GRADES 1 to 12 DAILY LESSON LOG | School: | Grade Level: | II | |
Teacher: | Learning Area: | FILIPINO | ||
Teaching Dates and Time: | WEEK 7 | Quarter: | 4TH Quarter |
MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY | |
LAYUNIN | Nasasabi ang mensahe ng larawan o pangyayaring nasaksihan Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba ay magkasalungat | Natutukoy ang mga sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang teksto | Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na na | Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat | Nasasagot nang wasto ang mga tanong na inihanda Nakasusunod nang wasto sa mga panuto |
Pamantayang Pangnilalaman | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan | Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan | Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin | Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat | |
Pamantayan sa Pagganap | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3 | Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3 | Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon F2TA-0a-j-2 | Nakasusulat nang may wastong baybay,bantas at mekaniks ng pagsulat F2TA-Oa-j-4 | |
Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan | Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggan sa radyo F2PS-Ivg-3.4 Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita (paggamit ng pormal na depinisyon ng salita) F2PT-IVf-i-1.10 | Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto F2PB-Ivg-3.2 | Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panag-uri sa pakikipag-usap F2WG-Ivg-j-8 | Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa't isa malaki at maliit na letra mga salita pangungusap F2PU-IVb-3 | |
NILALAMAN | IKAPITONG LINGGO Aralin 7 Purihin Natin ang Diyos Mga Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat | IKAPITONG LINGGO Aralin 7 Purihin Natin ang Diyos Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari | IKAPITONG LINGGO Aralin 7 Purihin Natin ang Diyos Paggamit ng Pang-angkop na na | IKAPITONG LINGGO Aralin 7 Purihin Natin ang Diyos Pagsulat ng mga Salitang Dinaglat | IKAPITONG LINGGO Aralin 7 Purihin Natin ang Diyos |
KAGAMITANG PANTURO | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | C.G Grade 2 sa Filipino pahina 31-33 | |
Sanggunian | |||||
Mga pahina sa Gabay ng Guro | 171-172 | 172-173 | 173-174 | 174 | 175-176 |
Mga pahina sa Kagami-tang Pang Mag-aaral | LM in Filipino Yunit 3 pahina 466-471,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina 471-474,soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina 474-477, soft copy | LM in Filipino Yunit 2 pahina478-482, soft copy | |
Mga pahina sa Teksbuk | |||||
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource | larawan ng mga biktima ng kalamidad | larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng gulay at manggang hilaw | |||
Iba pang Kagamitang Panturo | laptap | laptap | laptap | laptap | |
PAMAMARAAN | |||||
Balik-aral sa nakaraangaralin at / o pagsisimula ng bagong aralin | Paunang Pagtataya Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina466 (soft copy), Sagutin ng Oo o Hindi ang sumusunod. 1. Angkop ba ang ibinigay na mensahe sa larawan? Naghahanda ang mga tao upang hindi masalanta ng paparating na bagyo. 2. Ang mga salitang matatag at matibay ba ay magkasingkahulugan? 3. Ang mga salitang malinis at marumi ba ay magkasalungat ang kahulugan? 4. Sa pangungusap na “Toneladang basura ang dahilan ng pagbaha sa lungsod,” ang sanhi sa pahayag ay pagbaha sa lungsod. 5. Sa pangungusap na “Nilikha ng Diyos ang tao upang mangalaga sa mga nilikha Niya,” ang bunga sa pahayag ay nilikha ng Diyos ang tao. 6. Ang pang-angkop na na ay ginagamit na pamalit sa pangalan ng tao. 7. Ang pang-angkop na na ay sumusunod sa mga salitang nagtatapos sa patinig. 8. Si pangulong Benigno S. Aquino III ay pumunta sa Amerika upang dumalo sa pulong ng mga pinuno. Ang salitang pangulo sa pangungusap ay dapat nagsisimula sa malaking letra. | Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina 172 Pagdugtungin ang mga magkakaugnay na mga pahayag. | Ipagawa ang Tukoy Alam sa T.G pahina 173 Pumili ng isang makikita sa loob ng silid-aralan. Ipalarawan ang bawat isa . | Ipagawa ang Tukoy-alam sa TG pahina174 Ipasulat ang ididiktang salita nang padaglat. Ipasulat sa pisara ang mga salitang dinaglat. | Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit. Ipaliwanag ang mga panuto. Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit. Ipaliwanag ang mga panuto. A. Bilugan ang kasing kahulugan ng mga salita: 1. luntian 2. nagwagi 3. masigla 4. nilikha 5. huwaran - asul, berde, pula - nanalo, nawala, nasabi - masaya, maaliw, malungkot - ginawa, ninais, ginusto - halimbawa, gawain, sulatin D. Sumulat ng isang pangungusap na magsasabi ng mensahe ng larawan. |
Paghahabi sa layunin ng aralin | Tukoy-Alam Ipakita at pag-usapan ang larawan ng lugar at mga biktima ng kalamidad. Ano-ano ang damdamin na ipinakikita ng larawan? Ihambing ang damdamin bago dumating ang kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasalungat ng mga damdaming ipinakikita ng larawan. Paglalahad Ano-ano ang ginagawa mo at ng iyong pamilya upang magpasalamat sa Dakilang Lumikha? | Paglalahad Ano-ano ang regalo sa iyo ng Dakilang Lumikha? Paano mo ito pangalagaan? | Paglalahad Ano-ano ang ginagawa ninyo upang papurihan ang Dakilang Lumikha? Ipapantomina ang kasagutan. Ipasulat sa mga bata ang mga nakita nilang paraan ng pagpupuri. | Paglalahad Pagkilala sa mga katulong sa pamayanan sa pamamagitan ng mga larawan. (Halimbawa: doktor, kapitan, at iba pa). Ano ang tawag natin sa kanila? Alin sa mga ito ang nais mong maging? | B. Isulat sa patlang ang S kung sanhi at B kung bunga ang may salungguhit sa pangungusap. 6. Ayaw kunin ni Mark ang laruan 7. Nahihiya si Roxanne 8. Malakas ang ulan kasi 9. Nag-aral ng mabuti 10. Pinili ang gawa ni Marthel Hanay B dahil hindi iyon kanya. kasi siya ang may pinakamababang marka. may bagyo si Renz Kaya siya ay pumasa sa pagsusulit. kasi maganda ang kanyang iginuhit. |
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin | Babasahin“Ang Paglikha ” sa pahina467 Si Apo ang Dakilang Lumikha ng lahat ng bagay sa mundo. Siya ang makapangyarihan sa lahat. Ginawa Niya ang lahat ng bagay na nakikita at maging hindi nakikita ng ating mga mata. Sa unang araw, nilikha Niya ang liwanag at dilim at tinawag niya itong araw at gabi. Sa ikalawang araw ay ginawa Niya ang langit at lupa. Inihiwalay Niya ang lupa sa karagatan. Sa ikatlong araw, ang malawak na kalupaan ay pinasibulan niya ng sari-saring mga pananim. Sa ikaapat na araw, nilikha Niya ang araw, buwan, atmga bituin na kumikislap sa kalangitan upang magbigay ng liwanag. Sa ikalimang araw, binigyan ni Apo ng buhay ang lahat ng mga hayop na makikita sa katubigan, kalupaan, at maging mga nilalang na lumilipad sa himpapawid. Sa ikaanim na araw, nilikha niya ang tao, at nilalang Niya sila na lalaki at babae at pinangalanan Niyang Adan at Eba. Nilikha Niya ang tao upang mangalaga sa Kaniyang mga nilikha. Sa pagsapit ng ikapitong araw, nakita ni Apo ang lahat ng Kaniyang nilikha na napakabuti. Binasbasan Niya ito at saka Siya nagpahinga. Dahil sa kapangyarihan Niya, ang lahat ng Kaniyang nilikha ay nananatili hanggang sa panahon ngayon. Dahil sa Kaniyang kabutihan at kadakilaan, dapat Siyang palaging pasalamatan atpapurihan. | sa pahina 467- sa LM“ Muling basahin ang kuwentong “Ang Paglikha ni Apo.” | sa pahina 474 Pagpuri sa Iba’t Ibang Paraan Purihin ang Diyos na makapangyarihan Pasalamatan ang Bathala na lumikha ng sanlibutan Alayan, purihin sa iba’t ibang paraan Ibandila, itaas ang Kaniyang kadakilaan Hiyaw at sigaw na malakas dahil sa katuwaan Awitan ang matamis na pangalan Sumayaw, umindak sa Kaniyang harapan Tumula, gumuhit ng mga larawan Umarte, idisenyo ang Kaniyang kabutihan Gawang mabuti, ipangaral Kaniyang kasulatan Maglaan ng oras para sa Kataas-taasan Halinang magpuri sa Dakila Niyang pangalan Laging alalahanin, buhay ay may hangganan. | sa pahina 478sa LM Mga Hulog ng Langit Araw ng Lunes, hindi nakapasok sa eskuwelahan si Botong dahil sumakit ang kaniyang ngipin. Sinamahan siya ng ina upang magpatingin sa dentista. “Magandang araw, Dr. Ben. Patitingnan ko po ang anak ko. Kagabi pa sumasakit ang kaniyang ngipin,” wika ng ina. “Sige, Misis, maupo kayo at ako na ang bahala sa anak ninyo,” sagot ng dentista. Mayamaya ay may dumating pang tatlong magpapatingin sa dentista. Habang inaasikaso ng dentista si Botong ay naririnig niya ang usapan ng tatlo. “Mabuti at nagkakilala tayo, Atty. Lina Ruiz. Magpapatulong ako sa iyo tungkol sa aking lupa. Balak kong ipamigay ito sa mga mahihirap,” wika ni Kap. Bong. Legazpi, isang kapitan ng barangay. “Walang anuman. Nakahanda akong tumulong sa nangangailangan,” tugon ni Atty. Ruiz. “Ako naman si Pastor Clark, bagong misyonaryo dito sa inyong lugar. Kap. Bong, maaari ba ninyo akong samahan sa inyong barangay upang tingnan at alamin kung sino ang mga dapat tulungan lalo na sa usapin ng pananampalataya?” wika ni Pastor Clark. “Makaaasa kayo Pastor. Hayaan ninyo at ipakikilala ko kayo kay Mr. Roland Ocampo. Siya ang bihasa na umiikot sa ating lugar,” sagot ni Kap. Bong. “Balita ko maraming mahihirap dito sa barangay, Kap. Bong. Siguro mabuting humingi tayo ng tulong sa Kgg. na Pangulo ng Pilipinas para tayo matulungan,” sabi ni Atty. Ruiz. Sa edad na sampu ni Botong ay naisip niya na ang mga taong ito ay mga taong bigay ng Diyos upang tumulong sa kapwa. Mga hulog sila ng langit. “Inay, mabubuting tao sila, hindi po ba?” tanong ni Botong sa ina. “Oo, anak. Salamat sa Diyos at may mga taong katulad nila na nakahandang tumulong sa kapwa,” paliwanag ng ina. “Paglaki ko gusto ko ring tumulongsa aking kapwa,” naisaloob ni Botong habang papalabas na sila sa klinika. | C. Daglatin ang salitang may salungguhit. 11. Si Senador Baybay ang siyang nanguna sa pagpupulong. 12. Ang matapat na barangay tanod ay binigyang parangal ni Kapitan Lorenzo. 13. Sa pangunguna ni Pangulong Derla, ang mga magulang ay nagtulong sa paglilinis ng paaralan. 14. Si Kongressman Tolentino ay kasama sa namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. 15. SI Doktor Rey ay isang magaling na manggagamot. |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 | Talakayin ang kuwento. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina469 Tungkol saan ang binasa? Ano-ano ang nilikha ni Apo? Bakit Niya nilikha ang mga tao? Bakit Niya ibinigay sa mga tao ang lahat ng Kaniyang nilikha? Nagagawa pa ba sa ngayon ng mga tao ang mga tungkulin na inaatang sa kaniya ng Dakilang Lumikha? Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran? | sa pahina 472 sa LM Iguhit at kulayan ang mga nilikha ng Diyos sa bawat araw ng isang linggo. | pahina 475 sa LM, Sino ang dapat purihin? Bakit? Ibigay ang iba’t ibang paraan ng pagpuri sa Diyos ayon sa tula. Alin sa mga binanggit na paraan ng pagpuri sa Diyos ang gusto mong subukan? Bakit? Paano ginamit ang pang-angkop na na sa tula? | pahina 479 sa LM Bakit hindi nakapasok sa eskuwelahan si Botong? Sino-sino ang nasa loob ng klinika? Ano ang pinag-uusapan ng mga taong napakinggan ni Botong? Ano-ano sa tingin mo ang gawain o trabaho ng mga nag-uusap? Bakit sila mga hulog ng langit? Paano ka magiging hulog din ng langit sa iba? Ano ang napansin mo sa mga salitang makikita bago ang pangalan ng mga tauhang binanggit sa teksto? Paano isinusulat ang mga ito? Anong bantas ang ginagamit para rito? | D. Sumulat ng isang pangungusap na magsasabi ng mensahe ng larawan |
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 | Dapat mahalin at pangalagaan ang lahat ng nilikha. Dapat magpasalamat at papurihan ang Dakilang Lumikha dahil sa Kaniyang mga biyaya. | Alagaan natin ang mga nilikha ng Diyos para sa atin. | May iba’t ibang paraan upang papurihan at dakilain ang Ama na makapangyarihan sa lahat. | Ang Panginoon ay kumakasangkapan ng ibang tao upang matulungan ang mga nangangailangan. | |
Paglinang sa kabihasaan ( Leads to Formative Assessment ) | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina469 Pag-aralan ang sumusunod na salita. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga ito | Isagawa ang Gawin Natin sa LM sa pahina472 Tukuyin sa bawat pangungusap ang kahulugan ng salitang nasa kahon. 1. Pinagpala ang mga batang nakapaglalaro sa ilalim ng mga puno. 2. Ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat ay tapat. 3. Layunin ng Diyos na tayo ay magkaisa. 4. Ang mga nilikha ng Diyos ay kahangahanga. 5. Tahimik ang buhay kung lahat ay magmamahalan. | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina475 A. Tukuyin ang pang-angkop na ginamit. 1. Ang magaling na bata ay si Marielle Angeles. 2. Mabilis na lumabas ng silid si Andrei Cruz. 3. Napagod sa kasasayaw ang bata na aming nakita. 4. Palay na luntian ang aming nakita sa pag-uwi sa probinsiya. 5. Bundok na mataas ang inakyat ni Marvin. B. Punan ng wastong pang-angkop ang patlang upang mabuo ang pangungusap. 1. Ang matatayog ___ puno sa kagubatan ay huwag putulin. 2. Ang mga lumalangoy ___ isda sa karagatan ay magandang pagmasdan. 3. Ang ginawa ng Diyos ___ pagpapahinga ay tularan natin. 4. Ang nakatanim ___ binhi ay unti-unting tumutubo. 5. Ang mga alaga ___ hayop ni Kris ay matataba. | Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina 481 Daglatin ang mga salitang may salungguhit. 1. Ginoong Arturo Valenzuela 2. Kapitan Emil Angeles 3. Kagalanggalang Marcelo San Mateo 4. Attorney Mario Belen 5. Ginang Marides Fernando 6. Heneral Emilio Aguinaldo 7. Counselor Mateo Urbina 8. Architect Manalo 9. Kagawad Allan Dimakulangan 10. Binibining Luisa Mitra | |
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina469 Ibigay ang mensahe ng sumusunod na larawan. | Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina 473 Unang Pangkat – Isakilos ang mga maaaring ibunga ng pagiging masipag sa pag-aaral. Ikalawang Pangkat – Isulat sa papel ang sanhi at bunga ng pagtatapon ng basura sa kung saan-saan. Ikatlong Pangkat – Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin sa pangungusap. 1. maginhawa 2. purihin 3. sangkatauhan | Sanayin Natin sa LM sa pahina 476 Unang Pangkat – Lagyan ng angkop na pang-angkop ang sumusunod. Gamitin din ito sa pangungusap. 1. masarap - ulam 2. sikat - mang-aawit 3. araw - maulan 4. tahimik - bansa 5. masipag - magsasaka Ikalawang Pangkat – Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang parirala na may pang-angkop. 1. Sina Eba at Adan ang mga unang tao na nilikha ng Diyos. 2. May mga hayop na mababait at mababangis. 3. Ang itinanim na mga puno ay malalago na ang dahon. 4. Maraming insekto sa malawak na gulayan ni Mang Filo. 5. Walang sawang dinidilig ni Elda ang malulusog na halaman sa paso. Ikatlong Pangkat – Gumawa ng isang diyalogo na ginagamitan ng pang-angkop na na. Ikaapat na Pangkat – Magpakita ng maikling dula-dulaan tungkol sa mga paraan ng pagpuri sa Dakilang Lumikha. | Sanayin Natin sa LM sa pahina 481 Isulat ang letra ng tamang dinaglat na salita mula sa Hanay B. A B ______ 1. Senador a. Bb. ______ 2. Gobernador b. Pang. ______ 3. Pangulo c. Sen. ______ 4. Binibini d. Dr. ______ 5. Doktor e. Gob. | |
H.Paglalahat ng Aralin | Ipabasa ang Tandaan Natinsa pahina 470 Kailan magkasalungat/magkasingkahulugan ang mga salita? Magkasingkahulugan ang dalawang salita kung magkapareho ang kanilang kahulugan. Samantala, magkasalungat naman ang mga salita kung ang kanilang kahulugan ay magkaiba. | Basahin ang Ating Tandaan pahina Ano ang natutunan mo sa aralin? Maaaring gamitin ang pariralang dahil sa o salitang kasi sa paglalahad ng sanhi. Maaari nating gamitin ang salitang kaya sa paglalahad ng bunga. | Basahin ang Ating Tandaan pahina477 Kailan ginagamit ang pang-angkop na na? Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa letrang n. | Basahin ang Ating Tandaan pahina 481 Paano isinisulat ang salitang dinaglat? Ang pagdadaglat ay pagpapaikli ng mga salita. Ginagamit ang malaking letra sa simula ng salita at nagtatapos ito sa tuldok. | |
Pagtataya ng Aralin | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 470-471 A. Isulat ang K kung magkasingkahulugan ang pares ng salita at isulat ang L kung hindi. _______ 1. liwanag at dilim _______ 2. araw at gabi _______ 3. tao at hayop _______ 4. nilikha at ginawa _______ 5. babae at lalaki B. Ibigay ang mensahe sa bawat larawan. C. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina 474 A.Pagmasdan ang larawan. Isulat sa papel ang sanhi at ibubunga ng mga ito. | Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina477 A. Punan ng pang-angkop ang kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Ang tinapay mainit ay masarap kainin. 2. Ayon sa PAG-ASA, malakas ulan ang darating bukas. 3. Ang dilim at liwanag likha ng Diyos ay sumasagisag sa araw at gabi. 4. Sa batis malinis tayo maligo sa bakasyon. 5. Taimtim pasasalamat ang ialay natin sa Dakilang Lumikha. B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na parirala. 1. ibon na umaawit 2. kulisap na lumilipad 3. dagat na maalon 4. hangin na malakas 5. tubig na malinis | Pasagutan angLinangin Natin sa LM pahina482 A. Gamitin sa pangungusap. 1. Hen. 2. Bb. 3. G. 4. Sen. 5. Kgg. B. Sumulat ng isang liham pangkaibigan at ikuwento ang mga taong hulog sa iyo ng langit. Sumulat ng isang panalangin ng pasasalamat na may 3 -5 pangungusap. | |
Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation |
| ||||
MGA TALA | |||||
PAGNINILAY | |||||
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya | |||||
Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation | |||||
Nakatulong ba remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. | |||||
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. | |||||
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?Paano ito nakatulong? Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong guro at suberbisor? | |||||
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? |
File Created by Ma’am MARIANNE MANALO PUHI
Download sample daily lesson logs at www.teachershq.com