GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | VI | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | WEEK 5 | Quarter: | 4TH QUARTER |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY |
I.LAYUNIN | |||||
A. Pamantayang Pangnilalaman | Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin, Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto. Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan | ||||
B.Pamantayan sa Pagganap | Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan. Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan. Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang teksto. Nagagamit ang iba’t ibang babasahin ayon sa pangangailangan. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo,editoryal,lathalain o balita. Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at kuwento. | ||||
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulat ang code ng bawat kasanayan | Naibibigay ang maaaring solusyon sa na naobserbahan sa paligid F6PS-IVe-9 | Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-IVa-j-13 | Nabibigyangkahulugan ang idyoma o matalinghagang salita F6PT-IVe-4.4 | Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip teksto (fiction at non-fiction) F6PB-IVc-e-22 | Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting F6PU-IVe-2.12.1 |
II.NILALAMAN | Pagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin | Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali ng Isang Usapan. | KAHULUGAN NG MATATALINGHAGANG SALITA | Pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip (fiction at non-fiction) | Pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo |
III. KAGAMITANG PANTURO | |||||
A.Sanggunian | |||||
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro | |||||
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral | |||||
3.Mga pahina sa Teksbuk | Hiyas sa Pagbasa 4 pahina 21 | Hiyas sa Wika 5, ph. 15-20 | Landas sa Pagbasa pah 134-138 | ||
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | MISOSA Modyul 18 Piksyon at di- Piksyon | ||||
B.Iba pang Kagamitang Panturo | MISOSA- Kahulugan ng Matatalinghagang Salita | ||||
IV.PAMAMARAAN | |||||
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimulang aralin | Saan matatagpuan ang mga paksang diwa? | Basahin nang wasto ang mga pangungusap sa sumusunod. Itinataas ang watawat sa tagdan. Nakita ko kung paano siya nadapa. Nadapa ang bata! Ano ba ang nangyari sa iyo? Lagyan mo ng gamot ang sugat niya. Anu-ano ang nararapat nating gawin kung tayo ay sumasali sa isang usapan o dayalogo? Paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa pakikipag-usap? | Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang tambalan na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Isulat ang mga ito sa sagutang kuwaderno. HANAY A HANAY B _____ 1. silid-aklatan a. pulot na mula sa pukyutan _____ 2. punong-guro b. silid ng mga mag-aaral _____ 3. dalagang-nayon c. silid na maraming aklat _____ 4. bahay kubo d. bumalik sa bayan _____ 5. silid-aralan e. pinuno ng mga guro _____ 6. hugas-bigas f. paglakad na tulad ng pagong _____ 7. lakad-pagong g. dalagang taga-nayon _____ 8. ningas-kugon h. pinaghugasan ng bigas _____ 9. pulut-pukyutan i. bahay na kubo _____ 10. balikbayan j. ningas ng kogon | Ano ang opinyon at katotohanan? Kailan masasabi kung ang isang pahayag ay isang opinyon?at katotohanan? | Paano maiibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salita |
B. Paghahabi sa layunin ng aralin | Pagpapakita ng larawan na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa | Pagpapakita ng larawan ng dalawang batang nag-uusap. (Pag-uusap ng larawan) Original File Submitted and Formatted by DepEd Club Member - visit depedclub.com for more | Bago ka magsimula sa pagbasa ng kuwentong “At Nalunod ang mga Salot,” basahin mo muna ang mga katanungan tungkol sa kuwento. Pansinin mo rin ang mga salitang may salungguhit. Itala mo ito sa iyong kuwaderno. Mga tanong: 1. Sino si Dagambu? 2. Paano siya naging pinuno ng mga dagang bukid? 3. Anong ginagawa ng mga dagang bukid sa taniman? Tama ba ito? Bakit hindi? 4. Bakit nag-away ang pangkat ng mga dagang bukid at dagang lungsod? 5. Kung ikaw si Metro maws, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Pangatwiranan mo ang iyong sagot. 6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento? 7. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa? 8. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa? | Basahin mo ang lathalain na kinuha sa isang pahayagan Pamoso rin ang Baguio sa mga magagandang bulaklak na kanilang ipinakikita sa taunang selebrasyon ng Baguio Flower Festival tuwing buwan ng Pebrero. Dito ipinaparada ang mga sari-saring bulaklak na ipinagmamalaki ng lungsod. Hindi dapat kalimutan ang pamamasyal sa mga kilalang park sa Baguio. Ang Burnham Park ang pinaka-una at pinakamatandang park sa lungsod samantalang naging popular naman ang Mines View Park dahil sa miniminang ginto, tanso at ore dito. Ang Wright Park ay isang pine tree park reserve. Makikita rin dito ang Philippine Military Academy (PMA), Unversity of the Philippines, College of Baguio at Eastern School Weaving Room kung saan natututong maghabi ang mga taga-Baguio. Kung ang hanap ay spiritual growth, naririto ang hinahangaang Baguio Cathedral na kailangang akyatin ng 100 baytang sa tuktok ng bundok, ang Lourdes Grotto na may 252 baitang at ang Bell Temple kung saan itinuturo ang iba’t ibang relihiyon. Marami pang makasaysayang lugar na matatagpuan sa lungsod. Ang Kennon Road ang pinakamaikling highway patungong Baguio. Ipinangalan ito kay Col. Lyman W. Kennon, isa sa mga nagtaguyod ng proyekto. Naririyan din ang Teacher’s Camp na madalas pagdausan ng mga training ng mga guro sa buong bansa at ang Baguio Mansion House na ginagawang retreat house ng mga naging pangulo ng bansa at gobernador heneral na Amerikano. Bukod sa magagandang tanawin, ‘shopping haven’ din kung ituring ng marami ang Baguio. Dito nagsimulang makilala ang tinatawag na UK (Ukay- Ukay). Sa palengke ng lungsod sa may Magsaysay Avenue masarap mamili ng mga souvenir items. Ang mga stalls dito ay puno ng iba’t ibang produktong etniko at nakaboteng mga minatamis. Kaya tayo na sa Baguio! Ito ba ay Piksyon? Bakit? Hindi ito piksyon dahil hindi ito likhang isip. Ito ay halimbawa ng Di-Piksyon sapagkat kinapapalooban ito ng mga pangyayari na tunay na naganap, makatotohanan, mahalaga at makasaysayan. | Guessing game ; Sinong news anchor ito : Di kita tatantanan? Magandang gabi bayan? SOCO? |
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | KALIGTASAN NG MGA NANGANGAILANGAN Ang pagtulong sa kapwa ay nagging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa kaniya’y kaniyang nililimusan. Madalas iniimbitahan niya ang mga batang mahihirap na makipaglaro sa kaniya. Si Jacinta ay madasalin.Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba. Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit, at pera sa hanay ng mga pulubi. Napamahal si Jacinta as kaniyang mga kababayan. Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain. Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay si Jacinta. Nalungkot at nag-iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta. | Pagbasa sa isang usapan. Ay! Swerte! Josefino: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court? Inay: Sige, anak, kaya lamang, huwaag mong pabayaang matuyo ang pawis mo, hane. Pakidaan mo na rin itong ginatan kay Mareng Sela. Josefino: Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Josefino dala ang bola at mangkok ng ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, di na bale. Akin na ito! Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili nito. Ibibili ko si Titser Tess ang bulaklak at tsokolate. Bibigyang ko sina Carlo, Oscar, May at Grace ng sandwich. A, ewan! Inay! Inay! Nawalan po ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto. Inay: Naku, salamat, Josefino! Kanina ko nga iyan hinahanap. Maraming salamat. (Hahalikan si Josefino.) Mga tanong: Ano ang napulot ni Josefino? Ano ang una niyang naisip gawin tungkol ditto? Saang lugar niya ito napulot? | Pagbasa ng kuwentong “Ang kuwento ni lolo” Landas sa Pagbasa pah 134. | Magparinig ng isang balita mula sa radio. | |
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kwento? Anong solusyon ang maibibigay mo sa maraming pulubi? | 2. Pagtatalakay tungkol sa paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa usapan/dayalogo. Alin ang pangungusap na nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin? Ang nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap? | Bago ka magsimula sa pagbasa ng kuwentong “At Nalunod ang mga Salot,” basahin mo muna ang mga katanungan tungkol sa kuwento. Pansinin mo rin ang mga salitang may salungguhit. Itala mo ito sa iyong kuwaderno. Mga tanong: 1. Sino si Dagambu? 2. Paano siya naging pinuno ng mga dagang bukid? 3. Anong ginagawa ng mga dagang bukid sa taniman? Tama ba ito? Bakit hindi? 4. Bakit nag-away ang pangkat ng mga dagang bukid at dagang lungsod? 5. Kung ikaw si Metromaws, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Pangatwiranan mo ang iyong sagot. 6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento? 7. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa? 8. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa? | Pagsagot sa Gawin titik B. | Ano ang paksa ng binasang balita ? Saan ibinatay ang pamagat? Saan inilagay ang pinakamahalagang bahagi ng balita? Anu-anong tanong ang sinasagot nito? |
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Gawin Mo TAGUMPAY SA KABILA NG SAGWIL Si Tessie Galasa ang bunso sa siyam na magkakapatid. Dalawa lamang silang magkapatid na nakapag-aral. Hindi kayang tustusan ng kanilang magulang ang pagpapaaral sa kanilang lahat. Ang kanilang karalitaan ay hindi nagging sagwil para kay Tessie. Nakapag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship grant. Tatlong taong gulang lamang si Tessie nanag sinamang-palad siyang magkasakit at nalumpo. Habang siya ay lumalaki, sumisidhio ang kaniyang hinagpis at pagkaawa sa sarili. Ngunit natutuhan din niyang labanan ang damdaming ito. Sa ginanap na Magnolia 10-Kilometers marathon on Wheels, nanalo si Tessie ng unang gantimpala sa karerang pambabae. Nanalo rin siya sa21 – kilometers wheel-a-thon. Noong 1982, tatlong medalyang ginto at isang medalyang pilak ang kaniyang napanalunan sa palarong languyang pandaigdig para sa mga may kapansanan. Ginanap ito sa Hong Kong. Dahil sa tibay ng kaniyang loob, nagtagumpay siya sa kabila ng sagwil sa kaniyang buhay. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Ano ang suliranin ng tauhan? Anong nagging solusyon sa kanyang suliranin? | PAGYAMANIN MO Ang mga pangungusap na sumusunod ay hango sa usapang inyong binasa. a. Uy! Singkwenta pesos! b.Napulot koi to sa tabi ng pinto. c. Kanino kaya ito? d.Inay, nawawalan po ba kayo ng pera? e. Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo. Alin sa mga pangungusap ang nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin? Ang nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap? Marahil alam mo na ang iba’t- ibang uri ng pangungusap. Ngayon basahin mo ang bawat sitwasyon. Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang isasagot? Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay. Nais mong humiram ng aklat. Nagpahiram naman ang iyong kaibigan. Nanood kayo ng palatuntunan. Umawit ang isa ninyong kaklase at | Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga dagang bukid. a) Walang kabuluhan b) Sapilitan c) Kagustuhan 2. Libot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin at gubat. a) Maraming tanim b) Walang makikitang uwak c) Malawak 3. Kapit sa patalim ka ngayon. a) Kahit anong mangyari b) Hahawak ng patalim c) Natatakot 4. Parang hagupit ng tadhana ang nangyayari. a) Parusa ng langit b) Hampas na malakas c) Hanging malawak 5. Laman sila ng mga imbakan at bodega. a) Nakatira sa imbakan b) Ipinanganak sa imbakan c) Madalas na nasa imbakan | A. Gawin Ninyo Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng pitong bagay ng walang kaugnayan sa bawat isa. Ipagamit ang mga bagay na ito upang makagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang. Bigyang diin ganito rin ang strip sa radio. Bawat isa sa mga makikita natin sa istrip ay tungkuling ginagawa upang mapaganda ang isang radio show. | |
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungosa Formative Assesment 3) | b. Gawain Natin Pumili ng lider na babasa ng kwento. Matapos mapakinggan, sagutan ang mga tanong. “Ang Batang si Pule” (Hiyas sa Pagbasa 4, pahina 66) ANG BATANG SI PULE Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin sa Maynila ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay Apolinario Mabini. Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa Maynila. Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Dahil sa mga gawaing-bahay, malimit siyang mahuli sa kaniyang klase. Maaga siyang gumigising sapagkat nagluluto pa siya ng almusal, naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan ng kaniyang pinaglilingkuran. Walang pambili si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa aklat ang mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan. Gayunpaman, palaging matataas ang marka ni Pule. Kaya hinahanganan siya ng kaniyang mga guro at kamag-aral. 1. Ano ang naging suliranin ni Hermano Pule at ano ang naging solusyon sa kanyang suliranin? | Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita na nasa Hanay A. HANAY A HANAY B _____ 1. pagsusunog ng kilay a. maganda ang hinaharap _____ 2. di-maliparang uwak b. masama ang ugali _____ 3. nagdilang-anghel c. maliit na halaga _____ 4. walang itulak-kabigin d. nagkatotoo ang sinabi _____ 5. pasang-krus e. malawak _____ 6. tupang itim f. pag-aaral nang mabuti _____ 7. maaliwalas ang bukas g. masakit sa damdamin _____ 8. mataas ang lipad h. tastas ang tahi _____ 9. hinahabol ng karayom i. di alam ang pipiliin _____ 10. patuka sa manok j. mabuting bata k. mayabang l. maingay magsalita | Batay sa pamagat ng mga seleksiyong nakatala sa ibaba, isulat kung piksyon o di-piksyon ang mga sumusunod:
Si Jose Rizal at ang kanyang tsinelas | Ayusin nang sunud-sunod ang mga pangyayari sa ibaba upang makabuo ng isang magandang balita. Gawin ito sa sagutang papel. Liga ng Basketbol Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Palmera, Phase I,II,III at IV. Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon. Isang parading nilahukan ng lahat ng lahat ng manlalaro ang nagbukas ng liga. Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod. Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang koponang Asit. Masayang-masaya ang mga nanonood sa basketbol tuwing Sabado at Lingngo ng gabi | |
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Bumuo ng usapan tungkol sa proyektong “Clean and Green” sa inyong paaralan. Gamitin ang iba’t- ibang uri ng pangungusap. | Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kopyahin sa iyong notbuk ang mga salita o lipon ng mga salita na matatalinghaga. 1. Nagbunga ng mabuti ang kanyang pagsusunog-kilay. 2. Di maliparang uwak ang kanilang palayan. 3. Nagdilang anghel ang batang nakausap niya. 4. Walang itulak-kabigin sa mga kagandahang nakita niya. 5. Pasang krus sa puso niya ang alaala ng lumipas. 6. Siya ang tupang itim sa kanilang pamilya. 7. Maaliwalas ang bukas para sa taong masipag at matiyaga. 8. Hinahabol ng karayom ang suot niyang damit. 9. Hindi na niya makasundo ang mataas ang lipad na kapatid. 10. Ang abuloy niya sa samahan ay patuka lang sa manok | Paano mo gagawin ang isang skrip sa radio na hindi makkasakit sa damdamin ng iyong kapwa? Anong mga pananalita ang dapat mong gamitin? | ||
H. Paglalahat ng Aralin | Paano ninyo naibigay naibigay ang solusyon sa bawat suliranin? | May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit. 1.Paturol o pasalaysay ang pangugusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok. 2.Pautos ang pangungusap kung ito ay nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok. 3.Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong. 4.Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam. | Sa ating nabasang akda may mga salitang masasabi nating di-tuwiran ang kahulugan, malalim kaya’t mahirap unawain. Matalinghaga ang mga salitang ito. | May dalawang uri ng babasahin, ang piksyon at di-piksyon. Ang babasahing piksyon ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at mga pangyayari. Ito ay maaaring alamat, salaysay, kuwento. Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring talaarawan, editoryal, artikulo, sanaysay o paglalahad. | Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng skrip para sa radio o teleradyo? Maikli lamang ang pamagat ng balita. Dito napapaloob ang kabuuan ng balita. Ang pamagat ay inaayon sa unang talataan ng balita. Inilalagay sa unahan ng balita ang pinakamahalagang bahagi nito. Sa gayon, ang sinumang tao,maging siya ay abalang –abala ay maakit na bumasa ng balita. Ang unang talataan ng balita ay tinatawag na patnubay. Ito ay sumasagot sa tanong na ano, saan, at kalian. Ang ikalawang talataan ang mga detalye lamang ng balita. |
I. Pagtataya ng Aralin | Makinig sa kwentong babasahin ko. Ibigay ang inilahad na suliranin at ang solusyon nito. EMILIO AGUINALDO Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang ama ay naging gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang record sa pag-aaral. Natuto siya ng alpabeto sa bahay. Nagtapos siya ng elementary sa paaralang bayan ng kawit. Nagtapos siya ng sekondarya sa San Juan de Letran. Huminto siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng kanyang ina upang siya ay maging cabesa de barangay. Naging negosyante siya.Namili siya ng tela at mga yaring produkto.Ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay, baboy at manok. | Isulat ang angkop na pangungusap na dapat sabihin ng mga tao sa larawan. | Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita na nasa Hanay A. HANAY A HANAY B _____ 1. malaking puso a. makinis ang balat _____ 2. matang ahas b. nanliligaw _____ 3. kisap mata c. gumagawa ng walang nag-uutos _____ 4. mahabang dila d. maramdamin _____ 5. laki sa layaw e. sunod lahat ng gusto o nais _____ 6. naniningalang pugad f. mapagbigay at maawain _____ 7. nagmumurang kamyas g. matabil o madaldal _____ 8. kutis porselana h. matang mabalasik at matalas _____ 9. kusang palo i. sa isang iglap _____ 10. pusong mamon j. matandang nagkikilos bata | Batay sa pamagat ng mga seleksyong nakatala sa ibaba, isulat kung piksyon o di-piksyon ang mga sumusunod: 1. Ang Batang si Andres Bonifacio 2. Ang Pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit (Editoryal) 3. Ang Pinagmulan ng Sampaguita 4. Si Alibaba at ang Apatnapung Magnanakaw 5. Si Manuel Quezon,Ama ng Wikang Pambansa | Gumawa ng isang skrip sa radio tungkol sa tamang paraan ng paglilinis sa katawan o kaya tungkol sa halalan sa inyong lugar. |
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation | |||||
V.MGA TALA | ____Lesson carried. Move on to the next lesson ____Lesson not carried ____No Classes | ____Lesson carried. Move on to the next lesson ____Lesson not carried ____No Classes | ____Lesson carried. Move on to the next lesson ____Lesson not carried ____No Classes | ____Lesson carried. Move on to the next lesson ____Lesson not carried ____No Classes | HOLIDAY |
VI. PAGNINILAY | ____Pupils did not find difficulties in answering their lesson ____Pupils found difficulties in answering their lesson ____Pupils were interested in the lesson, despite some difficulties encountered in answering the questions asked by the teacher. ____Majority of the pupils finished their work on time ____Some pupils did not finish their work on time due to unnecessary behavior. | ____Pupils did not find difficulties in answering their lesson ____Pupils found difficulties in answering their lesson ____Pupils were interested in the lesson, despite some difficulties encountered in answering the questions asked by the teacher. ____Majority of the pupils finished their work on time ____Some pupils did not finish their work on time due to unnecessary behavior. | ____Pupils did not find difficulties in answering their lesson ____Pupils found difficulties in answering their lesson ____Pupils were interested in the lesson, despite some difficulties encountered in answering the questions asked by the teacher. ____Majority of the pupils finished their work on time ____Some pupils did not finish their work on time due to unnecessary behavior. | ____Pupils did not find difficulties in answering their lesson ____Pupils found difficulties in answering their lesson ____Pupils were interested in the lesson, despite some difficulties encountered in answering the questions asked by the teacher. ____Majority of the pupils finished their work on time ____Some pupils did not finish their work on time due to unnecessary behavior. | |
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya | |||||
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? | |||||
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa remediation? | |||||
E. Alin sa mga istrateheyang Pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito na katulong? | |||||
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? | |||||
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File created by Ma'am MARIA CORAZON A. PABLO
Deped files, forms, and templates @www. teachershq.com