Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

II

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

WEEK 4

Quarter:

4TH QUARTER

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

LAYUNIN

Nakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at nagkakaroon ng panibagong kahulugan

Nakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang, at matapos mapakinggan

ang teksto

Nakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayari

Nakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawain

Nagagamit nang wasto ng pang-ukol na ayon sa

Napapangkat ang mga salita ayon sa kayarian nito ( payak at tambalan)

Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga

bantas sa mga pangungusap

Nakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sariling

ideya, kaalaman, karanasan, at damdamin

Nasasagot nang wasto ang mga inihandang tanong

Naisusulat nang wastong mga salitang/pangungusap na ididikta

Pamantayang Pangnilalaman

Naisasagawa ang

mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napaking-

Gan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapa

hayag ng sariling ideya,

kaisipan, karanasan at

damdamin

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Naipamamalas ang kamala-

yan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan

ng simbolo at wika

Nagkakaroon ng papaunlad

na kasanayan sa wasto at

maayos na pagsulat

Pamantayan sa Pagganap

Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala

at ekspresyon

F2TA-0a-j-3

Nakikinig at nakatu-

tugon nang angkop at

wastoF2TA-0a-j-1

Naipahahayag ang

ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon

F2TA-0a-j-2

Naipahahayag ang

ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon

F2TA-0a-j-2

Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

F2TA-0a-j-3

Nakasusulat nang may wastong baybay,bantas at mekaniks ng pagsulat

F2TA-Oa-j-4

Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat

kasanayan

Nakakagamit ng mga

pahiwatig upang

malaman ang kahulu-

gan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga

palatandaang nagbibigay  ng

kahulugahan

F2PT-IVad-1.9

Naipapahayag ang sariling

ideya/damdamin o

reaksyon tungkol sa

napakinggang tekstong

pangimpormasyon

F2PS-IVd-1

Naipapahayag ang sariling

ideya/damdamin o

reaksyon tungkol sa

napakinggang tekstong

pangimpormasyon

F2PS-IVd-1

Natutukoy kung paano

nagsisiumula at nagtatapos ang isang pangungusap/

talata

F2AL-IVe-g- 13

Nakabubuo ng isang talata sa pamamagitan ng

pagsasamasama ng

magkakaugnay na pangu

ngusap

F2KM-IVc-6

NILALAMAN

Aralin 4 Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos

Tambalang Salita

Aralin 4 Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos

Pagbibigay ng Panuto

Aralin 4 Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos

Wastong Gamit ng Ayon sa at Ayon kay

Aralin 4 Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos

Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas

KAGAMITANG PANTURO

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-32

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-32

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-32

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-32

Sanggunian

Mga pahina sa Gabay ng Guro

156-158

158

158-159

159

160

Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral

LM in Filipino Yunit 3 pahina 421-426,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina427-430 ,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 430-433, soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 434-436, soft copy

Mga pahina sa Teksbuk

Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

Iba pang Kagamitang Panturo

laptap

laptap

laptap

laptap

PAMAMARAAN

Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin

Paunang Pagtataya

Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina 421( soft copy),

Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na

pangungusap.

1. Ang salitang hampaslupa ay tambalang salita.

2. Ang salitang bahay kubo ay hindi tambalang

salita.

3. Ang tambalang salita ay may bagong

kahulugan.

4. Ang pagbaha ay bunga ng hindi tamang

pagtatapon ng basura at pagpuputol ng mga

puno.

5. Ang pagbibigay ng hinuha ay nakatutulong sa

pag-unawa ng tekstong binabasa.

6. Ang mga pangyayari sa paligid ay may dahilan.

7. Ang salitang hari ay halimbawa ng tambalang

salita.

8. Ang ayon sa ay ginagamit kapag ang isang

pahayag ay galing sa isang tao.

9. Ang ayon sa ay

ginagamit kapag ang sinisipi ay

pahayag ng isang tao.

10. Ang paggamit ng tamang bantas ay kailangan

sa pagbibigay ng panuto.

Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 158

Sama-samang paggawa ng bangkang papel.

Ipakita kung paano ito gawin upang masundan ng mga bata.

Ipakita ang natapos na bangkang papel.

Hayaang ibigay ng mga bata ang mga panuto kung paano gawin ang isang

bangkang papel.

Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 158

Magbigay ng ilang mga pangaral na napakinggan at sabihin din kung kanino

ito napakinggan.

Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina159

Magdikta ng ilang mga pangungusap. Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng mga bata.

Ipasulat ang mga pangungusap sa pisara

Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit.

Ipaliwanag ang mga panuto.

Paghahabi sa layunin ng aralin

Tukoy-Alam

Bigyan ang bawat bata ng isang flashcard na may nakasulat na salita.

Hayaang humanap ng kapareha upang makabuo ng isang bagong salita.

Iulat sa klase ang nabuong salita ang sabihin ang kahulugan nito

Paglalahad

Ipakita ang iba’t ibang kasuotan. Sabihin kung saang lugar o okasyon dapat isuot ang bawat isa.

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Basahin at pag-aralan ang sumusunod na salita at kahulugan nito. Gamitin sa

sariling pangungusap. Maaari din naman na gamitin ang mga ito sa

pangungusap upang higit na maunawaan ng mga bata ang kahulugan ng bawat isa.

Angkop-tama

malaswa-hindi angkop, ‘di tama

modo-ugali

bahaghari-hudyat ng pagtigil ng ulan(rainbow)

bato-balani-metal na dumidikit sa metal(magnet)

alkalde-mayor

ordinansa-batas

disente-maayos

Ipakilala ang kuwento sa pagsasabi ng pamagat nito. Tungkol kaya saan ang kuwento?

Paglalahad

Ipakita sa mga kaklase ang isang album o portfolio na sariling gawa.Sabihin kung paano ito ginawa.

Paglalahad

Ano-ano ang dapat nating gawin upang maging mabuting bata?

Paglalahad

Pagtataya

A. Punan ng ayon kay o ayon sa ang mga pangungusap.

1. “Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo”, _____ PAG-ASA.

2. _____ Titser Mina, ang mga batang mahilig kumain ng gulay ay hindi

sakitin.

3. _____ Pastor Noli, dapat tayong magdasal bago matulog sa gabi at

pagkagising sa umaga.

4. “Lagi tayong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga bagay,” _____

Padre Gomez.

5. _____ mga siyentipiko, ating mararanasan ang “global warming” sa

panahong ito.

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Babasahin“Manamit nang Angkop” sa pahina422-423

Sa kanilang barangay, kilala si Dindin. Kung

tutuusin, marami siyang magagandangkatangian. Masipag, matulungin, at

maaasahan siya sa mga gawain. Sa kanilang klase ay isa siya sa mga

nangunguna dahil sa kaniyang angking katalinuhan at kakaya-

han sa pagkanta, pagsayaw, at pagguhit.

Ngunit ang lahat ng ito ay hindi napapansin ng mga tao. Mas napagtu-

tuunan kasi nila ng pansin ang pananamit ni Dindin. Noong piyesta, ang lahat ng bata ay abalang-abala sa pagsali sa mga palaro. Si Dindin ay handanghanda rin sa pagsali at pagkamit ng unang gantimpala. Sa lahat ng kaniyang sinalihan – palo sebo, agawan-buko, at maging takbuhan –

ay hindi siya nanalo ngunit natawag naman ang pansin ng lahat dahil sa kaniyang magandang bestida na suot pero hindi angkop sa pagsali sa mga

palaro. Sinabihan siya ng namamahala ng palaro na maaari siyang magpalit ng damit o sumali na lang sa

iba pang laro tulad ng hampas-palayok. Hindi ito sinunod ni Dindin. Gusto kasi niya na maganda ang kaniyang kasuotan sa oras na

manalo siya.Palaging tawag-pansin ang suot ni Dindin dahil hindi ito angkop sa okasyon. Sa pagpunta sa pagsamba, si Dindin ay magsusuot pa rin ng gustoniya na hindi tama. Pinagsasabihan siya ng kaniyang magu-

lang pero patuloy pa rin ito sa gusto niya.

Maging nang dumalaw sila sa isang yumaong

kaibigan ng kaniyang magulang, hindi pa rin

angkop ang suot niya.

Minsan, may paligsahan na sasalihan ang

kanilang klase. Nagkasundo ang lahat na isuot ang simpleng puting t-shirt at pantalong maong. Katulad ng inaasahan ng lahat, dumating si Dindin na suot ay

pulang t-shirt na may makintab pang dekoras-

yon. Sinabihan siya ng kaniyang mga kamag-aral na hindi siya maaa-

ring sumali dahil mali ang kaniyang kasuotan. Umiyak si Dindin at nagsumbong sa guro. Pinagsabihan siya ng kaniyang guro na si Bb.

Batobalani na kung gusto niya talagang sumali, kailangang sumunod siya sa

napagkasunduan.

Dahil mas matimbang ang pagnanais ni Dindin

na sumali sa paligsahan, napilitan siyang isuot ang damit na inihanda pala ng kaniyang mga kamagaral. Sa kanilang mahusay at sabayang pagbigkas, hindi kataka-taka na nanalo ng unang gantimpala ang kanilang klase.

Noon naunawaan na ni Dindin na hindi naman

pala kailangang kakaiba palagi ang kaniyang

kasuotan. Ang mahalaga ay angkop ito sa okasyon.

sa pahina 427-428sa LM“Ang Portfolio ni Cheska”

Masunurin ang pamilya ni Cheska. Sinusunod

nila ang mga batas. Kahanga-hanga silang

huwaran ng mga tao sa bayan. DahiI huwaran ang kanilang pamilya, inspirado si Nimfa na gumawa ng isang portfolio tungkol sa gawain ng kaniyang pamilya. Ngunit biglang nagkasakit si Nimfa kaya

tinuruan niya ang kapatid na si Cheska na ituloy ang

paggawa ng portfolio.

“Halika, Cheska, ituturo

ko sa iyo kung paano gawin

ang portfolio,” sabi ni Nimfa.

“Sige, Ate, turuan mo ako. Gusto ko iyan,” tuwangtuwang wika ni Cheska.“Una, kumuha ka ng iba’t ibang larawan ng ating pamilya na may kinalaman sa pagiging masunurin.” “Ikalawa, kumuha ka ng isang lumang magasin. Dikitan ang bawat pahina ng malinis na bond paper.”

“Ikatlo, hatiin ang mga pahina sa iba’t ibang

bahagi tulad ng pasasala

mat, talaan ng nilalaman,

larawan ng buong pamilya, gawain ng buong pamilya, at mga pangarap at kahilingan ng pamilya.”

“Ikaapat, pagsasama-samahin ang mga larawan kung saan ito maaaring ilagay saka ito idikit.”

“Ikalima, lagyan ng caption ang mga larawan, buuin angpasasalamat at talaan ng nilalaman.”

“Panghuli ay dagdagan ito ng iba pang dekorasyon na gusto mo,” paliwanag ni Nimfa. “Ang galing naman, Ate! Sige sisimulan ko

na!” wika ni Cheska.

Sinimulang sundin ni Cheska ang itinuro ng

kapatid. Pagkalipas ng dalawang araw ay nagulat

ang lahat sa ipinakitang portfolio ni Cheska. Tuwangtuwa ang buong pamilya sa ginawang portfolio ni Cheska. Naipakita nito ang pagkakasundo-sundo ng

buong pamilya. Dahil sa tuwa, kinuhanan ng

kaniyang Kuya Alex ng larawan ang portfolio.

 “Ipinagmamalaki ka naming, anak. Isa kang

hulog ng langit sa amin,” wika ni Nanay Perla.

 “Ang galing mo, anak! Salamat sa Diyos at isa

kang batang matalino, malikhain, at masunurin,”

wika ng ama ni Cheska na si

Mang Ben.“Salamat din po sa inyo Itay, Inay, Kuya Alex, at Ate Nimfa dahil tinuruan niya ako ng paggawa ng portfolio. Maraming salamat din po sa Panginoon,”mahinahong sabi ni Cheska.

Gawing Gabay

Ayon sa Kawikaan 22:6 -“Turuan mo ang bata sa daan na kaniyang dapat

lakaran upang kung tumanda man siya ay

hindi niya hihiwalayan.”

Ayon sa Gintong Aral - “Huwag mong gawin sa iyong kapwa, ang bagay na ayaw mong gawin sa iyo.”

Ayon kay Dr. Jose P. Rizal - “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”

sa pahina 433sa LM

Basahing muli ang tekstong “Gawing Gabay.”

B. Salungguhitan ang payak na salita at ikahon ang tambalang salita.

6. tanaw

7. mata

8. kapit-tuko

9. balik-tanaw  

10. masakit

11. bughaw

12. kupas

13. matamis

14. takip-silim

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Talakayin ang kuwento.

Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina424

Ano ang mga nais na isuot ni Dindin?

Paano nagbago ang kaniyang pananamit?

Ano ang dapat isuot kung nasa paaralan?

Sa simbahan? Sa pamamasyal? Sa bahay?

Dapat bang iayon sa okasyon ang ating

kasuotan? Bakit?

Saan pa natin dapat

iniaangkop ang ating

kasuotan?

Ano-anong tambalang salita ang ginamit sa

teksto?

Ano-anong salita ang bumubuo rito?

Ano ang ibig sabihin ng bawat salitang

bumubuo rito?

Ano ang nangyari sa mga kahulugan ito?

sa pahina 429sa LM

Anong uri ng pamilya mayroon si Cheska?

Ano ang dahilan kung bakit inspirado si Nimfa

na gumawa ng portfolio?

Kung ikaw si Nimfa, tuturuan mo rin ba ang

iyong kapatid na gumawa ng portfolio? Bakit?

Isa-isahin ang mga paraan sa paggawa ng

portfolio.

Kung ikaw si Cheska, gagawin mo rin ba ang

sinabi ng kaniyang ate? Bakit?

Ano ang iyong nararamdaman kapag

nakagawa ka ng isang kapaki-pakinabang na

bagay?

Ano kaya ang kinahinatnan kung hindi sinunod

ni Cheska ang mga sinabi ng kaniyang ate?

pahina 430 sa LM,

Ano ang sinasabi ng bawat pahayag?

Ano ang maidudulot kung susundin natin ito?

Alin ang naibigan mong gabay?

Bakit mo naibigan?

Paano mo ito isasabuhay?

Pansinin ang mga may salungguhit na salita.

Paano ito ginamit?

Kailan ginamit ang bawat isa?

Bakit “Gawing Gabay” ang pamagat ng akda?

pahina 434   sa LM

Ano-anong bantas ang ginamit sa teksto?

Kailan ginagamit ang bawat isa?

C. Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap.

15. Aray_ dumugo ang sugat ko__

16. Yehey__Dumating na si itay___

17. Ang Diyos ay dakila sa lahat

18. Hugis parisukat ba ang mesa

19. Sandali__ Titingnan ko kung dumating na siya__

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ang pagsusuot ng kasuotang angkop sa

okasyon ay tanda ng paggalang sa sarili at sa ibang

tao.

Ugaliing sundin ang mga panuto na ibinigay sa

atin upang maging madali at maayos ang ating

mga gawain.

Sundin natin ang mga pangaral ng Banal na

Aklat at ng mga nakata-

tanda upang hindi tayo

maligaw ng landas.

Ang mga kasabihan ay maaaring gawing gabay

sa ating paniniwala,pamu-

muhay, at paggawa.

D. Sipiin ang maikling talata at isulat ng tama ang mga makikitang mali

ang pagkakasulat.

malapit na naman ang bakasyon. pupunta kami sa bulacan.Matutuwa sina lolo inggo at lola marina.Pasasalubungan namin sila ng

hamburger. Ibibili namin sila ng bagong damit.Pagkagaling namin sa Bulacan ay babalik kami ng maynila at isasama namin sina lolo at lola. Ipapasyal namin sila sa luneta park at

manila Ocean Park.

Paglinang sa kabihasaan

( Leads to Formative

Assessment )

Isagawa ang Gawin Natin sa LM  sa pahina 424

A. Bumuo ng tambalang salita gamit ang mga

inihandang salita.

kayod

takip

kapit

bahag

balat

silim

hari

sibuyas

takip

bahay

kalabaw

B. Ibigay ang posibleng dahilan kung bakit nangyari

ang sumusunod na mga sitwasyon.

a. Pagkatalo ni Dindin sa mga palaro noong

piyesta

b. Pagpapahayag ni Bb. Batobalani tungkol

sa pagsunod sa napagkasunduan

c. Pagdadamit ni Dindin nang angkop at

wasto sa okasyon

Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina429

Ibigay ang panuto kung paano gumawa ng

isang kard.

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina431-432

A. Bilugan ang angkop na parirala upang mabuo

ang diwa ng pangungusap.

1. (Ayon sa, Ayon kay) matatanda, ang Panginoon

ay tinatawag din nilang Bathala.

2. (Ayon sa, Ayon kay) Apo Lakay, hindi dapat

ipagwalang bahala ang sakit na nararamdaman.

3. (Ayon sa, Ayon kay) pag-aaral, ang mga Pilipino

ay lahing maka-Diyos.

4. (Ayon sa, Ayon kay) bansang Amerika,

nakahanda silang tumulong sa mga nasalanta

ng bagyo.

5.  (Ayon sa, Ayon kay) Tito Lito, tatlo ang kaniyang

anak na magtatapos sa elementarya.

B. Sipiin ang sumusunod na talata.

Bilugan ang mga salitang payak.

1.  Ang linis ng paligid.

2.  Nasa itaas ng aparador ang hinahanap mo.

3.  Sundin natin ang utos ng mga magulang.

Ikahon ang tambalang-salita.

4.  Anak-pawis ang aking mga magulang.

5. Nagsisimba kami tuwing madaling-araw ng

Linggo.

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 434

A. Hanapin at iwasto ang hindi tamang paggamit

ng malaking letra sa talata.

Ang pamilya Peralta ay pamilyang masunurin

sa utos ng panginoon. ang pamilya Peralta ay

binubuo ng limang kasapi. Ang tatay ay si mang

carlo, ang ina ay si Aling virgie, at ang mga anak ay

sina Lucy, Dan, at niknok. ang pamilya peralta ay

nakatira sa bilang 7 daang talahib, barangay

Concepcion, malabon. ang kanilang mag-anak ay

madalas makita na sumasamba at namimigay ng tulong sa mga nangangailangan kaya sila ay kinagigiliwan.

B. Lagyan ng tamang bantas ang sumusunod na

pangungusap.

1. Naku nahulog ang bata sa duyan

2. Ang mundoy hugis bilog

3. Kumain ka na ba

4. Aray napakasakit ng ulo ko

5. Magdasal tayo bago

kumain

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina425

A. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na

tambalang salita. Gamitin ang mga ito sa

pangungusap.

1.silid-aralan

2. balik-aral

3. kapitbahay

4. bantay-salakay

5. kambal-tuko

B. Sabihin kung ano ang maaaring ibunga ng

sumusunod na sitwasyon.

1. hindi natutulog nang maaga

2. hindi kumakain ng gulay

3. hindi nagdarasal

4. matigas ang ulo

5. nagkakalat ng basura

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina 430

Kasama ang pangkat guma-

wa ng panuto sa paggawa ng isang bangkang papel.

Sanayin Natin sa LM sa pahina 432

Pangkatin ang sumusunod na salita. Ilagay ito sa

kahong dapat kalagyan.

ganda bahaghari

sigaw araw

awit hari

ama anak

anak-araw hampaslupa

Sanayin Natin sa LM sa pahina 435

Una at Ikalawang Pangkat – Bumuo ng tatlong

 pangungusap na hindi ginamitan ng tamang

 bantas.

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Iwasto ang ginawa ng

una at ikalawang pangkat.

Ikalimang Pangkat – Suriin kung tama ang

pagkakagamit ng malalaking letra ng ikatlo at

ikaapat na pangkat.

  H.Paglalahat ng Aralin

Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 426

May mga salitang kapag pinagsama ay nagkaka-

roon ng bagong kahulugan  na iba sa

dating kahulugan. Tambalang salita

ang tawag dito.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 430

Upang maging tama ang isang gawain, laging sundin ang mga panuto sa

paggawa nito.

Basahin ang Ating Tandaan pahina433

Ang pang-ukol na ayon sa ay ginagamit kapag ang siniping pahayag o

impormasyon ay mula sa isang tiyak na aklat, pahayagan, at iba pa.

Samantala, ang ayon kay ay

ginagamit kung ang pinag-

kuhanan ng pahayag

 o impormasiyon ay isang tiyak na tao.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 435

Ang malaking letra ay ginagamit sa mga

tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar,

buwan, at sa pagsisimula ng pangungusap.

Ang karaniwang bantas na ginagamit ay tuldok (.), tandang padamdam (!), tandang

pananong (?), kudlit (‘), at kuwit (,). Ginagamit ito para sa mabisang

pagpapahayag ng damdamin o kaisipan

Ang tuldok ay sa hulihan ng

pangungusap na pasalaysay o pautos. Ang

tandang pananong ay sa pangungusap na

nagtatanong. Ang kuwit ay sa pansamantalang paghinto. At ang tandang

padamdam ay para sa pagpapahayag ng

matinding damdamin.

Pagtataya ng Aralin

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 426

A. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng tambalang

salita sa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot.

A

1 . kapit-tuko

2. bahay-kubo

3. takip-silim

4. kapitbahay

5. balik-bayan e. mahigpit ang pagkakakapit

                        B    

  1. taong galing sa ibang bansa
  2. b. taong kalapit ang bahay
  3. papalubog na ang araw
  4. bahay na yari sa kubo

e. mahigpit ang pagkakakapit

B. Tukuyin sa Hanay B

ang maaaring dahilan ng mga pangyayari sa Hanay A.

                 A

1. Natakot ang bata  

2. Lumagong halaman  

3. Nasusunog na bahay 4. Natuwa ang magulang

5. Lumiwanag ang bahay

                      B

  1. naglalaro ng posporo
  2. nagdidilig ng halaman
  3. nagkakabit ng ilaw
  4. magalang na bata
  5. tinahulan ng aso

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 430

Gumawa ng isang portfolio sa tulong ng mga

panutong sinunod ni Cheska.

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina433

1. Sumulat ng limang pangungusap na ginami-

tan ng pang-ukol na ayon sa.

2. Isulat ang payak na anyo o kayarian ng

sumusunod na salita.

awitan

kulayan

kumain

nagdarasal

nagsayawan

payuhan

sumulat

tulugan  

tumakbo

Pasagutan  angLinangin Natin sa LM pahina436

A. Sumulat ng reaksiyon sa larawan. Gumamit ng

tamang bantas at angkop na pananalita.

B.  Sabihin kung Mali o Tama ang pagkakasulat.

1. Maria Dela Rosa

2. Pusa

3. sta. Clara

4. Naku? gumuho ang lupa!

5. Aray! Kinagat ako ng lamok.

.

Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

        

MGA TALA

PAGNINILAY

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

Bilang ng mag-aaral na

magpapatuloy sa remediation.

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan

na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor?

Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

                                                        

File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI

Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com