1. NILALAMAN

Sa araling ito, matutukoy natin ang mga oportunidad na maaaring pagkakitaan at

mga kaalaman at kasanayan na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur at mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba.

  1. LAYUNIN

  1. Natututukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan ( products and services) sa tahanan at pamayanan.

1.1.  Spotting opportunities for products and services

             2.  Napahahalagahan ang wastong paggamit ng pera o kinita.

  1. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagtukoy sa mga opportunidad na maaaring mapagkakitaan (products  

       and services) sa tahanan at pamayanan.

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-a-1, TG.  dd.   _____,       LM.      dd   .______

Kagamitan: larawan ng mga matagumpay na entrepreneur at mga tingiang    

                        tindahan, tsart, tarpapel, pentel pen, manila paper

IV.   PANIMULANG PAGTATASA

Alam mo ba ang mga kasanayan at kaalaman na dapat taglayin upang

maging matagumpay na entrepreneur?

        Ano-ano ang mga maaaring pagkakitaan kahit nasa tahanan o pamayanan?

 V.  PAMAMARAAN:

  1. PAGGANYAK

Itanong sa mga bata kung ano ang pinagkakakitaan ng kanilang mga magulang.

  1. PAGLALAHAD

  1. Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa puno.  Piliin kung alin sa mga larawan ang mga pwedeng pagkakitaan sa tahanan o pamayanan.

Pumili ng larawan at sabihin kung bakit ito ang napili na pwedeng pagkakiktaan.

  1. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN ( Group Activity)  

      (Tingnan sa LM) Tukuyin at suriin ang mga negosyo o pinagkakakitaan.  Isulat ang mga kasanayan o kaalaman na dapat isagawa upang maging matagumpay na entrepreneur.

  1. PAGLALAHAT

pamayanan?   Paano kaya ito magtatagumpay?  Ano ang dapat gawin sa mga kita o kinita?

  1. PAGTATAYA:

A.  Masdan ang mga larawan sa ibaba.  Tukuyin ang mga larawan na maaaring pagkakitaan. Lagyan ng tsek.

B.  Pumili ng isang pagkakakitaan at sabihin ang mga kaalaman at kasanayan

Upang maging matagumpay na entrepreneur.

  1. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Magmasid sa inyong barangay. Kapanayamin ang isang entrepreneur kung

        paano nila napagyaman at nagpagtagumpayan ang kanilang tingiang tindihan.  

 Iulat ito sa klase.

I.  NILALAMAN

Tatalakayin natin sa araling ito ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at

 serbisyo na makakatulong sa atin na makapili o makabili ng may kalidad na produkto at

ay tamang serbisyo.

II.  LAYUNIN

     1.  Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo.

             2.  Masabi ang kahalagahan ng pabibigay ng isang de-kalidad na produkto o serbisyo.

III.  PAKSANG ARALIN

Paksa: 1.  Naipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo.

         2.  Masabi ang kahalagahan ng pagbibigay ng isang de-kalidad na

                Produkto o serbisyo.

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-a-2, TG.  dd.   _____,       LM.      dd   .______

Kagamitan: larawan ng mga produkto , tsart, manila paper, tarpapel, pentel pen

IV.   PANIMULANG PAGTATASA

Paano ka pumipili ng produkto na iyong bibilhin?  Ano-ano kaya ang dapat

isaalang-alang sa pagpili ng produkto at serbisyo?

        

 V.  PAMAMARAAN:

A.  PAGGANYAK

Naghahanap ng mahusay na manggagawa ng kalamay ang isang malaking

                karinderya sa Siniloan.  Dalawang aplikante ang nagprisinta, si Rina at Tina.

                Sino kaya sa kanila ang matatangap?  Sinubukan silang pagawain ng kalamay.

                (Ipakita ang larawan)

        Si Rina                                                        Si Tina

         Image copied to domesticurbanite.com

        

        Itanong:  Sino sa palagay mo ang natanggap sa trabaho?   Bakit?

        

  1. PAGLALAHAD

.  Magbigay ng mga salita na tumukoy sa produkto at serbisyo gamit ang

        spider web.

                                                                         

Base sa mga salita na ibinigay sa spider web.  Ano ang ibig sabihin ng produkto?

                Serbisyo? Kalidad?

Ano-ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo? Ano-ano ang mga dapat

                Isaalang-alang sa pagpili ng produktong may kalidad?

    C.  PAGPAPALALIM NG KAALAMAN ( Group Activity)

Punan ang ven diagram sa LM.

C:\Users\Baby\Pictures\unnamed.gif

             D.  PAGSASANIB

                        Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng may kalidad na produkto at serbisyo.

                                1.  kapaki-pakinanabang                6.  mapagkakatiwalaan

                                2.  maaasahan                        7.  nagbibigay saya

                                3.  pangmatagalan                        8.  ligtas

                                4.  matatag                                9.  maganda

                                5.  epektibo

                 D.  PAGLALAHAT

Ipaliwananag ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng may kalidad na produkto at

        serbisyo

VI.  PAGTATAYA:

Tukuyin kung alin ang produkto at serbisyo.  Ipaliwanag ang kanilang pagkakaiba.

1.  Gumagawa ng sapatos si Mang Jose sa buong maghapon.

2.  Gumagawa ng kaaya-ayang at maraming disenyong sapatos si Aling Maria.

  1. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sa inyong barangay, maghanap ng taong gumagawa ng kakanin at kapanayamin ito.

Itanong kung ano-ano ang kanilang produkto at serbisyo na kanilang ginagawa.  Iulat ito

Sa lanse

I.  NILALAMAN

        Sa araling ito, matutukoy natin ang mga taong nangangailangan ng angkop na

produkto at serbisyo upang maging maaayos at kapakipakinabang para sa lahat.

II.  LAYUNIN

        1.  Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo.

        2.  Masasabi ang mga pangangailangan ng isang kostumer.

III.  PAKSANG ARALIN

Paksa: 1.  Pagtukoy sa mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at

                serbisyo.

         2.  Masabi ang mga pangangailangan ng isang kostumer.

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-a-3, TG.  dd.   _____,       LM.      dd   .______

Kagamitan: larawan, tsart, manila paper, tarpapel, pentel pen

        IV.  PANIMULANG PAGTATASA

                        Alam n’yo ba ang ating mga pangangailangan?  

        V. PAMAMARAAN

                A.  PAGGANYAK

                        Magaling ka bang manghula?  Kaya mo bang hulaan o tukuyin kung sino ang

                tinutukoy sa sumusunod na talata?

                

B.  PAGLALAHAD

        1.  Magpakita ng larawan ng mag-aaral, pulis, at empleyado.

        2.  Ipatukoy ang mga pangangailangang produkto at serbisyo ng bawat isa.

        3.  Itanong ang mga sumusunod na tanong.

                A.  Ano-ano ang mga pangangailangan ng mag-aaral? Pulis? Empleyado?

                B.  Pare-pareho ba ang kanilang mga pangangailangang produkto at

                        serbisyo?  Bakit oo?  Bakit hindi?

        4.  Bumuo ng 4 na grupo.  Magbigay nang 2 larawan sa kada grupo.  Isulat ang

                kanilang mga pangangailangang produkto at serbisyo?

        5.  Tingnan sa LM dd. ___ ang mga katanungang dapat sagutin.

        6.  Iulat ito sa klase.

     C.  PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

                Tukuyin kung kaninong pangangailangan ang mga sumusunod na

        produkto at serbisyo.  Isulat sa inyong sagutang papel.  Sumulat ng kaunting

        paliwanag ukol sa iyong sagot.  Tingnan sa LM.

     D.  PAGLALAHAT

                Paano natin matutukoy ang mga taong nangangailangan ng tamang produkto

        at serbisyo?

      E.  PAGTATAYA

                Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo

tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon.  Pumili sa loob ng kahon.

______________________  1.  Matibay, maganda at murang lapis at papel.

______________________        2.  Sapat na gamit panturo sa paaralan.

______________________        3.  Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis

                                        na boteng pinagdedehan.

______________________        4.  Matibay na kasangkapang panlinis ng paaralan.

______________________        5.  Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital.

        VII.  PANGWAKAS NA PAGTATASA

                Tingnan sa LM.  Tukuyin ang mga pangangailangan ng mga sumusunod.

        VIII.  PAGPAPAYAMANG GAWAIN

                        Tanungin ang kasapi ng iyong pamilya kung ano ang mga pangangailangang                produkto at serbisyo.  Iulat ito sa klase.