Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

II

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

Week 6

Quarter:

4th Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

LAYUNIN

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong Nakapagbibigay ng

sariling wakas sa napakinggang kuwento

Nauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidad

Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng

Nakasusulat ng isang payak na pangungusap batay sa napakinggang kuwento

Nakikiisa sa malikhaing pagtugon sa binasang akda

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamama las ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Nagkakaroon ng papaunlad

na kasanayan sa wasto at

maayos na pagsulat

Pamantayan sa Pagganap

Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto

F2TA-0a-j-1

Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

F2TA-0a-j-3

Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

F2TA-0a-j-3

Naipahahayag ang

ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon

F2TA-0a-j-2

Nakasusulat nang may wastong baybay,bantas at mekaniks ng pagsulat

F2TA-Oa-j-4

Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat

kasanayan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstong pang-impormasyonF2PN-IVf-3.1.2

Naisasalysay muli ang binasang teksto sa pamamagitan ng story grammar

F2PB-IVf-5.3

Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita (paggamit ng pormal na depinisyon ng salita)

F2PT-IVf-i-1.10

Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panag-uri sa pakikipag-usap

F2WG-Ivg-j-8

Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu

F2KM-IVf-3.2

NILALAMAN

Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan

Pagbibigay ng Wakas sa Kuwento

Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan

Iba’t Ibang Antas ng Wika

Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan

Paggamit ng Pang-angkop na ng

Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan

Pagsulat ng Payak na Pangungusap

Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan

Pagtugon sa Binasang Akda

KAGAMITANG PANTURO

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33

Sanggunian

Mga pahina sa Gabay ng Guro

167-168

168

168-169

169-170

170

Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral

LM in Filipino Yunit 3 pahina 450-455,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 456-458,soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 458-462, soft copy

LM in Filipino Yunit 2 pahina 462-465, soft copy

Mga pahina sa Teksbuk

Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng gulay

at manggang hilaw

Iba pang Kagamitang Panturo

laptap

laptap

laptap

laptap

PAMAMARAAN

Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin

Paunang Pagtataya

Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina450-(soft copy),

Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap at M kung mali.

1. Ang japorms ay isang pormal na salita.

2. Isa sa halimbawa ng salitang balbal ay datung.

3. Ang ng ay isang pang-angkop.

4. “Bumili kami ng magarang damit.”

Ang salitang may pang-angkop sa pangungusap ay damit.

5. Ang salitang ginoo ay halimbawa ng pormal

na salita.

6. Ang isang kuwento ay maaaring bigyan ng

mambabasa ng sariling wakas.

7. Ang pakikilahok sa talakayan ay maaaring

gawin sa paraang malikhain.

8. Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit sa mga

salitang nagtatapos sa patinig.

9. Dapat maunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidad.

10. Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay mahalaga.

Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina

Alamin ang nalalaman ng mga bata sa jejemon.

Ipagamit ito sa usapan

Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 169

Basahin ang at tukuyin ang pang-angkop na ginamit.

1. Umiyak ang batang iyakin.

2. Kumikinang ang gintong plato.

Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina169

Iguhit ang paborito mong pagkain.

Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

Pagbabahagi ng natapos na gawain.

Ipabasa nang tahimik ang “Sumakit ang Tiyan ni Niknok”

Ipangkat ang klase.

Ipaalaala ang mga tuntunin na dapat tandaan sa paghahanda ng isang

pagtatanghal.

Paghahanda ng bawat pangkat.

Pagtatanghal.

Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

Rubric sa pagsasadula

5 - Pinakamagaling na pagsasadula

4 - Magaling na pagsasadula

3 - Katamtamang galing ng pagsasadula

2 - Hindi magaling na pagsasadula

1 - Hindi nakapagsadula

Paghahabi sa layunin ng aralin

Tukoy-Alam

Ipakuwento sa mga bata ang paghahanda nilang ginagawa araw-araw para

sa pagpasok sa paaralan.

Isulat ang mga pangungusap na sasabihin ng mga bata.

Ipabasa ang mga ito.

Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?

Ano kaya ang angkop na pamagat para sa natapos na maikling kuwento?

Pabigyang-katwiran ang ibinigay sa pamagat.

Paglalahad

Ano-ano ang ginagawa mo kung wala ang mga magulang mo sa bahay?

Paglalahad

Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan nila na masaya ang kanilang buong pamilya.

Paglalahad

Ipakita ang larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng

gulay at manggang hilaw.

Pag-usapan ang bawat isa at ipatukoy sa mga bata ang nais nilang kainin.

Bigyang-katwiran ang ginawang pagpili.

Paglalahad

Nakaranas ka na bang saktan o samaan ng pakiramdam?

Ano ang dahilan at nakaranas ka nito?

Paano ka gumaling?

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Babasahin “Dakilang Tagapag-ingat.” sa pahina 451

Dakilang Tagapag-ingat

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang bahay at napapangiti siya na parang nag-iisip. Napansin siya ng nakatatandang kapatid na si Kule.

“Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit ka masaya?” tanong ni Kule.

“Kuya Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay. Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa palengke, susunduin ni Itay si Inay sa opisina...at magkahawak kamay silang maglalakad,” paliwanag ni Sophie sa kapatid.

“O, e, ano naman? Bakit ka nangingiti riyan?” tanong ni Kule.

“Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay– ang malalaking hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw– hay!!! Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni Sophie.

“Bakit bigla kang nalungkot? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na naman ang paborito mong manggang hilaw?” wika ni Kule.

“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at sa palengke. May mga jologs na magnanakaw, taong epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,” matamlay na sabi ni Sophie.

“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay at ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo ang mag-iingat sa kanila,” paalala ni Kule.

“Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin. Halika humiling tayo kay Apo na ingatan sina Inay at Itay,” masayang wika ni Sophie.

Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na

dakilang tagapagligtas. Pagkatapos nito ay masayang naghintay ang magkapatid sa kanilang mga magulang.

Pagkalipas ng ilang sandal, mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng magkapatid ang paparating na mga magulang na sina Mang Ruben at Aling Milay. Dahil ligtas na nakauwi ang mga ito, nagpasalamat muna ang magkapatid kay Apo bago tuluyang bumaba ng bahay para salubungin ang ama’t ina.

sa pahina 451- sa LM“Muling basahin ang akdang “Dakilang Tagapag-ingat.”

sa pahina 458-459

Basahin nang malakas.

Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay – ang malalaking hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw– hay!!! Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni Sophie.

“Bakit ka biglang nalungkot, Sophie? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na naman ang paborito mong manggang hilaw?” wika ni Kule.

“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at sa palengke. May mga jologs na magnanakaw, taong epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,” matamlay na sabi ni Sophie.

sa pahina 462sa LM

Sumakit ang Tiyan ni Niknok

Naimbitahan si Niknok sa ikapitong kaarawan ni Owen. Napakaraming handang pagkain. Hindi mapigilan ni Niknok ang pagtikim ng iba’t ibang

pagkain. Dahil dito, nakalimutan niyang maghugas ng kamay.

Sarap na sarap si Niknok sa mga pagkaing nasa plato niya. Hindi na rin niya inintindi ang mga kaibigan na naroon din sa kaarawan.

Ilang saglit lang ay naubos na niya ang pagkain sa kaniyang plato. Kumuha ulit siya ng tatlong hotdog, isang pinggang spaghetti, dalawang barbecue, at isang hiwa ng cake.

Napailing na lamang si Aling Lyn, sa ginawa ni Niknok. Mayamaya, nabilaukan si Niknok kaya nataranta si Aling Lyn sa pagkuha ng tubig na maiinom ni Niknok.

Tapos nang kumain ang lahat ay nanghingi pa rin si Niknok ng leche flan, marshmallow, at ice cream kaya siya ang tanging batang naiwan na kumakain. Sa kaniyang paglabas ng bahay nina Owen,biglang sumakit ang kaniyang tiyan at hindi niya ito masabi.

Hindi siya nagpahalata sa kaniyang naramdaman. Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay bigla siyang nagsuka. Nahirapan siyang huminga at hindi niya maipaliwanag ang kaniyang pakiramdam. Naisuka na niya ang lahat ng kaniyang kinain ngunit tila ayaw pa ring tumigil ang pagsakit ng kaniyang tiyan.

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Talakayin ang kuwento.

Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina452

Bakit masaya si Sophie?

Bakit bigla siyang nalungkot?

Ano ang ipinaalala ng kaniyang Kuya Kule?

Ano-ano ang laging dalang pasalubong nina Itay at Inay? Sino si Apo?

Tama ba ang ginawa ng kaniyang kuya na ipaalala ang pagtitiwala sa Apo?

Ano ang mga damdamin na nasa kuwento?

Paano ipinakita ang mga damdamin na ito?

Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento? Ilahad gamit ang mga larawan sa ibaba.

Ano ang gusto mong maging wakas ng

kuwento?

sa pahina 456 sa LM

Ilarawan ang mag-asawang Ruben at Milay.

Ilarawan ang magkapatid na Kule at Sophie.

Ano ang ibig sabihin ng mga salitang nabilugan?

Kailan ito ginagamit?

Sino ang gumagamit nito?

Kung gagamitin ang pormal na salita para sa mga ito, ano ang magiging bagong pangungusap natin?

pahina  459 sa LM,

Ano-ano ang pinamalengke ni Itay?

Ano ang tawag sa katagang -ng?

Kailan ginamit ang katagang -ng?

Tukuyin ang mga parirala sa binasang teksto na may pang-angkop na -ng.

pahina  463  sa LM

Ilarawan si Niknok.

Dapat ba siyang tularan?

Ano-ano ang ginawa ni Niknok?

Nagustuhan kaya ito ng mga taong nasa pagdiriwang?

Ano ang kinalabasan ng mga inasal ni Niknok?

Bakit niya ipinaglihim ang kaniyang nararamdaman?

Ano ang magiging wakas ng kuwento?

Pagtalakay ng bagong konsepto  at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Laging magtiwala at magpasalamat sa Apo na Dakilang Tagapagligtas.

Ang pamilyang nagtitiwala sa Diyos at nagkakaisa ay nagiging malayo sa tukso at disgrasya.

Ang pag-aalala sa magulang ay pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila.

Kumain lamang ng tamang dami ng pagkain.

Paglinang sa kabihasaan

( Leads to Formative

Assessment )

Isagawa ang Gawin Natin sa LM  sa pahina

A. Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.

1. Natatanaw sa bintana ang paparating na mag-asawang Ruben at Milay.

2. Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.

3. Nagdasal kay Apo ang magkapatid.

4. Biglang nalungkot si Sophie.

5. Yumakap ang magkapatid sa mga magulang.

B. Alalahanin ang isang palabas na napanood sa telebisyon. Bigyan ito ng sariling wakas.

Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina456-457

Isadula ang sumusunod na sitwasyon:

Unang pangkat – Magpakita ng isang usapan na may gamit na mga salitang balbal.

Ikalawang pangkat – Magpakita ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng paggamit ng pormal na pananalita.

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina459

Magbigay ng limang (5) pangungusap na ginamitan ng pang-angkop na -ng.

B. Bumuo ng mga pangungusap na may pang-angkop na -ng batay sa mga larawan.

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 464

A. Pumili ng kapareha. Pag-usapan kung ano ang nagustuhan mo sa tekstong binasa.

B. Pumili ng panibagong kapareha at pag-usapan kung ano ang hindi mo nagustuhan sa teksto. Ipaliwanag kung bakit hindi mo ito nagustuhan.

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina454

A. Isulat ang simula, gitna, at katapusan ng kuwentong binasa.

B. Humanap ng kapareha. Ikuwentong muli ang binasang akda.

C. Gamitin ang rubrics sa ibaba upang pahalagahan ang ginawang pagkukuwento ng iyong kapareha.

5 – napagsunod-sunod ang mga pangyayari

4 – may nakaligtaang isang pangyayari

3 – may dalawa o tatlong pangyayaring nakaligtaan

2 – kalahati ng kuwento ang nasabi

1 – halos walang nasabi

Pangkatin ang mga bata. Ipagawa  ang Sanayin Natin sa LM pahina 457

Ibigay ang katumbas ng mga pormal na salita sa balbal nitong anyo.

Sanayin Natin sa LM sa pahina 461

Punan ng wastong pang-angkop ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Dumating na mula Hongkong ang Tita ko ___ mabait at maganda. Hindi kami magkamayaw ng aking kapatid sa pagbubukas ng mga regalo ___ pasalubong niya. Ang sa akin ay manika ___ de susi, abaniko ___ maganda, at damit na magara. Ang sa kapatid ko nama’y bola ___ kulay pula, iba’t iba ___ robot, at pantalong gusto ___ gusto niya. Halos sabay kaming nagpasalamat kay Tita.

Sanayin Natin sa LM sa pahina 464

Isulat ang tsek (/) kung payak ang pangungusap at ekis (x) kung hindi.

___ 1. Matipuno ang tatay ko.

___ 2. Nagsuka si Niknok.

___ 3. Maghugas ng kamay bago kumain.

___ 4. Magpasalamat sa Diyos bago at matapos kumain.

___ 5. Nagluluto ang nanay habang siya ay naglalaba.

  H.Paglalahat ng Aralin

Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 455

Unawaing mabuti ang tekstong binabasa o pinakikinggan upang maisalaysay ito nang tama at nang may wastong pagkakasunod-sunod.

Sa ganito ring paraan, maiuugnay natin ito sa dating kaalaman at karanasan at makapagbibigay ng angkop na wakas.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 457

Ang wika ay may iba’t ibang antas ng paggamit. Kailangang piliin natin ang wasto at angkop na salita na gagamitin para sa iba’t ibang pagkakataon at lugar.

Basahin ang Ating Tandaan pahina461

Ang pang-angkop ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit sa pag-uugnay ng salita upang maging madulas ang bigkas nito. Ito ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa patinig.

Kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa n, ito ay inaalis at dinaragdagan na lamang ng -g.

Basahin ang Ating Tandaan pahina 465

Ang payak na pangungusap ay may isang paksa. Ito ay may isang simuno at panaguri.

Pagtataya ng Aralin

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 455

A. Lagyan ng sariling wakas ang isang kuwentong nabasa mula sa Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Tukuyin ang pamagat nito.

B. Lagyan ang bawat pangungusap ng kung simula, ung gitna, atkung wakas ng kuwentong binasa.

1. Sinalubong ng magkapatid ang mga

magulang.

2. Nagdasal sina Sophie at Kule.

3. Biglang nalungkot si Sophie.

4. Natutuwa si Sophie habang nakadungaw sa bintana.

5. Pinaalalahanan ni Kule ang kapatid.

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina 458

Isulat ang P kung ang salita ay pormal at BL kung ito ay balbal.

_____ 1. haligi ng tahanan

_____ 2. datung

 _____ 3. tsakarote

_____ 4. bana

_____ 5. dalasang

_____ 6. tsikot

_____ 7. pulis

_____ 8. bolpen

_____ 9. silid

_____ 10. Bulad

_____ 11. Ina

_____ 12. Apo

_____ 13. sasakyan

_____14. kubyertos

_____15. karaniwan

_____16. Jologs

_____17. Panulat

_____18. kuwarta _____19. jejemon

____ 20. daing

Pasagutan  ang Linangin Natin sa LM pahina462

Gumawa ng mga pangungusap tungkol sa larawan. Huwag kalimutang gamitin ang pang-angkop na natutuhan.

Pasagutan  angLinangin Natin sa LM pahina465

Bumuo ng tatlong payak na pangungusap tungkol sa larawan .

Sumulat ng isang talata na may limang pangungusap tungkol sa isang napuntahang kaarawan.

Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

        

MGA TALA

PAGNINILAY

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

Bilang ng mag-aaral na

magpapatuloy sa remediation.

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan

na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor?

Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI

Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com