GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | Week 9 | Quarter: | 4TH Quarter |
LUNES | MARTES | MIYERKULES | HUWEBES | BIYERNES | |
LAYUNIN | Nakapagmumungkahi ng solusyon sa isang suliranin na napanood o napakinggan Nababasa ang pinaikling salita/contractions Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kuwento | Naipahahayag ang sariling ideya o damdamin sa maayos at angkop na paraan Nakapagsasabi ng dahilan ng pagpili ng aklat | Natutukoy ang paksa/simuno at panaguri sa pangungusap Natutukoy at nagagamit ang mga print at electronic resources sa silid-aklatan | Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: nakakakuha ng 85% antas ng pagkatuto nakasasagot sa mga tanong sa pagsusulit | Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: nakakakuha ng 85% antas ng pagkatuto nakasasagot sa mga tanong sa pagsusulit |
Pamantayang Pangnilalaman | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita | Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat | ||
Pamantayan sa Pagganap | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3 | Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat F2TA-0a-j-4 | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat F2TA-0a-j-4 | ||
Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan | Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang napanood na patalastas o palabas F2PS-IVf-i-5.4 Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugahan (pormal na depenisyon ng mga salita) F2PP-IV-f-i-1.10 | Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na apat na pantig batayang talasalitaang pampaningin natutunang salita mula sa mga aralin F2PY-IVi-2 | Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panag-uri F2WG-Ivg-j-8 Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan panganga laga sa mga kagamitang makikikita sa silid-aklatan F2EP-Ivj-4.1 | ||
NILALAMAN | IKASIYAM NA LINGGO Aralin 9 Buhay at Kalikasan ay Pahalagahan Mga Pinaikling Salita o Contractions | IKASIYAM NA LINGGO Aralin 9 Buhay at Kalikasan ay Pahalagahan Pagpapahayag ng Sariling Ideya | IKASIYAM NA LINGGO Aralin 9 Buhay at Kalikasan ay Pahalagahan Simuno at Panag-uri | Ikaapat na Markahang Pagsusulit | Ikaapat na Markahang Pagsusulit |
KAGAMITANG PANTURO | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-34 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-34 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-34 | ||
Sanggunian | |||||
Mga pahina sa Gabay ng Guro | 180-181 | 181-182 | 182-183 | ||
Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral | LM in Filipino Yunit4 pahina 497-502,soft copy | LM in Filipino Yunit 4 pahina 503-506,soft copy | LM in Filipino Yunit 4 pahina 506-510, soft copy | ||
Mga pahina sa Teksbuk | |||||
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | larawan ng computer, cellphone | ||||
Iba pang Kagamitang Panturo | laptap | laptap | laptap | Test paper at lapis | Test paper at lapis |
PAMAMARAAN | |||||
Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina(soft copy), Ano ang tinutukoy ng bawat pangungusap sa ibaba? Piliin ang letra ng iyong sagot. a. haleman b. punasan ng basang bimpo c. ika’y d. ay magandang bata e. si Maria f. internet g. isa’t isa h. kontraksiyon i. simuno j. panaguri 1. Ang paksa ng pangungusap ay tinatawag din na _________________. 2. Ang nagsasabi tungkol sa paksa ng pangungusap ay ______________. 3. Ang tawag sa mga salitang pinagsama upang umikli ay _______________. 4. Isang halimbawa ng mga salitang pinagsama upang umikli ay ________________. 5. Isa sa mga halimbawa ng mga electronic resource na magagamit sa pag-aaral ay ang __________. 6. “Si Maria ay magandang bata.” Ang simuno sa pangungusap ay ___________ . 7. Ang panaguri sa pangungusap sa bilang 6 ay _____________________. 8. “Ika’y aking minamahal na kapatid.” Ang kontraksiyon sa pangungusap ay __________. 9. Ang maaaring solusyon sa mataas na lagnat ay ____________ 10. Ang salitang may maling baybay ay __________. | Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 181 Hayaang ipahayag ng mga bata ang kanilang damdamin. Bigyang-halaga ang ginawang pagpapahayag ng mga bata | Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 182 Ipakita ang larawan ng computer, cellphone at iba pang makabagong kagamitan. Magpasulat ng isang pangungusap tungkol sa mga bagay na ito. Tukuyin ang simuno at panag-uri sa bawat pangungusap. | 1.Pagpapaliwanag ng panuto | 1.Pagpapaliwanag ng panuto |
Paghahabi sa layunin ng aralin | Tukoy-Alam Ano-ano ang nakikita ninyong hindi maganda o kaaya-aya sa ating paaralan? Gumawa ng isang liham para sa punongguro upang maipahayag ito at magbigay ng isang solusyon na naiisip. Paglalahad Ano-ano ang malulungkot na pangyayari sa pagsalubong ng Bagong Taon? Paano kaya ito maiiwasan? | Paglalahad Iguhit ang mga ideya tungkol sa naidudulot ng pagbaha. Pag-usapan ang sariling karanasan ng mga bata na may kaugnayan sa pagbaha. Paano kaya maiiwasan ang pagbaha? | Paglalahad Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan. Ano-ano ang makikita dito? Pagtuunan ng pansin ang electronic resources na makikita dito. Saan ginagamit ang bawat isa? | 2. Pagbibigay ng Panuto | 2. Pagbibigay ng Panuto |
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Babasahin“Pangalawang Buhay nina Otoy at Tinay” sa pahina498-499 Noong nakaraang taon, si Otoy ay naging biktima ng paputok. Nakapulot kasi siya ng pla-pla na akala niya ay walang sindi. Sabog ang kaniyang kanang kamay kaya kinailangang putulin. Ang nakalulungkot, kumalat ang impeksiyon dala ng pulbura kaya nag-agaw-buhay si Otoy. Abot ang dasal ng ina ni Otoy na si Aling Dory. Sa ospital, nakasama ni Otoy sa silid ang batang si Tinay. Si Tinay ay biktima ng ligaw na bala na dumaplis sa kaniyang ulo. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya muntik na rin siyang bawian ng buhay. Ligtas na sa kamatayan si Tinay ngunit hindi pa rin matanggap ni Aling Nena ang nangyari sa kaniya. Sinisisi niya ang nagpaputok ng baril nang nakaraang Bagong Taon. Ngunit hindi pa naman matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril. Ligtas na rin si Otoy sa kamatayan. Masaya na rin ang kaniyang inay at naipangako sa sarili na gagabayan ang anak at hinding-hindi na niya ito papayagang humawak ng paputok. Pumasok si Dr. Rosales sa silid nina Otoy at Tinay. Sinuri at pinainom sila ng gamot para tuluyang gumaling. Nagpasalamat sina Aling Dory at Aling Nena sa pag-aalaga ng doktor sa kani-kanilang anak. Pinaalalahan naman ng doktor ang mag-iina na mag-ingat na sa susunod para hindi mapahamak. Napadaing din sila sa doktor na sana ay magkaroon na ng batas upang maging mas mahigpit ang pamahalaan sa mga taong may hawak ng baril lalo na sa mga araw na may pagdiriwang sa isang lugar. Nahiling din nila ang pagpapatupad ng batas para sa mahigpit na pagbabantay sa mga nagbebenta ng mga paputok tuwing sasapit ang Bagong Taon. Makalipas ang dalawang araw ay nakauwi na sina Otoy at Tinay. Sa piling ng kanilang mga magulang ay kapwa nila pinahalagahan ang kanilang ikalawang buhay na bigay ng Maykapal. | sa pahina -503sa LM Paniningil ng Kalikasan Maraming tao ang nagpapabaya sa kapaligiran. Marami na rin ang umaabuso sa ating kalikasan. At dahil dito, marami na rin ang nasawi dahil sa paniningil ng kalikasan. Madalas marinig sa radyo at telebisyon at mabasa sa mga pahayagan ang mga nasawi dahil sa iba’t ibang sakuna tulad ng pagguho ng lupa, paglindol, at higit sa lahat, ang madalas na pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ay maaari ding isisi sa walang humpay na pagputol ng puno sa kabundukan at sa kapaligiran. Ang sabi ng marami, pinarurusahan daw tayo ng Panginoon. Ang sabi naman ng ilan, gumaganti lamang ang kalikasan sa mga taong nagpabaya at hindi nagpahalaga sa kapaligiran. Ayon naman sa isang tagapagbalita sa radyo, alin man sa dalawang paniniwala ay may katuwiran. Una’y maaaring ganti nga ito ng kalikasan. Ang mga mali nating ginawa sa kalikasan ay bumabalik sa atin. Ang ikalawa’y maaaring nagagalit ang Diyos sa tao dahil pinabayaan natin ang magandang kalikasan na Kaniyang bigay. Inabuso natin at hindi inalagaan. Maaaring ang mga kalamidad na dumarating sa tao ay pagpapaalala ng Panginoon upang tayo’y magbago. Hindi pa huli ang lahat. Bata ka man, o kung sino ka man ay may magagawa ka para pangalagaan ang kalikasang regalo ng Diyos. | sa pahina 506 Digital Daw! Ano Iyon? Araw ng Lunes. Umawit ang lahat sa paaralan ng “Lupang Hinirang.” Itinaas ng mga batang iskawt ang bandila. Sumayaw ang ilang bata mula sa ikaanim na baitang. Sa dakong huli, nagsalita ang punong guro na si Gng. Lulu Perez. “Dapat matuto tayong gumamit ng digital na kasangkapan. Bahagi ito ng kampanya ng DepEd sa Digital Literacy sa bansa,” pahayag ni Gng. Perez. “Digital daw! Ano ‘yon?” tanong ng maraming bata sa kanilang isipan. Bago ang salitang ito sa kanila. Hindi ito naging lingid sa kaalaman ng guro na si Bb. Rose Demalgen. Sa loob ng klase, ipinaliwanag ni Bb. Demalgen ang ibig sabihin ng digital na kasangkapan. “Ang digital na kasangkapan ay mga gamit na makabago. Ilan sa halimbawa nito ay computer, laptop, cellphone, at iba pa. Dapat matuto tayong gumamit ng mga ito dahil umuunlad ang ating lipunan at nagiging bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na pamumuhay,” paliwanag ng guro. “Halimbawa, sa pagsasagawa natin ng isang pananaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng pangangalaga ng kalikasan, magagamit natin ang internet para makakuha ng impormasyon at kaalaman,” dagdag ni Bb. Demalgen. “Ngayon, handa na ba kayo, mga bata? Mag-aaral tayo ng paggamit ng digital na kasangkapan!” masayang wika ni Bb. Demalgen. “Opo, Ma’am. Nakahanda na po!” ang sagot ng mga bata. | ||
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Talakayin ang kuwento. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina499 Ano ang nangyari kina Otoy at Tinay? Ano ang mga damdamin sa teksto? Ilarawan ang mga tauhan sa teksto. Ano ang mga suliranin sa teksto? Ano ang solusyon na iminungkahi sa suliraning nabanggit? Ano-ano ang suliranin sa tuwing sasapit ang Bagong Taon? Paano kaya ito mabibigyan ng solusyon? Paano pahahalagahan ang buhay ng tao? Magbigay ng sariling wakas sa binasang teksto. | sa pahina 504sa LM Tungkol saan ang binasa? Ano-ano ang suliraning tinalakay rito? Ano ang epekto nito sa kalikasan? Sa kabuhayan ng mga tao? Sa mga tao? Ano ang mga dahilan at nakararanas ng mga kalamidad? Paano mo pangangalagaan ang ating kalikasan? Paano mo mahihikayat ang ibang bata na pangalagaan ang ating kalikasan? | pahina 508 sa LM, Saan unang narinig ng mga bata ang salitang digital? Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang digital literacy? Bakit kailangang marunong tayong gumamit ng mga kagamitan at kasangkapan na digital? Ano ang mga kagamitan at kasangkapang digital? Paano nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa buhay ng mga tao? Suriin ang mga pangungusap na may salungguhit. Alin dito ang simuno? Alin ang panaguri? | ||
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Ang buhay ay mahalaga kaya dapat itong pag-ingatan, igalang, at mahalin. | Ang kalikasan ay tulad ng buhay na dapat ingatan at pahalagahan dahil kung masisira ang kalikasan, masisira rin ang ating buhay. | Ang mga makabagong kasangkapan ay nakatutulong sa pagpapadali ng mga gawain. | ||
Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina500 A. Bigyan ng solusyon ang sumusunod na suliranin. 1. Maraming mga bata ang tinamaan ng sakit na dengue. 2. Nadapa si Manuel at dumugo ang kaniyang tuhod. 3. Napaso si Bolet nang hindi sinasadyang maidikit niya ang kaniyang braso sa mainit na kawali. 4. Nahulog sa putikan ang bagong damit ni Lito. 5. Nagugutom na si bunso, dahil hindi pa dumarating si Nanay. B. Pagsamahin ang mga salita sa bawat pangungusap na maaaring paikliin. 1. Siya ay nahihiyang humarap sa mga bisita. 2. Ang bayan ay naghihintay ng bagong bayani. 3. Ako at ikaw ay kapwa nilikha ng Diyos. 4. Kayo at kayo rin ang magkakasama kaya magtulungan kayo. 5. Ang pagbibiro kung minsan ay hindi nakabubuti. | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina505 Gumawa ng isang poster tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. . | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina509 A.Isulat kung digital o hindi digital ang mga sumusunod na larawan. B. Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno. Salunguhitan ang paksa o simuno at ikahon naman ang panaguri. 1. Nagsasalita si Monette. 2. Tumatakbo sa dalampasigan si Jake. 3. Si Ninang Fe ay nagdidilig ng mga halaman. 4. Naglalaro ng computer sina Rick at Ding. 5. Masyadong mainit ang sikat ng araw. | ||
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina 501 Una at Ikalawang Pangkat – Sumipi sa magasin ng 10 pangungusap na ginamitan ng kontraksiyon. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Magbigay ng tatlong suliranin sa pamilya at bigyan ito ng solusyon. Ikalimang Pangkat – Sumipi mula sa aklat ng 10 halimbawa ng mga salitang ginamitan ng kontraksiyon. | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina 505 Unang Pangkat – Isadula ang mga ideya na nasa teksto. Ikalawang Pangkat – Isadula kung bakit maraming suliranin ang mg tao dulot ng kalamidad Ikatlong Pangkat – Isadula ang mga paraan kung paano mapapangalagaan ang kalikasan | Sanayin Natin sa LM sa pahina 510 Una at Ikalawang Pangkat – Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa mga digital na kasangkapan na makikita sa silid-aklatan. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Iguhit at ilarawan ang isang digital na kasangkapan o kagamitan na nais mong maimbento. Ipaliwanag kung bakit nais mo ito. | 3. Pagsagot sa mga tanong sa Pagsusulit | 3. Pagsagot sa mga tanong sa Pagsusulit |
H.Paglalahat ng Aralin | Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 502 Ang kontraksiyon ay isang paraan ng pagpapaikli ng dalawang salitang pinagsama. Ginagamitan ito ng bantas na kudlit (’) na sumisimbolo sa nawalang letra. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 505 Ang pakikilahok sa talakayan ay magiging daan upang tayo ay umunlad. Subukang lumahok sa mga gawain tulad ng sabayang pagbigkas at dula-dulaan para umunlad ang kakayahan. Sa pagbasa ay kailangang alam at tukoy natin ang mga dahilan kung bakit natin babasahin ang isang akda o aklat upang makatugon ito sa ating pangangailangan. | Basahin ang Ating Tandaan pahina510 Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan sa isang pangungusap. Ang panaguri naman ay ang bahaging nagsasabi tungkol sa paksa o simuno. Dahil sa pag-unlad ng lipunan at sa mabilis na pagbabago dala ng teknolohiya, kailangan nating matutong gumamit ng mga bagay na digital tulad ng computer, cellphone, digital na kamera, at iba pa. Ang kaalaman sa paggamit nito ay tinatawag na digital literacy. | 4.Pagwawasto ng Pagsusulit | 4.Pagwawasto ng Pagsusulit |
Pagtataya ng Aralin | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 502 A. Lagyan ng bituin ( ) ang pangungusap na nagbibigay ng solusyon at lagyan ng krus (+) ang pangungusap na nagpapahayag ng suliranin. ____1. Ipinagbawal ang pagpapaputok ng baril sa Bagong Taon. ____2. Dumarami ang palaboy sa lansangan. ____3. Nag-aral siya nang mabuti kaya nakatapos ng pag-aaral. ____4. Dalawang oras lamang ang panonood ng telebisyon. ____5. Nagtanim ng maraming puno sa mga bakanteng lote. B. Bumuo ng limang pangungusap na ginagamitan ng kontraksiyon. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 506 A. Ibigay ang kaisipan o ideya sa mga sitwasyong nasa larawan. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina510 Lagyan ng ang bilang na may simuno at panaguri. Lagyan ng panandang ang bilang na walang simuno at panaguri. 1. Aray! Masakit! 2. Si Barron ay masunuring bata. 3. Sina Lolly at Bing ay magaling umawit. 4. Matataba ang mga baboy sa kulungan. 5. Ano? Bakit? | 5.Pagtatala ng Nakuhang Puntos ng mga bata | 5.Pagtatala ng Nakuhang Puntos ng mga bata |
Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation |
| Item Analysis | Item Analysis | ||
MGA TALA | |||||
PAGNINILAY | |||||
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||
Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | |||||
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | |||||
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI
Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com