Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

IV

Teacher:

Learning Area:

ESP

Teaching Dates and Time:

WEEK 4

Quarter:

4TH QUARTER

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Nauunawaan ang naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga likha

B. Pamantayan sa pagganap

Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga likha

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Isulat ang code ng bawat kasanayan

Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na bagay 13.2 Hayop: pagkalingan sa mga hayop na ligaw at endangered

EsP4PD-IVd-11    13.2.1

II. NILALAMAN

Aralin 4 –Mga Hayop na Ligaw at endangered, Kalingain at Alagaan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

Alamin Natin

Isagawa Natin

Isapuso Natin

Isabuhay Natin

Subukin Natin

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

TG pp. 188- 191

TG pp. 188 - 191

TG pp. 188 - 191

TG pp. 188 - 191

TG pp. 188 - 191

2. Mga Pahina sa Kagamitang ng Mag-aaral

LM pp. 298- 307

LM pp. 298 - 307

LM pp. 298 - 307

LM pp. 298 - 307

LM pp. 298 – 307

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1988

Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act

Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1988

Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act

B. Iba pang Kagamitang Panturo

Kuwaderno, bond paper, smiley board, gunting, PPTx, tsart, meta cards, larawan, flash drive, TV monitor

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/opagsisimula ng bagong aralin

Ang pagkalinga ay hindi lamang naipakikita sa mga tao. Ito ay maaaring ipakita rin sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop.

Pagpapakita ng mga larawan ng mga endangered species.

Pagtatanong tungkol dito.

Pagpapakita ng mga larawan ng mga hayop na ligaw/ endangered animals.

Bakit sila nanganganib nang maubos? May magagawa ba tayo upang sila ay maprotektahan? Ano-ano kaya ang mga ito?

Gaano kadalas ang pagpapakita mo ng pagprotekta, pagkalinga at pangangalaga sa mga hayop kabilang ang endangered species?

Guess that Pic

Ano ang nasa larawan? Ano ang pangalan nito?

Paano ito aalagaan?

Ano ang kanilang mga pangalan?

Paano sila poprotektahan at aalagaan?  

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Nakaranas o nakasama na ba kayo sa isang field trip? Saan?

Kayo ba ay nakarating na sa Manila Zoo? Ocean Park? Ocean Adventure sa Subic?

Ano-ano ang mga nakita ninyo doon?

Ipakuha sa mga bata ang dinalang mga larawan ng mga ligaw na hayop at ilang mga endangered species.

Maraming mga paraan upang maprotektahan an gating mga ligaw na hayop o ang mga endangered animals.

     Ihanda ang mga bata sa gawain. Ipaliwanag ang kanilang gawain.

Himukin ang mga bata na isakatuparan ang bawat gawain.

May mga batas ba tayong sinusunod tungkol sa pagprotekta at pangangalaga ng atig mga ligaw na hayop?

     Ano-anong mga batas ito?

Ipabasa at talakayn ang nasa TANDAAN NATIN sa LM pp. 303-304

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ipasuri ang larawan sa ALAMIN NATIN sa LM p. 298 – 300. Ipasagot ang mga tanong.

Ipagawa ang nasa ISAGAWA NATIN sa LM pp. 301

Ipagawa ang nasa ISAPUSO NATIN sa LM p. 302

Ipagawa ang mga nasa ISABUHAY NATIN  sa LM  p. 304 - 306

Pagtalakay tungkol ditto.

Ano ang republic Act No. 8485? Ano ang tungkol dito?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Ano ang gawaing ikinatuwa ng magkapatid na Jasper at Justin?

Ano-ano ang natuklasan ng magkapatid nang nakarating sila sa Manila Zoo?

Paano natin kakalingain ang mga ligaw na hayop?

Bakit dapat kalingain at alagaan ang mga ito?

Anong batas ang sumasaklaw sa mga ito?

Sa inyong ginawang pangako sa pag-aalaga ng hayop na ligaw, ano-anong mga mahahalagang kaisipan ang inyong isinama?

Talakayin ang sagot ng mga bata. Ipaliliwanag ng mga bata kung bakit yoon ang kanilang pinili o tsinekan.

       Bakit itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act?

       Ano ang isinasaad ng Republic Act No. 9147?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain

Isulat ng bawat pangat ang mga paraan kung paano mapoprotektahan ang mga endangered species

Pangkatang Gawain

Ipagawa sa bawat pangkat ang Gawain 1 sa LM p. 301

Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay gagawa ng isang panawagan upang matigil na ang panghuhuli sa mga ligaw na hayop sa gubat.

Pangkatang Gawain

Sa inyong palagay mga grupo, bakit dapat alagan, protektahan at arugain ang mga ligaw na hayop?

Pangkatang Gawain

Bakit mahalagang malaman natin ang mga batas tungkol sa pangangalaga sa mga endangered species?

F. Paglinang sa Kabihasnan(Tungo sa Formative Assessment)

Indibidwal na Gawain

Paano makatutulong ang bawat isa upang maprotetahan ang mga endangered species?

Indibidwal na Gawain

Ipagawa sa mga bata ang Gawain 2 sa LM pp. 301-

Indibidwal na Gawain

Ipaliwanag ng mga bata kung bakit kinakailangan nilang panatlhing buhay ang mga hayop na ligaw.

Indibidwal na Gawain

Ikaw ay naatasang sumulat sa namumuno ng DENR Sec. Gina Lopez tungkol sa nauubos na mga ligaw na hayop sa bansa/bayan, ano ang magiging laman ng iyong liham

Indibidwal na Gawain

Sa Mindoro matatsgpuan ang tamaraw, paano natin mapoprotektahan ang mga nauubos na tamaraw laban sa mga illegal hunters?

Gumawa ng awit.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop na ligaw at endangered species? Bakit?

Ano-ano ang maaaring mangyari kung isasaalang-alang at pagsusumikapang mailigtas ang mgay hayop na ligaw?

Kumuha ng isang larawan ng ligaw na hayop o isulat ang pangalan ng ligaw na hayop na alam ninyo. Paano mo aalagaan ito?

Bilang bata, paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang mga nauubis ng mga ligaw na hayop?

Sang-ayon k aba sa mga multang ipinapataw sa mga nagkasala sa batas tungkol sa mga panghuhuli ng mga ligaw na hayop? Bakit? Bakit hindi?

H. Paglalahat ng Aralin

Ano ang natutuhan sa ating aralin?

Ipabasa ang TANDAAN NATIN  sa LM pp. 303-304

Ano ang natutuhan sa atig aralin?

Ipabasa ang TANDAAN NATIN  sa LM pp. 303- 304

Ano ang natutuhan sa ating aralin?

Ipabasa ang TANDAAN NATIN  sa LM pp. 303-304

Ipabasa ang TANDAAN NATIN  sa LM pp. 303-304

Ipabasa ang TANDAAN NATIN  sa LM pp. 303-304

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto:Isulat kung tama o mali ang bawat pahayag.

1.Ang ilan sa mga hayop na ligaw ay ang mga Philippine Eagle, tamaraw, pond turtle, tarsier, at crocodile.

2.Matuto nang higit pa tungkol sa mga endangered species.

3.Huwag bumili ng mga produktong gawa sa mga hayop na malapit nang maubos ang lahi.

4. Wala tayong responsibilidad sa mga endangered species.

5. Hindi dapat gumamit ng mga earth-friendly goods.

Panuto:          Gumuhit sa isang malinis na papel ng nararapat na tirahan ng mga endangered animals.

Panuto:Pumili ng isang larawan ng mga endangered animals. Ipaliwanag kung paano mo aalagaan at aarugain ito.

Panuto:  Lagyan ng tsek kung tama ang gawi at ekis kung mali.

______1. Ang pagkalnga sa hayop ay isa sa magandang katangian nating mga Pilipino.

______2. Sinasabi sa batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng watong pangangalaga.

______3. Maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas ukol sa mga ligaw na hayop.

______4. Walang proseso sa bansa tungkol sa kapakanan ng mga hayop.

______5. Ang patuloy na pagmaltrato sa mga hayop ay may kaakibat na kaparusahan.

Panuto:   Ipasagot sa mga bata ang nasa SUBIKIN NATIN sa LM pp. 306 -307.  ( 1 – 10 )

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Magdala ng mga larawan ng mga endangered species

Mga larawan ng mga ligaw na hayop sa bansa

Larawan ng mga ibong malapit nang maubos

Larawan ng mga isdang malapit ng maubos

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

Ethical Decision Making

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

DEPED daily lesson plans for download: www.teachershq.com