Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

Week 8

Quarter:

4th Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

  1. LAYUNIN

  1. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa

Mapanuring pakikinig at pagunawa sa

napakinggan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas

sa pagsasalita at pagpapahayag ng

sariling ideya, kaisipan, karanasan atdamdamin

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa

sa iba’t ibang uri ng teksto at

napapalawak ang talasalitaan

  1. Pamantayan sa Pagaganap

Nakabubuo ng

nakalarawang

balangkas batay

sa napakinggan

Nakagagawa ng radio

broadcast/teleradyo, debate at ng

isang forum

Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa

binasa, nakapagsasagawa ng isang

debate tungkol sa isang isyu o binasang

paksa

  1. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan.

:    F5PN-IVgh-23, Pahina 76 ng 143

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan

F5WG-IVfhif-13.6/Pahina 76 ng 143

Nabibigyang-kahulugan ang matalinhagang salita.

F5PT-IVeh-4.4// Pahina 76 ng 143

  1. NILALAMAN

Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan.

Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali ng Isang Usapan.

Pagbibigay-kahulugan sa Matalinhagang Salita

KAGAMITANG PANTURO

  1. Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

  1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

MISOSA Blg. 10,

  1. Mga pahina sa Teksbuk

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, Pagbasa ph. 146-150

Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi 5, ph. 411-413, 424

Hiyas sa Wika 5, ph. 15-20

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, Wika ph. 29-31

Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi 5, ph. 321-322

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

:      tsart, activity cards, cassette / CD player

larawan, tsart, activity cards

tsart, activity cards.

  1. Iba pang Kagamitang Panturo

  1. PAMAMARAAN

  1. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

1.Pagsasanay

Pagsasakilos ng napakinggang awit.

2.Balik-aral (Gamitin ang tsart)

Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwentong Napakinggan. Pakinggan ang kwentong babasahin ng guro at gawin ang pagsasanay na sumusunod.

Babasahin ng guro ang kwentong “Naging Sultan si Pilandok” mula sa aklat na Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, Pagbasa ph. 146-148.

1.Pagsasanay

Basahin nang wasto ang mga pangungusap sa sumusunod.

Itinataas ang watawat sa tagdan.

1.Nakita ko kung paano siya nadapa.

2.Nadapa ang bata!

3.Ano baa ng nangyari sa iyo?

4.Lagyan mo ng gamot ang sugat niya.

2.Balik-aral

Anu-ano ang nararapat nating gawin kung tayo ay sumasali sa isang usapan o dayalogo?

1.Pagsasanay

Punan ng nawawalang titik ang mga kahon upang mabuo ang kasing kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa parirala.

2.Balik-Aral

Paano binibigyan ng kahulugan o kasingkahulugan ang mga salitang ginamit sa pangungusap?

  1. Paghahabi sa layunin ng aralin

A.Pagganyak

Sino sa inyo ang mahilig magbasa ng mga kwentong-bayan?

A.Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng dalawang batang nag-uusap.

(Pag-uusap ng larawan)

A.Pagganyak

May kilala ba kayong tao na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa katamaran o kawalang interes na mag-aral? Ano ang katayuan niya ngayon sa buhay?

Ngayon babasahin natin anng kwento na mapupulutan mo ng magandang aral upang maging higit kayong magsipag sap ag-aaral.

Matutunan mo rin sa araling ito ang pagbibigay-kahulugan sa salitang matalinhaga

  1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

B.Paglalahad

Iparinig muli ang kwentong “Naging Sultan Si Pilandok”

B.Paglalahad

Pagbasa sa isang usapan.

“Ay! Swerte!”

Josefino:  Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court?

Inay:         Sige, anak, kaya lamang, huwaag mong pabayaang matuyo ang  pawis mo, hane. Pakidaan mo na rin itong ginatan kay Mareng Sela.

Josefino:         Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Josefino dala ang bola at mangkok ng ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, di na bale. Akin na ito! Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili nito. Ibibili ko si Titser Tess ang bulaklak at tsokolate. Bibigyang ko sina Carlo, Oscar, May at Grace ng sandwich. A, ewan! Inay! Inay! Nawalan po ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto.

Inay:         Naku, salamat, Josefino! Kanina ko nga iyan hinahanap. Maraming salamat.  (Hahalikan si Josefino.)

B.Paglalahad

Pagbasa sa kwentong “Litong-Lito si Ben” (nasa MISOSA Blg. 10, ph. 2-3)

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

C.Pagtatalakay

1. Ano  ang dahilan ng panggigilalas ng sultan isang araw?

2. Paano nakaligtas si Pilandok sa tiyak na kamatayan?

3. Naniwala baa ng sultan sa pahayag ni Pilandok? Bakit?

(Sundan sa bahaging “Sagutin Natin” sa ph. 150 ng Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, Pagbasa)

C.Pagtatalakay

1.Pagtatalakay tungkol sa usapan.

Sagutin Natin ph.30

1.Sino ang batang di mahilig mag-aral sa kwento?

2.Ano ang sinabi ng kanyang guro dahil palagi siyang walang takdang-aralin?

3.Ano ang pagkakaunawa ni Ben sa sinabi ng guro?

4.Sino ang nagpaliwanag kay Ben sa nais ipahiwatig ng guro?

5.Bakit dapat siyang mag-aral na mabuti?

6.Ano ang dapat gawin ni Ben upang hindi siya makakuha ng kalabasa sa Marso? Anong uri ng salita ng makakakuha ng kalabasa?

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

2.Pagtatalakay tungkol sa paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa usapan/dayalogo.

Alin ang pangungusap na nag-uutos?

Nagpapahayag ng matinding damdamin?

Ang nagsasalaysay?

Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?

Basahin ang mga pangungusap na hinango sa kwento. Pansinin mo ang mga salitang may salungguhit.

1.Tiyak na makakakuha ng kalabasa si Ben pagdating ng Marso.

2.Kailangang magsunog ka ng kilay anak, upang makapasa ka sa Marso.

3.Sabi po ng guro itlog naman ang ibibigay ko ngayon.

Ano ang tawag sa mga ito? Matalinhagang salita, di ba?  Ito ay mga salitang tago ang kahulugan at kadalasan ang mga salitang ito ay nakakadagdag sa lalong ikalilinaw ng diwang nais ipahayag.

  1. Paglinang sa Kabihasan

(Tungo sa Formative Assessment)

D.Pagpapayamang Gawain

Mag-usap kayo ng mga kagrupo mo. Igawa ng buod o lagom ang kwentong “Naging Sultan Si Pilandok” at iulat ito sa hanap ng klase

Basahin ang bawat sitwasyon. Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang isasagot?

(Hiyas sa Wika 5, ph. 17, Sabihin

D.Pagpapayamang-Gawain

Panuto:

Basahin ang mga pangungusap at bigyan ng pansin ang mga talinhagang may salungguhit. Piliin ang kahulugan nito sa lipon ng mga salitang nasa ibaba ng bawat bilang.

1.Para akong natutunaw na kandila noong kinagagalitan ako ni Bb. Reyes.

a.sumasama ang katawan

b.hiyang-hiya

c.naiinitan

2.Tila siya patabaing baboy sa kanilang bahay.

a.mahilig sa matatabang pagkain

b.marumi ang katawan

c.kain lang nang kain nang walang ginagawa

3.Mistulang pugon ang lugar na pinagdausan ng palatuntunan kaya’t kami ay hindi nagtagal.

a.mainit

b.masikip

c.madilim

4.Talak siya ng talak na parang inahin mula umaga hanggang gabi.

a.daing nang daing

b.tawa nang tawa

c.daldal nang daldal

5.Tigre si Ginoong Cruz sa kaniyang mga kasamahan.

a.mabagsik

b.mapaghatol

c.matapat

6.Kasintaas ng poste ang panganay niyang anak.

a.matangkad na matangkad

b.matalino

c.nangangayayat

7.Parang kiti-kiti ang batang ito.

a.mapag-usisa

b.malakas kumain

c.malikot at di mapirmi

8.Di-maliparang uwak ang bulwagan nang dumating ang sikat na artista.

a.kakaunti ang tao

b.punung-puno

c.maraming ibon

  1. Paglalaapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

F.Paglalapat

Makinig sa kwentong babasahin ng guro at ibigay ang buod nito.

“Natapos Din”

Paglalapat

Isulat A (Hiyas sa Wika, ph. 19)

F.        Paglalapat (Gamitin ang activity cards)

Bigyan mo ng kahulugan ang mga sumusunod na salitang matalinhaga. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B.

Isulat ang sagot sa loob ng balulang na nasa ibaba.

Hanay A                 Hanay B

1. Pagsusunog ng kilay                                a. masama ang ugali

2. Nadilang anghel                                              b. masakit ang damdamin

3. Walang itulak-kabigin                                c. nagkatotoo ang sinabi

4. Pasang krus                                        d. mayabang

5. Tupang itim                                        e. pag-aaral nang mabuti

                                                f. di-alam ang pipiliin

  1. Paglalahat ng Arallin

E.Paglalahat

Ano ang lagom o buod?

Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagbubuod ng tekstong narinig?

Ang buod o lagom ng teksto/kwentong narinig ay ang kabuuang nilalaman sa pagbubuod ng tekstong narinig, mapaiikli sa dalawa, tatlo o ilang pangungusap lamang ang isang buong talata.

E.Paglalahat

Ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit?

E.Paglalahat

Ano ang tinatawag na “matalinhagang” salita?

Ang matalinhagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng tamabalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

  1. Pagtataya ng Aralin

Pagtataya

Pakinggan ang talatang babasahin ng guro at ibigay ang buod nito.

Proyektong Pangkapaligiran, Inilunsad”

(nasa ph. 424 ng Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi 5)

Pagtataya

        

Isulat C (Hiyas sa Wika, ph. 20

Pagtataya

Panuto:

Piliin mo ang titik ng matalinhagang salita na tugma sa isinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

a.naniningalang pugad

b.halik-hudas

c.kakaning-itik

d.taingang kawali

e.isang kahig, isang tuka

f.bantay-salakay

1.Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric ay ______________ na.

2.Tawag nang tawag ang ina ay Romy. Naririnig ni Romy ang tawag ngunit hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig. Siya ay may ____________.

3.Gabi-gabi si Aling Lindi ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung bakit nagkagayon, samantala may pinagbabantay naman siya. Naghihinala tuloy siya na pinagbabantay niya ay isang _________________.

4.Matipid si Ana. Hindi siya palabili. Hindi siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasagot sa kanilang gastos. Sila ay _____________________.

5.Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awa itong si Ramon. Kayang-kaya siyang paiyakin ng kapwa at siya ay laging  tampuhan ng panunudyo. Siya ay ________________ sa aming pook.

  1. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

. Takdang-Aralin

Makinig ng balita sa radyo o telebisyon at igawa ito ng buod.

Takdang-Aralin                

Gumawa ng usapan batay sa sumusunod na kalagayan. Gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

* Nais mong pumunta sa kaarawan ng iyong kaibigan.

. .Takdang-Aralin

May mga matalinhagang salita sa loob ng kahon sa ibaba. Pumili ka ng 4 at gamitiin mo ito sa sarili mong pangungusap.

agaw-buhay                

malamig ang kamay

bukas-palad                        

utak-lamok        

magaan ang loob                        

basing-sisiw

  1. Mga Tala

  1. Pagninilay

  1. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

  1. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

  1. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

  1. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

  1. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

  1. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

  1. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com

File Created by Ma’am ROSA HILDA P. SANTOS