GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | VI | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | WEEK 1 | Quarter: | 4TH QUARTER |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY | ||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
| Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin, Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto. Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan. | |||||||||||||||||||||||||||||
| Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan. Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan. Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang teksto. Nagagamit ang iba’t ibang babasahin ayon sa pangangailangan. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo,editoryal,lathalain o balita. Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at kuwento. | |||||||||||||||||||||||||||||
| Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang gawain. F6PN-IVa-1.2 | Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan F6PS-IVa-3.1 | Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-IVa-j-13 | Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at dipamilyar na salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon. F6PT-IVa-1.7 | Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan F6PB-IVa-1 | |||||||||||||||||||||||||
| Pagsunod sa Napakinggang Panuto | Pagbabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan | Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan | Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Kilalang Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon | Pag-uugnay ng binasa sa Sariling karanasan | |||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
| Landas sa Pagbasa 6 pp.24-25 | |||||||||||||||||||||||||||||
| Hiyas sa Wika 5 p 140 | Hiyas sa Wika 5 ph. 15-20 | Kaninong Mapagpalang mga kamay Hiyas sa Pagbasa p. 151-153 | |||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||
IV. PAMAMARAAN | ||||||||||||||||||||||||||||||
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin | Isulat ang uri ng pangungusap A.Nakatulog si Abby habang nagbabasa. B.Hanapin ang mga nars. C.Saan ako naroroon? d.Aba, parang may prusisyo! E.Sino ka? | Ibigay ang limang bahagi ng liham? | Ano ang pangungusap? Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap? | Sa anong paraan matutukoy/maibibigay ang kahulugan ng isang salita? Mga Gawain: (Ipakita ang larawan) Kailan at saan ninyo ito madalas makikita? Anu-anong tradisyon ng mga Pilipino ang alam ninyo? | Tumawag ng mga mag-aaral upang pumili ng mga pangyayari na naganap na sa knilang buhay: Hindi nakasali sa pasulit dahil nagkasakit Napagalitan dahil ginabi ng uwi Pumasok sa eskwelahan nang walang baon Walang natanggap na regalo sa pasko Napalo noong maliit pa | |||||||||||||||||||||||||
B. Paghahabi sa layunin ng aralin | Ipaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang bahagi ng silid-aralan. Ano-anong mga bagay ang nasa kaliwa mo? Ipaturo naman ang kanang kamay ngmga bata sa kanang bahagi ng silid-aralan. Ano-anong mga bagay ang nasa kanan mo? Alin sa mga larawang ito? Meron ba sa mga bagay na ito?
| Ano angkadalasang makikita natin kung Mahal na araw? Anong mga pangyayari ang masasaksihan natin? | Ano ang masasabi nyo sa larawan? | Panuto: Kumpletuhin ang concept cluster na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ideyang inyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna. | Anong mga bagay ang karaniwan makalimutan natin sa daan? Original File Submitted and Formatted by DepEd Club Member - visit depedclub.com for more | |||||||||||||||||||||||||
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Pangkatin ang mga bata sa lima (5) Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng sariling silid-aralan gamit ang manila paper. | Ipabasa ang tungkol sa Ang Pabasa Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga loloako nagpunta. Napanood ako roon ng pabasa. Ayon sa Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga Espanyol.Ang Pabasa ay paawit na pabasa ng uhay ni Jesus mula nang ipinaglihi Siya hanggang Siya’y namatay sa Krus. Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes Santo.Nag-aanyaya ng mga babasa ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon. Iba-iba rin ang estilo o punto ng pagbasa. | Basahin ang “Pamayanan ng Langgam” sa Hiyas sa Wika 5 ph. 15-16. | Pagbibigay hakbang/pamantayan sa pagbasa Basahin ang kuwento PIsta sa Aming Bayan Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan. Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man. Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na kalye man. Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon. E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno. Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa. | Basahin ang nakatalang mga salitan inuulit. Bilugan ang salitang kasingkahulugan nito. Bagong-bago (pinakabago, di-gaanong bago, lumang-luma) Mahapding-mahapdi (mahapdi nang bahagya, mas mahapdi, sobra ang hapdi) Patakbo-takbo (takbo nang takbo, takbo-hinto-takbo, mabilis ang pagtakbo) Taking-taka (labis ang pagtataka, nagtataka, nagtataka nang kaunti) Malapit-lapit ( lubhang malapit, higit na malapit, malapit nang kaunti) Bakit kaya naiwan ni Liza ang payong? Pagbasa ng Tahimik | |||||||||||||||||||||||||
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Gamit ang mapang nabuo, ipagawa sa bawat pangkat ang sumusnod: • Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ito ng berde. • Lagyan ng ekis (X) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay berde. • Lagyan ng dalawang guhit ang cabinet ng aklat. Isulat ang pangalan ng inyong guro sa ibabaw nito at kulayan ng dilaw. • Lagyan ng pahilis na guhit ang pisara. Isulat din dito ang ngalan ng paaralan. Ilahad ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Nagawa ban g maayos nang bawat pangkat ang mga panutong ibinigay? Ano ang ginawa ng bawat pangkat upang maayos at wastong masunod ang mga napakinggang panuto? Bakit mahalaga ang pagsunod sa panuto? Kung sakaling liban ka ng araw na ito na naituro ng guro ang pagsunod sa hakbang sa paggawa ng balulang,ano ang mararamdaman mo? Manghihinayang ka ba?Bakit Ano-anong mga magagalang na pananalita ang maari mong magamit upang maipahayag ang iyong panghihinayang? | Anu-ano ang mag pangyayari na inyong nasaksihan na hindi ninyo malilimutan kapag dumarating ang mahal na arawl? | Gawin Nyo (Pangkatang Gawain) Punan ang puwang ng angkop na pangungusap upang mabuo ang diwa ng bawat dayalogo. Daisy : K-Ann, alam mo ba na ikaw ang nakakuha ng perfect score sa pagsusulit natin sa computer kanina? K-Ann: _____________________? Hindi ka nagbibiro? Daisy : _____________________. Tiyak na babatiin ka ng ating guro mamaya. K-Ann: _____________________! Di koi to inaasahan. Hirap na hirap pa naman ako kanina. (Tatawagin ang pinsang si Tess) _____________________! Halika rito! ____________________! Bilisan mo ang paglakad. Baka maluma ang ibabalita ko. Tess : ____________________? Ano naman ang ibabalita mo? K-Ann: Pinakamataas ako sa test natin! Tess : ____________________! Ang galling-galing mo talaga! Sana lagi kang ganyan. | Sagutin ang mga sumusunod na tanong: Ano ang pista? Bakit may pista? Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa. Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan ng ating mga ninuno? Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito? Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito tungkol sa isyung ito? | Pag-unawang Tanong Sino ang nagkukuwento? Ano ang kanyang suliranin? Ano ang nangyari sa kanya isang araw? Paano siya napupunta kay Liza? Ano ang binalak na gawin ng lalaking makisig? Paano siya napunta sa tunay na may-ari? Ano ang nadama ni Liza nang Makita ang payong na binili niya? Paano natapos ng buhay ng nagkukuwento? Mayroon ka bang alam na pangyayaring katulad sa kanya? Kung ikaw ang nag kukwento, ano ang mararamdaman mo | |||||||||||||||||||||||||
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Gawin ninyo : Hatiin sa pangkat ang klase. Magkaroon ng pangkatang Gawain. Anu-ano mga pangyayari ang makikita ninyo sa loob ng paaralan,tahanan o pamayanan man na nagbigay ng magandang aral ? Ang bawat kasapi ay maglalahad ng kanyang nasaksihang mga pangyayari sa paaralan. At itala ang mga ito sa manila paper. | Gawin Natin: Tukuyin ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar. Gamitin ang diksyunaryo.Isulat ang sagot sa pisara.
Tanong: Ano ang ibig sabihin ng pamilyar at di-kilalang salita? Paano mo naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-kilalang sa kwentong iyong binasa? Magbigay ng mga halimbawa ng pamilyar at di-kilalang salita. Tukuyin ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paggamit ng diksyunaryo. | Sabihin: Ano nag paguugnay sa Sariling karanasan sa mga pangyayari sa kuwento ang ating talakayan ngayon… Pinakamabisang paksa ang isang kuwento ang karanasan ng tao. Madaling maunawaan ang kuwento kapag ito ay ibinatay sa karanasan. Naiiugnay ang tunay na pangyayari sa buhay na nasa isang kuwento o iba pang akda. | |||||||||||||||||||||||||||
F. Paglinang ng Kabihasaan ( tungo sa Formative Assessment ) | Gawin mo Sumulat ng kahit isa o dalawang tatatang naglalarawan ng isang karanasang nakatatawa/malungkot/di –malilimot. | Punan ang puwang ng angkop na pangungusap upang mabuo ang diwa ng bawat dayalogo. Chad : ___________________! Nakita ko na naman ang “crush” ko. Gerry : ___________________? Ituro mo naman sa akin. Chad : ___________________. Baka agawin mo pa. Gerry : ___________________. Sige, pag nakilala koi yon. Talagang mawawalan ka. Chad : ___________________? Eh, si Sandara lang naman na nasa poster. ___________________! (Sabay turo sa may dingding ng tindahan) Gerry: ___________________! Akala ko totoo na! | Gawin Niyo/ Gawin Mo: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging pamilyar at di-kilala sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga salitang ito sa inyong sariling karanasan. Ibigay ang kahulugan nito.
| Gawin Natin: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari sa nabasang kuwento. Bilugan ang bilang ng pangyayari sa kuwento na naranasan mo na. Natutuwa ka kapag may nakapansin sa iyong mga tao. Pabili ng payong dahil tag-ulan na naman. Maingat sa pagdadala ng payong Habang nasa sasakyan at mayroong kasama at ka kuwentuhan at biglang papara dahil malapit na palang lumagpas sa babaan Madalas makaiwan ng gamit sa sasakyan Hindi na hahanapin ang naiwang bagay sa sasakyan Pag-aalaalang bilhan ng isang bagay na kailanganng-kailangan ng isang mahal sa buhay. | ||||||||||||||||||||||||||
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay | Basahing mabuti ang panuto.Isagawa ang ibinigay na panuto. 1. Gumuhit ng maliit na bilog.Pagkatapos ay gumuhit ng mas malaking bilog sa ilalim ng maliit na bilog at sa ibabang mabagi ng malaking bilog ay gumawa ng tuldok at sundan ng pakurbang guhit.Gumuhit ng maliit na tatsulok sa gitna ng maliit na bilog at sa magkabilang gilid nito ay gumuhit ng kalahating bilog | Aalis ang iyong guro upang samahan ang iyong kamag-aral na magpatingin sa klinika. Pinagbilinan ka niya ng mga gagawin habang nasa klinika ang iyong guro. Ano ang iyong gagawin? | Gawin ang Isulat A sa Hiyas sa Wika 5 ph. 19. | Basahin ng tahimik ang talata. Piliin ang mga salitang pamilyar at di-kilala mula sa teksto. Sa tulong ng diksyunaryo, tukuyin ang kahulugan ng bawat isa. Tukuyin din kung ano ang iyong matuklasan at kung ito ba ay nakapagbabago sa dating niyong kaalaman. TUGOB FESTIVAL Ang Tugob Festival ay isang magarbong pagdiriwang sa Lungsod ng Ormoc na idinaraos tuwing buwan ng Oktubre taon-taon. Ang salitang Tugob ay salitang Ormocanon na ang ibig sabihin ay “nag-uumapaw” na tumutukoy sa kasaganaan ng likas na yaman ng Ormoc. Ipinapakita at ipinagmamalaki ng mga taga Ormoc ang masaganang ani ng mga produktong pinya , tubo , niyog , isda, gulay , palay at iba pa. Ito ay unang idinaos noong 2010 na itinaon sa pagdiriwang ng ika 63rd Charter Day ng lungsod. Pinakainaabangang bahagi ng pagdiriwang ang street dancing kung saan ang mga kalahok ay galing sa iba’t ibang barangay ng Ormoc ,mga mag-aaral, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Ang mga mananayaw ay nagsusuot ng matitingkad at magagarang kasuotan habang nagsasayaw sa kalsada upang ipakita ang kanilang pagpapasalamat sa nag-uumapaw na biyaya ng lungsod. Ang street dancing ay isang kumpetisyon sa pinakamagaling umindak , pinakamakulay at pinakamagarbong kasuotan at pinakamagaling sa pagpapakita ng kahulugan ng pagdiriwang sa kanilang sayaw. | GAWIN NINYO: (Trayad) Piliin ang isang kawikaan sa ibaba na maging tama ng iyong karanasan. Isulat ito sa isang talata. Tulong-tulong kayong tatlo sa paggawa. Isa nag babasa pagkatapos ng tatlong minute. Ang mga asal sa buhay ay di dapat limutin. Itanim ito sa isip at gawing gabay sa buhay na tatahakin. Masdan ang langgam na ubod ng sipag kahit walang pinunong sa kanyay’y nakamatyag, trabaho lang ng kanyang pilit na inatupag. Ang anak ay bubusugins apangral. At pagdating ng araw siya’y isang karangalan. GAWIN MO: Basahin ang sumusunod. Alin sa mga ito ang naganap sa iyo? Paano mo malulutas ang suliranin? Itinakda nag pagsusulit tatlong araw bago ito ganapin. Hindi mo ito naitala sa kuwaderno. Kaya pumasok kang di nakapag-aral ta nakapaghanda para rito. _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ May proyekto kayo sa Industrial Arts/ Home Economics. Humingi ka ng P 80.00 sa iyong ina para ipambayad sa mga gamit sa pagbubuo nito. Nawala ang pera at di mo nakita. _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ Nadawit ka sa isang gulo. Lumakas lang loob mo dahil marami kayo. Lubhang nasaktan ang kamag-aral na nakalaban ninyo. Ipinatawag kayo sa opisina ng Guidance Councilor. Alam mon gang kasunod nito’y mga magulang mo naman ang ipinatatawag. _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ | |||||||||||||||||||||||||
H. Paglalahat ng Aralin | Ano ang natutuhan mo sa aralin?Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto? | Ano ang inyong natutunan sa pagbabahagi ng inyong nasaksihan? Bakit kailangan na maibigay natin ang mga detalye ng isang pangyayari? | Anu-ano ang mga ginagamit na uri ng pangungusap sa inyong binasa sa Pamayanan ng Langgam? Magbigay ng sarili mong halimbawa ayon sa uri ng pangungusap. | Ano ang natutunan mo sa aralin? Naibigay mo ba ng wasto ang mga kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-kilala? Paano/Ano ang iyong ginawa? | Ano ang kahalagahan ng karanasan? | |||||||||||||||||||||||||
I. Pagtataya ng Aralin | Babasahin ng guro ang panuto.Hayaan ang mga bata na isagawa ito A.Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito ang BAWAL MAGTAPON NG BASURA Kulayan ito ng kulay dilaw B. Gumuhit ng malaking bilog. Sa kanang bahagi nito maglagay ng maliit na kamay. Sa gitna ng bilog ay isulat ang salitang HELLO gamit ang malaking titik | Sumulat tungkol sa iyong kaarawan sa pamamagitan ng pagbuo ng talata. Sa Aking Kaarawan Naging__________ ang aking nakaraang kaarawan. Naghanda ang aking ina ng ______ na pagkain para sa aking mga kaibigan. Bumili naman ang aking Ninang ng ______ cake. Pagkatapos ng ______ salu-salo, nagkaroon ng palaro. Isang _______ pabitin ang ginawa ng aking tatay. Nagsabit dito ang aking Ate ng _____ laruan. Ang _____ kong kaibigan ang nakaabot ng bola sa pabitin. Lahat ng dumalo ay ______ pagkat may uwi silang laruan. Naibigan ko ang mga regaling ibinigay sa akin ngunit ang ______ ko ay ang walking doll. Ang buong mag-anak ay _____ subali’t nasiyahan sila dahil nagging masaya ang lahat. | Gumawa ng dayalogo sa pagsali mo sa usapan gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. | Ibigay ang kahulugan ng salita na may salungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Diperensiya walang hiya magiging tanyag Karangalan hadlang
| Iugnay moa ng sanhi sa pangyayaring ito: Pagsusulit noon. May ginawa kang talaan ng mga petsa at pangyayari hingil sa pagkakaroon ng kasarinlan ng Pilipinas. Ito ang iyong ginamit sa balik-aral. May nakalimutan kang limang petsa. Ang papel ay nasa bulsa. Tumingin ka sa guro. Ang guro pala ay nakatingin sa iyo. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ | |||||||||||||||||||||||||
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation | Sumipi ng isang recipe muna sa cook book at ilahad sa klase ang mga pamamaran na napapaloob dito. | Sumulat ng isang kuwento na nagsasalaysay ng sariling karanasan maaring tungkol sa sumusunod: 1.Isang Sorpresa 2.Ang aking Pasko 3. Isang Paglalakbay | Magbigay ng 5 salitang pamilyar at 5 di-kilala/di-pamilyar sa iyo. Ibigay ang kahulugan nito. | Bumasa ng isang bahagi sa bibliya. Isulat mo sa maikling pangungusap kung paano mo ito inugnay sa ioyng buhay. | ||||||||||||||||||||||||||
V. MGA TALA | ||||||||||||||||||||||||||||||
VI. PAGNINILAY | ||||||||||||||||||||||||||||||
A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya | ||||||||||||||||||||||||||||||
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation | ||||||||||||||||||||||||||||||
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin | ||||||||||||||||||||||||||||||
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation | ||||||||||||||||||||||||||||||
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? | ||||||||||||||||||||||||||||||
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? | ||||||||||||||||||||||||||||||
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File created by Ma'am RACQUEL D. TANAEL
Deped files, forms, and templates @www. teachershq.com