GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | MTB | ||
Teaching Dates and Time: | WEEK 2 | Quarter: | 4TH Quarter |
Monday | Tuesday | Wednesday | Thursday | Friday | |
| Nakagagamit ng ekspresyon na angkop sa sariling kultura sa pagpapakita ng lokasyon(dito,diyan, doon) | Nakapaghihinuha sa kung ano ang maaaring maganap sa susunod na mga pangyayari sa kuwento, alamat, at iba pa | Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang binasa Natutukoy ang impormasyon sa kuwento na sumasagot sa literal at mas mataas na antas na mga tanong Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse, pagbasa ng mga aklat at pagbasa ng marami pang kuwento at teksto | Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto o seleksiyon Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, mga tauhan at mahahalagang pangyayari | Ipabasa ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.(Ihanda ng guro ang chart para dito.) |
A.Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards) | demonstrates understanding and knowledge of language grammar and usage when speaking and/or writing. | demonstrates understanding of grade level narrative and informational texts. | demonstrates the ability to read grade level words with sufficient accuracy speed, and expression to support comprehension demonstrates understanding of grade level narrative and informational texts. | demonstrates understanding of grade level narrative and informational texts demonstrates the ability to formulate ideas into sentences or longer texts using conventional spelling. | |
B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards) | speaks and writes correctly and effectively for different purposes using the basic grammar of the language. | uses literary and narrative texts to develop comprehension and appreciation of grade level appropriate reading materials | reads with sufficient speed, accuracy, and proper expression in reading grade level text. uses literary and narrative texts to develop comprehension and appreciation of grade level appropriate reading materials | uses literary and narrative texts to develop comprehension and appreciation of grade level appropriate reading materials uses developing knowledge and skills to write clear and coherent sentences, simple paragraphs, and friendly letters from a variety of stimulus materials. | |
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan (Learning Competencies / Objectives) | MT2GA-Iva-2.4.1 Identify and use adjectives in sentences. | MT2RC-IVa-2.11 Note important details in a grade level narrative or informational text. | MT2F-IIIa-i-1.4 Read aloud grade level text with an accuracy of 95 - 100%. MT2RC-IVa-2.11 Note important details in a grade level narrative or informational text. | MT2RC-IVa-2.11 Note important details in a grade level narrative or informational text MT2C-IVa-i-2.4 Write descriptive paragraphs, observing the conventions of writing. | |
| Modyul 28 UNANG LINGGO Paghihiwalay ng Basura Panghalip na panturo (dito,doon, diyan) | Modyul 28 UNANG LINGGO Paghihiwalay ng Basura Paghihinuha, pagtukoy sa simula,gitna at huling bahagi ng kuwento | Modyul 28 UNANG LINGGO Paghihiwalay ng Basura Kahulugan ng mga salitang binasa | Modyul 28 UNANG LINGGO Paghihiwalay ng Basura Paghihinuha, pagtukoy sa simula,gitna at huling bahagi ng kuwento | |
| |||||
A.Sanggunian | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,120 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,120 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,120 | Curriculum Guide sa Mother Tongue pahina 83,120 | |
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro | 231-232 | 233-236 | 237 | 237-238 | 238-239 |
2.Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral | 201-202 | 202-204 | 204-207 | 207-208 | |
3.Mga pahina sa Teksbuk | |||||
4.Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | K-12 Curriculum Guide Grade 2 Kuwento: “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” Akda ni Nida C. Santos | K-12 Curriculum Guide Grade 2 Kuwento: “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” Akda ni Nida C. Santos | K-12 Curriculum Guide Grade 2 Kuwento: “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” Akda ni Nida C. Santos | K-12 Curriculum Guide Grade 2 Kuwento: “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” Akda ni Nida C. Santos | |
B.Iba pang Kagamitang Panturo | Kuwento “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” “prediction chart”, tunay na bagay, kuwento, larawan, rap | Kuwento “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” “prediction chart”, tunay na bagay, kuwento, larawan, rap | Kuwento “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” “prediction chart”, tunay na bagay, kuwento, larawan, rap | Kuwento “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ” “prediction chart”, tunay na bagay, kuwento, larawan, rap | |
IV:PAMAMARAAN | |||||
A.Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | 1.Panimulang Gawain Ipabigkas ang “Rap” Tapon dito. Tapon diyan. Basura,Basura Dapat ay doon. Doon,doon itapon ! Sa tamang tapunan. Halika, halika doon mo itapon | 1. Paghahawan ng balakid a. Plastik-sa pamamagitan ng tunay na bagay b. Karatula- Ang karatula ay nagtataglay ng patalastas para sa publiko. c. Mayor- sa pamamagitan ng larawan d. huwaran- sa pamamagitan ng pangungusap Sumusunod si Mang Kanor sa batas kaya tinawag siyang isang huwaran. e. batas- sa pamamagitan ng pangungusap Ang batas ay kautusan na dapat sundin. | Muling ipabasa at balikan ang kwento “Saludo Ako Sa Iyo, Mang Kanor” | Balik-aral Muling balikan ang kuwento tungkol sa “Munting Prinsesa”. | Ang Batang Batangueño Akda ni Marites P. Espelita Si Jedrique ay kaibigan ko. Jed ang tawag ko sa kanya. Siya ay taga- Batangas . Kasama ko siya sa paglalaro.Tuwing umaga, libangan na ni Jed ang magpunta sa tabing dagat at magtampisaw sa tubig.Tumatakbo rin siya sa buhanginan kasama ang kanyang alagang aso. Sa tanghali, natutulog naman si Jed katabi ang kanyang aso.Pagkagising ni Jed ay kumakain naman siya ng paborito niyanglumpiyang gulay. Pagdating ng hapon naglilinis na si Jed ng kanyang sarili. _____1. Sino ang kaibigan ng nagsasalaysay? a. Jose c. Matthew b. Raxle d. Jedrique _____2. Taga- saan ang kaibigan ng nagsasalaysay? a. taga- Laguna c. taga- Rizal b. taga- Batangas d.taga- Cavite _____3. Ano ang libangan ng kaibigan ng nagsasalaysay, bukod sa pagkuha ng kabibe? a. pagkukuwento c. paglalangoy b. panonood ng TV d. pagtakbo sa tabing dagat |
B.Paghahabi sa layunin ng aralin | Pagganyak Itanong sa mga bata. Ano ang naramdaman ninyo habang binibigkas ang Rap? Ano ang ipinapaalala sa atin ng Rap na ito? Paano kayo tutugon sa ipinapaalala ng Rap na ating binigkas? Saan ninyo itatapon ang mga basura? Pakinggan ang usapan ng mag-amang Ador at Mang kanor kung saan sila dapat magtapon ng basura. | 2. Pagganyak Sino sa inyong lugar ang maituturing mong huwaran? Bakit siya tinawag na isang huwaran? Ano ang kanyang ginawa? Pangganyak na Tanong Bago ipabasa ang kuwento hulaan ang sagot sa tanong sa prediction chart. | 2. Pagganyak Maglaro ng unahan sa pagbasa ng mga salita sa plaskard.(Ihanda ng guro ang plaskard ng mga salita mula sa Talasalitaan I-II . | 2. Pagganyak Ipakuha ang LM at ipagawa ang Gawain 4 sa pahina 207 Lagyan ng bilang 1-3 ang larawan kung alin ang una, gitna at huling pangyayari. | Isulat sa patlang ang hinihinging pangyayari sa kuwento tungkol kay Jed. 1.Unang Pangyayari 2.Gitnang Pangyayari 3. Huling Pangyayari B. Pantulong na Gawain Isulat ang tatlong elemento o sangkap ng isang kuwento. 1. ____________ 2. ___________ 3. ______________ C. Pagpapayamang Gawain Sumulat ng isang kuwento tungkol sa karanasan o hilig gawin ng iyong kaibigan.Isaalang-alang ang mga elemento ng kuwento |
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Tumawag ng bata na aakto sa usapan ng mag-ama na nasa LM.Ipabasa ang mga pangungusap mula sa usapan at ang mga salitang may salungguhit. Bigkasin nang wasto. Ador: Itay, bakit hindi na lamang natin dito ilagay ang basura? Mang Kanor: Hindi dapat diyan itapon ang basura,tingnan mo may nakapaskil na karatula. Malayo naman ang pinagdadalhan natin ng basura. Doon pa sa banda roon. Doon dadaan ang trak. | 1. Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy. 2. Basahin muli nang may paghinto at interaksyon ang kuwento sa pahina 202 -204 sa LM. Saludo Ako Sa Iyo, Mang Kanor Akda niNida C. Santos Nakapaskil sa isang pader ang isang karatula na malapit sa bahay nina Mang Kanor. Isang gabi, lumabas si Mang Kanor na may dalang malaking plastic ng bag ng mga basura.Kasama niya si Ador. Nakita ni Ador ang bunton ng mga basura at sinabi niya na doon na lamang itapon ang basura. “Itay,bakit hindi na lamang natin dito itapon ang basura?” tanong ni Ador. “ Hindi dapat diyan itapon ang basura ,tingnan mo may nakapaskil na karatula.Ma- layo pa ang pinagdadalhan natin ng basura at doon pa sa banda roon. Sumunod tayo sa batas, anak.”sagot ni Mang Kanor. “At saka doon dadaan ang trak ng basura kaya dapat ay doon dalhin,” dagdag pa ni Mang Kanor. “ E, bakit ang iba, dito nila iniwan ang kanilang basura.”“Bakit natin sila tutularan?Pag nahuli ang nagtatapon tiyak na may katumbas na parusa. At pag dito itinapon,ikakalat ng aso ang mga basura. Bunga nito ay maraming langaw ang dadapo. Pagkatapos ano ang mangyayari?”tanong ni Mang Kanor sa anak. “Marami pong magkakasakit.”sagot ni Ador sa kanyang ama. Mabuti Ador at alam mo.” Habang itinatapon ni Mang Kanor ang laman ng malaking plastic sa tamang tapunan ay may tumigil na isang kotse. “Kanor, ikaw pala iyan.”ang bati ng isang ti- nig. Si Mayor ang bumati kay Mang Kanor. Bumati ng magandang gabi si Mang Kanor kay Mayor. “Magandang gabi naman.Talagang matapat kang mamamayan. Huwaran ka sa pagiging masunurin. Saludo ako sa iyo, Mang Kanor”, may paghangang wika ni Mayor. Maging si Ador ay sumaludo rin sa kanyang tatay. | Ipabasa ang mga salita na nakasulat sa sa LM sa pahina 204 Basahin ang mga salita sa kahon. sino pinsan dito kanyang bahay batang karatula langaw sinabi matagal taong ilalim sagot paruparo subalit punong malaking magkakasakit | Ipakita ang larawan ni Lally, ang lugar kung saan nagyari ang kuwento at ang ilang larawan ng pangyayari. | |
D:Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Ano- ano ang mga salitang may salungguhit? (dito, diyan, doon) Ano ang salitang panturo ng lokasyon ang ginamit sa unang pangungusap? Bakit ang salitang dito ang ginamit ni Ador? Kailan ginagamit ang salitang dito? Sino ang nagsabi na hindi dapat diyan itapon ang basura? Bakit salitang diyan ang ginamit ni Mang Kanor? Kailan ginagamit ang salitang diyan? Bakit salitang doon ang ginamit sa pangatlong pangungusap? Ano ang gamit ng mga salitang may salungguhit? | Pagsagot sa pangganyak na tanong Sabihin: Pagkatapos nating mabasa ang kuwento, alamin kung tama ba ang inyong hulang sagot? Maari na ninyong sagutan ang ikatlong hanay sa ating prediction chart. Ano ang nakasulat sa karatula? Paano ipinakita ni Mang Nardo ang pagiging matapat niya sa bayan? Pagsagot sa mga tanong: 1. Kailan nangyari ang kuwento? 2. Ano ang nakasulat sa karatula? 3. Ano ang mangyayari kapag ikinalat ng aso ang basura? 4. Paano ipinakita ni Mang Kanor ang pagiging matapat sa bayan? 5. Tama ba ang kaniyang ginawa?Bakit? 6. Paano ipinakita ni Mang Kanor ang paggalang sa Mayor ? 7. Kung ikaw si Ador, sasaludo ka rin ba sa iyong tatay. | Itanong kung paano nila binasa ang mga salita? | Sino ang pangunahing tauhan? Saan naganap ang pangyayari? Ano ang unang nangyari sa kuwento? Ano ang nangyari sa kalagitnaan ng kuwento? Ano ang naging wakas o huling pangyayari sa kuwento? Muling ilahad ang tamang pagsulat ng kuwento. Ipasulat sa kumpletong pangungusap ang sagot ng mga bata sa pisara.Buuin ang kuwento at sundin ang pamantayan sa pagsulat. | |
E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Basahin ang diyalogo sa Gawain 1 na nasa LM sa pahina 201-202 at punan ng dito, diyan o doon ang bawat patlang. Basahin ang diyalogo. Punan ng dito, diyan o doon. May bagong kamag-aaral si Ador. Nakilala niya ito sa loob ng silid-aralan. Ador: Ako nga pala si Ador. Ikaw, ano ang pangalan mo? Lexter Ann: Ako si Lexter Ann. Walong taong gulang na ako. _____ na ako mag-aaral sa paaralan ninyo. Malayo ang bahay namin sa paaralan. _____ kami sa Laguna nakatira. Ador: Bakit nais mo na ______ mag-aral? Lexter Ann: Kaya naman ______ako lumipat ay dahil____ nagtuturo ang nanay ko. Kumuhapa nga ako ng pagsusulit. ______ sa kinauupuan mo ako kumuha ng pagsusulitNakapasa naman ako. Pero sa isang taon, ______ na lamang ako sa Laguna. Marami ring paaralan _______ na maaari kong pasukan. Ador: Sige, _____ ka maupo sa bakanteng upuan at mamaya ay ipakikilala kita sa mga kaibigan ko. Lexter Ann: Salamat | Ipagawa ang pangkatang gawain. a. Pangkat I: Iguhit at Ipakilala Mo! Iguhit sa loob ng kahon ang mag-ama sa kuwento. b. Pangkat II:Tingnan Mo at Paghiwalayin! Alamin ang laman ng malaking plastic bag at paghiwa-hiwalayin.Ilagay sa tamang tapunan. Isulat sa kuwaderno ang sagot at ipaliwanag sa klase kung bakit doon dapat ilagay ang isang basura. c. Pangkat III: Isadula Mo at Sumaludo! Muling balikan ang huling bahagi ng kuwento na kung saan ay naroroon si Mayor at isadula ito. d. Pangkat IV: Isipin ang tama at Isigaw Mo! Basahin ang mga pangyayari sa kuwento. Sagutin ang kasunod na tanong. 1. Dapat bang tularan si Mang Kanor? 2. Bakit dapat tularan si Mang Kanor 3. Ano ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura. | Ipabasa ang kuwento tungkol sa isang batang babae na ang pamagat ay “Ang Munting Prinsesa” Gawain 2 sa LM sa pahina 204 Si Lally ay isang batang ulila na inampon ng ng kaniyang Tiya Celia. Malungkot ang buhay ni Lally sa piling ng mag-anak ng kanyang Tiya Celia. Bagamat siya ay walong taong gulang pa lamang, pagluluto, paglalaba at paglilinis ng bahay ang ipinagagawa sa kanya. Kadalasan ay pinapalo pa kung siya ay nagkakamali at hindi niya nagagampanan nang maayos ang mga utos. Minsan , umiiyak na nagtago si Lally sa ilalim ng punongkahoy nang bigla siyang makarinig ng isang tinig. “Lally, alam kong mabait kang bata. Nakikita ko ang ginagawa mo.” Nagulantang si Lally at biglang napasigaw. “ Sino ka?”,ang tanong ni Lally. “Ako ang nagsalita,” sagot ng isang paruparo. “Huwag kang matakot.” “Ano ? Nakapagsasalita ka? Isa kang mahiwagang paruparo, ”wika ni Lally na nanlalaki ang mga mata.“ Nais mo bang lumayo sa iyong Tiya Celia? Sumagot ng opo si Lally subalit sinabi rin niya na wala siyang mapupuntahan. Sinabi ng paruparo sa kanya na isasama na siya sa kanilang kaharian at magiging isa siyang Munting Prinsesa. “Sa guwang ng malaking punong ito ang pinto papasok sa aming kaharian.”, paliwanag ng mahiwagang paruparo. Nangangamba man ay pumayag si Lally at sumama sa pagpasok sa pintuan ng malaking puno.Manghang-mangha si Lally sa kagandahan ng kaharian ng paruparo.Si Lally ay naging isang munting prinsesa. Mula noon hindi na nakita pa si Lally ngkanyang Tiya Celia at mga pinsan. Hindi naman hinanap pa siya ng kanyang Tiya Celia at mga pinsan. | Paano sumusulat ng isang maikling kuwento? . | |
F.Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | Humanap ng kapareha at gumawa ng usapan gamit ang dito,diyan at doon | a. Ano ang nakapaskil sa pader? Alamin natin ang sagot sa Pangkat I Saan pa kadalasang nakikita ang mga karatula? Sino ang mag-ama sa kuwento? Ano ang dala ni Mang Kanor? Saan sila pupunta? Ano ang itinanong ni Ador sa kanyang tatay? Saan nagtapon ng basura sina Mang Kanor at Ador? b. Saan dapat itapon ang mga basura? Alamin natin mula sa pangkat II kung saan dapat itapon ang mga basura na nasa plastic ni Mang Kanor? Ano - ano ang itatapon sa nabubulok na basurahan? Ano-ano ang itatapon sa di nabubulok na basurahan? Ano-ano ang maaaring irecycle na basura. c. Sino ang nakakita sa mag-ama habang nagtatapon sila ng basura? Paano ipinakita ni Mang Kanor ang paggalang kay Mayor? Ano ang sinabi ni Mayor kay Mang Kanor? Bakit sinabihan ni Mayor si Mang Kanor na huwaran? Panoorin natin ang Pangkat III. Paano ipinakita ni Mang Kanor na siya ay huwaran? Kung ikaw si Mang Kanor, tutularan mo ba ang ginawa niyang paggalangkay Mayor. d. Dapat bang tularan si Mang Kanor?Bakit? Ano ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura?Ano ang maaaring mangyari kung ang mga tao ay tapon ng tapon ng basura kung saan saan. Pakinggan natin ang Pangkat IV | Ipabasa ang mga pangungusap sa Gawain 3- A at B sa LM sa pahina 206 A. Hanapin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. ____1. Si Lally ay nangangamba na sumama sa kaharian ng mga paruparo a. nasasabik c. nalulungkot b.natutuwa d. natatakot ____ 2. “Sa guwang ng malaking punong ito ang pinto papasok sa aming kaharian,” paliwanag ng mahiwagang paruparo. a. butas c. pinto b. drowing d. sugat ____ 3. Matagal na kitang minamanmanan. Batid ko ang lahat ng nangyayari sa iyo. a.kinakaibigan c. sinasamahan b.sinusubaybayan d. kinatatakutan ____ 4. Nagulantang si Lally at biglang napasigaw. a. natakot c. nagalit b. nagulat d. napaiyak ____ 5. Hindi niya nagagampanan ang utos ng kanyang tiya. a. naalala c. narinig b. nagawa d. nalaman B. Piliin ang letra ng tamang sagot. ____1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? a. Catty b. Lally c. Willy ____2. Saan naganap ang kuwento? a. sa may ilalim ng punong kahoy b. sa bahay ng pinsan c. sa hardin ____3. Bakit malungkot ang buhay ng pangunahing tauhan? a. dahil lagi siyang iniiwan ng kanyang tiya b. dahil walang may gustong makipagkaibigan sa kanya c. dahil hindi siya mahal ng kanyang Tiya Celia at mga pinsan ____4. Paano sumaya ang bata sa kuwento? a. Naging mabait sa kanya ang Tiya Celia at mga pinsan niya. b. Sumama siya sa mahiwagang paruparo sa kanyang kaharian. c. Lumipat siya ng bahay sa isang kaibigan. ____5. Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Lally kung hindi siya isinama ng mahiwagang paruparo sa kaharian? a.Patuloy siyang aapihin ng kanyang Tiya Celia at mga pinsan. b. Sasaya siya sa piling ng mga pinsan. c. Magpapaampon siya sa isang mayaman | Pasulatin ang mag-aaral ng kuwento sa Gawain5, na nasa LM sa pahina 208 Sumulat ng isang maikling kuwento na may tagpuan, tauhan at pangyayari. Sundin ang pamantayan sa pagsulat. | |
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Gamitin sa sariling pangungusap ang dito, diyan, at doon. Ipasulat ito sa isang buong papel at ipabasa pagkatapos | Ipabasa ang mga salita sa unang kita ng buong klase, pangkatan, magkapareha at isahan na nakasulat sa chart. | Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa iyong masayang karanasan kasama ang iyong pamilya o kaibigan | ||
H.Paglalahat ng Aralin | Ano-ano ang mga panghalip na panturo? Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 201 Ang dito, diyan at doon ay mga Panghalip na panturo. Ginagamit ang dito kung ang itinuturo ay sa kinatatayuan ng nagsasalita at kausap. Ginagamit ang diyan kung ang itinuturo ay hindi gaanong malayo sa nagsasalita. Ginagamit ang doon kung ang itinuturo ay malayo sa nag-uusap. | Paano ninyo naunawaan ang kuwento? Ipabasa ang Tandaan: Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at pagbibigay ng detalye tungkol dito.Ang pagbibigay ng hinuha,komento o reaksyon ang magbibigay kahulugan sa binasa. | Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 204 Binabasa ang mga salita ayon sa pabaybay na pantig nito. Ginagamit ang tamang diin sa bawat pantig upang maibigay ang wastong kahulugan ng bawat salita. | Ipabasa ang Tandaan sa LM sa pahina 208 a. Isinusulat natin ang isang kuwento na may tauhan, tagpuan at pangyayari b. Ang unang pangungusap sa bawat talata ng isang kuwento ay nakapasok c. Ang bawat pangungusap sa isang kuwento ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa wastong bantas. | |
I.Pagtataya ng Aralin | Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng dito, diyan, o doon ang bawat pangungusap upang mabuo ang kaisipan. 1. _____ako sa Lungsod lumaki ngunit ikaw ay ____ sa lalawigan lumaki. 2. Huwag kang aalis_____ at babalikan kita.Pupunta lamang ako ____ sa likod- bahay. 3.Aba, _____ palatayo magkikita.Hindi ko akalaing pupunta ka rito. 4.Sige, iwan mo ______ sa mesa ang naiwang bag at sasabihin ko kay Dexter na _______ niya kunin. 5. Iyong malaking gusaling iyon ang pianakamataas na gusali sa bayang ito._______ nakatira ang aming Mayor. | Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa iyong masayang karanasan kasama ang iyong pamilya o kaibigan | |||
J.Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation | |||||
| |||||
| |||||
A.Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||
B:Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
C.Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | |||||
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||
E.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | |||||
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
Download more DEPED daily lesson logs here: www.teachershq.com