[PINALAWIG NA DEDLAYN: 8 OKTUBRE 2022] Panawagan sa Abstrak (Panel o Symposium): Ika-46 na Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
*Ang submission module na ito ay para sa mga panel o symposium. Para sa individual paper presenters, tumungo sa link na ito: https://tinyurl.com/pksp46papel

Para makapagpasumite ng symposium, kinakailangan ang sumusunod:

-Maikling paglalarawan sa lalamanin ng symposium (200-250 salita) na hinihingi sa unang seksiyon ng form
-Abstrak ng 3-4 na papel na kalahok sa symposium (350-500 salita) na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Pangalan, kurso, at institusyon ng mga may-akda na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Uri ng proyektong ilalahad na pipiliin sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Mga hakbang para siguraduhing etikal ang pagsasagawa ng pananaliksik o programa na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Iba pang impormasyon tungkol sa pananaliksik/proyekto na hindi nabanggit sa abstrak pero sa tingin ng (mga) may-akda ay makakatulong sa pagtatasa nito na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
Sign in to Google to save your progress. Learn more
Email *
SP bilang Mapagpabagong-Isip
24-26 Nobyembre 2022
Online


Inihahandog ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at Pamantasang Ateneo de Davao ang ika-46 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na may temang “SP bilang Mapagpabagong-Isip.” Itinatampok sa temang ito ang isa sa mga paninindigan ng Sikolohiyang Pilipino sa pagtatamo ng ‘isang tunay na malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip na Sikolohiya’ (Enriquez, 1986).

Mga Layunin ng Kumperensiya

Sa pangkalahatan, nilalayon ng kumperensiya na:

1. matalakay ang mga karanasan, hamon, at paggigiit ng katotohanan sa iba't ibang larangan (akademya, politika, kulturang popular, atbp.)
2. masuri ng kahulugan at kahalagahan ng SP bilang sikolohiyang ng pagbabagong-isip tungo sa pagtataguyod ng katotohanan sa kontekstong Pilipino;
3. magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
4. magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.

Inaanyayahan ang lahat ng may pananaliksik na kaugnay ng  paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.  

PINALAWIG NA DEDLAYN: 8 OKTUBRE 2022

PAALALA: Huwag gumamit ng ALL CAPS sa pagsagot ng form.
Ipinagtitibay ko ang aking pagsang-ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
Ang proyektong bubuo ng panel/symposium ay umaayon sa mahigpit na pamantayang etikal (hal. walang naganap na anomang panlilinlang, pananamantala o pang-aagrabyado sa sinomang nakasama sa proyekto). *
Sakaling may kasamang awtor na estudyanteng di-gradwado o gradwado sa mga ilalahad, naninindigan ang mga pangunahing maglalahad na may aktibo silang papel sa pagbuo ng pananaliksik. *
Pamagat ng Panel/Symposium *
Maikling paglalarawan sa lalamanin ng panel/symposium (200-250 salita) *
Pangalan ng Convenor ng Panel/Symposium *
(hal.  Virgilio G. Enriquez)
Kurso o pinakamataas na antas na natapos ng Convenor *
(hal. Ph.D. in Psychology)
Institusyong Kinabibilangan ng Convenor *
(hal.  May-aykda 1: Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Adres ng Email ng Convenor *
Numero ng Telepono/Cellphone ng Convenor *
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This content is neither created nor endorsed by Google. - Terms of Service - Privacy Policy

Does this form look suspicious? Report