Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Palawan
Coron Inland District
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL
Grades 1 to 12 Daily Lesson Log | School | Guadalupe Elementary School | Grade Level | III | |||||
Teacher | Arian P. de Guzman | Learning Area | MAPEH | ||||||
Teaching Dates | Week 4-November28-December 2, 2022 | Quarter | 2nd | ||||||
DAY | MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY | ||||
I. LAYUNIN | |||||||||
| Demonstrates understanding of the basic concepts of melody | The learner demonstrates understanding of lines, textures, shapes and balance of size, contrast of texture through drawing | The learner demonstrates understanding of locations, directions, levels, pathways and planes | The learner demonstrates an understanding of the nature of and the prevention of diseases | |||||
| Sings the melody of a song with accurate pitch | The learner creates an artwork of people in the province/region on-thespot sketching of plants, trees and building and geometric line designs applies knowledge of planes in a landscape (foreground, middle ground and background) in painting a landscape | The learner performs movements accurately involving locations, directions, levels, pathways and planes. | The learner consistently practices healthy habits to prevent and control diseases | |||||
| 1. Naunawaan ang mga bahagi ng awitin; 2. Nakilala ang simula, gitna, katapusan at inuulit na bahagi ng isang awit (MU3FO-IId-1); at 3. Natutukoy ang melodic line ng isang awitin. | Nakikilala ang detalye ng Still Life sa pagpinta kasama ang elemento at prinsipyo; 1. mahahanay nang wasto ang mga bagay sa pagguhit; at 2. makaguguhit ng mga bagay na parang may buhay na naaayon sa mga hugis, porma, at tekstura ng Still Life. A3EL-lla | Moves in: a. Personal a general space b. Forward, backward and sideward directions c. High, middle and low levels d. Straight, curve and zigzag pathways e. Diagonal and horizontal planes (P3BM-IIc-h-18); 2. Engages in fun and enjoyable physical activities (PE3PF-Ia-h-2). | Nasasabi ang kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan upang mapanatiling malusog at masigla ang pangangatawan laban sa sakit (H3DD-IIh-7). | Learners answer the assessment with 80% accuracy. | ||||
II. Nilalaman | |||||||||
III. KAGAMITANG PANTURO | |||||||||
| |||||||||
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro | |||||||||
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral | |||||||||
3. Mga Pahina sa Teksbuk | |||||||||
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | Modyul 4 | Modyul 4 | Modyul 2 Aralin 2 | Modyul 4 | |||||
B. Iba pang Kagamitang Panturo | charts | charts | charts | Worksheets | |||||
IV. PAMAMARAAN | |||||||||
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. | Balikan natin ang nakaraang aralin na direksiyon ng himig. Dito natin nalaman ang iba’t ibang hugis ng mga linya ng musika. May mga linya na hugis bundok, patag, at paalon. Ganyan din ang galaw ng himig, maaari itong bumaba o manatili lamang. | Nakagawa ka na ba ng landscape? Ang mga landscape ay gawa sa sining na nagtatampok ng mga eksena sa kalikasan. Kabilang dito ang mga bundok, lawa, hardin, ilog, at anumang uri ng magagandang tanawin. Ang mga landscape ay maaaring maging kuwadrong gawa sa langis, watercolor , pastel o mga kopya ng anumang uri. | Pag-aralan ang sumusunod na larawan at isulat ang W kung wasto ang isinasaad sa pangungusap o parirala at HW kung hindi wasto ang direksyon na ipinakita ng kilos. ______ 1. Pakanang pagtutulak. ______ 2. Pag-ikot nang pakanan/pakaliwa. ______ 3. Pag-unat ng katawan paharap. | Balikan nating muli ang mga natutuhan mo sa nakaraang modyul. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Paano maiwasan ang pangkaraniwang sakit? | Music Panuto: Pagmasdan at pag-aralang maigi ang awiting “Twinkle, Twinkle Little Star” at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ilan ang melodic line ng awiting ito? a. dalawa b. lima c. tatlo d. anim 2. Ang melodic line na nagsasabing “Like a diamond in the sky” ay napabilang sa aling bahagi? a. Simula b. Katapusan c. Gitna d. Wala sa lahat 3. Aling bahagi ng melodic line ang kabilang sa simulang bahagi ng awiting ito? a. Up above the world so high, like a diamond in the sky b. Twinkle, twinkle little star, how I wonder what you are c. Parehong a at b d. Wala sa lahat 4. Ito ay may simula, gitna, katapusan at inuulit na bahagi at nakabubuo ng kaisipang pangmusikal. a. awit b. tula c. kwento d. wala sa nabanggit 5. Saang bahagi ng awitin ang inuulit? a. unang linya at ikalawang linya b. ikalawang linya at ikatlong linya c. unang linya at ikatlong linya d. Wala sa nabanggit Arts Lagyan ng tsek (/) ang patlang sa tapat ng bilang kung ang guhit ay naaayon sa Still Life at ekis (X) naman kung hindi. PE Paghambingin ang mga kilos sa hanay A sa kanilang tamang kahulugan sa hanay B. A 1. ___ ito ay ang pagpihit ng parte ng katawan tulad ng leeg, bewang at ang kasukasuan or joints pakanan o pakaliwa, paaharap o patalikod. 2. ___ ito ang kilos ng katawan na ginagamit ang ating kamay at braso sa paglipat ng posisyon mula kanan-kaliwa o harap papuntang likod. 3. ___ ito ay kilos na kung saan ang mga kamay ay nakalambitin sa isang kahoy o bagay na gumagalaw paharap/paabante at paatras. 4. ___ ito ay ang paglipat ng bigat ng katawan mula kanan papuntang kaliwa. 5. ___ ay ang patuloy na paghahakbang na nakatayo lamang ng matuwid. B a. Galloping b. Stretching c. Swaying d. Swinging e. Twisting f. Walking Health Isulat ang Tama sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pangangalaga sa kalusugan at Mali kung hindi. ________1. Hindi naliligo araw-araw. ________2. Maging negatibo sa pang araw-araw na buhay. ________3. Nag-eehersisyo araw-araw. ________4. Kumakain ng mga gulay at prutas ________ 5. Hindi tayo iiwas sa mga taong may sakit | ||||
b. Pagganyak o Paghahabi sa layunin ng aralin/Motivation | Ang isang awitin ay may simula, gitna, katapusan at inuulit na bahagi. Sa melodic lines matatagpuan ang mga bahaging ito. Subukan nating awitin ang “Do, Re, Mi Song” at ating alamin ang simula, gitna at katapusan ng awit. Kung hindi mo alam kantahin ito ay basahin mo na lamang ang liriko ng awit. Handa ka na ba? | Tingnan mong mabuti ang dalawang larawan at paghambingin mo kung alin ang mas maganda. Ipinapakita sa Larawan A ang paraan ng pagpinta ng isang landscape habang ipinapakita naman sa Larawan B ang pagkakaguhit ng isang Still Life | Action Song | Ang pagiging malinis ay mahalaga para sa kalusugan ng isang tao. Narito ang mga larawan. ∙ Ano-ano ang kanilang ginagawa? ∙ Bakit kailangan nila itong gawin sa kanilang sarili? ∙ Tama ba ang kanilang ginagawa? Bakit? Ang mga larawan na iyan ay nagpapakita ng mga paraan sa pangangalaga ng tamang kalinisan sa ating katawan upang maging malusog at malinis ang ating pangangatawan | |||||
C. Paglalahad o Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. | Ang awit ay may simula, gitna, katapusan at inuulit na bumubuo ng isang kaisipang pangmusika. Suriin ang mga awiting “Up and Down” at Bagbagto. Mahahanap mo kaya ang simula, gitna, katapusan at inuulit na bahagi sa mga melodic lines ng mga awiting ito? | Ang Still Life na pagpipinta ay nagpapakita ng bagong pananaw sa mga ordinaryong bagay na nasa ating paligid. Ang mga bagay katulad ng prutas, bulaklak, at sanga ng kahoy ay iilan sa mga halimbawa ng iipinta sa Still Life. Ito ay nakalagay o nakahanay sa magandang pagkakayos, o pagpakakapatung-patong o block. | Ang ating katawan ay nakagagawa ng iba’t-ibang kilos o galaw sa malawak na lugar o general space. Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng iba’t-ibang kilos na locomotor o lokomotibo na ginagawa sa “general space” sa iba’t-ibang direksyon. Mga kilos sa malawak/maluwang na lugar (General space) locomotor ay maaaring isagawa sa ninanais na direksyon, maaaring paharap/paabante, patalikod/paatras at pakaliwa/pakanan. 1. Walking (paglalakad) - Ang paglalakad ay ang patuloy na paghakbang na nakatayo lamang ng matuwid. Maaaring gawin nang paabante, paatras, pakanan o pakaliwa ang paglalakad. | Ang tamang kalinisan ay mahalaga sa bawat araw nating ginagawa sa ating buhay. May mga paraan na dapat sundin kung tayo ay naglilinis sa ating katawan o sa mga pagkaing kinakain natin araw-araw. Narito ang mga dahilan kung bakit mahalagang maging malinis tayo sa ating katawan at pataasin ang resistensya. 1. Makakaiwas tayo sa pagkakaroon ng sakit. 2. Maiiwasan natin ang pagkakalat ng sakit sa ating kapwa. 3. Mas lalong dadami ang ating kaibigan at kalaro. 4. Magiging kaaya-aya sa paningin ng kapwa. 5. Magiging positibo, masigla at masaya tayo sa pang araw-araw na buhay. 6. Mas aktibo at masigla sa pag-aaral. | |||||
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng isang musical piece. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga ito. Sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Anong bahagi ng awitin ang nasa ikaapat na linya? a. Simula c. Gitna b. Katapusan d. Wala sa lahat 2. Anong melodic line ang nasa unang bahagi ng kanta? a. Tayo’y umaawit, awiting kay ganda b. Tayo’y umiindak sa himig kay sigla c. Ha ha ha ha lahat maligaya d. Wala sa lahat | Tingnan mo ang isang basket na lalagyan ng prutas. Subukin mong iguhit ito sa isang coupon bond. Lagyan ng mga prutas na nakaayos sa pagkapatung-patong ayon sa kanilang kulay, hugis, at tekstura. Upang magkaroon ng buhay, ilapat ang mga natutunang mga paraan sa pagkukulay. Maayos mo bang naipinta ang larawan ng basket at mga prutas? Kung Oo ang iyong sagot, ikaw ay nakabuo ng isang Still Life. | Gawin ang mga kilos na ipinapakita sa larawan sa loob ng walong bilang at isulat ang tamang direksyon na isinasaad nito. Isulat ang sagot sa malinis na papel. | Upang makamtan ang benepisyo ng mabuti at maayos na kalusugan, narito ang ilang bagay na dapat ginagawa ng batang katulad mo. ∙ Maligo araw-araw at siguraduhin na malinis ang bawat parte ng ating katawan. ∙ Sa pagluluto ng pagkain kailangan linising mabuti ang pinamiling pagkain bago ito lulutuin para maiwasan ang dalang mikrobyo nito | |||||
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Igalaw ang katawan habang inaawit ang “Ako ay may Lobo” upang maipakita ng simula, gitna at katapusan ng awit. Ipadyak ang mga paa kung simula, ipalakpak ang mga kamay kung nasa gitna at tumalon kung nasa katapusang bahagi ng awit. | Gawain 2: Pagpinta ng Still Life base sa imahinasyon Magpinta ng isang Still Life gamit ang iba’t ibang mga prutas na paboritong kainin ng iyong pamilya. Ayusin ang mga ito sa isang lalagyang mayroon kayo sa inyong bahay. Kulayan din ang mga ito upang kaaya-ayang tingnan. Maaari mo ring gamitin ang rubrik sa itaas upang bigyang puntos ang iyong naipintang larawan. | Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap M naman kung ito ay mali. Gawin ang tamang kilos sa loob ng apat hanggang walong bilang o 8 counts. 1. ___ Lumulukso-lukso o naghahop ng nasa tagiliran ang mga kamay o sideward position. 2. ____Siya ay naglalakad nang paurong o paatras. | ||||||
F. Paglinang sa Kabihasaan tungo sa Formative Assessment (Independent Practice) | Suriing mabuti ang musical piece sa ibaba. Isulat ang lyrics sa simula, gitna, katapusan at inuulit na bahagi sa puwang na ibinigay sa ibaba ng musical piece. | Subukin mong magpinta ng isang Still Life gamit ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. Panuto: 1.Tingnan ang mga prutas sa kahon. 2. Iguhit ito nang maayos sa sulatang papel o bond paper ayon sa kanilang kulay, hugis, at tekstura gamit ang lapis, pinta, o watercolor. 3. Para ito ay mabigyang buhay, gumamit ng mga kulay. 4. Para maging maaliwalas, dagdagan ng kulay puti ang iyong napiling kulay gamit ang brush-wire. 5. Para maging kaaya-ayang tingnan ang larawan gumamit ng mga kulay na hindi matingkad. 6. Pagkatapos magpinta, patuyuin ito. | Isulat ang titik ng tamang direksyon na isinasaad sa larawan at gawin ang kilos sa loob ng apat hanggang walong bilang. 1. Leaping 2. Hopping | Suriin ang kagamitang pangkalusugan. Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. | |||||
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay | Awitin mo ang “Bahay Kubo” at piliin ang tamang sagot na makikita sa Hanay B at ilagay sa puwang sa Hanay A. Isulat ito sa sagutang papel. | Gayahin at iguhit sa isang maliit na illustration board ang larawang iyong nakikita. Kulayan at bigyang buhay ito gamit ang water color (Primary at Secondary Colors). Bigyan ng puntos ang iyong nalikhang larawan gamit ang rubrik na ito. | Isulat ang tamang direksyon na isinasaad sa larawan at gawin ang kilos sa loob ng apat hanggang walong bilang. | Gawin ang pagsasanay. Sundin lamang ang mga gabay para sa gawain. Panuto: Sa sagutang papel isulat ang iyong sagot, lagyan ng bilang 1- 5 ang patlang sa pagkasunod-sunod ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Ang paraan sa paghuhugas ng kamay: _________ Banlawan nang mabuti ang kamay tapos ito kuskusin ng sabon. _________ Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya. _________ Basain ang mga kamay ng tubig. _________ Kuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng mga daliri, likod ng daliri, mga hinlalaki, dulong mga daliri at gawin ito ng 20 segundo. _________ Maglagay ng sabon sa buong kamay. | |||||
H. Paglalahat ng Aralin Generalization | Lagi mong tandaan ang mga bagay na ito: 1. Ang awit ay binubuo ng simula, gitna, katapusang at inuulit na bahagi. 2. Ang simula, gitna, katapusang at inuulit na bahagi ay makikita sa melodic lines ng awitin. 3. Ginagamit ang repeat marks ( ) upang magsilbing palantandaan ng pag-uulit ng isang bahagi sa awitin o tugtugin. | Ang pagpinta ng Still Life ay isang malikhaing pamamaraan ng pagguhit o pagpinta ng mga bagay na walang buhay na makukuha sa isang pinag-ugatang buhay tulad ng puno. Karaniwang iniaayos ang mga bagay na ito sa isang pagpapatungan. Ito rin ay nagpapakita ng bagong paraan sa paningin ng mga ordinaryong bagay na nasa ating paligid. Sa pagpinta ng Still Life, maipapakita mo kung paano ang pagsasaayos, pagkukulay at pagpapatong ng mga bagay. Halimbawa ng Still Life ay kung ipipinta mo ang mga prutas o mga gulay na naayos sa loob ng lalagyan na ipinapatong sa itaas ng inyong mesa. Kagaya ng nasa larawan at ng ginawa mo kanina. | Ang paggalaw sa sariling lugar o personal space at mas malawak na lugar o general space ay mapapaunlad kung ating isasaalang-alang ang tamang direksyon na pagtutuunan o pangyayarihan ng kilos. Pakatandaan natin na ang direksiyon (direction) ay tumutukoy sa galaw o kilos ng bahagi ng katawan kung ito ba ay paabante o paatras, paurong o patalikod at pakanan o pakaliwa. Mahalagang malaman ng isang mag-aaral ang tamang direksyon na pagtutuunan o pangyayarihan ng kilos para sa wasto at malusog na paggalaw o pagkilos sa panahon ng pageehersisyo at paglalaro. Sa pagsasaalang-alang natin sa mga aspetong ito at paggamit natin sa ating natutunan sa pag-eehersisyo at paglalaro ay tiyak na makakamit natin ang ating layunin na mapanatiling malusog at malakas ang ating pangangatawan. | Narito ang mga dahilan kung bakit mahalagang maging malinis tayo sa ating katawan at pataasin ang resistensya. 1. Makakaiwas tayo sa pagkakaroon ng sakit. 2. Maiiwasan natin ang pagkakalat ng sakit sa ating kapwa. 3. Mas lalong dadami ang ating kaibigan at kalaro. 4. Magiging kaaya-aya sa paningin ng kapwa. 5. Magiging positibo, masigla at masaya tayo sa pang araw-araw na buhay. 6. Mas aktibo at masigla sa pag-aaral. | |||||
I. Pagtataya ng Aralin Evaluation/Assessment | Panuto: Tingnang mabuti ang musical piece na ito. Awitin mo ito sa harap ng iyong mga kapatid o magulang. Hayaan mong sila ang magbigay ng grado sa iyo gamit ang rubriks na nasa ibaba ng musical piece. Tandaan ang mga bahagi na kailangan mong ulitin ang pag-awit. | Iugnay ang mga salita sa Hanay A sa angkop na pagkakalarawan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel. Hanay A 1. Still Life 2. Prutas 3. Naipapakita ng Still Life 4. Nilalagyan ng mga prutas 5. Water Color Hanay B A. Buhay B. Gamit sa pagpinta C. Bagay na halimbawa sa pagpipinta ng Still Life D. Pagpipinta na nagpapakita ng buhay. E. Fruit Tray | Sa iyong sariling lugar o mas malawak na espasyo ay gawin ang sumusunod na kilos non-locomotor at locomotor sa tono ng awiting “Leron, Leron Sinta”. Gawin ang mga kilos nang maayos ayon sa bilang na nakapaloob dito. Ipihit ang ulo (pakanan at pakaliwa) 16 na bilang ∙ Iunat ang ulo pababa 16 na bilang ∙ Iunat ang bewang (pakanan at pakaliwa) 16 na bilang ∙ Itupi ang leeg (pakanan at pakaliwa) 16 na bilang ∙ Iunat ang dalawang kamay sa tagiliran o 16 na bilang Sideward (kaliwa at kanan) ∙ Itupi ang bewang paabante/paharap at 16 na bilang Patalikod o forward and backward | Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. 1. Bakit mahalagang maging tama ang paglilinis ng ating pangangagatawan? a. para maging isang matalinong mag-aaral b. para maging tanyag sa buong klase c. para maging isang maganda d. para malabanan ang iba’t ibang sakit na maaaring dumapo sa ating katawan 2. Ano ang iyong gagamitin sa paglilinis ng kuko? a. nail cutter b. sipilyo c. tuwalya d. suklay 3. Ilang beses tayo magsisipilyo ng ngipin? a. limang beses kada araw b. isang beses kada araw c. sampung beses kada araw d. dalawang beses kada araw 4-5 | |||||
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation | Pagmasdan at unawaing maigi ang musical piece na ito. Isulat ang lyrics ng simula, gitna, katapausan at inuulit na bahagi sa loob ng mga hugis na nasa ibaba. | Basahin ang tula. Kapaligiran Tessie T. Gementiza Kay gandang pagmasdan itong ating kapaligiran Mga punong hitik sa mga bunga Tulad ng saging, bayabas, lansones, rambutan at mangga. Kaya dapat nating pasalamatan ang ating Poong Maykapal Sa mga biyayang kaniyang ibinigay Gawain 1: Pagpinta ng Still Life base sa tulang binasa Magpinta ng isang Still Life gamit ang iba’t ibang mga prutas na nabanggit sa tula. Lagyan ng kulay ang iyong likha upang mas bigyang buhay ito. Gamitin ang rubrik sa ibaba upang bigyang puntos ang iyong naipintang larawan. | Iguhit sa loob ng kahon ang ulap kung ito ay nagsasaad ng tamang kalinisan sa ating katawan, at buwan naman kung ito ay hindi. 1. Ugaliing magbihis ng malinis na damit araw-araw. 2. Huwag gumamit ng sabon kung maliligo. 3. Magsipilyo ng ngipin isang beses sa isang araw. 4. Ugaliing maghugas ng kamay. 5. Palaging marumi ang kamay tuwing kakain. | ||||||
V. MGA TALA | |||||||||
VI. Pagninilay | |||||||||
na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||||||
na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||||||
remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin | |||||||||
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||||||
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? | |||||||||
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? | |||||||||
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? | |||||||||
Prepared by: ARIAN P. DE GUZMAN
Grade 3 Adviser
Noted: PRIMERIA C. ALECTO
School Head