Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

Grade Level:

V

Teacher:

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

WEEK 1

Quarter:

4TH Quarter

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan

Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakabubuo  ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan

Nakagagawa ng radio broadcast / teleradyo,debate at ng isang forum

Nakagagawa ng radio broadcast / teleradyo,debate at ng isang forum

Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa,nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o binasang paksa

Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa,nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o binasang paksa

Nagagamit ang silid-aklatan sa pagsasaliksik

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Isulat ang code ng bawat kasanayan

Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan

F5PN-IV-a –d -22

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari

F5PS-IVa-12.21

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita   F5WG-IV-a-13.1

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan.

F5PT-IVa-b-1.12

Nakababasa upang kumuha ng impormasyos     F5PB-IV-a-25

Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon  F5EP-IVa-8

II. NILALAMAN

Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga

Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pag-uulat ng Nasaksihang Pangyayari

Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay sa Pagsasalaysay ng Napakinggang Balita

Pagbibigay ng Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di Pamilyar sa Pamamagitan ng Pag-uugnay sa Sariling Karanasan

Pagbabasa sa Pagkalap ng Impormasyon

Paggamit ng Balangkas sa Nakalap na Impormasyon

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

CG FILIPINO 5 p.101

CG FILIPINO 5 p.101

CG FILIPINO 5 p.101

CG FILIPINO 5 p.101

CG FILIPINO 5 p.101

  1. Mga Pahina sa Kagamitang

Pang-Mag-aaral

     3. Mga pahina sa Teksbuk

Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.132-134

Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.113

Binhi 5 p.208-211

Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.172-175 Hiyas sa Pagbasa 5 p.76,117,90,84

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

Metacards,powerpoint

Larawan,Metacards

powerpoint

Tsart,Metacards,

powerpoint

Flashcards,Metacards

powerpoint

powerpoint metacards

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.

1.Pagsasanay

Pagbasa  sa mga salita.

1.sigaw                  6.binuksan

2.dumungaw        7.inasikaso

3.dumating          8.aalis

4.nakakuha         9.susunod

5.naiwan            10.tikman

A.Pagsasanay :

Pagsulat ng ididiktang mga pangungusap.

B.Balik-aral:

Magbigay ng mga pangungusap na may pangyayaring sanhi at bunga.

1.Pagsasanay :

Ipabasa nang wasto ang mga pangungusap. Ipabigay kung anong uri ng pangungusap ang kanilang binasa.

1.Masaya ang maraming tao.

2.Ano ang nakain mo at maaga kang dumating?

3.Aba!Kanina pa ako naghihintay sa iyo.

4,Ayusin mo ang pagsasalita mo.

5.Naku1Niloloko mo lang kami sa sinasabi mo.

2.Pagbabalik-aral tungkol sa uri ng pangungusap. Ipatukoy sa mga bata kung anu-ano ang mga uri ng pangungusap.

Pagsasanay :

Pagbabaybay

1.masusi              6.ipagkait

2.kahalintulad    7.miyembro

3.seksyon             8.proyekto

4.pagkolekta       9.kalamidad

5.kinalululanan   10.panunudyo

Balik-aral

   Anu-ano ang iba’t ibang uri ng mga pangungusap?Magbigay ng mga halimbawa.

Pagsasanay :

Pagsulat ng mga pangungusap na ididkta ng guro.

Blik-aral

         Mga salitang pamilyar at di pamilyar na napag-aralan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin.

Itanong:

Ano sa palagay ninyo nagpapakita ng tanda ng pagmamahalan?

Pagbasa ng guro ng teksto.Ipasabi muna ang mga pamantayan sa pakikinig sa mga bata.

Tanda ng Pagmamahalan

(Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.132-134)

Anu-ano ang mga magagalang na pananalitang natatandaan ninyo?

Kailan ginagamit ang mga ito?

Itanong:

Naranasan ninyo na bang makasaksi ng isang pangyayari?

Paano ninyo iniulat ito?

Pagbasa ng guro sa isang balita.Ipasabi ang pamantayan sa pakikinig.

Huwarang Tsuper

(Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.113)

Isang  tsuper ng taksi na si G.Raul Amarillo ang nagbalik sa kanyang pasahero ng isang sobre na naiwan sa kanyang taksi.Natuwa ang may-ari na si Gng.Liza Tan,isang negosyante sa Makati,Metro Manila..Ang sobre ay may lamang P500,000.Tinanggihan  sa kanya ni G.Amarillo ang pabuyang ibinibigay sa kanya ni Gng.Tan.Para sa kanya tungkulin niya bilang isang mabuting  mamamayan ang pagsasauli ng mga bagay na hindi kanya. Si G.Raul Amarillo ay pinarangalan ng Alkalde ng Makati bilang”Huwarang Tsuper ng Taon”.

Sabihin: Walang panghihinayang kung aksayahin natin ang tubig.

Toto ba ito o hindi?Bakit ninyo ginagawa ito?

 Ngayon ang kuwentong babasahin ay may kaugnayan sa pag-aaksaya sa tubig na inyo ring ginagawa.

Ipabigay ang pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

Tubig…..Ubos na?

Binhi 5 p.208-210

Napag-aralan natin ang balangkas at ang mga bahagi nito.Makapag-aayos na ba kayo ng mga pangyayari o kaisipan ayon sa inihandang balangkas/

    Ngayon ay matutunan ninyo ang mga ito.

Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ‘Pag may tiyaga may nilaga”?

Pag-aalis ng sagabal

Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1.May nabasa akong artikulo tungkol sa makabagong paraan ng pagtatanim.

2.Dahil sa makabagong teknolohiya naging masagana ang ani ng palay.

3.Ang isang taong palaasa sa ibang tao ay hindi magtatagumpay.

4.Ang pagsasanay ng mga tekniko ay makbubuti sa pagpapaunlad ng bansa.

5.Marami tayong natutuhan sa matatanda na mga pananalitang talinhaga.

Natatagong kahulugan      lathalain    

laging umaasa sa iba

agham sa sining pang-industriya

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.

Pagsagot sa mga Tanong

1.Ano ang sanhi ng paglalagi ni Mang Reynaldo sa Plaridel,Bulacan?

2.Ano ang naging bunga ng pagkahilig ni MangReynaldo sa paghahalaman?

3.Ano ang sanhi ng pagdating ni Aling Rita sa lugar nina Aling Nelia?

4.Ano ang naging bunga ng pagbibigay ng pasalubong ni Aling Rita  sa damdamin ng kanyang Kumareng Nelia?sa damdamin ni Mila?

5.Ano sa palagay mo,mabuti pbang pairalin ang pagbibigayan kahit walang okasyon?Ipaliwanag ang sagot.

(Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.)

Pangkatang Gawain

Gamitin ang magagalang na pananalita para sa sumusunod na sitwasyonBumuo ng isang maikling role play.

Pangkat I- Nakasaksi ka ng isang sunog sa isang baryo malapit sa inyo.Pinuntahan ka ng Punong Barangay para tanungin tungkol dito.

Pangkat II-Nakita ni Ramon na may binubugbog na tindera sa palengke.Dinala ito sa ospital.Tinanong siya  ng mga pulis sa nangyari.

Pangkat III- Nasaksihan ni Aling Marta na ninanakawan ang grocery ni Gng.Lopez sa kanilang lugar.Nagtatanong ang mga tanod tungkol sa mga pangyayari.

Pangkat IV-May banggaan ng sasakyan na nangyari sa lugar nina Mila.Dumating ang mga konsehal ng bayan para mag-usisa.

Talakayin ang narinig na balita

1.Tungkol saan ang balita?

2.Bakit siya pinarangalan?

3.Anong magandang katangian ang ipikita sa balita?

4.Dapat ba siyang tularan?Bakit?

Pagsagot sa mga tanong

1.Ano ang suliranin ni Raul?

2.Ayon sa tinig bakit daw wala ng silbi ang pagsisisi ni Raul/

3.Ano ang kasalanang nagawa ni Raul?

4.Ano ang patunay na nauubos na ang tubig?

5.Ano ang aral na itinuturo ng kuwento?

A.Itanong:

Bago gumawa si Pablito ng balangkas ano ang ginawa niya?

 B.Pagbasa nang tahimik ng kuwento.Ipabigay ang pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

       Pag may Tiyaga,May Nilaga

 (Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.172-174)

C.Pagsagot sa naunang tanong.

D.Pagtalakay sa binasa

1.Bakit tinulungan ni Aling Nelia si Pablito sa paggawa ng balangkas?

2.Ikaw,iaasa mo ba sa iba ang paggawa ng takdang aralin?Bakit?

3.Paano makatutulong ang makabagong teknolohiya sa isang bansa?

4.Paano makatutulong ang Pilipinas sa daigdig sa pamamagitan ng IRRI?

5.Bakit nagsasanay ng mga tekniko mula sa iba’t ibang bansa ang IRRI?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Balikan ang mga naging sagot ng mga bata.

Sabihin: Narito ang mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa seleksyong narinig ninyo.

Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari.Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.

Tinatawag naming bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari.

Ilahad ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga.

Hal.

Malaki ang kinita ni Mang Reynaldo sa paghahalaman dahil sa kanyang kasipagan.

Sanhi

kasipagan

  Bunga

Malaki ang kinita

Gawan ang iba pang naging sagot ng mga bata ng dayagram.

Isa-isahin ang mga magagalang na pananalitang ginamit ng bawat pangkat sa bawat sitwasyon.

Talakayin ang magagalang na pananalita.

Isalaysay ang napakinggang balita gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Pangkatang Gawain

Mula sa kuwento, isulat ang mga salitang pamilyar at di pamilyar na inyong nabasa.Isulat ang kahulugan nito.

Pagtalakay sa balangkas na ginawa

ni Pablito.

Ang Pandaidig na Surian ng Pananaliksik sa Palay   IRRI

I.Pagkakatatag ng IRRI

    A.Dulot ng Bansa

    B.Mga Nagtatag

    C.Saan itinatag

II. Pananaliksik ng IRRI

     A.Dulot ng Asya

     B.Mga Kalahok

III.Iba Pang Ginagawa ng IRRI

A..Pagsasanay ng mga Tekniko

         1.Bunga ng Pagsasanay

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain

Pakinggan ng bawat pangkat ang babasahin ng guro.

Ang Pasko sa Bukid

Isulat ang mga ugnayang sanhi at bunga.Gawan ito ng dayagram.

1.sanhi ng pagkakatuwaan ng mga bata

2.naging bunga kay Boyet ng nakahandang maraming pagkain sa mesa

3.sanhi ng maraming handing pagkain ni Lola Ponsa

4.naging bunga ng sinabi ni Hermie na ang inam pala sa bukid

Pangkatang Gawain

Pagbigayin ang mga bata ng isang pangyayari na nasaksihan nila habang papasok sila sa paaralan..Hayaang iulat nila gamit ang magagalang na pananalita.

Pangkatang Gawain :

Pakinggan ang balitang babasahin ng guro.Isalaysay itong muli gamit ang mga uri ng pangungusap.

Halamang Gamot

 Isang tropeo at tatlong libong piso ang ipagkakaloob ni Alkalde Angeles sa sinumang may pinakamagandang halamanan na may iba’t ibang uri ng halamang –gamot.Ang ikalawang gantimpala’y magkakamit ng dalawang libong piso at ang ikatlo’y isanlibong piso.Ang lupon ng tagahatol ay lilibot sa mga tahanan ng mga kalahok sa paligsahan na sisimulan sa Setyembre at magwawakas sa huling araw ng Nobyembre.Ito rin ang huling araw ng pagsusumite ng pangalan at tirahan ng mga kalahok sa tanggapan ng alkalde.Maaaring makuha ng mga tuntunin hinggil sa paligsahan sa tanggapan ng punungguro.

Piliin sa kahon ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1.Salat ang mga balong panustos ng tubig.

2.Marami ang kayamang ipinagkaloob ng Diyos sa atin.

3.Nakita ni Raul ang kanyang sarili sa kumpol ng alapaap.

4.Ang tanawin ay agad napawi.

5.Mabilis na tumalimaang katulong sa utos ni Raul.

6.Nagingbulagsak ang maraming tao sa paggamit ng tubig.

7.Narinig ng ina ang palahaw ni Raul.

8.Isang animo’y telebisyon ang lumitaw sa kumpol ng alapaap.

9.Apaw na ang balde.Ano’t bukas pa ang gripo?

10.Si Raul ay pasinghal na nag-utos. sa katulong.

Pangkatang Gawain

Bumasa ng talambuhay ng isang pangulo..Magbigay ng ulat sa klase na sumusunod na balangkas.

I.Kapanganakan

   A.Petsa

   B.Lugar

II.Mga Magulang

   A.Ama

   B.Ina

III.Mga Paaralang Pinasukan

    A.Elementarya

    B.Sekundarya

    C.Kolehiyo

IV-.Mga Naging Katungkulan

    1.

    2.

   3.

   4.

Pangkat I- Manuel L.Quezon (Hiyas sa Pagbasa 5 p.76)

Pangkat II- Manuel Roxas (Hiyas sa Pagbasa 5 p.117)

Pangkat III- Ramon Magsaysay (Hiyas sa Pagbasa 5 p.90)

Pangkat IV- Carlos P.Garcia (Hiyas sa Pagbasa 5 p.84)

F. Paglinang sa Kabihasaan  (Tungo sa Formative Assessment )

Basahin ang mga pangungusap ng sanhi at bunga..Gawan ng dayagram ang mga ito.

1,Dinag-aaral ng leksyon si David kay mababa ang kanyang mga marka.

2.Maraming langaw sa paligid dahil sa maga nakatambak na mga basura.

3.Malago ang halaman sa kanilang bakuran kaya nakapagtago ang magnanakaw.

4.Nanalo sa swipstik si Mang Andres kaya masayang –masaya siya.

5.Masagana ang ani ng mga magsasaka dahil sa magandang panahon.

Pakinggan ang mga sitwasyong babasahin ng guro.Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagsagot.

Kung ikaw ang nakasaksi sa sumusunod na pangyayaari ano ang sasabihin mo?

1.May nakawang naganap sa kapitbahay ninyo.

2.Nabangga ang isan batang papasok sa paaralan.

3Sinaksak ng isang magnanakaw ang matandang babae.

4.Binuksan ng isang lalaki ang kotse ng mayamang negosyante.

5.Sinira ng kaklase mo ang proyekto ng isa mo pang kaklase.

Pakinggan ang balitang babasahin ng guro.Isalaysay ito gamit ang mga uri ng pangungusap.

 ON-LINE ID SA OFWS, RUMATSADA

        Inumpisahan nan g NAIA ang paggamit ng on –line ID system na ipinamamahagi ng OWWA sa mga OFW.Sabi ni administrator Wilhelm Soriano ang pagbibigay ng libreng ID sa OFWs ay malaki ang maitutulong sa lahat ng nag-iingat nito dahil magiging mabilis ang proseso ng indibidwal sakaling sila’y umalis patungo sa ibang bansa.

     Idinagdag pa ng opisyal na ang mgs dokumentadong OFW na miyembro at contributors ng OWWA ay kailangang magrenew ng kanialang kontrata taun-taon kung ang kanilang kontrata ay “yearly basis” at kada dalawang taon naman kung ang kontrata ay perpetual.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Naranasan mo na rin bang makasaksi ng isang pangyayari?Ano ang ginawa mo?

Bukod sa tubig,marami pang kayamanang ipinagkaloob sa atin ang Diyos.Ginagamit mo rin ba ito nang wasto?

H. Paglalahat ng Aralin

Kailan sinasabi na ang isang pangyayari ay isang sanhi?Kailan naman matatawag na ito ay isang bunga ng isang pangyayari?

Paano iuulat ang nasaksihang pangyayari?Ano ang pananalitang dapat gamitin?

Ano ang iyong natutuhan sa aralin ngayon? Sa paanong paraan mo maisasalaysay ang isang napakinggang balita? Anu-anong uri ng pangungusap ang maaari mong magamit sa pagsasalaysay?

Ano ang natutunan ninyo sa araw na ito?

Ano ang mga salitang pamilyar?Ano naman ang mga salitang di pamilyar?

Ano ang balangkas?

Tandaan

     Sa pagbabalangkas,kumuha muna ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talataan.Itala ang maliliit na dtalyeng tumutulong sa paglinang ng pangunahing kaisipan.Gamitin ang malaking titik,bilang Arabiko sa pagsulat ng mga detalye.Maaaring gumamit ng pangungusap,parirala o salita sa pagbabalangkas.Ang balangkas ay makatutulong sa pagsasalaysay ng kuwento o pag-uulat ng isang impormasyon.

I. Pagtataya ng Aralin

Gawan ng dayagram ang mga sumusunod na sanhi at bunga.

1.Namatay ang mga isda dahil marumi  na ang tubig sa ilog.

2.Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog  kaya sa kaunting pag-ulan umaapaw na.

3.Kaya nasira ang kagandahanng ilog pinabayaan ito ng mga tao.

4.Dahil sa malinis,mabango at malinaw na tubig,marami ang namamasyal sa Ilog Pasig.

5.Nangangamba ang mga tao na tuluyan ng masira ang Ilog Pasig kaya kumilos na sila bago mahuli ang lahat.

Basahin ang sitwasyon.Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagsagot..

Sitwasyon:

 Pauwi na si Mang Ramon ng makita niyang may kaguluhang nangyayari sa malapit sa kanilang bahay.Tinanong niya ang kanyang nasalubong na kakilala.

Ano ang maaaring isagot kay Mang Ramon?

Isalaysay ang balitang iparirinig ng guro gamit ang mga uri ng pangungusap

    Iniligtas ng Batang Iskawt

   Si Sally Tan,isang batang tatlong taong gulang ay nahulog sa isang malaking hukay na may tubig sa may Kalye A.Santos kahapon ng ikasampu ng umaga.Naglalaba ang ina ni Sally nang mga sandaling iyon at hindi niya napuna na nanaog ng bahay ang bata.Kasalukuyang nagdaan ang batang iskawt .na si Danilo Robles na may labintatlong taong gulang.Sinagip niya si Sally.

Piliin ang kahulugan ng salitan may salungguhit sa loob ng panaklong.

1.Si Nelson ay naghahagilap ng sasabihin. (alam na alam,hindi alam,sigurado sa sasabihin)

2.Ang kanyang tnig ay may pagsusumamo. (nagmamakaawa,nagagalit,natutuwa)

3.Nababagabag ang damdamin ni Raul sa mga nakita niya. (tuwang-tuwa,nag-aalala,nasisiyahan)

4.Siya ay tungung-tungo habang kinakausap. Nakatingin siya sa (ibaba,itaas,tagiliran).

5.Nangangapos ang kanyang hininga. (Kulang,Sobra) ang hanging pumapasok sa kanyang katawan.

Basahin ang maikling teksto.Gamitin ang balangkas sa pagbuo ng mga impormasyon.

 Guillermo E.Tolentino,Dangal ng Lahi

      Isa sa mga dangal ng lahi si Guillermo E.Tolentino.Naging maningning ang pangalan niya sa larangan ng sining,lalung-lalo na sa paglilok.

       Isinilang si Guillermo Tolentino sa Malolos,Bulacan noong ika-24 ng Hulyo,1890.Noong bata pa siya,ang hilig niya ay pagguhit muna.Ngunit ng lumaon,nauwi ito sa paglilok.

       Nagtapos siya ng kursong Eskultura sa Pamantasan ng Pilipinas.Pagkatapos nagkaroon siya ng pagkakataong makarating sa Washington,D.C.Sa pamamagitan ng pagiging serbidor sa isang restawran,nakapg-aral siya ng pagguhit at pagdidibuho.Nakatagpo niya rito ang isang milyonaryong Amerikano,si Bernard Beruch,na nagbigay sa kanya ng iskolarsip sa Beau Arts School sa Nueba York.Nag-aral din siya sa Roma tungkol sa Sining ng ppaglilok.Dit,nagkamit siya ng pangatlong gantimpala sa isang paligsahan na kanyang nilahukan.

        Sa Pilipinas,dalawang lilok ang nagpatanyag sa kanya.Ang Monumento ni Bonifacio sa Caloocan at ang Oblation saPamantasan ng Pilipinas ss Diliman,Lungsod ng Quezon.

        Guillermo.E.Tolentino

I.Kapanganakan

    A.Petsa

    B.Lugar

II.Paaralang Pinasukan

    A.

    B.

III.Mga Obrang Nagawa

    A.

    B.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Umisip ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga.Gawan ito ng dayagram.

Magsaliksik nang ilang mahahalagang pangyayari na nasaksihan at iulat ito sa klase.

Makinig ng isang mahalagang balita.Isalaysay ito sa klase gamit ang mga uri ng pangungusap.

Sumulat ng 5 pamilyar na salita at 5 di pamilyar na salita na naririnig mo.

Bumasa ng isang kuwento.Gamitin ang balangkas upang maikuwento muli ito.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Deped tambayan alternative with adfly free pages.. no more hassle, just one-click download for your daily lesson log templates: teachershq.com