Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

MAPEH

Teaching Dates and Time:

Week 5

Quarter:

4th Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

  1. OBJECTIVES

  1. Content Standards

The learner…

demonstrates understanding

of concepts pertaining to

texture in music

The learner…

demonstrates understanding

of concepts pertaining to

texture in music

The learner…

demonstrates understanding of colors, shapes, space, repetition, and balance through sculpture and 3-dimensional craft.

The learner…

demonstrates understanding of basic first aid principles and procedures for common injuries

The learner . . .

demonstrates

understanding of

participation and

assessment of physical

activity and physical

fitness

  1. Performance Standards

The learner…

recognizes examples

of horizontal 3-part

vocal or

instrumental texture,

aurally and visually

The learner…

recognizes examples

of horizontal 3-part

vocal or

instrumental texture,

aurally and visually

The learner…

demonstrates fundamental construction skills in making a 3-dimensional craft that expresses balance, artistic design, and repeated variation

of decorations and colors

1. papier-mâché jars with patterns

2. paper beads

constructs 3-D craft using primary and secondary colors, geometric shapes, space, and repetition of colors to show balance of the structure and shape

The learner…

practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries

The learner . . .

participates and assesses

performance in physical

activities.

assesses physical fitness

  1. Learning Competencies/Objectives

Write the LC code for each

identifies aurally the texture

of a musical piece

MU5TX-IVe-1  2

. performs 3-part rounds and

partner songs MU5TX-IVe-2

displays artistry in making mobiles with varied colors and shapes.

A5PL-IVe /Page 42 of 93

discusses basic first aid principles

H5IS-IVb-35

executes the different skills

involved in the dance PE5RD-IVc-h-4

1

  1. CONTENT

Iskultura at 3-D

Paggawa ng Mobile na may Ibat-ibang Kulay at Hugis

MGA PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG FIRST AID (PAUNANG LUNAS)

KASANAYAN SA PAG-SAYAW NG CARIÑOSA

  1. LEARNING RESOURCES

  1. References

  1. Teacher’s Guide pages

  1. Learner’s Material pages

• MISOSA5-

module18

  1. Textbook pages

  1. Additional Materials from Learning Resource (LR) portal

  1. Other Learning Resources

Hanger, makukulay na papel, pandikit, sinulid, mga patapong bagay tulad ng straw at tansan

Mga larawan, tsart, meta cards

CD ng sayaw na Cariñosa, Video ng sayaw, panyo, pamaypay

  1. PROCEDURES

  1. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson

Panimulang Gawain

     1. Balik-Aral

        Magpakita ng mga larawan ng ibat-ibang mobiles

Itanong: Anu-ano ang mga pamamaraan ginagamit upang makagawa ng mga tatlong dimensional na likhang-sining tulad ng mobile?

Pagpapakita ng larawan

Noong nakaraang aralin, nalaman ninyo ang ilan sa mga basic dance steps. Ano-ano nga ba ang mga ito?

Alam na ninyo ang basic dance steps na ito ay ginagamit sa sayaw na ating pag-aaralan ngayon.

Bago tayo magpatuloy, maglaro muna tayo. Mayroon ako ng mga katanungan sa inyo tungkol sa pinagmulan ng sayaw na Cariñosa?

Kapag ang inyong sagot at titik A, doon kayo humanay sa may nakaposteng bata na may hawak na letrang A. Kapag B naman ang sagot, doon kayo pumunta sa B, at kung C naman doon kayo pumunta sa C.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?

a. Malambing c. Masaya

b. Matapang d. Malungkot

2. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?

a. Tsinelas at salakot c. Panyo at abaniko

b. Bilao at panyo d. Bulaklak at pamaypay

3. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na Cariñosa?

a. Tsino c. Amerikano

b. Espanyol d. Hapon

4. Saan lugar unang naging ang sayaw na ito?

a. Bukidnon c. Palawan

b. Cebu d. Panay

5. Magbigay ng ilang hakbang na ginagamit sa sayaw na Cariñosa?

  1. Establishing a purpose for the lesson

Pagganyak

Nais ba ninyong magkaroon ng sariling likhang-sining?

discusses basic first aid principles

Magpakita ng larawan ng mga batang nakasuot ng damit pansayaw na gingamit  sa Cariñosa

  1. Presenting examples/instances of the new lesson

Paglalahad

        Magpakita ng isang mobile sa mga bata.

        Itanong: Paano nagiging kaakit-akit ang isang likhang-sining tulad ng mobile? Anong katangian ang maaari natin idagdag upang maging mas maganda ang ating likha?

Sabihin: Ang mobile ay nagsisilbing adorno sa ating mga pinto at bintana. Kahali-halina itong tingnan dahil sa makukulay nitong dekorasyon. Idagdag pa ditto ang nakakaaliw na tunog na nalilikha nito sa tuwing mahihipan ng hangin.

1. Bataysa mgalarawan, ano-anong sitwasyon ang inyong nakita?

2. Ano-anoangmgamaaaring mangyari sa mga taong ito kung walang tutulong sa kanila?

3. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan  ng mga sitwasyon sa larawan, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa mga taong ito?

Ang sayaw na Cariñosa ay isang katutubong sayaw na dapat pahalagahan ng kabataang Pilipino. Ito ay sinasayaw sa tugtuging may ritmong 3 na palakumpasan.

4

  1. Discussing new concepts and practicing new skills #1

Gawaing Pansining

(Tingnan ang pamamaraan sa Kagamitan ng Mag-aaral)

.Pagtatalakay

Karaniwang Pinsala at Kondisyon        Pangunang Lunas

1. Sugat        

Karaniwang hindi nangangailangan ng daliang pagdadala sa ospital. Maaaring gawin ang mga sumusunod na pamamaraan:

a. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng malinis na tubig at sabon.

b. Pagpapatigil sa pagdurugo gamit ang malinis na tela o bulak.

c. Linising mabuti ang sugat mas mainam na patagalin ang sabon sa loob ng sugat upang maiwasan ang mikrobyo, banlawang mabuti.

d. Lagyan ng gamot o antibiotic.

e. Takpan ang sugat ng bandage.

f. Palagiang palitan ang mga bandage ng sugat isang beses sa isang araw.

g. Kung malalim ang sugat nangangailangan itong tahiin sa malapit na health center o ospital.

h. Suriing mabuti ang sugat at palagiang tingnan ang mga sintomas o palatandaan ng impeksiyon. Kung may impeksyon paturukan ng anti-tetanus ang pasyente.

Refer to Lm

 Hakbang sa Pagasasagawa ng sayaw na Cariñosa

Paghahanda: Nakatayong pareho at magkaharap ang lalaki at babae. Nasa ng lalaki ang babae.

Simulang tugtog:

Magkaharap ang lalaki at babae, iikot pakanan sa lugar sa loob ng tatlong bilang; nakahawak sa saya ang babae, samantalang nakalagay sa baywang ang kamay ng lalaki.

Unang Pigura- Tatlong Hakbang Paturo

1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap (1,2,3), ang kanang kamay ay nasa baligtad na T posisyon habang ang kaliwang kamay ay nasa baywang. Ikumintang ang kanang kamay kapag itinuturo ang kaliwang paa.

2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa kaliwang paa, pagilid sa kaliwa. Ang kamay ay baligtad ang posisyon.

3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.

Ikalawang Pigura- Paturo

Magkaharap parin ang babae at lalaki.

1. Gamit ang kanang paa, humakbang ng tatlo pasulong sa gitna (1,2,3). Gamit ang kaliwang paa humakbang palapit sa kanan (1). Tumigil ng (2,3) sumandali.

2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang paang pinagpapalit-palit. Tingnan ang kapareha.

3. Humakbang pasulong gamit ang kanag paa papunta sa kanang balikat ng kapareha (1,2,3,4). Umikot pakanan at humarap sa isa’t-isa, ilapit ang kanang paa sa kaliwang paa (2,3).

4. Gawing muli ang 1-3. Bumalik sa puwesto.

5.

Ikatlong Pigura-Talikuran

1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3) at umikot pakanan (2,3).

2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa kapareha sa tapat ng kanang balikat, ang kamay ay nakahawak sa baywang (1,2). Humakbang patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa sa kaliwang balikat (3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa, kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng salitan sa kapareha. Nakatayo ang magkapareha na magkadikit ang kanang balikat kung ang kanang hintuturo ay iwinawasiwas sa kapareha, at magkadikit naman ang kaliwang balikat kung ang iwinawasiwas ay kaliwang hintuturo.

3. Umikot ng pabalik at pumunta sa lugar ng kapareha.

4. Gawin ang 1-3.

Ikaapat na Pigura-Taguan sa Pamaypay

1. Magkita sa gitna.

2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang pamaypay. Ituro ang kanang paa sa harap at takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay. Humakbang gamit ang kanang paa palapit sa kaliwa, ibaba ang kanang kamay. Ang lalaki naman ay ituturo ng salitan ang mga paa paharap at sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.

3. Magpalitan ng puwesto.

4. Ultin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.

Ikalimang Pigura-Pagluhod at Pagpaypay

1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae ay luluhod gamit ang kanang tuhod habang iikutan siya pakanan ng lalaki, tatayo sa likuran ng babae at nakaharap sa direksyon ng babae.

Ilagay ang mga kamay sa baywang.

2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan ang babae sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya ng babae pasalungat.

3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magapapalit sila ng lugar.

4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.

Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo

1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo, ang mga kamay ng lalaki ay nasa itaas na pantay ng mukha.

2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iangat ang mga kamay habang hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at lalaki. Sisilipin lalaki ang mukha ng kapareha.

3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan sila ng lalaki ng puwesto.

4. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar. Hahawakan na ng babae ang panyo.

Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo

1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta sa gitna. Ang mga bisig ng babae at lalaki ay magka agapay sa posisyon na papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.

2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin ng babae. Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.

3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una ang lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.

  1. Discussing new concepts and practicing new skills #2

Pagpapalalim ng Pag-unawa

1. Anong pamamaraan ang ginamit mo sa paggawa ng mobile?

2. Anu-anong kulay at hugis ang makikita sa likhang-sining na   iyong ginawa?

3. Nakatulong ba ang paggamit ng ibat-ibang kulay at hugis   upang mas maging kapansin-pansin ang iyong obra? Bakit?

MGA PANUNTUNAN NA DAPAT ISAGAWA SA ORAS NG BIGLAANG PANGANGAILANGAN O (EMERGENCY ACTION PRINCIPLES)

1. HUMINGI AGAD NG TULONG SA IBA. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon. Maaari ding humingi ng pag-alalay mula sa iba kung kinakailangan.

2.SIYASATIN ANG PINANGYARIHAN NG AKSIDENTE. Unang-una ay isipin muna ang pansariling kaligtasan. Mainam na magmasid muna sa paligid kung ito ba ay ligtas bago magsagawa ng paunang lunas sa mga biktima. Maaring ilipat sa ibang pwesto o lugar ang biktima kung kinakailangan ngunit dapat siguraduhin na ang biktima ay hindi magtatamo ng iba pang pinsala sa katawan sa proseso ng paglipat ng pwesto o lugar.

3. IHANDA ANG MGA KAGAMITANG PANG-MEDIKAL. Upang mas mapadali ang pagbibigay ng paunang lunas, makabubuti na ihanda ang mga kagamitang pang-medikal tulad ng bandaging tools, mga gamot, stretcher at iba pa para sa natamong pinsala ng biktima. Kung walang makitang mga gagamitan ay maaaring gumawa ng mga pansamantalang kagamitan tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit, stretcher na gawa sa dalawang kahoy  (mas mahaba sa biktima ng isang metro) at mga kamiseta.

4. ISAGAWA ANG PAGSISIYASAT SA BIKTIMA. Kung may malay ang biktima ay maaari siyang kapanayamin tungkol sa mahahalagang detalye tulad ng kaniyang pangalan, tirahan, at kung sino ang kaniyang mga kamag-anak na maaaring tawagan. Kung walang malay ang biktima, tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng temperatura ng katawan, tibok ng puso o pintig sa mga pulso, at paghinga. Upang malaman na humihinga ang biktima, maaaring tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw. Maaari din itong pakinggan at pakiramdaman.

Pagsagawa ng sayaw

  1. Developing mastery

(Leads to Formative Assessment 3)

Iaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian o paglalarawan.

Pangkatang Gawain

  1. Finding practical applications of concepts and skills in daily living

Ano ang naramdaman mo habang ginagawa mo ang likhang-sining? Sa iyong sariling pananaw, may nais ka bang idagdag, tanggalin o baguhin sa iyong ginawa? Ano? Bakit?

3. Ilagay ang iyong obra sa isang bahagi ng silid-aralin para sa eksibit

Pangkatang Gawain

Patayuin ang mga bata na medyo bahagyang magkalalayo. Maari ding humarap sa timog, hilaga, kanluran o silangan.

        Magpatugtog ng musika at iparinig sa mga bata. Palikhain sila ng mga galaw gamit ang mga kilos at hakbang sa pagsayaw ng Cariñosa.

  1. Making generalizations and abstractions about the lesson

Paglalahat

Ang mga likhang-sining na nagmula sa mga kalapit bansa nating Asyano ay may ibat-ibang bersyon sa bawat bansang humalaw dito. Nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ang nga obra at nagiging kaisa na ng kultura ng nasabing lugar.  Bagaman nagsimula sa karatig- bansa, ang mobiles ay isang instrumento upang maipakita ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral. Ang paglalapat ng hugis at kulay, gayundin ang pagsasama-sama ng mga materyales ay nagpapahayag ng sariling damdamin ng lumikha nito.

Ilahad ang mga ntutunan sa aralin

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

Itanong kung paano makatutulong ang likhang sayaw sa pagpapaunlad ng physical fitness.

  1. Evaluating learning

Pagtataya

Suriin ang pansining na gawain ng mga bata gamit ang rubric.

PAMANTAYAN

Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan

(3)

Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang

(2)

Hindi nakasunod sa pamantayan

(1)

1. Nakagawa ng ang orihinal na obra

2. Naipakita ang pagigig malikhain sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kulay at hugis

. Pangkatang Gawain. Ipakikita ng bawat pangkat sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang mga pangunang lunas na dapat gawin sa mga sitwasyon na nakalahad sa LM.

B. Ipagawa ang Gawain A,B at C sa LM

IV.PAGTATAYA

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa isinagawang sayaw na Cariñosa.

Sumangguni sa LM.

  1. Additional activities for application or remediation

Takdang Aralin/ Kasunduan

Dalhin ang mga sumusunod na kagamitan:

        Bawat isa: Makukulay na papel, pandikit, mga lumang cd, ibat-ibang larawan hango sa tema.

        TEMA

        Unang Pangkat:        Mga Produkto ng bayan

        Ikalawang Pangkat:        Mga Kilalang Pook sa bayan

        Ikatlong Pangkat:        Mga Pambayang bayani

        Ikaapat na Pangkat:        Mga Pagkain at prutas na kilala ang bayan

. Anu-anong mga pangunang lunas ang ginagawa sa inyong tahanan sa mga   karaniwang sakuna at kondisyon na nangyayari sa loob ng inyong tahanan?

        2. Anong pangunahing lunas ang iyong naisagawa na?

V.TAKDANG ARALIN

Ipabasa ang “Pagbutihin  Natin”

Gawin nang pangkatan ang nakatalagang Gawain upang lubos na malinang ang pagkamalikhain.

  1. REMARKS

  1. REFLECTION

  1. No. of learners who earned 80% in the evaluation

  1. No. of learners who require additional activities for remediation who scored below 80%

  1. Did the remedial lessons work? No. of learners who have caught up with the lesson

  1. No. of learners who continue to require remediation

  1. Which of my teaching strategies worked well? Why did these work?

  1. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?

  1. What innovation or localized materials did I use/discover which I wish to share with other teachers?

New DEPED daily lesson log formats for quick and hassle-free download only at www.teachershq.com

File Created by Ma'am Rosa Hilda P. Santos