GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | MTB | ||
Teaching Dates and Time: | WEEK 7 | Quarter: | 4TH Quarter |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY | ||||||
| Nakagagamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling kultura tulad sa pakikipag-usap sa telepono | Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol sa napakinggang teksto Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga pangyayari, mga artikulo , balita at iba pa Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa pamamagitan ng pagtukoy sa sanhi at bunga | Nakapaghahambing kung paano ginamit ng may akda ang mga pampanitikang elemento Nakababasa ng mga salita sa unang kita na angkop sa ikalawang baitang nang may kahusayan Nababaybay nang tama ang mga salita na may:Kambal-katinigatklaster, diptonggo, at iba pa | Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan, at mga pangyayari | Nasasagutan ang inihandang pagsusulit ng may 85% na antas ng pagkatuto | |||||
A.Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards) | demonstrates understanding and knowledge of language grammar and usage when speaking and/or writing. | possesses developing language skills and cultural awareness necessary to participate successfully in oral communication in different contexts. demonstrates understanding of grade level narrative and informational texts. | demonstrates understanding of grade level narrative and informational texts. demonstrates the ability to read grade level words with sufficient accuracy speed, and expression to support comprehension. demonstrates knowledge of and skills in word analysis to read, write in cursive and spell grade level words. | demonstrates the ability to formulate ideas into sentences or longer texts using conventional spelling. | ||||||
B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards) | speaks and writes correctly and effectively for different purposes using the basic grammar of the language. | uses developing oral language to name and describe people, places, and concrete objects and communicate personal experiences, ideas, thoughts, actions, and feelings in different contexts uses literary and narrative texts to develop comprehension and appreciation of grade level appropriate reading materials. | uses literary and narrative texts to develop comprehension and appreciation of grade level appropriate reading materials. reads with sufficient speed, accuracy, and proper expression in reading grade level text. applies word analysis skills in reading, writing in cursive and spelling words independently. | uses developing knowledge and skills to write clear and coherent sentences, simple paragraphs, and friendly letters from a variety of stimulus materials. | ||||||
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan (Learning Competencies / Objectives) | Use adjectives in writing descriptive paragraphs. MT2GA-IVf-g-1.6.2 | Use expressions appropriate to the grade level to explain or give reasons to issues, events, news articles, etc.MT2OL-IVg-h-3.4 Sequence events in an informational text through discussion, illustration, song, MT2RC-IVf-g-9.2 | Sequence events in an informational text through discussion, illustration, song, MT2RC-IVf-g-9.2 Read aloud grade level text with an accuracy of 95 - 100%. MT2F-IIIa-i-1.4 Correctly spell grade level words.* MT2PW-IVa-i-6.3 | Observe the conventions of writing in composing journal entries and letters (friendly letter, thank you letter, letter of invitation, birthday greetings). MT2C-IVa-i-3.1 | ||||||
| Modyul 34 IKATATLUMPU’T APAT NA LINGGO Balitang Lokal | Modyul 34 IKATATLUMPU’T APAT NA LINGGO Balitang Lokal | Modyul 34 IKATATLUMPU’T APAT NA LINGGO Balitang Lokal | Modyul 34 IKATATLUMPU’T APAT NA LINGGO Balitang Lokal | Lingguhang Pagsusulit | |||||
| ||||||||||
A.Sanggunian | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,128 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,128 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,128 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,128 | ||||||
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro | 287-289 | 289-291 | 291-292 | 292 | 293 | |||||
2.Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral | 253-255 | 255-257 | 257-259 | 259-260 | ||||||
3.Mga pahina sa Teksbuk | ||||||||||
4.Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | ||||||||||
B.Iba pang Kagamitang Panturo | Balita Pagtotroso : Ipinagbabawal | Balita Pagtotroso : Ipinagbabawal | Balita Pagtotroso : Ipinagbabawal | Balita Pagtotroso : Ipinagbabawal | ||||||
IV:PAMAMARAAN | ||||||||||
A.Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | 1.Panimulang Gawain Ipaawit sa tono na “Sitsiritsit” ang awit sa LM sa pahina 253 Kringg…. Kringg Kringg, krring ng telepono May tawag, po sa inyo. Sinagot kopo ito . Po at Opo Ay ginamit ko. | 1. Drill - Magpabasa ng mga gamiting salita na nasa Batayang Talasalitaan II (high frequency words 2.Paghahawan ng Balakid Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita sa LM sa pahina 255 Isulat sa kahon ang kahulugan ng sumusunod na salita. Piliin ang wastong sagot sa ibaba. | Balik-aral Natatandaan pa ba ninyo sina Brix at Troy na mahilig maglaro , ang mga batang nakakita sa mga Illegal loggers sa kanilang lugar? Muli natin silang maririnig sa isang kuwento. | Balik-aral Ano – ano ang elemento ng isang kuwento? Ano ang masasabi mo sa mga pangyayari sa kuwento? | Bumuo ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong karanasang di malilimutan. Sikaping nakapaloob ang bawat elemento ng isang kuwento,may tagpuan, tauhan,at pangyayari. Sundin ang pamantayan sa pagsulat. | |||||
B.Paghahabi sa layunin ng aralin | Pagganyak Itanong kung ano ang gagawin mo kung ikaw ay may nakitang tao na kahinahinala at di mo kilala .Katulad din kaya ng ginawa ni Brix at Troy sa kuwentong inyong babasahin? Alamin ang kanilang ginawa. | 2. Pagganyak Ipakita ang larawan sa LM sa pahina 256 Ano ang masasabi ninyo sa larawan? 3. Pagganyak na Tanong Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng paghula.Isulat ang inyong sagot sa ikalawang hanay. Pagkatapos mabasa ang balita, alamin kung tama ba ang inyong hulang sagot. | 2. Pagganyak Sino sa inyo ang nakarating na sa gitna ng kagubatan ?Ano ang masasabi mo sa larawang nasa LM? | 2. Pagganyak Paano isinulat ang unang salita sa unang pangungusap ng talata? Paano isinusulat ang unang letra ng bawat pangungusap? | ||||||
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Paglalahad/Pagmomodelo Ipabasa ang kuwento sa LM sa pahina 253-254 Basahin mo ang kuwento tungkol kina Brix at Troy. Masayang naglalaro sina Brix at Troy sa may likod bahay. Habang aliw na aliw sila sa paglalaro ay napansin nila ang ilang kalalakihan na may pasang troso sa kanilang balikat . Kaagad naisip ni Brix na tawagan sa opisina ang kanyang Tatay Florendo sa telepono. Tanda ni Brix ang numero ng telepono sa opisina ng kanyang Tatay. Brix: Magandang umaga po. Maaari ko po bang makausap ang aking tatay na si G. Florendo? G. Florendo: Magandang umaga anak. Ano ang kailangan mo bakit ka napatawag? Brix: Tatay may mga mangangahoy po dito may dala po silang troso. Nawa po ay hindi sila illegal na mangangahoy. O sige, at tatawag kaagad ako sa awtoridad. Brix: Sige po, Tatay. Maraming salamat po. Paalam po. Tumawag si Mang Florendo sa estasyon ng pulis upang ipagbigay alam ang sinasabi ni Brix. G. Florendo: Magandang hapon po. Nais ko pong ipagbigay alam sa inyo na may mga kahina-hinalang mangangahoy po sa aming lugar. May mga dala pong troso. Maari po ba pakitanong kung mayroon silang permiso na mangahoy. Pulis:Magandang hapon rin po. Saan pong lugar ito? G. Florendo: Dito po sa may Barangay Mataas na Kahoy. Inaasahan ko po ang inyong pagdating. Maraming salamat po. Paalam na po. Pulis: Walang anuman. Umasa kayo at kami ay darating. | 1. Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy. 2. Basahin muli nang may paghinto at interaksyon ang kuwento sa pahina256 sa LM Pagtotroso: Ipinagbabawal Kampanya laban sa illegal na pagtotroso, patuloy Halaw sa Tagalog News Paiba-iba ang panahon. Mainit at maya-maya ay biglang uulan. Tag-init pero nakararanas tayo ng malakas na pag-ulan at pagguho ng lupa o landslide na kasabay ang pagragasa ng malaking baha na may kasamang troso. Ilan lamang ito sa mga sinyales ng pagbabago ng klima o climate change. Malaki ang epekto ng naturang isyu. Isa sa dahilan ng pagbabago ng klima ay ang patuloy na pagputol ng mga puno o pagtotroso. Patuloy ang kampanya laban sa illegal na pagtotroso. Tuwirang inihayag ni Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje na ang lahat ng troso na illegal na lumalabas sa kalye ay maaring kumpiskahin ng mga pulis gayundin ng mamamayan at ipasa ang mga illegal logger sa awtoridad. Ang pahayag ay binanggit ng kalihim sa programang “Pilipinas Natin” ng NBN-4 noong Hulyo 13, 2011, sa isyu ng illegal na pagtotroso o walang habas na pagpuputol ng mga punongkahoy sa mga kagubatan sa bansa. | Ipabasa ang kuwento sa LM sa pahina 257 Karanasan sa Kakahuyan Akda ni Nida C. Santos Kinaugalian nina Brix at Troy na maglaro sa kakahuyan. Nagsimula ito noong may nahuling mga illegal loggers na pumuputol ng mga puno. Dahil mahilig maglaro ang dalawang bata, nagsisilbing bantay sila sa buong kagubatan. Isang hapon masayang masayang naglalaroang dalawang bata sa gubat .Hindi nila namamalayan na nasa gitna na sila ng kakahuyan. Sa kanilang paglalaro may dumating na isang batang babae na puting- puti ang kasuotan. Niyaya silang maglaro sa buong kakahuyan.Niyaya silang lumipad sa itaas ng mga puno. Niyaya sila na kumain ng napakaraming prutas.Niyaya rin ang dalawa na makipag-usap sa iba‟t ibang hayop na nasa gitna ng kagubatan.Namangha ang dalawa sa kanilang naranasan.Masaya silang nakipaglaro at nakipagkuwentuhan sa batang engkantada. Naging lubos ang kanilang kasiyahan ng bigyan pa sila ng napakalaking regalo. Mabigat ang bawat regalo at di talaga kayang buhatin ng isa man sa kanila. Dahil sa galing ng dalawa kung magbantay ay hindi na sila umalis sa kanilang kinatatayuan. Binantayan nila ang regalo na ibinigay ng batang engkantada, hanggang sa sila ay nakatulog. Pagkaraan ng ilang oras ay nagising sina Brix at Troy sabay sambit ni Brix “kala ko totoo na.” | Ipakita ang kopya ng kuwentong binasa “Karanasan sa Kakahuyan” | ||||||
D:Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Sino ang naglalaro sa may likod ng bahay? Ano ang napansin ng dalawang bata habang sila ay naglalaro? Ano ang naalala ni Brix ng makita ang mga manganagahoy? Ano kaagad ang kanyang ginawa? Paano nakipag-usap si Brix sa kanyang tatay gamit ang telepono ? Sa iyong palagay ,tama ba ang ginawang pakikipag-usap ni Brix? Ano naman ang ginawa ni G. Florendo upang maipagbigay alam ang pangyayari sa may kapangyarihan? Paano nakipag-usap si G. Florendo sa pulis o sa awtoridad? | Pagsagot sa pangganyak na tanong Balikan ang prediction chart at ihambing ang tunay na nangyari sa hulang sagot ng mga bata. Pagsagot sa mga tanong: 1. Ano ang sinasabi sa balita? 2 .Ano- ano ang kasalukuyang nararanasan ng mga tao? 3. Ano ang tinatawag na climate change? 4. Ano ang kampanya na pinagtutuunan ng Department of Environment and Natural resources (DENR) 5. Ano ang maaaring gawin kapag may lumabas na illegal loggers? 6. Mula sa nagbalita ,ano ang ipinahayag ng Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje ? 7. Saang programa binanggit ng Kalihim ang pahayag? | Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Saan nangyari ang kuwento? Ano ang hilig ng dalawang bata? Saan sila nakararating sa paglalaro? Ano ang nangyari sa kanila sa gitna ng kagubatan? Sino ang nakilala ng dalawa sa gitna ng kagubatan? Ano ang kanilang ginawa kasama ang batang ada oengkantada? Ano ang ibinigay sa kanila ng batang ada o engkantada? Ano ang naramdaman nina Brix at Troy?Bakit? Aling pangyayari sa kuwento ang naibigan mo? Bakit Alin ang hindi totoo sa kuwento? Bakit? Anong aral ang nais ipahiwatig ng may akda ng kuwento? | Ipapansin kung paano isinulat ang unang salita sa unang pangungusap ng talata. Ipapansin kung paano isinusulat ang unang letra ng bawat pangungusap.Ipapansin kung saan nagtatapos ang bawat pangungusap. | ||||||
E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Basahin ang sa Gawain 1 na nasa LM sa pahina 254 Isulat ang angkop na salita para mabuo ang usapan sa telepono ng mag -amang Mang Gregorio at Glen. Tumawag si Mang Gregorio sa __________at nakausap niya si Glen. Kring! Kring! Mang Gregorio: Hello, ______. Glen: Magandang umaga po, _______ Mang Gregorio: Narito na ako sa opisina. May nakalimutan akong sabihin sa iyong _______. Mang Gregorio: Pakisabi sa iyong inay na huwag kalilimutang patukain ang mga manok at ________. | Ipagawa ang pangkatang Gawain. a. Pangkat I: Broadcaster Go! Pumili ng dalawang anchor person na mangunguna sa pagbabalita ng inyong narinig. Ang ibang kasapi ay bubuo ng patalastas na may kaugnayan sa balita. b. Pangkat II: IIlustrator Go! Gumuhit ng poster na nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kalikasan. c. Pangkat III : Artist Go! Gumawa ng role play tungkol sa saloobin sa pagtotroso. Ipakita ang damdamin ng mga taong nasalanta ng baha at pagguho ng lupa. d. Pangkat IV : Writer Go ! Isulat sachart ang sanhi o dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa o landslide sa isang lugar | Sipiin nang wasto ang maikling kuwento sa paraang cursive. Humanda upang basahin ang buong kuwento sa klase. Bibe ni Troy Akda ni Nida C. Santos Masaya si Troy sa pag- aalaga ng kanyang bibe. Pinakakain niya ito sa araw-araw. Nililinis niya ang kulungan nito. Pinalalangoy niya ito sa tabing ilog na malapit sa kanila. Pinapakawalan niya ito upang makalanghap ng sariwang hangin. Isang araw, nagulat si Troy sa kanyang nasaksihan. Nakita niya ang isang itlog sa kulungan ng kanyang bibe. Simula noon, binantayan niya ang kanyang bibe at sa araw-araw ito ay nadaragdagan. Naging sampu na ang itlog sa kulungan. Masayang-masaya si Troy sapagkat kapag nalimliman ang mga itlog, dadami ang kanyang alagang bibe. . | |||||||
F.Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | a. Ano ang nilalaman ng balita?Pakinggan ang angkat I sa kanilang pagbabalita o pagbobroadcast? b. Ano sa palagay ninyo ang mensahe ng balita sa ating lahat?Tingnan ang poster na iginuhit ng pangkat II at pakinggan natin ang kanilang pagpapaliwanag kung paano ang wastong pangangalaga sa kalikasan. | Basahin ang buong kuwento sa klase “Bibe ni Troy Akda ni Nida C. Santos” | ||||||||
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Bumuo ng usapan sa telepono gamit ang mga magagalang na salita. Humanda sa pagpaparinig sa klase. | c. Sa inyong palagay, ano-ano ang damdamin ng mga tao na naapektuhanng baha at pagguho ng lupa? Panoorin natin ang role play ng pangkat III. d. Bakit ganito ang naging damdamin ng mga nasalanta ng baha at pagguho ng lupa? e. Bukod sa pangangalaga sa kalikasan at hindi pagputol ng mga puno, ano ang magagawa ninyo bilang isang mag-aaral sa ikalawang baitang? | Magbigay ng mga pamagat ng kuwento at itanong kung ito ay kuwentong makatotohanan at hindi makatotohanan. | Muling basahin ang buong kuwento sa klase “Bibe ni Troy Akda ni Nida C. Santos” bilang pagsasanay sa pagbasa ng mga bata. | ||||||
H.Paglalahat ng Aralin | Paano ang wastong pakikipag-usap sa telepono kung bata o matanda man ang kausap? Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 254 Panatilihin ang magalang na pakikipag-usap sa telepono lalo na kung ang kausap ay nakatatanda at kagalang galang na tao. | Paano isinulat ng may-akda ang kuwento? Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 258 Ang kuwento ay isinulat ng may- akda na may mga elemento tauhan, tagpuan at mga pangyayari. May angkop na pamagat. May mga pangyayari sa kuwento na totoo at hindi totoo. May kuwentong makatotohanan at hindi makatotohanan. | Paano isinusulat ang isang kuwento? Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 259 a. Isinusulat natin ang kuwento na may mga elemento tulad ng tauhan, tagpuan, pangyayari at may angkop na pamagat. b. Nakapasok ang unang salita ng pangungusap ng unang talata. c. Ang bawat pangungusap sa isang kuwento ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa wastong bantas. | |||||||
I.Pagtataya ng Aralin | Isulat ang angkop na salita para mabuo ang usapan sa telepono ng mag -amang Mang Gregorioat Glen sa Gawain 1 sa LM. | Pagtatasa Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung totoo o hindi totoo ang pangyayari. Gawin ito sa kuwaderno. ________1. Hilig nina Brix at Troy ang maglaro sa kakahuyan. _______ 2. Sumulpot na bigla ang isang batang engkantada. _______ 3. Nakapagsasalita ang mga hayop sa kuwento. _______ 4. Nakatulog ang dalawa sa paglalaro. ________5.Kumain sila ng maraming prutas. | ||||||||
J.Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation | ||||||||||
| ||||||||||
| ||||||||||
A.Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | ||||||||||
B:Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | ||||||||||
C.Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | ||||||||||
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | ||||||||||
E.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | ||||||||||
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? | ||||||||||
Download more DEPED daily lesson logs here: www.teachershq.com
File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI