ULAT NG MGA INSIDENTE NA ANTI-ASIAN
Ang paglaganap ng Coronavirus ay nagdulot ng pagtaas ng mga hindi kanais-nais na sentimiyento, pangyayari at pagkilos na laban sa mga ASIAN. Kapag ibinahagi mo ang anumang insidente na nangyari sa iyo, ito ay makatutulong sa AAF na masubaybayan ang mga ganitong pangyayari na may diskriminasyon sa buong tri-state upang mas mahusay nating maitaguyod ang kaligtasan ng ating komunidad at mas palakasin pa ang ating tugon sa mga krimen na katulad nito.
Kung ikaw ay nakaranas ng pisikal na pang aatake at pagbabanta, masasakit na salita at pangbabantang berbal, hindi pinahintulutang pumasok sa mga establisyimento o sumakay sa mga pampublikong transportasyon, diskriminasyon sa lugar na pinagtratrabahuan, pangingilag o pag-iwas na lumapit saiyo, o iba pang anyo ng diskriminasyon ay maaaring ipaalam sa amin ang inyong kuwento. Hindi namin ibabahagi ang inyong personal na impormasyon sa mga kinauukulan o sa imigrasyon man. Ang pagbabahagi mo ay hindi maglalagay saiyo sa kapahamakan tulad ng deportasyon at hindi rin ito makaka-apekto sa inyong kakayahan na makapag-apply ng green card o citizenship.
Maaari mong hindi banggitin ang iyong pangalan sa pagbabahagi ng iyong kuwento. Lahat ng personal na impormasyon ay pananatilihing konpidensiyal maliban na lamang kung may malinaw na pahintulot mula saiyo. Nagpapasalamat kami sa iyong lakas ng loob sa pagbabahagi mo ng iyong kuwento upang magbigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa iba pa. Mangyaring ilarawan ang mga detalye ng pangyayari sa form na ito.