera sa Russia-Ukraine. Ang halaga ng kanilang mga stocks ay tumataas mula nang mag-umpisa ang giyera sa Russia-Ukraine. Nakapag-ulat ang media na nakuha ng Lockheed Martin ang $521 milyong kontrata sa militar, habang ang Raytheon ay pumirma ng $1.2 bilyong kontrata upang gumawa ng mga missile.[1]

Ang International Financing Institutions (IFIs), na sinusuportahan ng mayayamang ekonomiya at malalaking kapitalista, ay patuloy na nagpapahirap sa Global South sa pamamagitan ng mga mapanupil na pautang. Ang mga structural adjustment ay ipinapatupad ng IFIs upang lalo pang palalimin ang mga Neoliberal na polisiya sa Global South. Ang kapitalismo at ang malalaking kapitalista ang mga lumikha ng krisis sa ekonomiya na pumipilit sa mga mahihirap na bansa na mangutang upang manatiling nakatayo, at ito ay ang parehong grupo ng global elite na nakikinabang sa pagbabayad ng utang ng Global South.

Ang mga gobyerno ng mga bansa sa Global South ay tagasuporta ng pagkuha ng super-ganansya ng malalaking kapitalista sa pamamagitan ng paglikha at pagpapatupad ng isang paborableng lokal na kapaligiran para sa kanila. Patuloy na ipinapatupad, pinalawak sa sakop, at pinalalim ang mga Neoliberal na polisiya sa kalakalan, pamumuhunan, paggawa, at agrikultura, sa iba't ibang paraan, upang palawakin ang pagsasamantala at pagpapahirap ng malalaking kapitalista sa ekonomiya ng Global South.

Bilang manggagawa ng mundo, ito ang aming mga hiling:

* Gusto namin ng mga disenteng trabaho at hindi lamang mga trabaho. Trabaho na ligtas at may seguridad na nagpapahalaga sa dangal ng paggawa.

* Gusto namin ng pagwawakas ng sapilitang migrasyon. Gusto namin ng mga disenteng trabaho sa sarili naming bansa, upang matigil na ang pangangailangan na maghanap ng trabaho sa labas ng aming bansa.

* Gusto namin ng nakabubuhay na sahod. Sahod na nagbibigay sa aming mga pamilya ng maayos na pamantayan ng pamumuhay at dignidad.

* Gusto namin ng aming mga karapatan upang bumuo ng aming mga organisasyon at unyon. Ang mga karapatang ito ay dapat na pinapatupad at nirerespeto, at anumang hadlang sa pagtatamasa ng mga karapatang ito ay dapat na alisin.

* Gusto namin ng pagwawakas sa mga pleksibleng trabaho. Kami ay mga manggagawa at hindi mga makina at kaya dapat na tratuhin kami nang may dangal.

* Gusto namin na ang mayayaman ay magbayad ng buwis batay sa kanilang kita. Nais namin ng isang progresibong sistema ng pagbubuwis sa mayayaman upang pondohan ang pangangalaga sa kalusugan at social protection para sa lahat.

* Gusto namin ng pagwawakas sa mga austerity measures para pambayad ng utang. Gusto namin na ang mga pandaigdigang institusyon ng pondo at mga pambansang pamahalaan ay tumigil sa pagpapatupad ng mga pagkaltas sa gastusin sa batayang serbosyong panlipunan upang pondohan ang mga pagbabayad ng utang.

* Gusto namin na ang mga tao at ang planeta ay nasa unahan kaysa sa mga interes ng malalaking kapitalista. Gusto namin na ang malalaking kapitalista ay magbawas ng kanilang carbon emissions, itigil ang kanilang paninibasib sa aming likas na yaman, at magbayad para sa pagkasira ng kalikasan na kanilang dinala sa aming mga bansa at planeta.

* Gusto namin ng pagwawakas sa lahat ng mga giyerang agresyon. Gusto namin na wakasan ang mga giyerang ito na sinimulan ng mga mayayamang ekonomiya laban sa mga mahihirap na bansa at mamamayan ng Global South, na naglalayong ng ekonomikong at pampulitikang hegemonya ng malalaking kapitalista.

* Gusto namin ng pagwawakas sa mga kartel at monopoliyo. Ang mga kartel at monopoliyo ay mga kasangkapan ng malalaking kapitalista upang mapabilis ang paghigop kayamanan tungo sa iilan lamang.

* Gusto namin ng isang trade agenda mula at para sa mga mamamayan. Ang pandaigdigang kalakalan ay dapat na pamahalaan nang may pantay na pakikitungo at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga tao at planeta.

Nanunumpa kami na itataas ang aming paglaban sa Neoliberal Globalization at kumilos para sa pagbabago ng sistemang magtatanggal sa mga salot para sa mga manggagawa. Itataas namin ang aming militante na pakikibaka at palalakasin ang pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagtatayo ng nagkakaisang hanay ng lahat ng manggagawa laban sa Neoliberal Globalization at sa malalaking kapitalista. Itatayo namin ang mga platapormang ito para sa pagkakaisa ng lahat ng manggagawa, kabilang ang mga manggagawang host at migranteng manggagawa, walang trabaho, organisado, di-organisado, nasa bahay, nasa pabrika, nasa bukid, at nasa dagat upang labanan ang Neoliberal Globalization, mula sa global hanggang sa lokal na antas.

Ang mga platapormang ito ng nagkakaisang hanay ay magbibigay pansin sa lahat ng mga alalahanin ng mga manggagawa at magtutulungan upang tugunan ang mga ito. Ang mga plataporma ay itatatag sa lahat ng antas, magiging sentro ng koordinasyon ng mga aksyon ng manggagawa, at paaralan ng mga manggagawa upang maunawaan ang Neoliberal Globalization at ang iba't ibang manipestasyon nito sa aming mga buhay.

Isang daan at tatlumpung anim na taon na ang lumipas mula sa mga demonstrasyon ng mga manggagawa sa Haymarket, pinagmulan ng Pandaiggigang Araw ng Paggawa, ngunit ang mga manggagawa ay hindi mas maganda ngayon, kundi mas masahol pa kumpara sa ating mga ninuno. Ang mga malalaking kapitalista at mga tradisyunalistang laging nagtatangka na papurulin ang kahulugan ng Pandaiggigang Araw ng Paggawa upang ilayo ang mga manggagawa sa pakikibaka. Kailangan nating ibalik ang Pandaiggigang Araw ng Paggawa at itanghal na kung ano man ang meron ang mga manggagawa ngayon ay nakamit sa pamamagitan ng walang humpay na pakikibaka ng mga nauna sa atin.

Dapat tayong magkapit-bisig at itaguyod ang ating mga panawagan laban sa Neoliberal Globalization. Tanging ang nagkakaisa, mulat, militante na hanay ng mga manggagawa ang makakatayo laban sa Neoliberal Globalization at makakamit ng mga tagumpay tungo sa pagbabago ng sistema.

Isulong ang laban ng ating panahon! Itaas natin ang antas ng ating militanteng pakikibaka sa bagong antas at itatag natin ang ating komon na hanay laban sa Neoliberal Globalization! Lumaban para sa pagbabago ng sistema at sulong sa tagumpay!

Pangalan *
Email *
Organisasyon *
Komento/suhestiyon
Submit
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This content is neither created nor endorsed by Google. Report Abuse - Terms of Service - Privacy Policy