MODYUL 1 MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG WIKANG FILIPINO (Outline and Reviewer)

1.         Pilipinong linggwist na si Consuelo Paz (2003)

 

ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog na ginagamit ng mga tao sa loob ng isang komunidad para sa komunikasyon.

 

2.     Sistematiko, malikhain, at patuloy na nagbabago ang wika

 

3.     Mayroon itong iba’t ibang anyo at gamit.

 

4.     Nagtataglay ang wika ng gramatika

 

5.     Gramatika

 

A.        Depinisyon

Gramatika, o ang sistema ng mga pamantayan kung paano nakabubuo ng mga pangungusap sa isang wika.

 

B.        Hati ng gramatika

 

Nahahati ang gramatika sa ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantics

 

C.        Ponetika

Nakatuon ang ponetika sa artikulasyon ng mga tunog, inaaral dito ang katangian ng iba’t ibang tunog at kung paano binibigkas ang bawat isa.

 

D.        Ponolohiya

a.       Tinatalakay sa ponolohiya ang pagsasaayos ng mga makabuluhang tunog o ponema. Bunga nito, nakabubuo ng pantig o silabol sa wika.

 

b.       Kalimitang binubuo ng isang katinig at isang patinig ang batayang istruktura ng pantig sa wikang Filipino ngunit posible rin naman ang pagkakaroon ng mga klaster o dalawang magkasunod na katinig para sa ibang mga salitang-hiram.

 

E.        Morpolohiya

 

a.       Sa morpolohiya naman tinatalakay ang pagbuo ng mga salita, mula sa pagsasama-sama ng mga pantig.

 

b.       Tinatawag na morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan, katulad ng mga salitang-ugat, gayundin ng mga panlapi.

 

 

F.        Sintaks

Pagbuo ng pangungusap ang binibigyang-pansin sa sintaks, mula sa mga bahagi nito hanggang sa pagpapalawak ng mga ito.

 

G.   Semantiks

may kinalaman sa pagbibigay-interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap ang semantiks na siyang mahalaga sa higit pang ikatatagumpay ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga gumagamit ng wika.

 

H.        Ayon kay Chomsky (1965), makikita ang pagkamalikhain ng wika sa kakayahan ng mga taong gamitin ito sa pagpapahayag ng kanilang mga iniisip, nararamdaman, at nararanasan, isang natatangi na kakayahang nasa mga tao lamang at wala sa ibang nilalang. Patuloy ang pagbabago sa isang buhay na wika.

 

I.          Maaaring magbago ang pagpapakahulugan, pagbigkas o maging pagbaybay sa mga salita habang lumilipas ang panahon.

 

J.         Nagkakaroon din ng mga dagdag na salita sa isang wika dahil may pangangailangan para sa mga ito, at bunga na rin ng modernisasyon at pag-unlad ng teknolohiya

 

K.        Walang buhay na wika ang hindi nanghihiram sa iba pang wika, isa lamang ito sa mga patunay ng pagiging dinamiko nito.

 

6.     Layunin ng Pagkatuto

A.         Makakatukoy ng mga gamit at anyo ng wika;

B.        Makapagpaliwanag ng mga batayang konsepto sa wika;

C.        Makapagpalalim ng kaalaman hinggil sa batayang konsepto sa wika.

 

7.         Maaaring magamit ang una at/o ikalawang wika ng isang indibidwal bilang wikang panturo, wikang opisyal, wikang pambansa, at lingua franca sa loob ng isang lipunan.

 

8.         Bernakular-Unang wika

 

Bawat tao ay may kinalakihang wika, ito ang tinatawag na unang wika o bernakular.

 

9.         Ikalawang wika-Lingua Franca

Anumang wika na natutunan matapos nito ang tinatawag na ikalawang wika. Sa kaso ng wikang Filipino, ginagamit ito bilang wikang panturo, wikang opisyal, wikang pambansa at lingua franca/linggwa frangka.

 

10. Varayti ng Wika

May iba’t ibang anyo o varayti din ang wika, ang dayalek, sosyolek, idyolek at register.

Wikang Panturo, Wikang Opisyal, Wikang Pambansa at Lingua Franca

11. Wikang Panturo

ang wikang panturo ang ginagamit sa pagtuturo sa pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan

 

12. Wikang Opisyal

A.        Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa anumang opisyal na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno.

 

B.        Batay sa Konstitusyon ng Pilipinas, wikang Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal.

 

13. Pambansang Sagisag

Nagsisilbing pambansang sagisag naman ang wikang pambansa ng isang bansa tulad ng Pilipinas

 

14. linggwa frangka,

A.          Depinisyon

 ito ang wikang komon na sinasalita ng mga taong may magkaibang katutubo o unang wika

 

B.           rehiyonal at pambansang lingua frangka

a.           rehiyonal na lingua franca

Sa hilaga ng Luzon, Ilokano ang ginagamit na linggwa frangka habang Tagalog naman ang sinasalita sa gitna at timog ng Luzon. Sa Visayas naman, wikang Cebuano at Hiligaynon ang nagsisilbing linggwa frangka ng mga tao sa rehiyon ng Kabisayaan. Sa Mindanao, wikang Cebuano (na tinatawag ding Bisaya) at Tausug ang ginagamit na komon na wika ng mga Pilipinong nakatira sa rehiyon na iyon.

 

b.          Pambansang linggwa frangka

Ngunit ang isang katutubong Pilipino, anuman ang rehiyon na kaniyang pinanggalingan, na pupunta sa ibang rehiyon sa bansa ay maaaring makipag-usap sa kapwa Pilipino na may ibang katutubong wika, gamit ang pambansang lingua franca na Filipino.

 

15. Varayti ng Wika

A.      Dayalek ang tawag sa heograpikal na varayti ng wika

 

B.      sosyolek naman ang varayti ng wika batay sa kasarian, edad, trabaho at iba pang panlipunang salik.

 

C.      Halimbawa ng Dayalik

Landi ng tubig- maglaro ng tubig (Quezon)

 

Landi- may kinalaman sa pakikipagrelasyon (Bulacan)

 

Mag-urong ka na

-Maghugas ka na (Bulacan)

 

Iurong mo ang silya rito.

-Paglipat ng posisyon at espasyo (Maynila)

 

Nakain ka na ga? (Batangas)

Kumain ka na ba? (Bulacan)

 

mga dayalek ng wikang Tagalog ang Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan at Tagalog-Quezon.

 

D.          Magkaibang wika ang Tagalog at Bisaya

 

E.           Magkaiba ang gramatika ng Tagalog, Bisaya, Ilokano, at Tausug kaya maling tawagin na mga dayalek ang mga ito, wika ang lahat ng mga nabanggit at nagtataglay ng iba’t ibang dayalek sa ilalim nila tulad ng Bisaya-Siquijor, Bisaya-Davao, Bisaya-Cagayan de Oro, Ilokano-Ilocos Norte, Ilokano-Ilocos Sur, Ilokano-La Union, Tausug-Basilan, Tausug-Tawi-tawi at Tausug-Sulu.

 

F.           Halimbawa ng Sosyolek

 

a.         Jejemon- ginamit nila sa pagte-text sa cellphone at maging sa social media.

b.         datkilab o mga baliktad na salita tulad ng lodi at werpa na una nang ginawa ng mga kabataan noong dekada sisenta at otsenta kaya may mga salitang jeproks, ermat, erpat at dehins

c.         Kilala naman sa mga katawagang swardspeak, gay lingo, bekimon at bekinese ang sosyolek ng mga bakla na kilala sa paggamit ng mga malikhaing salita at parirala tulad ng Haggardo Versoza, pak ganern, shunga at itech.

d.        Idyolek

1.         Idyolek naman ang tawag sa varayti ng wika na yunik sa bawat indibidwal.

 

2.         Kung paano ka magsalita, iyon ang idyolek mo.Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat tao na dala ng kanyang kasarian, edad, trabaho, uring pinanggalingan at iba pang mga panlipunang salik.

 

e.         Register

Nagbabago din ang anyo ng wika batay sa sitwasyon na kinakaharap ng nagsasalita, tinatawag itong register. Nag-iiba ang paggamit ng wika sa bahay, paaralan, hospital, simbahan, opisina at iba pang lugar, konteksto at taong kausap.

 

16. Hindi lamang sinasalitang tunog ang saklaw ng wika bagkus kabilang din dito ang mga di-berbal na simbolo.

 

17. Albert Mehrabian- Di- berbal na komunikasyon

Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian (1971), 93 porsyento ng mga mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay nagmumula sa di-berbal na komunikasyon. Ilan sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon ang kilos o galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, kumpas, panahon, oras, tindig, kapaligiran at marami pang iba.

18.Anyo ng di-berbal na komunikasyon

Batay sa bidyo, ang mga anyo ng di-berbal na komunikasyon ay Kinesika, Proksemika, Kronemika, Haptiks, Bokaliks, Paralanguage, Aykoniks, Olpaktoriks, Kulay, Pananamit, Katahimikan, Kapaligiran, at marami pang iba.

19.Pahiwatig

Pahiwatig ay tumutukoy sa isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na hindi man tuwirang ipinaaabot ay nababatid naman sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam o ng mga berbal at di-berbal na palatandaan.

 

20. Maggay (2002)

A. Pagyuko

magsaad ng paggalang, pagkahiya, pagkalungkot o pag-iisip nang malalim ang pagtungo o pagyuko; pagkahiya, pagkainis, o

B.Pagkamot ng ulo

hindi pagkaunawa naman ang isinasaaad ng pagkamot sa ulo

 

C. Pag-usli ng nguso

pagtaas ng ulo kasabay ng pag-usli ng nguso, isa itong paraan ng pagtuturo sa posisyon o kinalaagyan ng isang bagay.

D. Pagmamano

Nagpapakita naman ng paggalang ang ginagawang pagmamano sa mga nakatatanda,

E.Nagkibit-balikat

Kung ang isang tao ay nagkibit-balikat, nagpapakita ito ng pagwawalang-bahala.

F.Pagtaas ng hinlalaki

Pagsang-ayon ang isinasaad ng pagtaas ng hinlalaki

G.Paglalahad ng kamay

ang paglalahad naman ng palad ay maaaring mangahulugan ng panghihingi

H.Pagtaas ng kamay

ang pagtaas ng isang kamay ay nagsasaad ng pagkaway o kaya’y kung may nais sabihin ang isang tao

I.Hindi basta-basta ginagawa ang paghawak, paghalik, o pagyakap sa kahit kanino lamang, sa halip ay sa mga taong mas malapit sa atin.

J. Boses

Nalalaman din natin ang damdaming nais iparating ng isang tao batay sa kanyang boses, kung ito ba ay malakas, mahina, matinis, o mababa.

K.Kulay

a. Puti-iniuugnay ang kulay puti sa pagiging malinis o Dalisay

b.Pula- ay sa katapangan, pag-ibig, o kaya’y sa pagiging masuwerteng kulay