Ang boluntaryong pagbibigay ng dugo ay ang kusang-loob na pag-aalay ng dugo nang walang kapalit na bayad o kabayaran. Isa itong makataong gawain na layuning tumulong sa kapwa, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo lalong lalo na sa ating kapwa Pasigueno na biktima ng aksidente, may malalang karamdaman, o sumasailalim sa operasyon at kasalukuyang nka admit sa ating pang gobyernong ospital tulad ng PCGH, PCCH at RMC. Ang mga boluntaryong donor ang itinuturing na pinakaligtas na pinagkukunan ng dugo dahil sila ay nagbibigay mula sa puso at tapat sa kanilang kalusugan. Sa simpleng hakbang na ito, maaari kang makapagligtas ng buhay. at itinuturing na BAYANI sa mkabagong panahon