Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

ARALING PANLIPUNAN

Teaching Dates and Time:

WEEK 7

Quarter:

4TH Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

  1. LAYUNIN

Nasusuri ang mga naunang pag—aalsa ng mga makabayang Pilipino

  1. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pag-usbong ng kamalayang pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon

         Lingguhang Pagsusulit

  1. Pamantayan sa Pagaganap

Nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon

  1. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng

mga mamamayan sa kasalukuyang panahon

AP5PKB-IVi-7/Pahina 55 ng 120

  1. NILALAMAN

Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa

KAGAMITANG PANTURO

  1. Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

K to 12 – AP5PKB-IVi-7

  1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

  1. Mga pahina sa Teksbuk

Pilipinas Kong Hirang 5, Eleanor D. Antonio et. al., ph. 140-141,146-147

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

  1. Iba pang Kagamitang Panturo

powerpoint presentation, video clip,

  1. PAMAMARAAN

  1. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Balitaan

Balitaan

Balitaan

Balitaan

  1. Paghahabi sa layunin ng aralin

1.Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito sa mga bata.

2. Itanong:

•Ano kaya ang naging dahilan ng pag-aaalsa ng mga sinaunang Pilipino?

•Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa?

•Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino?

2.Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.

        

  1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Iugnay ang mga ito sa aralin

1.Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

2.Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral.

3.Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

4.Talakayin ang paksa.

Mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol

1.Pagbawi sa nawalang kalayaan.

2.        Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga pinunong Espanyol.

3.Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.

4.Sapilitang paggawa.

5.Kahigpitan sa relihiyon

6.Paniningil ng labis-labis na buwis.

1.Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol?

2.Ano ang naging dahil kung bakit nabigo ang mga pag-aalsa?

Mga bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino

        Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga pagbabangon. Marami sa knila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas. Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba’t-ibang tribo.

        Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol kaysa sa kapwa nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na magtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang panahon.

        Naging mahalaga rin ang mga nauanag pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan ng mga ito. Dahil ditto, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang kanilang nilalayon.

3.Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epekto ng mga bigong pag-aalsa sa kalayaang tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan?

  1. Paglinang sa Kabihasan

(Tungo sa Formative Assessment)

GAWAIN A

Tukuyin kung alin dahilan ng pag-aalsa ang ipinakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa notbuk.

Refer to LM

Gawain B

Buuin ang konsep map. Sipiin ito sa notbuk.

Refer To LM

Gawain C

Pangkatang Gawain. Bumuo ng apat na pangkat. Ipagawa ang sumusunod.

Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino.

Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino

Pangkat III- Poster na nagpapakita ng pagiging makabayan.

Pangkat IV- Poster na nagpapakita ng kasarinlan ng ating bansa.

  1. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

  1. Paglalahat ng Arallin

TANDAAN MO

•        Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa maganda at maayos na pamamalakd ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi  naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa.

•        Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano, armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay naging daan parin upang umalab ang damdamin pagkamakabayan ng mga Pilipino na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa natin hanggang sa kasalukuyan.

  1. Pagtataya ng Aralin

Pagtataya

Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. ___ ng LM

Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa notbuk.

1.Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ng mga Pilipino.

2.Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon.

3.May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.

4.Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino.

5.Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit natin ang kasarinlan.

  1. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Takdang Aralin

Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa.

  1. Mga Tala

  1. Pagninilay

  1. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

  1. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

  1. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

  1. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

  1. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

  1. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

  1. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com

File Created by Ma’am ROSA HILDA P. SANTOS