Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

II

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

WEEK 1

Quarter:

4TH Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

LAYUNIN

Natutukoy ang mga damdaming ipinahihiwatig sa tekstong binasa

Nauunawaan na may mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat

sa kahulugan

Naipaliliwanag sa sariling pananalita ang mga natutuhan sa akdang binasa

Naiguguhit ang mensahe/kaisipan ng tekstong binasa

Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap

Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ng

Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang salita o

pangungusap

Nakasusulat ng angkop na caption sa mga larawan

Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay, o

larawan

Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan

Nakasusunod nang maayos sa mga panuto

Pamantayang Pangnilalaman

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan

Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika

Pamantayan sa Pagganap

F2TA-0a-j-3 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

F2TA-0a-j-4 Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat

F2TA-0a-j-2

Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon

F2TA-0a-j-3 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat

kasanayan

F2PT-IVa-d-1.9 Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigayng ka hulugahan (pagbibigay ng halimbawa)

F2KM-IVa-2.4 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang liham na ididikta ng guro

F2WG-IVa-c-1

Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon pagtatanong ng lokasyon ng lugar

F2AL-IVe-g-13

Natutukoy kung paano nagsisiumula at nagtatapos ang isang pangungusap/ talata

NILALAMAN

Magkasingkahulugan at Magkasalungat na mga Salita

Pagbibigay ng Kaisipan ng Tekstong Binasa

Paggamit ng Pang-ukol na ng

Pagbuo ng Payak na Pangungusap

KAGAMITANG PANTURO

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

Sanggunian

Mga pahina sa Gabay ng Guro

140-141

141-142

142-143

143-144

144

Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral

LM in Filipino Yunit 3 pahina 378-381,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina381-384,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 385-387, soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 388-389, soft copy

Mga pahina sa Teksbuk

Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

larawan ng iba’t ibang damdamin, batang tumutulong sa matanda

larawan na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa

larawan ng magkapatid na nagtutulungan

Iba pang Kagamitang Panturo

laptap

laptap

laptap

laptap

PAMAMARAAN

Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin

Paunang Pagtataya

Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina378 ( soft copy),

Sabihin kung ng o nang ang angkop sa bawat pangungusap.

1. Ang mga ibon ay kumakain ______ uod.

2. Nilipad _______ hangin ang mga papel.

3. Malakas kumain _______ saging ang unggoy.

4. Bumili kami _______ mababangong bulaklak.

5. Tanghali na _______ sila ay gumising.

Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 141

Ipabasa ang ilang mga pangungusap na may mga salitang may maling

baybay.

Ipatukoy sa mga bata ang mga mali sa bawat pangungusap.

Ipatama ang mga ito.

Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 142

Magpakita ng ilang mga larawan ng pagtulong sa kapwa.

Pag-usapan ito.

Pabigyan ito ng caption. (Ipaliwanag kung ano ang caption)

Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina 143

Paglalarawan ng mga bata ng kanilang sariling gamit.

Ipaliwanag ang mga panuto para sa pagsusulit.

Ipahanda ang mga kagamitang gagamitin

A. Ibigay ang angkop na pang-ukol.

1. Huwag tayong laging kumain _____ taba ng karne upang makaiwas

sa sakit.

2. Inanod ____ tubig-baha ang aming mga kagamitan.

3. Pagtitipid _____ kuryente ay dapat nating ugaliin.

4. Sanayin din natin na kumain _____ mga sariwang gulay.

5. Ang magandang ugali _____ tao ay isang kayamanan.

Paghahabi sa layunin ng aralin

Tukoy-Alam

Gumuhit ng isang mukha at ipakita dito ang nararamdaman

Bakit ganito ang iyong pakiramdam?

Paglalahad

Nakasaksi ka na ba ng isang aksidente?

Ano ang naramdaman sa pangyayaring ito?

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Ipabasa nang malakas ang pangkat ng mga salita mula sa komiks strip.

Pag-aralan ang mga salitang magkakasing kahulugan at magkasalungat ang

kahulugan.

Paglalahad

Nakaranas ka na ban a tumulong ka kapwa?

Sa paanong paraan? Pag-usapan ito sa klase.

Ano ang pakiramdam mo pagkatapos mong tumulong sa kapwa?

Pagpapayaman ng Talasalitaan

A. Basahin at pag-aralan ang mga salitang magkasingkahulugan mula sa

binasa.

matutuhan malaman, maintindihan,maunawaan

pag-ibig pagmamahal, pag-irog

lingapin alagaan, kalingain, asikasuhin

kaalit kaaway, kagalit, kaibayo, kalaban

naghihikahos naghihirap, nagdarahop

B. Mula sa mga salitang magkakasingkahulugan sa itaas, ibigay ang mga

salitang kasalungat nito at gamitin sa sariling pangungusap.

matutuhan lingapin

naghihikahos kagalit

pag-ibig

Paglalahad

Ano ang gagawin mo kung walang dalang pagkain ang isa sa iyong

kaklase?

Paglalahad

Hatiin ang klase sa ilang pangkat.

Bigyan ang bawat pangkat ng isang puzzle upang buuin.

Pagpapakita ng natapos na gawain.

Paano ito nabuo nang mabilis?

B. Lagayan ng tsek (√) ang pahayag na angkop sa larawan.

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Babasahin “Magtiwala sa Panginoon” sa pahina na 378

(soft copy)

Von: Itay! May aksidente po sa kanto. Marami pong nadamay at kasama si Betsy. Nakakatakot!

Tatay: Naku! Huminahon ka, anak, ganyan talaga ang buhay, kaya dapat lagi tayong magdasal at magtiwala sa Panginoon.

Von: Alam n’yo po, ‘Tay, galit na galit si Mang Ambo sa pagkakadamay ni Betsy.

Tatay: Nakapanlulumo, matalinong bata pa naman si Betsy. Halika, ipagdasal natin siya at ang iba pang nadamay.

sa pahina 382 sa LM

Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti

Nakagawa ka na ba ng

kabutihan sa kapwa?

Ang paggawa ng bagay na mabuti sa kapwa ay katumbas ng pag-ibig sa Lumikha. Tumingin sa paligid at makikita mo na maraming nangangailangan ng iyong pagtulong at pagkalinga.

Masasabi ba natin na iniibig natin ang Lumikha kung ang ating kapwa ay hindi naman natin pinagmamalasakitan?

Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha.

Pero paano natin ito magagawa? Kapag sila ay nagugutom, bigyan natin sila ng pagkain. Kapag nauuhaw, sila ay ating painumin.

Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay hindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit. Sapat na nakatulong tayo at napasaya ang Lumikha na nasa kapwa rin natin.

Basahing muli ang tekstong “Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti.”

sa pahina 388 sa LM

Huwarang Magkapatid

Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral, at sa pagtulong sa mga magulang. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago maglaro. Sa gabi naman ay nag-aaral muna sila bago manood ng telebisyon. Dahil dito, ang kanilang mga magulang ay natutuwa sa kanila.

C. Basahin ang teksto at piliin ang kaisipan nito.

Matalinong bata si Nelia, pero sa panlalamang sa kapwa niya

ginagamit ang talinong taglay. Pinagalitan siya ng kaniyang guro at

magulang dahil sa hindi maganda niyang ginagawa.

Sadyang matigas ang ulo ni Nelia. Hindi niya sinusunod ang

mga payo sa kanya, kaya marami ang nagagalit sa kanya. Walang

nagmamahal kay Nelia.

Isang gabi, nanaginip siya na siya raw ay nakakulong sa isang

nag-aapoy na lugar dahil sa kaniyang masamang gawain. Nagising si

Nelia at ipinangako niya sa sarili na magbabago na siya.

____ Maglinis palagi ng ating kapaligiran.

____ Gamitin sa tama ang katalinuhan.

____ Igalang ang mga magulang.

____ Magdasal sa tuwi-tuwina.

____ Laging makiisa sa paggawa ng mabuti.

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Talakayin ang kuwento.

Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina379

1.Ano ang pinag-uusapan ng mag-ama?

2. Ano ang ginawa nila?

3. Bakit nila ipinagdasal ang mga naaksidente?

4.Tama ba ang ginawa nila?

5. Ano ang damdamin nila para kay Betsy?

6.Ano-anong damdamin ang nasa usapan?

sa pahina 382sa LM

1. Sino ang dapat mahalin at pagmalasakitan?

2. Bakit dapat natin itong gawin?

3. Paano natin matutulungan ang ating kapwa?

4. Sino ang matutuwa sa paggawa natin ng kabutihan sa kapwa?

5.Sino ba ang iyong kapwa?

pahina 384 sa LM,

1. Anong salita ang ginamit sa pag-uugnay ng mga salita sa teksto?

2. Ano ang pinag-uugnay nito?

3. Kailan ginagamit ang ng?

4. Kailan ginagamit ang malalaking letra?

pahina   388 sa LM

Sagutin ang mga tanong.

1.Bakit sinabi na huwarang bata ang magkapatid?

2. Ano-anong katangian ng magkapatid ang dapat na tularan?

3. Ano ang napansin mo sa mga pangungusap sa seleksiyon?

4. Ano ang payak na pangungusap?

Ang

D. Isulat sa loob ng speech balloon ang natutunan mo sa binsang teksto

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ang pagdarasal para sa kapakanan ng kapwa ay isang mabuting gawain.

Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha.

Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay hindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit.

Ang mabuting bata ay kayamanan ng mga magulang.

E. Isulat ang = kung ang mga salitang magkatapat ay magkasingkahulugan

at x kung magkasalungat.

_____ 11. masinop-burara

_____ 12. masigla-malungkot

_____ 13. maganda-marikit

_____ 14. mabuti-masama

_____ 15. mahal-iniibig

F. Sipiin ang liham ni Connie para sa kaniyang Tita Beth. Isulat nang wasto

ang mga makikitang pagkakamali dio.

mawhal kung Teta bibeth,

Komosta ka na Tita? Mabute namam kami dito sa

Filipinas sa tulong ng dios. Sna nsa mabote kang

kalagayan tita. Sana omuwe k na mula sa amerika.

Namimis ka na naming.

Gnamamahal,

conie

Paglinang sa kabihasaan

( Leads to Formative

Assessment )

Isagawa ang Gawin Natin sa LM  sa pahina 379

Anong damdamin ang ipinakikita ng sumusunod na larawan sa Hanay A? Piliin ang letra ng sagot sa Hanay B.

1.

2.

3.

4.

A. nagagalit

B. natatakot

C. nagtataka

D. natutuwa

E. nalulungkot

Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina 383

Ano-ano ang kaisipang natutuhan mo sa binasang teksto?

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina385-386

Punan ng wastong pang-ukol ang patlang. Tukuyin kung ano ang salitang inuugnay nito.

1. Nakalikom kami ____ maraming basura para sa Ecosavers Program ng paaralan.

2. Nasanay na akong maglakad _____ dalawang kilometro tuwing araw ng Sabado.

3. Umupa kami ____ computer para sa proyekto ng aking kapatid na bunso.

4. Ang paglalakad ay mabuting uri _____ ehersisyo sa katawan ng tao.

5. Ang labis na panonood _____ telebisyon ay nakasasama sa kalusugan

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 388

Bumuo ng mga payak na pangungusap mula sa mga larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1.

2.

G. Sumulat ng caption para sa bawat larawan.

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina380

A.Tukuyin ang kasalungat ng ipinapakita sa bawat larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

naglalakad

sumisigaw

 sumasayaw

nagtatanim

nagdarasal

1.

2.

B. Ipakita sa klase ang damdamin na nadarama sa sumusunod na sitwasyon.

1. Nabigla si Lorena nang malamang nanalo

siya sa patimpalak sa kagandahan.

2. Matinding paghanga ang naramdaman ni Rita sa magaling niyang guro.

3. Naiinip si Lito sa tagal ng paghihintay sa kaniyang ama.

4. Nalungkot si Vicky sa pagkamatay ng kaniyang lola.

5. Nanghinayang ang magkapatid na Ben at Pat

dahil nahulog ang kanilang baon sa kanal.

C. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan?

1.

2.

3.

4.

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina 383-384

B. Sipiin at iwasto ang mga salitang may maling baybay.

Ang mga bata ay dapat tinuturruan ng kanilang mga magulang ng pigawa ng mabuti sa kapwa. May kassabehan tayo na “kung anu ang puno ay siya ring bunga.” Kiya, kung mabote ang magolang, dapat mabuti rin ang ginagawa ng kanilang mga anak. Eng paggging mabuteng mga bata ay nagsisimola sa pattuturu ng mga magolang.

C. Iguhit ang sinasabi ng katagang ito.

“Gawain ng magulang na alagaan ang anak at gawain naman ng anak na igalang

ang mga magulang.”

Sanayin Natin sa LM sa pahina 386

Isulat nang wasto ang mga salitang mali ang pagkakasulat sa bawat pangungusap.

1. ang hangin ay dumudumi dala ng polusyon sa ating paligid.

2. dumalaw si Pangulong benigno aquino III sa mga nasalanta ng bagyo.

3. Ang pagiging Makakalikasan ay tanda ng pagmamalasakit sa ating kapwa at kapaligiran.

4. disiplina ang kailangan upang umunlad ang pilipinas.

5. Bawat Tao ay may kani-kaniyang pagpapahalaga.

Sanayin Natin sa LM sa pahina 388

A.Sa isang payak na pangungusap, ilarawan ang isang bagay na makikita sa iyong kapaligiran.

B. Bumuo ng isang payak na pangungusap gamit ang mga larawan sa ibaba.

 H.Paglalahat ng Aralin

Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 381

May iba’t ibang damdamin tulad ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagalit, panghihinayang, pagkainis, paghanga, at pagkagulat na maaaring makita sa isang teksto o sa isang pahayag na nabasa o napakinggan.

 Upang maibigay ang kasalungat ng isang salita, kailangang alamin muna ang kahulugan ng salitang bibigyan ng pagpapakahulugan.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 384

Ang pagsulat ng mga salita na may wastong baybay ay susi upang higit na maipahayag ang nais na mensahe. Ito rin ang isa sa mga susi sa madaling pagkaunawa ng isang babasahin.

Basahin ang Ating Tandaan pahina386

Ang pang-ukol na ng ay ginagamit kapag ang salitang sumusunod dito ay isang pangngalan o kaya ay pangngalang-diwa at pang-uri.

1. Ang malaking letra ay ginagamit sa pagsisimula ng mga salitang pangngalang pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa. Ginagamit din ito sa simula ng pangungusap.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 389

Ang payak na pangungusap ay nagsasaad ng isang diwa o kaisipan. Ito ay may isang simuno at panaguri

Pagtataya ng Aralin

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 381

Hanapin sa pangungusap ang mga salitang

kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.

1. (matatayog) Ang mga puno sa bundok ay matataas.

2. (nanlumo) Nanghina ang loob ng ama sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.

3. (magiliw) Ang mga bisita ay masayang

tinanggap ng mag-anak.

4. (silya) Nilinis ng mga mag-aaral ang kanilang upuan pagkatapos ng baha.

5. (maestra) Napakagaling ng aming bagong guro.

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 384

Isulat nang may wastong baybay ang tinutukoy sa bawat inilalarawan.

1. sinusulatan ng guro sa harap ng klase

2. dito nag-aaral ang mga bata

3. bahagi ng bahay na ating dinudungawan

4. gamit sa bahay kung saan tayo nanonood ng mga palabas

5. lugar kung saan namimili ng mga gulay at isda

6. tindahan ng mga gamot

7. kuwaderno sa Ingles

8. dinidilig ng tubig para lumago

9. kasingkahulugan ng tali

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina387

Gamit ang ng, lagyan ng caption ang mga larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

Pasagutan  angLinangin Natin sa LM pahina389

Gumuhit ng isang larawan na iyong nais. Sumulat ng isang payak na pangungusap tungkol dito.

Pumili ng isang pangungusap mula sa “Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti” at sipiin ito sa kabit-kabit na paraan.

Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

        

MGA TALA

PAGNINILAY

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

Bilang ng mag-aaral na

magpapatuloy sa remediation.

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan

na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor?

Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

More sample daily lesson logs at www.teachershq.com