Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

WEEK 2

Quarter:

4TH Quarter

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

  1. LAYUNIN

  1. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya , kaisipan, karanasan at damdamin

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba‘t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba‘t-ibang uri ng media

Weekly Test

  1. Pamantayan sa Pagaganap

Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan

Nakagagawa ng isang radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum

Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa , nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o binasang paksa

Nakabubuo ng sarilig dokumentaryo o maikling pelikula

  1. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang kwento F5PN-IVb-3.1

Naipapahayag ang sariling opinion/ reaksyon o ideya sa napakinggang isyu

 F5WG-IVb-e-13.2

Nagagamit ang iba‘t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu

F5PT-IVa-b-1.12

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan

F5PT-IVa-b-1.12

Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu

F5PB-IVb-26

Naiuugnay ang sariling karanasan sa napanood

F5PD-IVb-d-17

  1. NILALAMAN

Pagpapahayag ng sariling opinion/ reaksyon o ideya sa napakinggang isyu. Paggamit ng iba‘t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan

Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu

Pag-uugnay ng sariling karanasan sa napanood

KAGAMITANG PANTURO

  1. Sanggunian

Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. (May kalayaan ang guro sa pagpili ng kwentong gagamitin sa pagsusulit.)

Gamit ang iba‘t ibang uri ng pangungusap, ipahayag ang sariling opinyon o reaksyon o ideya hinggil sa isyung pag-aalis ng mga uniporme sa pag-aaral.

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit kaugnay ng sariling karanasan.

1. Ang gintong pangarap ng kanyang ina ay ang Makita siyang isang ganap na doktor na.

2. Nagpakahirap sa pagtatrabaho ang ina ni Mabini upang maitaguyod ang kanyang pag-aaral.

3. Sa kanyang pagsusumikap, hindi niya inalintana ang init ng araw at patak ng ulan.

4. Ang mga magulang ay hangad ang mabuti para sa kanilang mga anak.

5. Ang maging alagad ng Diyos ang siyang pinakadakilang karangalang maaaring makamit ng tao sa buhay na ito.

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

Gabay Pangkurikulum, pahina 75

youtube.com

  1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

  1. Mga pahina sa Teksbuk

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 (Pagbasa) pahina 118-119

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 TM ph. 139-144

Makabagong Sining ng Wika 5 pah.106-110

Landas sa Wika 6 pahina 70-74

Bagong Likha, Wika at Pagbasa Pp 49-54

Landas sa Pagbasa 6 ph. 24-25

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

  1. Iba pang Kagamitang Panturo

Tsart ng awit

larawan

Metacards

Tsart ng awit

larawan

Metacards

larawan

Metacards

larawan

Metacards

videos

  1. PAMAMARAAN

  1. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa metacards.

Tuso

Kapagod-pagod

Bungang kahoy

Matatakaw

Pampang

Lahi

Pulo

naglalambitin

Panuto: Sabihin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad ng bawat bilang.

1. Maraming tao ang nagsimba sa araw ng pista.

2. May palaro ba sa plasa?

3. Papasukin mo ang mga bisita natin.

4. Maaari po bang humingi ng tubig na maiinom?

5. Naku! Nadulas ang bata sa palosebo!

6. Masaya ang pista dito sa inyo.

7. Gusto mo pa ng leche flan?

8. Masakit ang tiyan ko!

9. Pahiran mo ng acete de manzanilla.

10. Pwede na po ba akong umuwi?

Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa papamagitan ng pagbibigay ng kanilang kasalungat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo.

2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay.

3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata.

4. Pati hangin yata‘y walang pakialam sa kapal ng usok na nakabalatay

5. May maliit na liwanag na natatanaw ang bata.

Isulat ang inyong sagot sa inyong ― Show Me Board‖

Sa paanong paraan mo matutukoy ang kahulugan ng isang salita?

Gamit ang metacards, magpasulat sa mga bata ng mga karanasang hindi nila nalilimutan. Paramihan sila ng maisusulat. Ipaulat ito sa klase

  1. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paano mo masasagot ng wasto ang mga tanong mula sa mapapakinggang alamat?

Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring may kinalaman sa tatalakaying aralin. Isulat ito sa metacards. Magbigay ng maikling ideya o paliwanag tungkol sa mga salitang nahanap.

Anu-ano ang mga tradisyon ng mga Pilipino na inyong nalalaman?

Panuto: Kumpletuhin ang concept cluster na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ideyang inyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna.

Anu-ano ang mga pamantayang dapat isaalang-alang sa panonood?

  1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magtanong sa mga bata kung may alam silang kwento tungkol sa mga unggoy at buwaya. Hayaang ikuwento ang ibang bahagi nito.

Pasagutan ang inihandang talasalitaan. Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap.

  1. Nakatira sila sa isang pulo.

 ( damit, pagkain, lugar )

2. Nakatira rin dito ang maraming matatakaw na buwaya. ( masiba, mataba, malaki )

3. Sagana sa isda at mga ligaw na hayop dito. ( masarap, marami, sariwa )

4. Masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy.

( pagkapit sa kamay, pagkapit sa paa, pagkapit sa buntot )

5. May mahalagang mensahe ang hari. ( balita, bilin, utos

Makinig sa isyung babasahin ng guro.

Marami nang nalathalang mga balita at impormasyon ukol sa pag-unlad ng mga karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad ng mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Singapore, at South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ang mga Pilipino ay nakasadlak pa rin sa kahirapan.

May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad ang ating bansa. Unang-una ay ang

isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan. Paano nga ba malulutas ito ng bansang Pilipinas?

Ano- ano ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento?

Pagbasa ng Kwento

PIsta sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan.

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may iba‘t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na kalye man.

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba‘t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba‘t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito‘y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.

Ano-ano ang katangian ng mabubuting bata? Taglay ba ninyo ang mga nabanggit ninyong katangian?

Panonood ng Video Clip: Ang Mabubuting Bata

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ilahad ang pamagat ng kuwento. Ipaalala ang mga pamantayan sa pakikinig. Iparinig ang kwento sa klase.

Ang Unggoy at ang Buwaya

Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ng mga unggoy. Sa pulong ito, malinaw, malalim, malinis ang tubig sa ilog na nakapalibot ditto. Nakatira rin ang lahi ng matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot sa pulo. Masarap at masaya ang buhay ng mga unggoy dahil marami ang mga punongkahoy na namumunga rito. Gayundin ang mga buwaya dahil sagana sila sa isda at iba pang hayop na minsan ay naliligaw sa ilog. Subalit dahil sa pagdami ng mga matsing at buwaya, dumating ang panahon na wala na halos silang makain.

Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy, napansin ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kasamahan. Gustong-gusto nilang lumangoy papunta sa kabilang pampang. Ngunit dahil maraming buwayang gutom ang nangakaabang sa kanila, wala silang madaraanan. Gustung-gusto ng buwaya ang masarap nilang atay.

Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno ng mga buwaya. ―Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,‖ ang kanyang pakli.

Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. ―Ano ang maipaglilingkod naming sa mahal na hari?‖ usisa ng punong buwaya.

―Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan kayo ng regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,‖ sagot naman ng unggoy. ―Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu‘t pito,‖ sabay talon sa kabilang pampang. Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.

Anong masasabi nyo sa isyung ito?

1. Totoo ba na sa panahong ito ay patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa?

2. Paano kaya mabibigayan ng kalutasan ang mga suliranin ng ating bansa?

3. Bilang mga bata paano kayo makatutulong sa paglutas ng mga suliranin ng ating bansa?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pista?

2. Bakit may pista?

3. Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.

4.Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag.

5. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan ng ating mga ninuno?

6. Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?

7. Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito tungkol sa

isyung ito?

Pag-uusap tungkol sa napanood na video clip

Ano ang pamagat ng palabas?

Sino-sino ang mga tauhan sa palabas?

Saan ito naganap?

Ano ang katangian ng mga tauhan?

Naranasan mo na ba ang naging karanasan ng tauhan sa palabas?

Ano ang iyong ginawa at bakit?

Ipabasa ang panayam sa Ang Hari ng mga Dyip mula sa Hiyas sa Pagbasa 5p 102-103.

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pagkatapos ng nakalaang oras para pakinggan ang kwento, magkakaroon ng talakayan tungkol sa napakinggang teksto.

Tungkol saan ang kuwentong napakinggan?

Sino-sino ang tauhan sa kwento?

Saan at kailan nangyari ang kwento?

Ilarawan ang tirahan ng mag-aamang unggoy.

Bakit naubos ang pagkain ng mga unggoy at buwaya?

Ano ang katangian ng unggoy?buwaya?

Isalaysay kung paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy.

Magbigay ng mga pangungusap na ginamit sa teksto. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba.

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging pamilyar at di-pamiyar sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga salitang ito sa inyong sariling karanasan upang matukoy ang kahulugan.

Ibahagi o iugnay ang napanuod na palabas sa iyong sariling karanasan Iulat sa klase

Tungkol saan ang binasang panayam?

Saang larangan napatanyag si G. Leonardo S. Sarao?

Paano siya nagtagumpay?

Anu-anong uri ng pangungusap ang maari natin gamitin sa pakikipanayam?

  1. Paglinang sa Kabihasan

(Tungo sa Formative Assessment)

Panuto: matapos mong mapakinggan ang kwentong ―Ang Unggoy at ang Buwaya‖, kumpletuhin ang sumusunod na balangkas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Panuto: Bumuo ng dalawang grupo. Batay sa mapagkakasunduan ng dalawang grupo, pumili ng isang paksa/isyu mula sa mga sumusunod na listahan. Ang dalawang grupo ay magsasagawa ng isang debate tungkol sa isyu. Gumamit ng iba‘t ibang uri ng pangungusap sa pagdedebate.

1. Mga mungkahing paksa:

2. Marangya o simpleng pagdiriwang ng pista

3. Panukalang oras ng pagvivideoke

4. Nationwide liquor ban sa Pilipinas

5. Panukalang ―No School Uniform‖ para sa mga mag-aaral

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Iugnay ang bawat salita sa sariling karanasan upang matukoy ang kahulugan.

Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tao sa plasa.

Maraming biyaya ang tinanggap ng mga manggagawa.

Madilim at masikip ang iskinita.

Naaalimpungatang sumunod si Ruth sa paglabas ng kanyang ina.

Maaaring kapirasong tela ang ibigkis sa baywang ng sanggol.

Pumili ng isang mong paboritong palabas sa tv at iugnay ang iyong karanasan dito.

Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng isa pa ring panayam naman sa Piyanistang Pilipina. Tingnan sa Hiyas Pagbasa 5 p 106.Pumili sa grupo na pwedeng gumanap bilang Pilipinang piyanista at isang guro .

  1. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Pangkatang Gawain:

Bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng maikling kuwento na inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang kuwentong binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang sasagot ng mga tanong tungkol sa kanilang napakinggan.

Maaaring gamitin ng guro ang kahit na anong kwento na kanyang nabasa o nahanap sa iba

pang sanggunian

Pangkatang Gawain

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na babasahin ang nakatakdang gawain at pagkatapos ay isasagawa na ito.

Unang Pangkat – pumili ng isang napapanahong isyu at magbigay ng mga reaksyon, opinyon o ideya tungkol dito. Iulat ito sa klase.

Ikalawang Pangkat - mag-isip ng isang napakinggan o nabasang isyung kinasasangkutan ng bansa. Magsagawa ng tatlong minutong debate tungkol dito. Gumamit ng iba‘t ibang uri ng pangungusap sa pagdedebate.

Pangkatang Gawain:

Pangkat 1 – Magtala ng 5 di pamilyar na salita at iugnay ito sa inyong karanasan

Pangkat 2 – Basahin ang mga pangungusap , piliin ang mga salitang di pamilyar at ipaliwanag

ang kahulugan ng bawat isa.

  1. Nagpunta sila sa duluhan ng bakuran.
  2. Takipsilim na nang magsiuwi ang magkakasama
  3. Takaw-tingin ang kanyang kasuotan
  4. Hinogna ang uhay ng palay.

Pangkat 3 - Basahin ang nakatalang isyu at itala kung ano ang paniniwala ng may akda

Napakaraming kapakinabangang nakukuha sa ating mga kagubatan. Pinagmumulan ito ng matabang lupa at pumipigil sa pagbaha. Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop.

Nararapat mabatid ng bawat isa ang kahalagahan ng mga kagubatan. Gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang mapangalagaan ang kagubatan. Ang gawaing ito ay hidi maisasakatuparang mag-isa ng pama halaan.Kailangan nito ang tulong ng mga mamamayan. Nararapat sundin ang mga batas sa pangangalaga ng kagubatan.

Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Bawat grupo ay iisip ng isang palabas na kanilang napanood na at iuugnay ang kanilang karanasan sa naturang palabas. Magsagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng ilang eksena o bahagi ng napiling palabas.

Mahalaga ba na gumamit ng magagalang na pananalita kung ikaw ay makikipanayam sa isang tao? Dapat mo bang pilitin sila sa gusto mong maging sagot nila ?

  1. Paglalahat ng Arallin

Ano ang kahulugan ng literal na mga tanong?

Paano mo masasagutan ang mga literal na tanong mula sa inyong napakinggang teksto?

Paano ang wastong pagbibigay ng reaksiyon, ideya o opinyon sa isang isyu?

Ang pagbibigay ng reaksyon, ideya o opinion tungkol sa isang isyu ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad.

Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.

Isang paraan din ng pagpapahayag ng reaksiyon ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng debate. Iba‘t ibang uri ng pangungusap ang maaaring magamit sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.

Kailan mo masasabing ang salita ay pamilyar? Di pamilyar?

Ano ang iyong natutuhan sa aralin ngayon?

Ano ang natutunan mo sa aralin? Ano ang gagawin ninyo kung kayo ay naatasan na makipanayam sa isang sikat na tao sa ating bansa? Anu-anong uri ng pangungusap ang inyong pwedeng gamitin kung makikipanayam ka?

  1. Pagtataya ng Aralin

Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro. Sagutan ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong napakinggang kwento.

Taniman sa Bukid

Isa sa pinakamasayang panahon sa kabukiran ang pagtatanim. Masiglang isinagawa ng mga magsasaka ang gawaing ito. Nasa takdang panahon ang pagtatanim. Naniniwala ang mga magsasaka na hindi aani nang maganda kung di mabuti sa panahon ang pagtatanim.

Nasa kabukiran ang kaligayahan ng magsasaka. Maluwag sa loob nilang tinanggap ang anumang kapalaran. Maligaya nilang hinaharap ang kaloob sa kanila ng Maykapal.

Marunong makipagsapalaran ang mga magbubukid. Taimtim nilang idinadalangin na sana‘y ang susunod na anihan ay maging masagana.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong napakinggan?

  1. Saan nagiging masaya ang gawaing pagtatanim?
  2. Paano isinasagawa ng mga magsasaka ang pagtatanim?
  3. Ano ang paniniwala nila tungkol sa pag-aani?
  4. Nasaan ang kaligayahan ng magsasaka?
  5. Paano tinatanggap ng isang magsasaka ang kanyang kapalaran?

Panuto: Magbigay ng sariling reaksyon, opinyon o ideya hinggil sa sumusunod na isyu. Gamitin ang ibat-ibang uri ng pangungusap.

Labanan ang polusyon

Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad ang ating pamahalaan. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Tayo ang dapat mangalaga na likas na kayamanan at ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay .

Ang pagbibigay ng puntos ay nababatay sa mga sumusunod na pamantayan:

5- napakahusay

4-mahusay

3-katamtaman

2-di gaanong mahusay

1-di mahusay

Panuto: Basahin nang tahimik ang talata. Piliin ang mga salitang pamilyar at di pamilyar mula sa

binasang teksto. Sa tulong ng pag-uugnay ng sariling karanasan, tukuyin ang kahulugan

ng bawat isa. Tukuyin din ang paniniwala ng may-akda ng binasa ukol sa isyung

kanyang sinulat.

Ilog Pasig Noon At Ngayon

Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa mga Pilipino,kabilang na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Malimit noong nakikitang namamangka si Dr. Jose Rizal. Kasama nya ang kanyang kasintahang si Leonor Rivera. Ito ang naging saksi ng wagas nilang pagmamahalan. Doon ay tahimik at payapa.

Ayon sa matatanda, ibang –iba ang ilog Pasig noon. Bukod sa may magkasuyong namamasyal ditto, marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito. Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao.

Kulay asul ang tubig at malinaw na malinaw.Presko ang hangin at isa sa itinuturing na magandang tanawin ng bansa.

Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig ngayon ay maitim na. Ang preskong hangin ay napalitan ng mabahong simoy na dulot ng basurang itinapon ditto. Ang isda ay wal ng pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puno ng burak.

Paano tayo uunlad kung pati ang kalikasan ay sinisira natin dahil sa ating kapabayaan?

Paano na rin an gating kalusugan? Sana magising na tayo sa paggawa ng kabutihan para na rin sa mga susunod na henerasyon.

Sa kasalukuyan, marami ng proyekto ang pamahalaan upang buhayin na muli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana makiisa ang lahat sa mga proyektong ito. Ikaw, hand aka bang maging bahagi nito? Isang hamon ito para sa iyo. Tulad mo, diyan sa lugar ninyo , may naitulong ka na ba upang magkaroon ng pagbabago?

Iugnay ang sariling karanasan sa isang pelikulang tumatak sa iyong isipan. Sumulat ng isang

maikling talata tungkol dito.

Magtala ng limang pangungusap na maaring magamit kung makikipanayam.

  1. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Pumili ng isang maikling kwento. Bumuo ng limang literal na tanong mula sa iyong napiling kuwento. Pumili ng isang kapareha. Ang magkapareha ay magpapalitan ng pakikinggang kwento at sasagutan ang mga tanong. Iuulat sa klase ang awtput

Gumupit ng isang isyu o balita sa pahayagan. Idikit sa isang puting papel at lagyan ng reaksyon na gagamitin ang iba‘t ibang uri ng pangungusap.

Magbigay ng 5 salitang pamilyar at 5 salitang di pamilyar sa iyo. Ibigay ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng iyong sariling karanasan.

Manood mamayang gabi ng isang palabas/teleseryo o pelikula, iuugnay ninyo sa sariling karanasan. Iulat bukas sa klase.

  1. Mga Tala

  1. Pagninilay

  1. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

  1. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

  1. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

  1. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

  1. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

  1. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

  1. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com