GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | Week 5 | Quarter: | 4th Quarter |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY |
LAYUNIN | Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/binasa Nagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman ang kahulugan | Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap | Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kina Nakasusunod nang wasto sa mga panuto Nakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resources | Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan Nakasusulat ng mga pangungusap sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t isa | Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan Nakasusunod nang wasto sa mga panuto |
Pamantayang Pangnilalaman | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan | Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat | Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat | |
Pamantayan sa Pagganap | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3 | Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3 | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 | Nakasusulat nang may wastong baybay,bantas at mekaniks ng pagsulat F2TA-Oa-j-4 | |
Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan | Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng story grammar F2PS-IVe-6.5 Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugahan(pagbibigay ng halimbawa) F2PT-IVa-d-1.9 | Natutukoy ang suliranin sa nabasang teskto o napanood F2PB-IVe-7 Natutukoy kung paano nagsisiumula at nagtatapos ang isang pangungusap/ talata F2AL-IVe-g-13 | Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon pagbibigay ng reaksyon o komentoF2WG-IVe-1 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng graph F2EP-IVe-h-2.3 | Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng graph F2EP-IVe-h-2.3 Nakabubuo ng isang talata sa pamamagitan ng pagsasamasama ng magkakaugnay na pangu ngusap F2KM-IVc-6 | |
NILALAMAN | Aralin 5 Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa Diyos Pagkilala sa mga Di Pamilyar na mga Salita | Aralin 5 Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa Diyos Ang Simula at Katapusan ng Pangungusap | Aralin 5 Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa Diyos Paggamit ng Pang-ukol na para sa/para kay/kina | Aralin 5 Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa Diyos Paggamit ng Silid-Aklatan | |
KAGAMITANG PANTURO | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | |
Sanggunian | |||||
Mga pahina sa Gabay ng Guro | 162-163 | 162-163 | 163 | 164 | 165 |
Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral | LM in Filipino Yunit 3 pahina437-441,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina441-443,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina 443-446, soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina 447-449, soft copy | |
Mga pahina sa Teksbuk | |||||
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | larawan ng iba’t ibang pook sambahan | ||||
Iba pang Kagamitang Panturo | laptap | laptap | laptap | laptap | |
PAMAMARAAN | |||||
Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina( 437soft copy), Isulat sa sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang pahayag. 1. Ang pang-ukol na para sa ay ginagamit kapag ang pinag-uukulan ng isang bagay o kilos ay hindi tiyak na tao. 2. Ang karanasan natin ay hindi maaaring iugnay sa ating binasa. 3. Kailangang mapanatili ang katahimikan sa loob ng silid-aklatan. 4. Ang pagsunod sa panuto ay makatutulong upang maging tama ang ginagawa. 5. Ang pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra at maaaring nagtatapos sa tuldok, tandang padamdam, o tandang pananong. 6. Higit na magandang pakinggan kung nakabibigkas tayo nang may tamang bilis, ekspresyon, lakas ng boses, at tamang galaw ng katawan. 7. Bumasa nang malakas sa loob ng silid-aklatan upang mahasa sa pagbasa. 8. Kumuha ng aklat kahit walang paalam sa namamahala sa silid-aklatan. 9. Masasagot nang tama ang binasa kung nauunawaan ang binasa. | Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 162 Hayaang magbahagi ang mga bata ng nabasang kuwento o balita sa harap ng klase. Ano ang pakiramdam mob ago/habang/matapos magbahagi sa harap ng klase? | Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 163 Punan ng tamang parirala ang pangungusap: “Ang pagtuturo ng guro ay ________ sa mga kabatang pag-asa ng bayan”. Bakit ganito ang iyong sagot? | Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina164 Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa paggamit ng silid-aklatan. | Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit. Ipaliwanag ang mga panuto. |
Paghahabi sa layunin ng aralin | Tukoy-Alam Magpakita ng isang larawan sa mga bata. Pagawain ang mga bata ng Bilog ng mga Tanong. Pasulatin ang mga bata ng mga tanong na kayang sagutin ng ipinakitang larawan.Isulat ang mga tanong ng pa – spiral. Paglalahad Nakaranas ka na bang tumulong sa kapwa? Ano ang naidulot nito sa iyo? | Paglalahad Anong relihiyon mo? Magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa impormasyong ito. Isulat sa talaan ang makakalap na impormasyon. (Dagdagan pa ito) | Paglalahad Pagmasdan ang kapaligiran. Ano-ano ang napansin ninyo sa paligid? Ano ang pakiramdam mo kung malinis/marumi ang iyong paligid? | Paglalahad Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan. Obserbahan sila kung paano sila gumamit ng mga gamit dito at kung ano-ano ang mga gawi nila sa loob ng silid. Talakayin ang mga naobserbahang gawi at asal ng mga bata sa loob ng silidaklatan. | Pagtataya A. Sumulat sa kabit-kabit na paraan ng isang payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. B. Punan ng tamang pang-ukol na para sa o para kay o para kina ang mga patlang sa loob ng talata. Kayamanan ng Magulang Ang mabubuting bata ay kayamanan 7. _____ kanilang mga magulang. Ipinagmamalaki sila ng kanilang mga nanay at tatay dahil nakalilikha sila ng mabubuting halimbawa 8. ____ kapwa at 9. _____ bayan. Dapat ibigay ang tamang disiplina 10. ___ kabataan na magiging pag-asa ng bayan. 11. ___mga magulang, huwag kayong magsasawang gabayan ang inyong mga anak at dalhin ang mga ito sa tamang landas. B. Basahing mabuti upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napiling sagot. Isang lalaking pulubi ang biglang lumapit kay Tiya Viring habang ito ay abala sa pamimili ng sariwang gulay sa palengke. “Ale, palimos po,” ang sabi ng isang gusgusing pulubi ngunit matipuno ang pangangatawan. Tinitigan ito ni Tiya Viring. Nagdadalawang isip siyang bigyan ito ng pera dahil sa laki ng kaniyang katawan. Tatalikuran na sana ni Tiya Viring ang pulubi nang bigla niyang naalala na dapat samantalahin ang paggawa ng bagay na mabuti sa kapwa. Sa pag-ibig sa kapuwa ay naiibig din natin ang Diyos. |
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Babasahin“” sa pahina438 Ako Ay para sa Iyo Ako ay batang matalino. Nag-iisip at gumagawa ng bagay na matino. Para sa kapwa, para sa iyo, O! Mahal na kamag-aral ko. Tanggapin mo ang lapis na ito. Tulong ko’y maaasahan mo. Kahit ika’y Muslim, O! Mamerto. Dapat tandaan, ilagay sa puso Pag-ibig sa kapwa ay pagmamahal sa Dakilang Lumikha at relihiyong totoo. Ito ang dapat matutuhan ng batang bibo. | sa pahina 441- sa LM“Si Bathala” Si Bathala Si Bathala ay ang Poong Lumikha. Lahat ng mga bagay na makikita natin Sa ating kapaligiran ay Kaniyang regalo sa atin. Siya rin ang nagbigay sa atin ng buhay. Sa pagtitiwala sa Kaniya, tayong mga tao ay pinagpapala. | sa pahina 443-444 Ecosavers para sa Kalikasan Ang Ecosavers ay isang programang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon para sa kapaligiran. Ginawa ito upang turuan ang mga bata na magmalasakit sa kalikasan para sa ikagaganda ng paligid, at para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Bahagi ng programang ito ang paglimita sa paggamit ng plastik, pagre-recycle ng mga bagay-bagay, at pagtatanim ng mga halaman at puno sa paligid at paaralan. Ilan lamang ito sa mga ginagawa sa programang Ecosavers para sa pagpapabuti ng ating kalikasan upang mabuhay tayo nang masigla at matiwasay. Para sa Kagawaran, isa itong dakilang gawain. Para sa mga bata, isa itong nakatutuwang gawain. Para sa mga magulang, isa itong paraan upang magturo sa pamamagitan ng halimbawa. Para sa mga Pilipino, ito ay isang pagkakawanggawa para sa kalikasan. | sa pahina 447sa LM Mga Tuntunin sa Paggamit ng Silid-aklatan 1. Ihanda ang iyong ID, kuwaderno, at panulat. 2. Humingi ng papel mula sa tagapamahala ng silid-aklatan at isulat ang eksaktong pamagat ng aklat na nais hiramin at ang may-akda nito. 3. Ibalik ang papel na sinulatan sa tagapamahala at hintayin ang aklat na hinihiram. 4. Tanggapin ang aklat at magpasalamat. 5. Humanap ng lugar na mapagbabasahan. 6. Buhatin nang tahimik ang upuan upang hindi makalikha ng ingay at makaabala sa ibang nag-aaral. 7. Huwag pupunitin o susulatan ang aklat na hiniram. 8. Mag-aral nang tahimik. | “O, ayan ang limang piso. Sa susunod mama, magtrabaho ka kasi malaki naman ang iyong katawan. Huwag kang aasa sa pagpapalimos. Magtrabaho ka,” paliwanag ni Tiya Viring. “Pasensiya na po, sisikapin ko po sa susunod. Galing lang po ako ng probinsiya at napadpad dito sa lungsod. Ninakaw po ang lahat ng aking pera at gamit kaya ako nagkaganito,” paliwanag ng pulubi. “O, siya. Magsikap ka. Sa susunod, mag-iingat ka na,” pagwawakas ni Tiya Viring sabay dagdag ng sampung piso sa iniabot sa pulubi. Lihim na nagsaya ang kalooban ni Tiya Viring dahil nakatulong siya sa kapwa sa maliit na paraan. |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Talakayin ang kuwento. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina438 Ano ang katangian ng batang nagsasalita sa tulang binasa? Paano niya ipinakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaibigan? Tama ba ang kaniyang ginawa? | sa pahina 441sa LM Sino si Bathala? Ano-ano ang regalo Niya sa atin? Paano natin masusuklian ang Kaniyang kabutihan sa atin? | pahina 444 sa LM, Bakit inilunsad ang Ecosavers? Ano-ano ang gawain sa ilalim ng programang ito? Ano ang layunin ng programang ito? Paano ka makatutugon sa Ecosavers? Ano ang bunga nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan? | pahina 447 sa LM Ano-ano ang dapat gawin bago pumunta sa silid-aklatan? Habang nasa silid-aklatan? Paano manghihiram ng aklat? Bakit kailangang maging tahimik sa loob ng silid-aklatan? | 12. Ano ang ginagawa ni Tiya Viring nang lapitan siya ng pulubi? a. Kumakain sa karinderya. b. Nag-aabang ng jeep. c. Namimili ng gulay. 13. Magkano ang ibinigay ni Tiya Viring sa pulubi? a. Limang piso c. Labinlimang piso b. Sampung piso 14. Sa anong bilang ng talata makikita ang pagbabago ng isipan ni Tiya Viring? a. 1 b. 2 c. 3 15. Ano ang dahilan ng pulubi at siya ay nagpapalimos? a. Nanakawan siya ng mga gamit at pera. b. Miyembro siya ng isang sindikato. c. Wala siyang trabaho. 16. Nangako ba ang pulubi na magbabago? a. Oo b. Hindi c. Walang sinabi 17. Bakit lihim na natuwa si Tiya Viring? a. Nabili niya lahat ng inilista niya. b. Makakauwi siya nang maaga. c. Nakagawa siya ng bagay na mabuti sa kapwa. 18. Kung ikaw si Tiya Viring, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? 19. Kung ikaw ang nanakawan, mamamalimoska rin ba? Bakit? 20. Sumulat ng sariling pamagat sa binasang talata. |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Ang ginawa natin sa kapwa ay ginawa na rin natin sa Dakilang Lumikha. | May iba’t ibang paraan ng pasasalamat at pagpupuri sa Dakilang Lumikha. | Pangalagaan ang kalikasan ngayon upang magkaroon ng maayos na kinabukasan. | Igalang ang mga nag-aaral sa silid-aklatan sa pamamagitan ng hindi paggawa ng anumang ingay. | Pagsulat Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM,pahina 449 |
Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina439 Anong uri ng akda o teksto ang binasa? Ilang linya ang bumubuo sa tulang binasa? Ano ang taludtod? Ano ang pagkakaiba ng tula sa ibang mga teksto? Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na salita mula sa tula. 1. bibo 2. matalino 3. bathala 4. matino 5. relihiyon | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina442 Basahin ang pahayag na may tamang lakas ng boses, tamang ekspresiyon, katamtamang bilis ng pagsasalita, at angkop na galaw ng katawan. Sa mga biyayang tinatanggap, laging pasalamatan ang Dakilang Lumikha. | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina444 A.Sipiin mula sa teksto ang mga pangungusap na ginamitan ng pang-ukol na para sa. B. Sundin ang panuto sa ibaba upang makabuo ng isang panibagong bagay mula sa lumang diyaryo. 1. Gupit-gupitin ang mga lumang diyaryo, basain ng tubig, at haluan ng nilutong gawgaw. 2. Dikdikin nang maigi ang binasang papel at haluin ng haluin hanggang sa lumapot. 3. Kapag malapot na ito, ilagay sa mga hulmahan na ibig mo. 4. Patuyuin sa sikat ng araw. | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 448 Humiram ng isang aklat sa silid-aklatan. Gumawa ng payak na pangungusap tungkol sa binasang aklat. | |
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina439 Una at Ikalawang Pangkat – Bumuo ng panibagong pamagat ng tula at ipaliwanag kung bakit ito ang ginawang pamagat. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Magtala ng mga bagay na natutuhan sa tula. Ikalima at ikaanim na Pangkat – Bumuo ng tatlong tanong batay sa tula. | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina 442 Basahin ang tula nang may wastong bigkas, lakas ng boses, at katamtamang bilis. | Sanayin Natin sa LM sa pahina 445 Una at Ikalawang Pangkat – Isagawa ang sumusunod na panuto. Paggawa ng Bookmark 1. Kumuha ng isang papel na parihaba. 2. Isulat sa loob ng papel ang “Mahal ko ang Dakilang Lumikha.” 3. Kulayan ng dilaw ang buong parihaba. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Sundin ang panuto. 1. Pumila nang maayos. 2. Ilagay ang kanang kamay sa tapat ng iyong dibdib. 3. Isigaw mo nang malakas: “Mula ngayon susunod na ako sa utos ng Dakilang Lumikha!” | Sanayin Natin sa LM sa pahina 448 Itala ang mga aklat na nahiram at nabasa mula sa silid-aklatan. | |
H.Paglalahat ng Aralin | Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 440 Upang maunawaang mabuti at makatugon nang wasto sa isang teksto, kailangang sundin ang sumusunod: 1. Unawaing mabuti ang binabasa. 2. Makinig nang mabuti sa nagbabasa ng teksto. 3. Alamin ang kahulugan ng mga mahihirap na salita. 4. Magtanong sa guro o sa kamag-aral o sa nakatatanda kung may hindi naiintindihan o nauunawaan. 5. Maaari ding tingnan sa diksiyunaryo ang kahulugan ng mga salitang mahirap unawain. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 442 Ang mabisang pagpapahayag ay maaaring gawin sa tamang lakas ng boses, tamang ekspresyon, katamtamang bilis ng pagsasalita, at angkop na galaw ng katawan. | Basahin ang Ating Tandaan pahina446 Ang para sa ay ginagamit kapag tumutukoy sa sa isang kilos o bagay ng hindi tiyak na pangngalan. Ang para kay ay ginagamit sa isang tiyak na ngalan ng tao. Ang para kina ay ginagamit sa dalawa o higit pang ngalan ng tao. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 448 Ang silid-aklatan ay isa sa mahahalagang silid sa paaralan. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng babasahin na makatutulong sa ating pag-aaral. Kailangang sundin natin ang mga tuntunin sa paggamit nito upang mapangalagaan ang mga babasahing narito at mapakinabangan pa ng mas maraming bata. | |
Pagtataya ng Aralin | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 440 Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong tungkol dito. “Napakasarap ng pakiramdam kapag nakatutulong tayo sa kapwa,” ito ang masayang sabi ni Aling Nilda. “Tama ka riyan, mayroon nga tayong kasabihan na mas mabuti ang nagbibigay kaysa tumatanggap,” ang masuyong sagot ng asawang si Mang Dan. “Sana, Itay, Inay, lahat ng tao gayundin ang gagawin,” wika ni Tessa sabay yakap sa mga magulang. Ano ang pinag-uusapan ng pamilya? Ano ang damdamin ng mga tauhan sa kuwento? Ano ang pinagkakaisahan nila? | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 443
| Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina446 Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong. 1. Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa) mga yumao naming kamag-anak. 2. Nagdala si Itay ng isang kilong mangga (para sa, para kay) buong pamilya. 3. (Para sa, Para kay) Roy, Justin, at May ang mga regalong ito. 4. (Para sa, Para kay) sambayanan ang ginagawa naming kabutihan. 5. Nag-aaral kaming mabuti (para kay, para sa) aming magandang kinabukasan. Ang para sa ay ginagamit kapag tumutukoy sa sa isang kilos o bagay ng hindi tiyak na pangngalan. Ang para kay ay ginagamit sa isang tiyak na ngalan ng tao. Ang para kina ay ginagamit sa dalawa o higit pang ngalan ng tao. | Pasagutan angLinangin Natin sa LM pahina449 A.Bumuo ng dalawang payak na pangungusap sa bawat larawan. B. Kumuha ng isang aklat. Tukuyin ang nilalaman nito batay sa pabalat. Isulat Isulat ang sagot sa kabit-kabit na paraan. Paano makatutulong ang internet sa pagtuklas ng mga kaalaman? . | |
Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation |
| ||||
MGA TALA | |||||
PAGNINILAY | |||||
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||
Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | |||||
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | |||||
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI
Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com