1. Ano ang isa sa mga pinanghugutan mong lakas at motibasyon sa nagdaang palaro na ito, alam natin na ang ating LGBTQIA+ unti-unti ng natatanggap sa komunidad, paano mo nirepresenta ang iyong sarili at buong LGBTQIA+ sa mundo ng isports?
Answer : Siguro isa sa mga pinanghugutan ko ng lakas at motibasyon para sa sports na ito ay pagkakaroon ko ng passion sa isports na ito. Nagkaroon ng enthusiasm sa pagbubuhat dahil binigyan ako ng mga lesson sa sports na ito tulad ng disiplina, hardwork, patience, persistence, and maging passionate sa mga bagay na mahal mo. At siguro isa na rin sa pinaghuhugutan ko ng lakas ay ang mga taong nakapaligid saakin which is ang aking Coach, Teamates ko, at yung supportive kong pamilya, parang sila rin ang rason bakit ko tinutuloy ito at mahal ko ang sports. Paano ko nga nirepresenta ang sarili ko sa mga kompetisyon? Simple lang, maging tunay na ikaw. May courage at confident ako na ipakita kung sino talaga ako, pinapakita ko ang personality ko na pagiging girly girl, kikay, energetic, diva, at barbie. Bukod doon ipinakita ko na ang pagiging atleta ay di nakaayon sa kasarian kundi sa determinasyon at sipag sa sports. Siguro nirepresenta ko ang LGBTQ+ sa pagpapakita ng perseverance kasi di naman expected ang bading na nagbubuhat kasi na-generalized ang mga bading ay “mahina” , “soft” , “babae” kung umasta. At dahil dito pinakita ko na hindi lahat ng mga bading ay mahina, kaya rin namin mag dominate sa mga gantong klaseng sports, pinakita ko na ang pagiging matatag at malakas ay hindi nakabase sa sexual identity or kung anong kasarian mo.
Answer : to be honest, hindi ko sila pinapakinggan. Hindi ko ito pinapansin kasi wala akong mapapala sa mga sinasabi nila. Like I’m gonna be honest, I always look on the good side and never on the bad side. Kasi in the end of the day sarili mo ang dala mo, hindi sila so what’s the point of listening to them if wala ring saysay ang sasabihin nila lalo na’t di mo rin ikaka-improve iyon. Advice ko lang is, wag mo papakinggan ang iba kundi sarili mo lang. Mas mabuting mag focus ka sa goal mo at i-ignore yung mga sasabihin nila. Kaya ito ako ngayon, thriving kasi I chose to ignore and focus on the things I need and want to improve.
Answer : Siguro ang payo ko sakanila ay hardwork, patience, be yourself, believe and breathe. Hardwork kasi kailangan mo paghirapan ang mga bagay para maachieve mo yung mga inaasam mo. Patience, kasi hindi ka lalakas overnight. Kailangan mo maging patient sa lahat ng klaseng sports kasi ang progress ay di nangyayare overnight. Ang skills, strength and confident ay built through consistent training, so patience is a must. Be yourself, ALWAYS be yourself kasi it’s more easier to perform kapag hindi mo tinatago yung parts of you. Yung pagka authentic ng self mo kasi nakakbuild ng confidence kasi naka-align yung actions, values and idetity mo. Believe, always believe in yourself kasi if hindi, it’s hard to face challenges, pressure, and siguro ano failure and that makes you easier to quit. Pagnaniniwala ka sa sarili mo kasi, it keeps your mindset to continue even if mahirap or slow yung progress. It’s a must to believe in what you are capable of, although it dosen’t mean you always wins but rather you trust yourself to LEARN, ADAPT and CONTINUE trying no matter what happens. And lastly Breathe, always yan kasi sometimes kailangan mong i-allow yung sarili mo to pause, relax or not pressure yourself everytime. Kasi not taking a breather mostly leads to physical and mental exhaustion which is REALLLYYY bad, so taking a breather can help you recover, muni muni and have the mindset of coming back stronger.