GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | Week 8 | Quarter: | 4th Quarter |
Lunes | Martes | Miyerkules | Huwebes | Biyernes | |
LAYUNIN | Nakapaglalahad ng impormasyong natutuhan sa napakinggang teksto | Nakabubuo ng isang talata sa isang pangyayaring nasaksihan | Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na g | Nakasusulat ng isang talata nang may wastong gamit ng malaki at maliit na letra at bantas | Nakaguguhit ng ibat ibang larawan tungkol sa mga biyaya ng Diyos sa tao at bayan Nakasusulat ng isang talata |
Pamantayang Pangnilalaman | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin | Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin | Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat | |
Pamantayan sa Pagganap | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 | Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulatF2TA-0a-j-4 | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 | Nakasusulat nang may wastong baybay,bantas at mekaniks ng pagsulat F2TA-Oa-j-4 | |
Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan | Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng story grammar F2PS-IVe-6.5 | Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo saisa't isa ang mga salita at pangungusapF2KM-Ivh-3.2 | Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panag-uri sa pakikipag-usap F2WG-Ivg-j-8 | Nakabubuo ng isang talata sa pamamagitan ng pagsasamasama ng magkakaugnay na pangu ngusap F2KM-IVc-6 | |
NILALAMAN | IKAWALONG LINGGO Aralin 8 Pag-ibig ng Diyos sa Tao at sa Bayan Paglalahad ng Impormasyon | IKAWALONG LINGGO Aralin 8 Pag-ibig ng Diyos sa Tao at sa Bayan Pagsulat ng Talata | IKAWALONG LINGGO Aralin 8 Pag-ibig ng Diyos sa Tao at sa Bayan Paggamit ng Pang-angkop na g | IKAWALONG LINGGO Aralin 8 Pag-ibig ng Diyos sa Tao at sa Bayan Pagsulat ng Talata | IKAWALONG LINGGO Aralin 8 Pag-ibig ng Diyos sa Tao at sa Bayan Pagsulat ng Talaan |
KAGAMITANG PANTURO | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | |
Sanggunian | |||||
Mga pahina sa Gabay ng Guro | 176-177 | 177-178 | 178 | 179 | 180 |
Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral | LM in Filipino Yunit 3 pahina 483-486,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina 487-489,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina490-492, soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina493-496, soft copy | |
Mga pahina sa Teksbuk | |||||
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | larawan ng mga biktima ng kalamidad | larawan ng telepono, cellphone, internet, at mga kauri nito | larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng gulay at manggang hilaw | ||
Iba pang Kagamitang Panturo | laptap | laptap | laptap | laptap | |
PAMAMARAAN | |||||
Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina483 (soft copy), Isulat sa sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang isinasaad ng pangungusap. 1. Ang pang-angkop na -g ay ginagamit kapag ang salitang sinundan nito ay nagtatapos sa katinig na n. 2. Sa mga salitang nagtatapos sa n, kinakaltas ang n at pinapalitan ng pang-angkop na -ng sa halip na -g. 3. Sa pagbuo ng talata, dapat malinaw at may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap at ideya. 4. Ang pagsusulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe. 5. Nais kong bumalik sa bayang sinilangan. | Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 177 Ipangkat ang klase. Hayaang pag-usapan ang isang pangyayaring nasaksihan. Isulat nang pangkatan ang napagkasunduang pangyayari na ibabahagi sa buong klase. Pag-uulat ng bawat pangkat. | Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 178 Ipakita ang mga larawan at palagyan ng ngalan . | Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina179 Ipabigkas ang “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.” Ano ang sinasabi sa panunumpa? Sino-sino ang dapat nating mahalin? | Ipapikit ang mga mata ng mga bata. Isipin ang mga biyaya ng Dakilang Lumikha sa tao at sa bayan. Ipaguhit ang mga nakita. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iginuhit. Pagsulat Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina. |
Paghahabi sa layunin ng aralin | Tukoy-Alam Basahan ang mga bata ng isang maikling talata. (Siguraduhin na hindi pa itonababasa sa kanila o hindi pa nila nababasao napakinggan Pag-usapan ang mga detalye mula sa kuwento na natatandaan ng mga bata. Paglalahad Ipaawit “Magtanim ay Di Biro.” Pag-usapan ang ginagawa ng isang magsasaka upang magkaroon ang mga tao ng pagkain. | Paglalahad Ipakita at pag-usapan ang gamit na nasa larawan (cellphone, telepono, radyo at internet). | Paglalahad Pag-usapan ang ideya ng mga bata tungkol sa salitang tag-ulan. | Paglalahad Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang at sa ibang tao? Gaano ninyo kamahal ang inyong ina? Ang inyong bayan? | |
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Babasahin“Ginintuang Butil” sa pahina 483 Ginintuang Butil Buwan na ng Setyembre, kitang-kita ang mga ginintuang butil ng palay sa bukid ni Mang Zacarias. Ilang linggo na lamang at aanihin na ang mga ito. Hindi biro ang pag-aalaga sa mga ito mula sa pagpapatubo ng mga punla, pagpapatubig, pag-aabono, at iba pa. Problema rin ang mga peste at laging pagdaan ng mga bagyo. Nalagpasan lahat ito ni Mang Zacarias kaya hindi maikukubli ang kaniyang katuwaan. Maganda ang maidudulot ng mga palay sa kaniyang pamilya at sa bansa. Matutustusan nito ang pangangailangan ng kanilang pamilya at ang pag-aaral ni Junior. Malaking biyaya ng Diyos sa tao at sa bayan ang mga palay ni Mang Zacarias. Ang palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa bansa. Maiibsan nito ang kakulangan sa bigas. Matutugunan nito ang gutom na nararanasan ng mga tao. | sa pahina -487sa LM“ Hello Pilipinas! Hello Buong Mundo!” Dear diary, Parang kailan lang, mahirap pa ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ng mga Pilipino dahil sa layo ng pagitan ng mga pulo. Subalit dahil sa telepono, cellphone, computer, internet, at iba pa ay napakadali na ng komunikasyon sa isa’t isa maging nasa iba’t ibang panig man sila ng mundo. Ang mga magulang na nasa probinsiya ay madaling nakapagpapadala ng pera sa mga anak na nag-aaral sa Maynila o sa ibang lugar. Ang mga OFW ay nababawasan ang pangungulila kahit papaano dahil sa mga teknolohiyang ito. Ang pagnenegosyo ay mas naging madali dahil sa internet at computer. Ang pananaliksik ay mas naging magaan at mabilis dahil sa mga ito. Ang pangangaral ng salita ng Diyos ay naidadaan na rin sa pamamagitan ng internet. Napakalaki na talaga ng iniunlad ng Pilipinas kasabay ng pag-unlad ng buong mundo. Ito ang mga pangyayaring nasaksihan ko bilang isang batang mag-aaral mula sa probinsiya na ngayon ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan dito sa Maynila. Sabi ng Tatay ko, kung ang kalikasan ay biyayang galing sa Diyos, ang mga makabagong teknolohiya rin ay maituturing na biyaya mula sa Maykapal. Nagmamahal, Ruby | sa pahina 490 “Nasaan ang Biyaya ng Tag-ulan?” Noong araw, ang tag-ulan ay madalas na pinapangarap ng mga tao lalo na ng mga magsasaka. Ang tag-ulan para sa kanila ay may hatid na biyaya tulad ng pag-usbong ng mga pananim, pamumunga ng mga halaman, magandang pakiramdam, at iba pa. Ngunit sa panahong ito, tila may dalang pangamba at takot ang tag-ulan sa marami. Ang matinding pag-ulan ngayon ay nagbubunga ng kalungkutan sa maraming tao dahil na rin sa mga kabahayang lubog sa tubig baha, pagguho ng lupa, palayang sira, palaisdaang nasira, ari-ariang nawala, mga sakit, at maging pagkawala ng buhay. May biyaya ba talagang dala ang ulan? | sa pahina 493sa LM Panay basura ang laman ng bag ni Romeo. Nagalit ang kaniyang tatay kaya itinapon niya ang mga basura sa kalye. Tuwing araw ng Lunes, maagang pumapasok ang mga bata upang makiisa sa flag ceremony na tanda ng pagpapahalaga sa bandila ng Pilipinas. Bilang tanda ng paggalang at pagmamahal sa magulang, laging sinusunod ni Bryan ang kaniyang nanay. | |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Talakayin ang kuwento. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina484 Ano ang gintong butil? Ano-ano ang pinagdaanan ni Mang Zacarias upang magkaroon ng magandang ani ng palay? Ano naman ang mga suliranin na kinahaharap ng isang tulad ni Mang Zacarias? Ano ang bunga ng kasipagan ni Mang Zacarias? | sa pahina 488 sa LM Anong uri ng akda ang binasa? Ano ang diary? Sino ang sumulat ng diary? Ano-ano ang isinulat niya sa diary? Paano pinaghambing ang pamumuhay noon at ngayon? Paano nakatutulong ang teknolohiya sa pamumuhay ng mga tao? Anong mga impormasyon ang nakuha mo sa diary? | pahina sa LM, Paghambingin ang dulot ng ulan noong araw at sa ngayon. Ano-anong damdamin ang dala ng tag-ulan noon? Ngayon?Bakit kaya n agkaroon ng takot at pangamba ang mga tao sa tag-ulan? Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Ano ang napansin mo sa hulihang letra ng bawat salita? | Pahina 494 sa LM Ano ang mensahe ng bawat larawan? Magkaugnay ba ang mga pangungusap at ang larawan sa tapat nito? Katulad ka rin ba ng mga bata sa bawat larawan? Paano mo nasabi? Sino ang dapat tularan? Hindi dapat tularan? | |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa tao at sa bayan. | Ang makabagong teknolohiya ay nakatutulong upang maging maginhawa ang ating pamumuhay. | Pangalagaan ang ating kalikasan upang global warming ay mapaglabanan. | Pangalagaan ang kalikasan. Igalang ang mga sagisag at simbolo ng ating bansa. Igalang at sundin ang mga magulang. | |
Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina485 A. Itala ang mga impormasyon na natutuhan sa tekstong binasa at pinakinggan. B. Isaayos ang mga itinala. Ihanda ito upang maipakita sa mga kaklase. | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina489 A. Pumili ng isang pangyayari sa mga nabanggit sa diary. Iguhit ito. B. Magbahagi ng isang pangyayari na nasaksihan sa iyong pamayanan. | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina491 Tukuyin ang pang-angkop na ginamit sa bawat parirala. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. 1. impormasyong makatotohanan 2. kapaligirang malinis 3. pangalang mahaba 4. suriing mabuti 5. kaning mainit | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 495 Sabihin ang mensahe ng bawat larawan. | |
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina485 Unang Pangkat – Maglahad ng impormasyong napanood sa telebisyon, nasaksihan o napakinggan tungkol sa mga magsasaka. Ikalawang Pangkat – Magkuwento tungkol sa nabasa o narinig na balita tungkol sa mga palayang sinalanta ng bagyo o peste. Ikatlong Pangkat – Magtala ng mga paraan kung papaano pangangalagaan ang pananim ng mga magsasaka. Ikaapat na Pangkat – Magtala ng mga pamamaraan kung papaano pahahalagahan ang kanin at iba pang pagkain na mula sa palay. | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina 489 Sumulat ng isang talata tungkol sa ginagawa ng iyong pamilya tuwing araw ng Linggo. | Sanayin Natin sa LM sa pahina 491 Unang Pangkat – Sumulat ng anim na parirala na may pang-angkop Ikalawang Pangkat – Sumulat ng limang pangungusap na may pang-angkop Ikatlong Pangkat – Sumulat ng talata na may pang-angkop | Sanayin Natin sa LM sa pahina 495 Ano ang nais mong sabihin sa kanila? Isulat ang mensahe sa iyong sagutang papel. 1. mga batang ulilang lubos 2. mga magulang na sinasaktan ang mga anak 3. mga batang sumasali sa usapan ng matatanda 4. mga batang huwaran sa klase 5. mga gurong matiyaga at masipag magturo | |
H.Paglalahat ng Aralin | Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 486 Ang pagtatala ng mga impormasyon buhat sa napakinggan o nabasa ay isang paraan upang higit itong maunawaan at maisalaysay muli nang maayos. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 489 Ano ang natutunan mo sa aralin? Ang mga pangungusap sa isang talata ay dapat may pagkakaugnay-ugnay sa bawat isa. Ito rin ay may isang paksa o ideya. Ang panibagong ideya o kaisipan ay ilalagay na sa susunod na talata. | Basahin ang Ating Tandaan pahina492 Ang -g ay ginagamit kapag nagtatapos sa letrang n ang salitang iuugnay sa tinuturingan. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 496 Ang pagbibigay ng mensahe ay maaaring gawin sa paraang pasulat at pasalita. Sa pagbibigay nito, kailangang maging malinaw ang pagpapahayag nito. Gumamit ng mga salitang nauunawaan ng lahat. Kung ito naman ay sa paraang pagguhit, siguraduhing malinaw at malinis ang pagkakagawa ng larawan. | |
Pagtataya ng Aralin | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 486 A. Makinig sa babasahin ng guro. Itala ang mga mahahalagang impormasyon mula rito. Ibahagi ito sa mga kaklase. B. Basahin ang seleksiyon at itala ang mga mahahalagang impormasyon mula rito. Ang mga Ifugao ay sumasangguni sa kanilang mga anito bago magtanim ng palay. Gayundin ginagawa nila ito bago isagawa ang anihan. Nag-aalay naman sila ng pagpapasalamat kapag natapos na ang pag-ani. Isa ang seremonyang Canao sa kanilang ginagawang pagsangguni sa kanilang mga anito o kinikilalang Diyos ng kalikasan. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 489 Sumulat ng isang talata tungkol sa isang pangyayari na nasaksihan sa loob ng paaralan. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina492 A. Punan ng wastong pang- angkop ang sumusunod. 1. Ang sanggunian__ ginamit ko ay maayos. 2. Basahin__ mabuti ang seleksiyon. 3. Sikapin_ alagaan an gating kalikasan. 4. Ang pantalon__ binili ni Ariel kay Iya ay malaki. 5. Naintindihan__ mabuti ni Christian ang aralin. 6. Ang pangkatan__ gawain ay laging pinamumunuan ni Tony. 7. Huwag nating pagbawalan ang mga bata__ maglaro. 8. Ang mga bayan__ narating ko ay malilinis. 9. Ang kuwento__ tinalakay namin ay maganda. 10. Ang bansa__ ito ay mahal ko. B. Ipaliwanag kung paano ginamit ang pang-angkop sa sumusunod na parirala. Pagkatapos, ay gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. 1. subuking tapusin 2. sanaying bumasa 3. kahong munti 4. minsang nadapa 5. mayamang mabait | Pasagutan angLinangin Natin sa LM pahina496 Ikaw ay naatasan na magbigay ng mensahe sa darating na “Araw ng Pagkilala” sa mga batang may karangalan sa paaralan. Isulat ang iyong mensahe. Gumawa ng isang talaan ng iyong mga pang-araw-araw na gawain sa paaralan. | |
Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation |
| ||||
MGA TALA | |||||
PAGNINILAY | |||||
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||
Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | |||||
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | |||||
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI
Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com