GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | V | |
Teacher: | Learning Area: | ARALING PANLIPUNAN | ||
Teaching Dates and Time: | Week 9 | Quarter: | 4TH Quarter |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY |
| Naipapaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan | ||||
| Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pagusbong ng kamalayang pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon | ||||
| Nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pagusbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon | ||||
| Naipapahayag ang saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon AP5PKB-IVj-8/ Pahina 55 ng 120 | ||||
| Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng Nasyon | ||||
KAGAMITANG PANTURO | |||||
| |||||
| K to 12 – AP5PKB-IVj-8 Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide | ||||
| |||||
| |||||
| |||||
| powerpoint presentation, manila paper, pentel pen | ||||
| |||||
| 1.Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. | ||||
| 2.Ipabasa nang malakas ang tula. Bigyang-konteksto ito. Magpakita ng mga larawan sa klase. •Nagkalat na kabataan sa ilalim ng tulay •Masasaya at malulusog na kabataan •Naggagandahang tulay at parke •Nag-aaral na mga kabataan, magandang pasilidad ng paaralan •Nakalbong kalikasan •Nakangiting mga pahinante o manggagawa •Mayabong na kalikasan •Payapang komunidad 3.Tanungin ang mga mag-aaral kung ang larawan ay nagpapakita ng kaunlaran o hindi. Tanungin din kung bakit nila ito nasabi. 4.Itanong: Paano makatutulong sa pagsulong at pag-unlad ng bayan ang sarili mong pagpapaunlad ng mga ito? | ||||
| 1.Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM p. _____. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. | ||||
| 2.Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___ Paano ka gaganap ng iyong dakilang tungkulin sa iyong bansa? Paano mo mapauunlad ang sariling kakayahan at kasanayan? | ||||
| 3.Talakayin ang paksa. Tayo, Bilang Bahagi ng Pagkabuo ng Pilipinas. Madalas ay itinatanong natin sa ating sarili, may halaga ba ako sa aking bansa? Oo! Ikaw ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating bansa. Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang pamahalaan ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan upang matamo ang kaunlaran ng ating nasyon, hindi ito maisasakatuparan kung hindi tutulong ang mga mamamayan. Pakikipagkapwa-tao Mahalaga ang mabuting pakikipagkapwa sa ating mga kapwa mamamayan. Lagi ngang sinasabi na "no man is an island" kaya naman marapat lamang na pakitunguhan nang maayos ang ating kapwa dahil ang mabuting samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa. Tamang saloobin sa paggawa Mahalaga rin na mayroon tayong mabuting saloobin sa paggawa. Nagiging madali ang mga gawain kung ito ay pinagtutulungan at binibigyan ng tamang pansin at oras. Kung laging positibo ang isang mamamayang Pilipino, sigurado na siya ay magiging produktibo. Tangkilikin natin ang ating mga produkto. Sa ganitong paraan, mapatatatag natin ang ating ekonomiya. Uunlad ang mga lokal na industriya, maraming mga Pilipino ang mahihikayat na mamuhunan at magtayo ng mga negosyo, at maraming magkakaroon ng trabaho sa ating bansa. Gamitin natin nang wasto ang mga likas na yaman. Dito tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya naman marapat lamang natin itong alagaan upang magkaroon tayo ng sustainable development o ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman. Dahil dito, hindi kaagad mauubos ang mga pinagkukunang-yaman at mayroon pang matitira para sa susunod na henerasyon. Pahalagahan at pagyamanin natin ang kultura nating mga Pilipino. Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na mapaunlad ito dahil ang kultura ang nagbibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa mga nagiging batayan ng kaunlaran. Bantayan natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Pawis, dugo, at buhay ang ipinuhunan nila para maipamana sa atin ang kalayaang hindi na nila natikman. May pakinabang ba sa iyo ang iyong bansa? | ||||
(Tungo sa Formative Assessment) | .Gawain A •Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A. Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa. Isulat ang sagot sa notbuk. 1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang bansa. 2.Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat. 3.Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho. 4.Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan. 5.Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao. 6.Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan. 7.Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa. 8.Naaabuso ang mga likas na yaman. 9.Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas. 10.Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan. | . Gawain B Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pag- unlad ng sarili o ng bansa. Isulat ang sagot sa notbuk. 1.Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy upang makasali sa pambansang koponan. 2.Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang tiyahin. 3.Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito. 4.Bata pa lamang si Inso ay sakitin na. 5.Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati paghahanda ng pananghalian ay nalilimutan niya. 6.Kahit kailan di nabisita ni Jing ang silid-aklatan sa kanilang paaralan. 7.Laging huli sa pulong si Cristina. 8.Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri ang binibitawan niyang mga salita. 9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya. 10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit. | Gawain C 1.Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatalakay kung paanong naitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain sila ng larawan hinggil dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng islogan ng parehong poster at islogan. 2.Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at islogan | ||
| |||||
| TANDAAN MO Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang kani-kaniyang mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang kaunlaran ng ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahil ang malilit na gawa, kapag pinagsama-sama ay tiyak na magbubunga ng isang malaking pagbabago. | ||||
| . | NATUTUHAN KO Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong panata sa sarili para sa kaunlaran ng bansa. Palamutian ito ng iyong mga simbolo at iba pang representasyon sa sarili. | |||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
| |||||
Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com
File Created by Ma’am ROSA HILDA P. SANTOS