Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

WEEK 3

Quarter:

4TH Quarter

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

  1. LAYUNIN

  1. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa

Mapanuring pakikinig at pagunawa

Sa napakinggan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas

sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa

sa iba’t ibang uri ng teksto at

napapalawak ang talasalitaan

Naipamamalas ang iba’t

ibang kasanayan upang

maunawaan ang iba’t

ibang teksto

Napauunlad ang

kasanayan sa

pagsulat ng iba’t

ibang uri ng

sulatin

  1. Pamantayan sa Pagaganap

Nakabubuo ng nakalarawang

balangkas batay sa napakinggan

Nakagagawa ng radio

broadcast/teleradyo, debate at ng

isang forum

Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o binasang

paksa

Nagagamit ang silidaklatan

sa pagsasaliksik

Nakasusulat ng talatang

Nangangatwiran tungkol sa isang

isyu o paksa at makagagawa ng

portfolio ng mga sulatin

  1. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Naisasakilos ang napakinggang awit

Napapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay

F5PN-IVc-f-5 , F5PT-IVc-j-6/Pahina 76 ng 143

  Nagagamit ang iba’ t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/interview

F5WG-IVc-13.5

Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon

F5PB-IVc-d-3.2

Nagagamit nang wasto ang Dewey Classification System

F5EP-IVc-9.3

Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo

F5PU-IVci-2.12

  1. NILALAMAN

Pagsasakilos ang napakinggang awit.

Pagpapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay

Paggamit ang iba’ t ibang uri ng pangungusap sapakikipanayam/interview

Pagsasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon

Paggamit nang wasto ang Dewey Classification System

Pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo

KAGAMITANG PANTURO

  1. Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

  1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

Punla 5 p127,  Landas sa Pagbasa 6 p 9,22

Hiyas sa Wika 5 p 15-20, Hiyas sa Pagbasa 5 p102-107

Punla 5 p54-56

Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 5 p143-144,

Pagdiriwang sa Wikang Filipino sa Pagbasa 5 p195-198

Hiyas sa Wika 5 p48,200

 Bagong Filipino 5 Wika p16-17

  1. Mga pahina sa Teksbuk

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

  1. Iba pang Kagamitang Panturo

Tsart ng awit

        larawan

        Metacards

larawan

        Metacards

Tsart

        Metacards

flashcards

        Metacards

Larawan

        tsart

  1. PAMAMARAAN

  1. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

1.Pagsasanay :

Maglalaro tayo kagaya ng sa Family Frued.Magbigay ng  mga trabaho na gumagamit ng pito?

2.Balik-aral:

Ano ang dapat natin tandaan kapag nais natin magpahayag tungkol sa isang nasaksihan ninyong pangyayari?

1..Pagsasanay

Buuin ang mga jumble letters at sabihin kung anong uri ito.

1.tapanong

2.dampadam

3.saypasalay

4. uptosa

2.Balik-aral

Ibigay ang kaugnay na salita ng puto? lapis?gulong?

1.Pagsasanay

Unahan sa pagbibigay ng kahulugan ang mga sumusunod na salita :

bilao ng palay        mag-usyosoginhawa        nagtungo        isaing

2.Balik-aral

Anu-anong uri ng pangungusap ang ginagamit sa pakikipanayam?

1.Pagsasanay

           Pagbabaybay

           Idikta ng sampung salita

2.  Balik-aral

    Ano ang ating napag-aralan kahapon?

1.Pagsasanay

Pagbabaybay

Idikta muli ang sampung salita

2.Balik-aral

Ano ang kahalagahan ng Dewey System?

  1. Paghahabi sa layunin ng aralin

A.Pagganyak :

Iparinig ang awit ng Smokey Mountain na Anak ng Pasig

A.Pagganyak

Kung kayo ay papipilin sino ang gusto ninyo makapanayam? Bakit?

A.Pagganyak

     Tumawag ng walong bata upang Ipabuo  ito : Pagsasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon

A.Pagganyak

Tumawag ng labing dalawang bata bigyan ng titik ang bawat isa at ipabuo ang Dewey System

Nakapunta nab a kayo sa libaray? Nakakita nab a kau ng kard katalog?

Pagganyak

Guessing game ; Sinong news anchor ito :

Di kita tatantanan?

Magandang gabi bayan?

SOCO?

  1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Paglalahad :

Pangkatin ang klase sa apat. Habang pinakikinggan ang awit ng Anak ng Pasig. Umisip kayo ng galaw o kilos na nababagay sa lyrics ng awit.  Hanapin ninyo sa lyrics ng awit ang magkakaugnay na salita o maari din umisip kayo ng mga salitang kaugnay ng mga salitang may salunguhit sa lyrics.

B.Paglalahad

Ipabasa ang panayam sa Ang Hari ng mga Dyip mula sa Hiyas sa Pagbasa 5p 102-103.

Paglalahad

Ilahad ang kwento ni Pole at ang Bigas

Si Pole at ang Bilao ng Bigas

Refer to LM

B.Paglalahad

Isa sa sistema na ginagamit sa pa-aayos ng mga aklat sa aklatan ay ang Dewey Decimal System. Ito ay sinimulan ni Melvin Dewey,isang Amerikano. Inaayos ang mga aklat ayon sa paksang pinangkat sa sampubg kategorya.

00-99 General Works/ Sanggunian

100199Philosophy/Pilosopiya/Sikolohiya

200-299        Religion/Relihiyon

300-399        Social Studies/Araling Panlipunan(Pulitika, Batas, Edukasyon, Pamahalaan, Kalakalan, Komunikasyon)

400-499        Language/Wika

500-599         Pure Science/ Agham

600-699        Technology/Useful Arts o Applied Science

700-799        The Arts/ fine Atrs and Recreation

800-899        Literature/ Panitikan

900-999        Geography, History/ Heograpiya at Kasaysayan

Paglalahad

Magparinig ng isang balita mula sa radio.

Tingan sa Bagong Filipino 5 Wika p16-17

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pagtalakay :

Pag –usapan ang mga kilos na pwedeng gamitin sa awit. Ano mga dapat isaalang- alang kapag naglalapat ng kilos sa awit? Paano ninyo nasabi na magkaugnay ang mga salita?

C.Pagtatalakay

Tungkol saan ang binasang panayam?

Saang larangan napatanyag si G. Leonardo S. Sarao?

Paano siya nagtagumpay?

Anu-anong uri ng pangungusap ang maari natin gamitin sa pakikipanayam?

.Pagtalakay :

Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa Kwento:

1.Saan naganap ang kwento?Sa anong yugto ng buhay ni Pole ito naganap ?

2.Sinu-sino ang iba pang tauhan sa kwento?Ilarawan ang bawat isa sa kanila.

3.Ilarawan mo si Pole.

4.Ano ang kusang ginawa ni Pole na hindi iniutos ng kanyang ina?

5.Ginawa ba niya ang nararapat gawin? Ano ang naramdaman niya sa kanyang ginawa?

6.Paano siya naiiba sa kanyang mga kaibigan?

7.Dapat ba siyang hangaan at tularan ng kabataang tulad mo? Bakit?

8.Kailan mo naipakikita ang mga katangiang tulad ng kay Pole?

C.Pagtatalakay

Ano ang Dewey System ?

Paano ito makatutulong sa mga mag –aaral?

.Pagtatalakay

Ano ang paksa ng binasang balita ?

Saan ibinatay ang pamagat?

Saan inilagay ang pinakamahalagang bahagi ng balita?

Anu-anong tanong ang sinasagot nito?

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

.   Pagpapayamang Gawain:

A.Gawin Ninyo

:Kumuha ng kapareha.Ibigay ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat:

1.Hangal : matalino                        6.lihim: sekreto

2.Lumubog:lumutang                7.namangha:nagulat

3.Nagdaralita:naghihirap                8.dahop:sagana

4.Umuusok: umaaso                9.intindihin:unawain

5.Matagal:sandal                        10. Nabatid: nalaman

D.Pagpapayamang Gawain

A.Gawin ninyo :

Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng isa pa ring panayam naman sa Piyanistang Pilipina. Tingnan sa Hiyas Pagbasa 5 p 106.Pumili sa grupo na pwedeng gumanap bilang Pilipinang piyanista at isang guro

Pagpapayamang Gawain

A.Gawin  Ninyo

Pangkatin ang klase  Ipagawa sa bawat pangkat ang habi ng tauhan ni Pole

Pole

Katangian        Patunay

D.Pagpapayamang Gawain

A.Gawin Natin

Pangkatin at klase at ipagrupo ang aklat na mayroon sila kung saan kabilang na code.

Pagpapayamang Gawain

A.Gawin Ninyo

Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng pitong bagay ng walang kaugnayan sa bawat isa. Ipagamit ang mga bagay na ito upang makagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang. Bigyang diin ganito rin ang strip sa radio. Bawat isa sa mga makikita natin sa istrip ay tungkuling ginagawa upang mapaganda ang isang radio show.

  1. Paglinang sa Kabihasan

(Tungo sa Formative Assessment)

B.Gawin  Mo

Kung papipilin ka ng isang awit na nagsasaad ng damdamin mo para sa ating bansa, anong awit ang pipiliin mo? Ilista sa hiwalay na papel ang liriko o ang bahagi ng liriko ng awit na ito.

B.Gawin  Mo

Kung ikaw ang naatasan na makimanayam sa hari ng dyip o sa pilipinang piyanista. Anu-ano ang gusto mong sabihin at itanong sa kanila ?

B.Gawin mo

Basahin at sagutin ang mga tanong:

May isang batang ang pangalan ay David. Marunong manalangin at saka umawit. Itong batang si David ay kumuha ng limang bato upang gamitin niya sa kanyang paltik laban kay Goliat na lubhang malaki sa kanya. HNoong nagkaharap na si david at Goliat , tinawanan lang niya ito dahil sa bata pa sya at maliit pa. Ngunit di natakot si David isang bato ang nilagay sa kanyang tirador at pinaikot- ikot. At tumama ito sa noo si Goliat at natumba at tumama pa ang ulo nito sa bato.

Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

Bakit pinagtatawanan lamang ni Goliat si Davd?

B.Gawin Mo

Sabihin kung anong code ang dapat ilagay sa sumusunod na aklat:

1.        Science and Health

2.        Hekasi

3.        MSEP

4.        Hiyas sa Wika

5.        Magpalakas at Umunlad

B.Gawin mo

Ayusin nang sunud-sunod ang mga pangyayari sa ibaba upang makabuo ng isang magandang balita. Gawin ito sa sagutang papel.

Liga ng Basketbol

Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Palmera, Phase I,II,III at IV. Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon. Isang parading nilahukan ng lahat ng lahat ng manlalaro ang nagbukas ng liga. Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod. Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang koponang Asit. Masayang-masaya ang mga nanonood sa basketbol tuwing Sabado at Lingngo ng gabi.

  1. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

. Paglalapat :

Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating inang kalikasan ? Isulat ito sa isang talata at gamitan ng mga salitang magkaka-ugnay.

.Paglalapat

Mahalaga ba na gumamit ng magagalang na pananalita kung ikaw ay makikipanayam sa isang tao? Dapat mo bang pilitin sila sa gusto mong maging sagot nila ?

Paglalapat

Minsan nang tanungin ang dating Pangulong Fidel V. Ramos kung sino sa mga Pangulo ng Pilipinad ang hinahangaan niya. Walang atubili kanyang sinabi na si Dr. Jose P. Laurel dahil nagging pangulo ito noong panahon ng Hapon dahil napakahirap magpasya noon sapagkat maninimbang sa Pamahalaang Hapon at kapakanan ng mga Pilipino. Bakit humanga ang dating Pangulong Ramos kay Dr. Jose P. Laurel?

F.Paglalapat

Nagpunta ka sa aklatan para manghiram ng aklat na gusting –gusto mo. Nagkataong wala ang gurong nakatalaga sa aklatan. Alam mo kung saang cabinet ito nakalagay at naiinip ka na sa paghihintay. Ano ang iyong gagawion ?

c.Paglalapat

Paano mo gagawin ang isang skrip sa radio na hindi makkasakit sa damdamin ng iyong kapwa? Anong mga pananalita ang dapat mong gamitin?

  1. Paglalahat ng Arallin

.Paglalahat :

Ano ang natutunan mo sa aralin ?

Ano ang dapat natin gawin upang manatiling maayos an gating kapaligiran?

.Paglalahat

Ano ang natutunan mo sa aralin? Ano ang gagawin ninyo kung kayo ay naatasan na makipanayam sa isang sikat na tao sa ating bansa? Anu-anong uri ng pangungusap ang inyong pwedeng gamitin kung makikipanayam ka?

Paglalahat

Anong aral ang napulot natin sa kwento ni Pole?

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

E.Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng code sa pag-aayos ng silid aklatan?

b.Paglalahat

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng skrip para sa radio o teleradyo?

  1. Pagtataya ng Aralin

. Pagtataya :

Ibigay ang mga salitang magkakaugnay at ang paraan ng pagkakaugnay ng mga ito (gamit, bahagi,lokasyon o ugnayan sa kulay). Halimbawa sa bilang 1, ang watawat at tagdan ang magkaugnay. Ang paraan ng pagkakaugnay ay lokasyon dahil ikinakabit ang watawat sa tagdan nito. Gawin ang bilang 2-10 sa sagutang papel.

1. watawat,awit,tagdan, bata                (lokasyon)

2.langit, bughaw, burol,lupa

3.dagat,bapor,dyip, bus

4.dingding,palay, bahay,paaralan

5.panghiwa,palakol,kutsilyo,martilyo

6.pala,pako,panghukay, gunting

7.araro,gulong,kariton,puno

8.ibon,pugad,aso,pusa

9.kotse,garahe,kabayo,kambing

10.Pilipinas, Timog-silangan, malayo, lahi

Pagtataya

Magtala ng limang pangungusap na maaring magamit kung makikipanayam.

Pagtataya :

Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong :

Walang panginoon - Deogracias Rosario

1.Bakit galit si Marcos kay Don Teong?

2.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

3.Ano ang nagging dahilan ng kamtayan ni Don Teong?

4.Kung ikaw si Marcos gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?

5.Anong aral ang napulot natin sa kwento?

Pagtataya

A.Sagutin nang wasto.

1.        Ikaw ba ay pumupunta sa inyong library?Bakit?

2.        Ano ang iyong ipiniprisinta bago manghiram ng mga aklat?

3.        Paano mo hahanapin ang isang aklat kung pamagat lamang nito ang alam mo?

4.        Sino ang maari mong pagtanungan tungkol sa aklat na hinahanap mo?

B.Isulat kung ang sagot ay tama o mali

1.Mas una ang pangalan ng awtor kapag hinahanap ang kard ng paksa

2.Nasasabi ang aklat kung saan at kalian ito nilimbag

. Pagtataya

Gumawa ng isang skrip sa radio tungkol sa tamang paraan ng paglilinis sa katawan o kaya tungkol sa halalan sa inyong lugar.

  1. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

V. Takdang Aralin:

Magsaliksik sa iba’t ibang uri ng pangungusap na maaring gamitin sa pakikipanayam.

Takdang  Aralin :

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makipanayam sa ating Pangulo, anu- ano ang nais mong itanong sa kanya?

Takdang-Aralin

Magsaliksik tungkol sa Dewey System at alamin kung paano at saan ito ginagamit.

Takdang-Aralin

        Pumunta sa silid-aklatan. Magtala sa kwaderno ng mga aklat na maaaring ihanay o isali sa bawat klasipikasyon ayon sa Dewey Decimal syatem. Kopyahin din ang call number ng kard na makikita sa bahaging kaliwa nito na nagign gabay mo sa paghahanap ng aklat.

Takdang-Aralin

Makinig sa radio o telebisyon ng ulat tungkol sa kalgayan ng panaho. Isulat ang ulat tungkol sa kalagayan ng panahon. Isulat ang ulat sa iyong notebook at humandang basahin ito sa harap ng klase. Sundin ang mga hakbang :1.Pakinggan ang balita.

2.Isulat ang pamagat, ang pangunahing ideya o paksa sa unang pangungusap.

3.Sunadn ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng detalye.

4.Iwasto ang isinulat bago basahin sa klase.

        

  1. Mga Tala

  1. Pagninilay

  1. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

  1. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

  1. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

  1. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

  1. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

  1. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

  1. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com

File Created by Ma'am Rosa Hilda P. Santos