Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

III

Teacher:

Learning Area:

ESP

Teaching Dates and Time:

Week 8

Quarter:

4th Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

I OBJECTIVES

Content Standard

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos,paggalang sa sariling paniniwala at paniniwala sa iba hinggil sa Diyos,pagkakaroon ng pag-asa at pagmamahal bilang isang nilikha.

Performance Standard

Naisasabuhay ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.

Learning Competency/s

Naipapamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa

  pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan

ESP3 – Ivc – I -9

II CONTENT

III. LEARNING RESOURCES

A. References

1. Teacher’s Guide Pages

CG  ph.

2. Learner’s Materials pages

3. Text book pages

4. Additional Materials from Learning Resources

B. Other Learning Resources

IV. PROCEDURES

A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson

Paano naipapakita ang paninindigan para sa kabutihan?

Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawain na ngpapakita ng pagmamahal sa kapwa

 Bakit tayo nananalangin sa Diyos? Paano natin naipapadama ang ating pagmamahal sa Diyos?

Magbigay ng mga paraan ng pagpapakita mo ng pagmamahal sa kapuwa.

      Tungkol saan ang ginawa ninyong sulat? Paano ninyo naipakita ang inyong pagtulong sa  nangangailangan?

B. Establishing a purpose for the lesson

Magpakita ng mga larawan ng mga batang lansangan.

   Itanong: Kapag nakakita ka ng mga maysakit, mga kapuspalad, mga nalulungkot o mga       nahihirapan,ano ang nararamdaman mo?Nararamdaman mo rin ba ang kanilang kalagayan?

Nais mob a silang tulungan? Ipinagdarasal mo ba sila?

Sino o ano ang nais mong ipanalangin?Sumulat ng isang maikling panalangin ukol sa kanila.

Pagkatapos gawin ang gawain 1, patayuin ang mga bata upang manalangin. Tumawag ngilang bata upang bigkasin ang kanilang panalangin.

Sino-sino ang inyong mga kaibigan? Paano niyo naipapadama ang inyong pagmamahal sa kanila?

Naniniwala ba kayo na kaya din ninyong gawin ang ginawa ng batang si Kesz Valdez? Bakit?

Nais niyo bang  makatulong pa sa iba pang nangangailangan?

C. Presenting Examples/instances of new lesson

Ipakita ang larawan ni Kesz Valdez. Itanong kung kilala nila ang batang ito. Kilalanin natin ang batang si Kesz. Ipabasa ang pagpapakilala ni Kesz sa kaniyang sarili.

Pangkatin sa 4 ang klase. Gamit ang kagamitan sa ESP,isagawa ang Gawain 2.

Bawat pangkat ay kailangang  lapatan ng kilos ang tula. Bigyan din ito ng pamagat at  maghandang bigkasin ito sa harap ng klase.

         Pag-uulat ng Bawat Grupo/Pagsasagawa ng Gawain

Suriin ang iyong sarili. Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa kapuwa?

   Gamit ang inyong kagamitan sa ESP sagutin nang tapat ang tseklist. Lagyan ng tsek ang hanay    na tumutugma sa iyong sagot gamit ang ibinigay na batayan.

Sa patnubay ng guro, makibahagi sa isang proyektong makatutulong sa iyong kapuwa. Gamitin  ang halimbawa na nasa kagamitan ng mag-aaral.

Sa tulong ng guro,gumawa ng liham para makahingi ng donasyon tulad ng mga aklat na hindi na binabasa, lumang laruan, at damit.

Gamit ang inyong kagamitan sa ESP isulat  sa iyong kuwaderno ang iyong gagawin o sasabihin sa  mga sumusunod na sitwasyon. Ang mga ito ay magpapakita ng iyong pagmamahal sa kapuwa.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1

Sino si Kesz Valdez?

    - Paano niya ipinakita ang kaniyang pagmamahal sa kapuwa?

- May mga ahensiya ng pamahalaan ka bang alam na tumutulong sa mga  batang lansangan? Ano-ano ito?

    - Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa mga batang lansangan kung walang  kumakalinga o tumutulong sa kanila?

  - Kung ikaw si Kesz, paano mo tutulungan ang amga batang lansangan?

Ayon sa tula na inyong nilapatan ng kilos, paano naipapadama satin ng Dakilang Diyos ang  kaniyang pagmamahal sa atin?

 Ano ang mensahe ng tula?

Gabayan ang mga bata sa pagkuha ng kanilang iskor. Tingnan ang katumbas na

pakahulugan nito.

  Paano natin naipapakita ang ating pagmamahal sa ating kapuwa?

 Paano natin masasabing minamahal natin ang Diyos kung minamahal natin ang kapuwa?

Tungol saan ang liham na ating ginawa?

 Para kanino ang liham?

Ang lahat ba ng inyong isinagot ay kaya ninyong isagawa?

E.  Discussing new concepts and practicing new skills #2

F. Developing mastery

(Leads to Formative Assessment)

G. Finding Practical applications of concepts and skills

Pangkatin ang klase.

Magsagawa ng maikling dua-dulaan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Kapag nakita mo ang kaklase mo na tinutulungan ang matandang tumatawid ng kalsada, sa  tingin mo ba ay minamahal din niya ang Diyos?

Pangkatang Gawain

Dugtungan:

Maghanda ang mga bata na gagawn ng mga grupo.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson

  Likas sa atin ang magmahal sa kapuwa sapagkat tayo ay nilalang ng isang Diyos na  mapagmahal. Tanda ng pagmamahal natin sa kapuwa ang pagmamahal natin sa Diyos.

Minamahal tayo ng Dakilang Diyos ng hindi humihingi ng anumang kapalit. Ang pagmamahal sa kapuwa ay katangiang taglay na nating lahat dahil tayo ay nilikha ng isang mapagmahal na Diyos.

  Naipapakita natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa pang-araw-araw na pakikitungo natin sa ating kapuwa.

Ang pagtulong sa kapuwa ay tanda ng ating pagmamahal sa Diyos. Tayo ay tumutulong sa ating  kapuwa hindi para maipakitang tayo ay matulungin,kundi ito ay isang halimbawa ng pagpapakita ng pagpapahalaga at  pagmamahal sa Diyos na siyang lumikha sa ating lahat.

Dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng kakayahang magmahal at  mahalin din ng ating kapuwa.

Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan, naipapadama rin natin ang pagmamahal natin sa ating Panginoon.

Tumulong sa nangangailangan ng hindi humuhingi nang anumang kapalit.

I. Evaluating Learning

Gumawa ng likhang awit ng pagmamahal sa Diyos na ipinapakita sa kapwa.

Ang lahat ba ng inyong mga ipinapanalangin ay nabibigyan ng kasagutan ng ating  Panginoon? Ipaliwanag ang sagot

Maglista ng mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos o magbigay ng sitwasyon na nagpapakita nito.

Magbigay ng isang karanasan tungkol sa inyong pagtulong sa kapuwa.

Ano ang iyong naramdaman? Ipaliwanag ang sagot.

( Gamit ang rubriks sa pagmamarka ).

Maghanda ng mga gawain kung saan ang mga bata ay may magandang pakikilahok sa klase.

J. Additional activities for application or remediation

Kumatha ng isang kuwento ng buhay mo na ikaw ay minahal ng Diyos.

Gumuhit ng mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Ibigay ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa sa limang pangungusap.

Laging tandaan na ang pagtulong ay pagpapadama ng pagmamahal sa Diyos. Isapuso ang pagtulong at huwag lamang itong gamitin sa pagpapakitang tao.

V. REMARKS

VI. REFLECTION

A. No. of learners who earned 80% on the formative assessment

B. No. of Learners who require additional activities for remediation

C. Did the remedial lessons work? No. of learners who have caught up with the lesson.

D. No. of learners who continue to require remediation

E. Which of my teaching strategies worked well? Why did these work?

F. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?

G. What innovation or localized materials did I use/discover which I wish to share with other teachers?

More DEPED Daily Lesson Logs at: www.teachershq.com

File Created by Sir LIONELL G. DE SAGUN