EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

   Aralin 26 : Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian:  Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 129-131

Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 114-115

Sulo ng Buhay I pah. 144-146

Kagamitan:  tunay na mga bagay, pansariling kagamitan

III.  Pamamaraan:                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ano ang tawag natin sa pamamaraan na paggamit sa mga luma at patapong bagay para muling mapakinabangan?

2. Pagganyak:

Mahulaan mo kaya?

Ikinukuskos mo ako sa iyong katawan

Kasama ng sabon at tubig na malinaw.

Dumi mo’y aking tinatanggal

Sa tulong ng tubig na pambanlaw.

Ako’y panlinis mo ng ngipin

Sa tuwing matatapos kumain.

Ginagamit mo ako sa iyong buhok

Upang ito’y maging maayos.

        3.  Paglalahad:

           Ipabasa sa mga bata:

Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

   Sipilyo ay linisin matapos gamitin.

   Sabon ay ilagay sa sariling lalagyan

  Matapos gamitin o hindi na kailangan.

  Linisin ang suklay  nang maalis ang duming taglay.

  Sapatos bago gamitin, linisin at pakintabin.

  Medyas at panyo’y aking nilalabhan

 Upang malinis paggamit kinabukasan.

 Ang tuwalya ay labhan

Matapos gamitin sa katawan.

    2.  Pagtalakay:  

Paano ninyo dapat pangalagaan ang inyong sipilyo? sabon? tuwalya? atbp.

C.  Pangwakas na Gawain

  1.  Paglalahat:

Anu-ano ang wastong pangangalaga sa sariling gamit?

   Tandaan:  

   Ang ating sipilyo, tuwalya at suklay

   Mga gamit na pansarili lamang

   Hindi dapat na ipahiram

   Sa kaanak man o kaibigan.

2.  Paglalapat:

Lutasin:

Naglalakad si Rosanna nang makapulot siya ng suklay.  Kinuha niya at inilagay sa kanyang bag.

Pagdating sa bahay, ginamit niya ang napulot na suklay.

Tama ba ang kanyang ginawa?  Bakit?

IV.  Pagtataya:

  Tama o Mali

1.  Medyas at panyo ay itago kahit marumi

      para hindi mawala.

2.  Linisin ang suklay ng maalis ang duming taglay.    

3.  Itago ang tuwalya sa aparador  matapos gamitin sa katawan.      

4.  Ilagay ang sabon sa lalagyan para hindi malusaw.

5.     Sapatos ay linisin bago gamitin.                

V.  Kasunduan:

Lutasin:

  Nagbakasyon kayo ng ate mo sa probinsiya.

  Naiwan mo ang iyong sipilyo.

  Ano ang gagawin mo?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na    Linggo

( Ikalawang   Araw)

I. Layunin:

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

   Aralin 27 : Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian:  Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 129-131

Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 114-115

Sulo ng Buhay I pah. 144-146

Kagamitan:  tunay na mga bagay, pansariling kagamitan

III.  Pamamaraan:                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga pansariling kagamitan na hindi ninyo maaring ipahiram?

2. Pagganyak:

Ipabigkas nang sabayan:

   Ang ating sipilyo, tuwalya at suklay

   Mga gamit na pansarili lamang

   Hindi dapat na ipahiram

   Sa kaanak man o kaibigan.

        3.  Paglalahad:

           Ipabasa sa mga bata:

           ANG GAMIT KO

           Suklay at panyo

Dala ko tuwina

Mula sa bahay

Hanggang sa eskwela.

Sepilyo at tuwalya

Gamit tuwing umaga

Di maipapahiram

Kahit kanino man

Lahat ng gamit ko

Na sadyang personal

Di gagamitin ng iba

Dahil pansarili lamang.

Dispilina’y isabuhay

Sa lahat ng bagay.

Upang matamo

Kalusugang tunay.

    2.  Pagtalakay:  

Alin-alin ang mga pansariling kagamitan?

Bakit hindi natin ito maaring ipahiram?

C.  Pangwakas na Gawain

  1.  Paglalahat:

Anu-ano ang mga personal na kagamitan?

Bakit hindi natin sila pwedeng ipahiram?

   Tandaan:  

   Iingatan ko at hindi ipahihiram sa iba ang aking kagamitang pansarili.

2.  Paglalapat:

Kulayan ng pula ang gamit na maaring ipamigay o ipahiram sa iba.  Kulayan ng berde ang hindi maaring ipahiram sa iba.

(Larawan ang gamitin)

1.  sipilyo

2.  aklat

3.  brief

4.  suklay

5.  loysion

IV.  Pagtataya:

   Lagyan ng √ ang iyong sagot.

1.  Ginagamit ko                   Oo  Hindi  Madalas

     ba ang aking

     pansariling gamit?

2.  Nililinis ko ba ang aking

     pansariling gamit?

3.  Itinatago/Inilalagay

     ko ba ang pansariling

    kagamitan sa angkop

     na lugar sa bahay?

V.  Kasunduan:

       Isaulo ang tula.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

II.  Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

   Aralin 28 : Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian:  Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 129-131

Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 114-115

Sulo ng Buhay I pah. 144-146

Kagamitan:  tunay na mga bagay, pansariling kagamitan

III.  Pamamaraan:                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Sagutin:  Tama o Mali

a.  Maaring ipahiram ang sepilyo sa ate.

b.  Ang aklat ay pansariling gamit din.

c.  Hindi dapat ipahiram sa iba ang pansariling

     gamit para makaiwas sa sakit.

d.  Ang pansariling gamit ay tinatawag ding

      personal na gamit.

e.  Madamot ka kung ayaw mong ipahiram ang personal mong mga kagamitan.

2. Pagganyak:

Ipabigkas ang tula:

         ANG GAMIT KO

           Suklay at panyo

Dala ko tuwina

Mula sa bahay

Hanggang sa eskwela.

Sepilyo at tuwalya

Gamit tuwing umaga

Di maipapahiram

Kahit kanino man

Lahat ng gamit ko

Na sadyang personal

Di gagamitin ng iba

Dahil pansarili lamang.

Dispilina’y isabuhay

Sa lahat ng bagay.

Upang matamo

Kalusugang tunay.

3.  Paglalahad:

   Iparinig ang kwento:

   Isang Sabado, umuwi ang tatay at nanay na maraming dala.  Pagdating nila ay tinawag kaming tatlong magkakapatid.

  “Halikayo, binili namin kayo ng inyong sari-sariling gamit – suklay, sipilyo, sabon,tuwalya at mga damit-pambahay.  Pinili rin namin ang mga kulay na gustung-gusto ninyo.”

    “salamat po Itay, Inay.  Ang mga ito nga po ang gustung-gusto namin – suklay tuwalya, at iba pa.”

Nais po naming may kanya-kanya kaming gamit.

Halos ay sabay-sabay na nawika ng tatlo.

    2.  Pagtalakay:  

Saan nanggaling ang Itay at Inay?

Anu-ano ang dala nila para sa tatlong mga anak nila?

Bakit nila ibinili ng sari-sariling gamit ang tatlo?

Anu-anong mga gamit sa bahay ang pansariling gamit lamang at mga gamit na para sa lahat?

May mga pansariling gamit ka ba sa inyo?

Paano mo ito ginagamit?

C.  Pangwakas na Gawain

  1.  Paglalahat:

Anu-ano ang mga personal na kagamitan?

   Tandaan:  

   Iingatan ko at hindi ipahihiram sa iba ang aking kagamitang pansarili.

2.  Paglalapat:

Iguhit ang mga gamit na pansarili mo lamang.

Kulayan mo ang mga ito.

IV.  Pagtataya:

                 Piliin ang mga larawang nagpapakita ng tamang ugali ukol sa pansariling kagamitan.  Kulayan ang mga ito.

1. Larawan ng batang nanghihiram ng suklay.

2.  Larawan ng batang may kanya-kanyang suklay na hawak.

3.  Batang naghihiraman ng tuwalya.

4.  Batang may sariling panyo.

5.  Batang may hawak na malinis na medyas.

V.  Kasunduan:

   Maglista ng 5 gamit mo sa paaralan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na    Linggo

(Ika-apat na   Araw)

I. Layunin:

II.  Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

   Aralin 29: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian:  Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 129-131

Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 114-115

Sulo ng Buhay I pah. 144-146

Kagamitan:  tunay na mga bagay, pansariling kagamitan

III.  Pamamaraan:                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Piliin sa kahon ang lahat ng pansariling gamit.

Bilugan ang mga ito.

2. Pagganyak:

Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga salita.

Ang pangkat na may pinakamaraming mabubuong tamang salita ang siyang panalo.

P  L  S  I  A  _______(LAPIS)

N  G  U  T  N  I  G _____(GUNTING)

L  R  E   U   R_______(RULER)

G  Y  O  A  P  N _____(PAYONG)

3.  Paglalahad:

   Iparinig/Ipabasa ang tula:

  KAMI’Y MGA KAIBIGAN

Kami’y iyong gamit sa paaralan

Kailangan mo sa iyong pag-aaral

Sa bag mo kami’y di mawawala

Kung ikaw ay maingat at di pabaya.

Ako’y susi ng karunungan

At kaban ng maraming yaman

Malayo at malapit iyong nararating

Kung ako lamang ay iyong babasahin.

Mahaba ako, kung tawagin ay lapis

Hindi kailangang tasa ay napakatulis

Ingatan mo ako sa apagbagsak

Upang ang aking tasa ay di mawasak.

Papel ako na iyong sinusulatan

Iwasan mo sana na marumihan

Kung magkamali, magbura nang dahan-dahan

Gawin nang malinis, maayos kung tingnan.

Kasama ako ng lapis at papel

Sa sinulat na mali, ako ay gamitn

Ipambura mo ako nang dahan-dahan

At sana ako ay iyong pag-ingatan.

Ginagamit mo ako sa paggupit

Ako naman ang iyong pandikit

Ako ay sa tuwid na pagguhit

Ingatan kami nang hindi mawaglit.

Kailangan mo ako kung umuulan

Ginagamit mo rin kung umaaraw man

Kapag basa, ako’y iyong patuyuin

Kapag natuyo na, sana’y iyong tiklupin.

Ako’y iyong pinaglalagyan

Ng mga gamit mo sa paaralan

Sa pagpasok mo, ako’y iyong kasama

Sa pag-uwi mo, ako’y iyo ring dala-dala.

    2.  Pagtalakay:  

    Sinu-sino ang iyong mga kaibigan?

    Tama bang tawagin silang kaibigan?  Bakit?

C.  Pangwakas na Gawain

  1.  Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga gamit sa paaralan?

   Tandaan:  

   Pagkagaling sa paaralan

Gamit ay huwag iwan kung saan.

Mayroong angkop na lugar sa bahay

Na sa gamit ay paglalagyan.

2.  Paglalapat:

Lutasin:  

Nakalagay ang lapis ni Chris sa ibabaw ng desk.  Sa tuwing nagagalaw ang desk, nalalaglag ang kanyang lapis.  Ano ang dapat niyang gawin?

IV.  Pagtataya:

Lagyan ng tsek kung nagpapakita ng pangangalaga sa kagamitan sa paaralan.  X ang hindi.

__1.  Laging tinatasahan ni Ben ang kanyang lapis.

__2.  Sinusulatan ni Andrea ang likod ng papel para makatipid siya.

__3.  Hindi na pinupulot ni Loy dang krayola kung ito ay nahuhulog.

___4.  Tinitiklop ni Lory ang payong kahit basa pa ito.

___5.  Pinaglalaruan ni Mercy ang ruler kaya naputol ito.

V.  Kasunduan:

Iguhit  at kulayan ang mga kagamitan mo sa paaralan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

II.  Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

   Aralin 30: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian:  Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 129-131

Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 114-115

Sulo ng Buhay I pah. 144-146

Kagamitan:  tunay na mga bagay, pansariling kagamitan

III.  Pamamaraan:                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

   Sinu-sino ang iyong mga kaibigan sa paaralan?l

2. Pagganyak:

Ano ang ginagawa mo kung wala ka ng mga kailangang gamit sa paaralan?

3.  Paglalahad:

    Ipabasa ang komik istrip:

Lito:  Roy, tingnan mo may bago akong papel.

           Binili ito ng nanay ko.

Roy:  Talaga ba ,Lito?

          Ako, bago ang lapis ko.  Kasi hindi isinauli ni Paul ang

         lapis ko kahapon.

Lito:  Bakit nanghiram ba siya sa iyo?

Roy:  Oo, kaya lang, hindi na niya gusting ibalik sa akin.

    2.  Pagtalakay:  

Sinu-sino ang nag-uusap?

Tungkol saan ang pinag-uusapan nila?

Bakit may bagong lapis si Roy?

Ano ang palagay mo sa naramdaman ni Roy?

Tama ba ang ginawa ni Paul?  Bakit?

C.  Pangwakas na Gawain

  1.  Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga gamit sa paaralan?

   Tandaan:  

   Pagkagaling sa paaralan

Gamit ay huwag iwan kung saan.

Mayroong angkop na lugar sa bahay

Na sa gamit ay paglalagyan.

2.  Paglalapat:

Sino ang tutularan mo?

1.  Si Lito , may sariling gamit sa eskwela.

2.  Si Jessa, palaging nanghihiram ng pambura sa katabi.

3.  Si Tricia, may sariling gamit sa Art Lesson.

IV.  Pagtataya:

Ginagawa mo ang mga ito?  Lagyan ng √.

1.  Nagdadala ng sariling krayola sa Art Lesson.__

2.  Nang-aagaw ng pandikit sa Art Lesson.__

3.  Hindi nagdadala ng sariling gamit kapag may Art Lesson.____

4.  May sariling lapis at papel. ____

5.  Nakaupo  lang sa oras ng paggawa.

V.  Kasunduan:

Pangako:  Pag-iingatan ko ang mga kagamitan ko sa paaralan.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

(Unang    Araw)

I. Layunin:

II.  PaksangAralin:  Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian

  1. Talasalitaan:Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

  1. Pagbigkas na Wika:  Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati
  2.  Pag-unawa sa BinasaPaghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

  1. Katatasan:  Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

  1. Pagsulat:  Pagsulat ng payak naparirala,pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na    Larawan

  1. Kamalayan sa Gramatika:  Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  2. Pagkatha:  Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.
  3. Sanggunian:  K-12 Curriculum  Guide pah. MTB – MLE Teaching Guide p. 51-60
  4. Kagamitan:  Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
  5. Pagpapahalaga:  Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain:

1.  Paghahanda:

    Laro:  Pabilisan sa pagbasa sa plaskard ng mga salitang napag-aralan na.

A.  Gawain Bago Bumasa:

   Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan/pangungusap.

     sementeryo

      lapida

      puntod

      kaugalian

 2.  Pagganyak:

      Nakapunta na ba kayo sa sementeryo?

      Ano ang inyong ginawa sa sementeryo?

     Ano ang inyong dinala?

    Bakit kayo pumunta sa lugar na ito?

     Magbabasa tayo ngayon ng kuwento tungkolsa dalawang bata kasama ang kanilang lola patungong sementeryo.

     Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito?

  3.  Pangganyak na Tanong:

        Bakit pumunta ang lola at mga bata sa sementeryo?

B.  Gawain Habang Bumabasa:

      Gamitin ang malaking aklat.

       Tanungin ang mga bata sa nakikita nila sa pabalat, may akda at iba pa tungkol  dito.

Pagbasa ng guro sa kuwento:

                        ARAW NG MGA PATAY

     Maagang gumising ang Lola Sayong. Naghanda siya ng kanilang dadalhin papunta sa sementeryo.  Kasama niya ang kanyang dalawang apo na sina Agnes at Angelito.  May dala silang mga kandila at mga bulaklak.  “Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na ito? tanong ng dalawang bata.

   “Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ika-isa ng Nobyembre.  Araw ng mga Patay.  Inaalala natin ang mga yumaong mahal sa buhay tulad ng inyong Lolo Pedring.  Magdadala tayo ng magagandang bulaklak at kandila.  Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa langit.”

         Pagpasok nila sa sementeryo, maraming tao ang may dala-dalang bulaklak at kandila.  “Lola Sayong ang dami po palang pumupunta sa sementeryo kapag araw ng patay at nagsasama-sama ang pamilya,”  ang sabi ni Agnes.  “Kinaugalian na nating mga Pilipino na alalahanin  ang araw ng mga patay tuwing ganitong petsa.  Nagluluto ang pamilya ng iba’t ibang matamis na kakanin tulad ng biko, suman, at binusang pinipig.  At siyempre may kanin at ulam din.

   Pagkatapos magkwentuhan, nagbasa na si Angelito ng mga pangalan na nakasulat sa bawat lapida ng puntod.

“Atty.  Danilo Asnar, Arch. Milagros Casao, Dr.  Maning Juan,  Engr.  Lita Andal”.  Maraming pangalan ang binasa ni Angelito sa mga lapida at sabay sambit kay Lola Sayong.  “Sige Lola sa susunod na taon sasama muli kami.”

C.  Gawain Matapos Bumasa:

   1.  Pagtalakay:

    Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento’

    Saan naganap ang kwento?

    Bakit nagpunta ang mag-lola sa sementeryo?

    2.  Pagsasanay:

       Iguhit ang bagay na naiisip mo kapag naririnig mo ang Araw ng Patay.

IV.  Pagtataya:

       Ikahon ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.

1.  Nagpunta sina Lola Sayong, Agnes at Angelito sa sementeryo.

     Nagdala sila ng bulaklak at kandila sa libingan.

2.  Nag-alay sila ng kandila at bulaklak.

     Inihandog nila ito sa yumaong mahal sa buhay.

3.  Nagmasid si Angelito sa paligid ng sementeryo.

     Tumingin-tingin siya sa mga pangalang nasa lapida.

4.  Masayang umuwi ang mag-lolola.  

     Maligaya nilang inalala ang mga masasayang araw ni Lolo Pedring.

5.  Tuwing ika-isa ng Nobyembre ginugunita ang araw ng Patay.

     Inaalala natin ang mga mahal sa buhay na yumao na.

V.  Kasunduan:

     Ibigay ang kasingkahulugan:

    1.  ipagdasal                2.  kinaugalian

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

(Ikalawang     Araw)

I. Layunin:

II.  PaksangAralin:  Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian

  1. Talasalitaan:Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

  1. Pagbigkas na Wika:  Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati
  2.  Pag-unawa sa Binasa

Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

  1. Katatasan:  Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

  1. Pagsulat:  Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na    Larawan

  1. Kamalayan sa Gramatika:  Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  2. Pagkatha:  Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.
  3. Sanggunian:  K-12 Curriculum  Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide p. 51-60

 Kagamitan:  

Malaking Aklat, larawan, magic box, task card

K.  Pagpapahalaga:  Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain:

        1.  Balik-aral:

            Balikan ang mahahalagang detalye sa kwentong, “Araw ng mga Patay”

           Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento’

       Saan naganap ang kwento?

       Bakit nagpunta ang mag-lola sa sementeryo?

B.  Panlinang na Gawain:

         1. .  Paglalahad:

Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwento.

Bigyang-diin ang pagbasa nang may wastong tono at  pagpapahiwatig ng damdamin.

.  “Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na ito?

   “Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ika-isa ng Nobyembre.

 Araw ng mga Patay.

Inaalala natin ang mga yumaong mahal sa buhay tulad ng inyong Lolo Pedring.

  Magdadala tayo ng magagandang bulaklak at kandila.

 Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa langit.”

       .  “Lola Sayong ang dami po palang pumupunta sa sementeryo kapag araw ng patay at nagsasama-sama ang pamilya,”  

.  “Kinaugalian na nating mga Pilipino na alalahanin  ang araw ng mga patay tuwing ganitong petsa.

 Nagluluto ang pamilya ng iba’t ibang matamis na kakanin tulad ng biko, suman, at binusang pinipig.  

 At siyempre may kanin at ulam din.

. “Sige Lola sa susunod na taon sasama muli kami.”

2.  Pagtalakay:

     Ipasabi ang damdaming isinasaad ng bawat pangungusap.

Hal.

.  “Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na ito?(pagtataka)

  “Sige Lola sa susunod na taon sasama muli kami.”(pananabik)

C.  Pangwakas na Gawain

 1.  Paglalahat:

      Pare-pareho ba ang damdamin ng tauhan sa kwento?

    Tandaan:

     Iba-iba ang nararamdaman ng tauhan batay sa sitwasyon o pangyayari.

Hal.  natutuwa, napapahiya, nagsisisi, naiinis, nagugulat, nagagalit,nagtataka

2.  Pagsasanay:

   Basahin nang may wastong damdamin ang bawat sitwasyon at sabihin ang damdaming ipinahihiwatig:

“Maligayang kaarwan , Inay!”_____

 “Ay, multo!___________

“Umalis ka na!”________

IV.  Pagtataya:

   Basahin nang may wastong tono at damdamin ang mga sumusunod na parirala.

1.  “Alis diyan!”

2. “ Yehey!”

3.  Hoy, bangon!”

4.  “Lumayo ka nga sa akin.”

5.  “Ano ba ang kupad mo!”

V.  Kasunduan:

   Sumulat ng 5 salitang kilos na ginawa nina Agnes at Angelito sa sementeryo.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

(Ikatlong     Araw)

I. Layunin:

nakagagamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.

II.  PaksangAralin:  Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian

  1. Talasalitaan:Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

  1. Pagbigkas na Wika:  Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati
  2.  Pag-unawa sa Binasa

Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

  1. Katatasan:  Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

  1. Pagsulat:  Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na    Larawan

  1. Kamalayan sa Gramatika:  Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  2. Pagkatha:  Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.
  3. Sanggunian:  K-12 Curriculum  Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide p. 51-60

 Kagamitan:  

Malaking Aklat, larawan, magic box, task card

K.  Pagpapahalaga:  Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain:

 1.  Paghahanda:

Laro:  Pahulaan

Tumawag ng piling bata sa harap.

Bulungan ito ng kilos na kanyang gagawin.

Huhulaan ito ng klase.

 Ang makahula ang siya namang magpapahula.

       Ano ang ginagawa mo kapag Araw ng mga Patay?

B.  Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.

Hal.  Nagdarasal kami sa sementeryo.

        Nagdadala kami ng bulaklak.

        Magtitirik kami ng kandila.

       Nagkukuwentuhan kami.

Nagkakainan kami ng mga kamag-anak.

Nagbabasa ng mga pangalan sa lapida.

2.  Pagtalakay:

Anu-anong mga salitang kilos ang ginamit sa bawat pangungusap.

Ikahon ito.

C.  Pangwakas na Gawain

 1.  Paglalahat:

Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw?

    Tandaan:

     Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

2.  Pagsasanay:

   Isakilos:

nagdarasal

naglalaro

nagbabasa

nagkakainan

3.  Malayang Pagsasanay:

   Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilangkaranasan gamit ang salitang kilos.

IV.  Pagtataya:

Isulat sa patlang ang salitang makasalungat ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

1.  Mabilis maubos ang kandila.______

2.  Masaya ang mga tao kung araw ng mga Patay.____

3.  Marami silang baong pagkain.______

4.  Mahal nila ang mga yumao na.______

5.  Sariwa ang dala-dala nilang mga bulaklak._____

V.  Kasunduan:

   Sumulat ng 5 pares ng salitang magkasalungat sa inyong notbuk.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

(Ika-apat na  Araw)

I. Layunin:

nakatutukoy ng mga salitang pinaikli.

II.  PaksangAralin:  Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian

  1. Talasalitaan:Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

  1. Pagbigkas na Wika:  Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati
  2.  Pag-unawa sa Binasa

Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

  1. Katatasan:  Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

  1. Pagsulat:  Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na    Larawan

  1. Kamalayan sa Gramatika:  Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  2. Pagkatha:  Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.
  3. Sanggunian:  K-12 Curriculum  Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide p. 51-60

 Kagamitan:  

Malaking Aklat, larawan, magic box, task card

K.  Pagpapahalaga:  Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain:

 1.  Balik-aral:

                     Natatandaan ba ninyo ang kuwento sa Lola Sayong at sa mga apo niya?

Ano ang huling ginawa ng dalawang bata ng magpunta sila sa sementeryo?

Ano ang binasa nila sa lapida?

B.  Panlinang na Gawain:

1.  Paglalahad:

Isulat sa pisara ang mga pangalang binasa ng mga bata sa lapida.

Atty.  Danilo Asnar

Arch.  Milagros Casao

Dr.  Manng Juan

Engr.  Lita Andal

 Napansin  ba ninyo  ang mga salita sa unahan ng bawat pangalan?

Ipaliwanag:

Atty. – Attorney , tawag sa isang abogado

Arch. – Architect, tawag sa isang arkitekto

Engr. – Engineer , tawag sa isang inhinyero

Dr.  – Doctor, tawag sa isang doctor na lalaki

G.  – Ginoo, tawag sa isang lalaki

Gng. – Ginang, tawag sa isang babae na may asawa

Bb. – Binibini, tawag sa isang babae na dalaga pa

2.  Pagtalakay:

Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang Attorney, Architect,Engineer,Doctor, Ginoo, Ginang, at Binibini?  Paano pinaikli o dinaglat ang bawat isa?

Ano ang tawag sa mga pangalang pinaikli?

C.  Pangwakas na Gawain

 1.  Paglalahat:

Paano tayo nagdadaglat ng pangalan?

    Tandaan:

     Ang mga sumusunod na pangalan ay dinadaglat tulad ng:

     Atty.   , G., Gng. Dra. , Gob., Kap., Engr.

2.  Pagsasanay:

Padiktang pagsulat ng mga dinaglat na salita.

IV.  Pagtataya:

  Pag-ugnayin ng guhit ang mga dinaglat na pangalan sa salitang pantawag.

A                                             B

1.  Gng.                             a.  Kapitan

2.  G.                                 b.  Gobernador

3.  Gob.                             c.  Doktora

4.  Dra.                              d.  Ginoo

5.  Kap.                              e.  Ginang    

V.  Kasunduan:

   Daglatin:

1.  Koronel

2.  Mayor

3.  pangulo

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

(Ikalimang  Araw)

I. Layunin:

Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.

II.  PaksangAralin:  Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian

  1. Talasalitaan:Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

  1. Pagbigkas na Wika:  Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati
  2.  Pag-unawa sa Binasa

Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

  1. Katatasan:  Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

  1. Pagbaybay: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

  1. Pagsulat:  Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na    Larawan

  1. Kamalayan sa Gramatika:  Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  2. Pagkatha:  Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.
  3. Sanggunian:  K-12 Curriculum  Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide p. 51-60

 Kagamitan:  

Malaking Aklat, larawan, magic box, task card

K.  Pagpapahalaga:  Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain

 1.  Balik-aral:

   Lagyan ng bilang 1-5 ang sunod-sunod na ginagawa ng mga tao kung araw ng mga patay:

  ___kumakain

 ____dumadalaw

 ____nagdarasal

  ___nagdadala

____nagbabantay

B.  Panlinang na Gawain:

1.   Paglalahad:

Ilahad ang bugtong:

Bumubuka’y walang bibig

Ngumingiti nang tahimik

Nang umaga’y tikom pa,

Nang tanghali’y humahalakhak  na.(bulaklak)

2.  Pagtalakay:

Tungkol saan ang bugtong?

Mahalaga ba ang bulaklak sa araw ng mga Patay?  Bakit?

C.  Pangwakas na Gawain

 1.  Paglalahat:

Paano tayo nagdadaglat ng pangalan?

    Tandaan:

     Ang mga sumusunod na pangalan ay dinadaglat tulad ng:

     Atty.   , G., Gng. Dra. , Gob., Kap., Engr.

2.  Pagsasanay:

Palikhain ang mga bata ng sariling tugma tungkol sa kanilang karanasan sa araw ng mga patay.

Tingnan ang wastong gamit ng bantas, malaking titik, tamang pasok at kaayusan.

IV.  Pagtataya:

Sumulat ng pangungusap gamit ang salitang kilos tungkol sa larawan.

1.  larawan ng doctor na may ginagamot

Hal. Si Dr. Tecson ay nagoopera ng pasyente.

2.  larawan ng guro

3.  larawan ng kapitan

4.  larawan ng abogado

5.  larawan ng inhinyero

V.  Kasunduan:

Isaulo ang bugtong.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ika-anim Linggo

(Unang    Araw)                                                                              

I. Layunin:

II. Paksa:  Salitang-kilos

1.  Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:   Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo.

2.  Gramatika:  Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Sanggunian:

 K-12  Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 11-13

Panitikang Filipino Ngayon 1 pah. 110-111

Kagamitan:  tsart ng awit “Lubi-lubi” at  tula

III.  Pamamaraan:

1.Paunang Pagtataya:

Anu-anong pagdiriwang ang hindi ninyo malilimutan?

Tumawag ng ilang bata upang isalaysay ang kanilang karanasan gamit ang mga salitang kilos sa pagkukuwento.

2.  Tunguhin

               Sabihin: Ngayong araw , pag-aaralan natin ang tulang “Iba’t Ibang Buwan

3.   Tukoy-Alam:

Ilan ang buwan sa isang taon?

Anu-ano ang mga buwan ng taon?

4. Paglalahad:

A.  Iparinig/Ipabasa ang awit sa tsart.

                          Lubi-lubi.    

                Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

               Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

               Oktubre, Nobyembre, Disyembre.

               Lubi-lubi.  

B.  Ipabasa ang tula:

       Iba’t Ibang Buwan

  Bagong taon ay Enero

  Pebrero’y araw ng puso ko

  Marso, Abril, saka Mayo

  Magbabakasyon naman tayo.

Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan

Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.

Linggo ng Wika’y Agosto naman

At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.

Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo

Nobyembre nama’y sa sementeryo.

Ang Disyembre ay Araw ng Pasko.

Halina’t magbigay ng aginaldo.

5.  Pagtalakay:

             Tungkol saan ang awit? ang tula?

            Ilan ang buwan sa loob ng isang taon?

            Anu-ano ang mga buwan sa isang taon?

            Alam mo ba ang mga ginaganap ng mga  pagdiriwang sa bawat buwan?

6.  Pagtuturo at Paglalarawan:

    Tumawag ng ilang piling bata at tanungin sila kung ano ang paborito nilang pagdiriwang at kung paano nila ito ipinagdiriwang.

Hal.  Pebrero- ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso :  kumakain sa restoran at namamasyal sa mga palaruan.

7.  Paglalahat:

                     Ilan ang buwan sa loob ng isang taon?

                  Anu-ano ang mga buwan sa isang taon?

         Tandaan:  

        May 12 na buwan sa isang taon.

               Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

               Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

               Oktubre, Nobyembre, Disyembre.

IV.  Pagtataya:

        Tumawag ng mga batang magbabahagi ng kanilang karanasan gamit ang mga salitang kilos.

V.  Kasunduan:

Piliin ang buwan na di mo malilimutan.  Isulat ang isang karanasang di mo malilimutan tungkol dito.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong  Markahan

Ika-anim  Linggo

(Ikalawang     Araw)                                                                              

I. Layunin:

II.  Paksa:  Salitang-kilos

     1.  Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:   Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo.

    2.  Gramatika:  Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Sanggunian:

 K-12  Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 11-13

Panitikang Filipino Ngayon 1 pah. 110-111

Kagamitan:  larawang nagpapakita ng salitang kilos, larawang kuha mula sa iba’t ibang pagdiriwang ng mga festivals

III.  Pamamaraan:

     1.Paunang Pagtataya:

Anu-ano ang mga pagdiriwang na ginaganap sa bawat buwan?

    2.  Tunguhin

               Sabihin: Ngayong araw , pag-aaralan natin ang mga pagdiriwang/festival na ginaganap  sa bawat buwan.

3.   Tukoy-Alam:

Anu-anong mga festival ang nasaksihan  na ninyo?

Kailan ito ginanap?

4. Paglalahad:

  Gamit ang larawan ipakita ang iba’t ibang festival na ginaganap sa mga buwan ng taon:

   Enero – Ati-atihan Festival ng Cebu (Sto. Nino)

   Pebrero – Pinagbenga Festival sa Baguio

5.  Pagtalakay:

Ano ang ginagawa ng mga tao sa Sto. Nino festival?

Paano ipinagdiriwang ang Pinagbenga Festival sa Lungsod ng Baguio?

6.  Pagtuturo at Paglalarawan:

    Tumawag ng ilang piling bata upang ilarawan at ikwento ang kanilang karanasan at saloobin  tungkol sa pagdiriwang na kanilang nadaluhan.

Isulat sa pisara ang mga payak na pangungusap na may salitang kilos ng ibinigay ng mga bata.

   5.  Paglalahat:

Ano ang payak na pangungusap?

         Tandaan:  

Ang payak na pangungusap ay may isang simuno at isang panag-uri.

Hal.

Sumayaw kami ng ati-atihan.

Nakita namin ang magagandang bulaklak.

Lumakad kami sa kalye.

IV.  Pagtataya:

        Bumuo  ng isang payak na  pangungusap tungkol sa bawat larawan.

1.  larawan ng mga taong may dalang kandila

2.  larawan ng mga tao sa plasa

3.  larawan ng mga taong nagsasayaw sa kalye

4.  larawan ng mga taong pumapalakpak

5.  larawan ng mga taong umaakyat sa palosebo.

V.  Kasunduan:

Isaulo ang tulang “Iba’t Ibang Buwan.  Humanda sa isahang pagbigkas bukas.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong  Markahan

Ika-anim  Linggo

(Ikatlong     Araw)                                                                              

I. Layunin:

II.  Paksa:  Salitang-kilos

     1.  Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:   Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo.

    2.  Gramatika:  Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Sanggunian:

 K-12  Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 11-13

Alab ng Wikang Filipino I pah. 313

Kagamitan:  larawan ng isang piling pagdiriwang sa pamayanan (pista ng bayan), tsart ng kwento

III.  Pamamaraan:

1.Paunang Pagtataya:

Anu-ano ang mga pagdiriwang na ginaganap sa ating bayan?

2.  Tunguhin

      Sabihin: Ngayong araw , ay isasalaysay natin ang iba’t ibang paraan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa ating pamayanan.

3.   Tukoy-Alam:

Kailan ginaganap ang pista ng ating bayan?

4. Paglalahad:

  Iparinig ang kwento:

  PISTA NI SAN JUAN BAUTISTA

Mausisang bata si Ana.  Isang Sabado binuksan niya ang radio at ito ang kanyang narinig.

Kasalukuyang nagdiriwang ng kapistahan ang mga tao dito sa San Juan.  Maraming tao ang nasa kalye at nanonood ng basaan.

Ana:  Inay, paano po ba ipinagdiriwang ng mga tao ang pista ni San Juan?

Nanay:  Makinig ka at ikukuwento ko sa iyo.

Nanay:  Kilala mo ba si Juan Bautista?

Ana:  Hindi po , Inay.  Sino po ba siya?

Nanay:  Siya ang nagbinyag kay Hesus sa ilog Jordan.

Ana:  Kailan po ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan?

Nanay:  Tuwing ika-24 ng Hunyo ang kapistahan ni San Juan Bautista.

Ana:  Paano poi to ipinagdiriwang?

Nanay:  Naglalagay ngmakukulay na  banderitas ang mga tao sa kalye ng bawat barangay.  Ipinuprusisyon nila ang imahe ni San Juan Bautista sa gabi ng araw ng kanyang kapistahan.

Nagsisimba ang mga tao para magpasalamat.

Naghahanda ng iba’t ibang masasarap na kakanin ang mga nanay.

Ang mga kabataan naman ay magugulong  nagbabasaan sa kalye.  Binabasa nila ang mga taong nagdaraan bilang paggunita sa pagbibinyag na ginagawa ni San Juan Bautista.

Nagdaraos din sila ng mgamasasayang  palaro para sa mga kabataan.

Ana:  Naku ang saya-saya pala sa San Juan kapag pista.

Nanay:  Oo, maraming tao ang nagpupunta kahit sila’y binabasa o sinasabuyan ng tubig.

5.  Pagtalakay:

     Saang lugar ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Bautista?

  Kailan ipinagdiriwang ang kapistahan niya?

   Paano ipinagdiriwang ng mga taga-San Juan ang kanyang kapistahan?

6.  Pagtuturo at Paglalarawan:

Ipakita ang mga pangungusap na tungkol sa pista ni San Juan Bautista at ipabasa:

Naglalagay ng makukulay na banderitas ang mga tao.

Nagdaraos ng masasayang palaro sa plasa.

Naghahabulan para magbasaan ang magugulong mga kabataan.

Anu-anong salita ang ginamit upang ilarawan kung paano idinaraos ang mga pagdiriwang?

   5.  Paglalahat:

   Anong salita ang ginamit upang ilarawan ang pagdiriwang?

Tandaan:

Gumagamit tayo ng mga pang-uri o salitang naglalarawan upang ilarawan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng kapistahan o pagdiriwang.

6.  Kasanayang Pagpapayaman:

        Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang pista na kanyang nasaksihan gamit ang mga pang-uri sa paglalarawan.

hal.  Noong pista sa aming barangay, kami ay nagpakita ng magandang sayaw  kasama ng aking mga maliliksing kaibigan.

IV.  Pagtataya:

Gamitin ang salitang pang-uri na maglalarawan sa pagdiriwang.  Ikahon ang mga ito.

1.  (Malakas, Mahina, Matinis ) ang tunog ng mosiko sa

      kalye habang pumaparada.

2.  Kumekembot ang (matatanda, magaganda, mapapandak) na mga bastonera.

3.  Umaamoy ang (panis, sunog, masasarap) na iba’t ibang putahe na niluluto sa bahay-bahay.

4.  Nangunguna sa parada ang ( matamlay, makisig, mayabang) na punong-bayan.

5.  Napapalamutian ng (itim, asul, makukulay) na bulaklak ang bawat karosa.

V.  Kasunduan:

Sumulat ng 5 pangungusap na may pang-uri na maglalarawan sa pista ng inyong barangay.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong  Markahan

Ika-anim  Linggo

(Ika-apat na    Araw)                                                                              

I. Layunin:

II.  Paksa:  Salitang-kilos

     1.  Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:   Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo.

    2.  Gramatika:  Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Sanggunian:

 K-12  Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 11-13

Alab ng Wikang Filipino I pah. 313

Kagamitan:  larawan ng iba’t ibang pagdiriwang

tsart ng kwento

III.  Pamamaraan:

     1.Paunang Pagtataya:

Anu-ano ang mga pagdiriwang na ginaganap sa ating bayan?

    2.  Tunguhin

               Sabihin: Ngayong araw , ay isasadula  natin ang iba’t ibang paraan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa iba’t ibang lungsod.

3.   Tukoy-Alam:

Paano ginaganap ang bawat pagidiriwang sa iba’t ibang blungsod?

4. Paglalahad:

     Ipakita ang pagdiriwang na ginaganap sa iba’t ibang lungsod:

Ati-atihan Festival

Maskara Festival

Penagbenga Festival

Singkaban festival

Higantes festival

6.  Pagtuturo at Paglalarawan:

Paano ginaganap ang bawat festival?

   5.  Paglalahat:

   Anong salita ang ginamit upang ilarawan ang pagdiriwang?

Tandaan:

Gumagamit tayo ng mga pang-uri o salitang naglalarawan upang ilarawan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng kapistahan o pagdiriwang.

6.  Kasanayang Pagpapayaman:

        Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang pista na kanyang nasaksihan gamit ang mga pang-uri sa paglalarawan.

IV.  Pagtataya:

   Pagtatanghal ng bawat pangkat para ipakitaang pagdiriwang ng bawat lungsod.

Pangkat 1- Flower Festival

Pangkat 2 -  Obando Festival

Pangkat 3 – Ati-atihan Festival

V.  Kasunduan:

 Gumuhit ng isang kasuotan o props na ginagamit sa isa sa mga pagdiriwang na napag-aralan na.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong  Markahan

Ika-anim  Linggo

(Ikalimang    Araw)                                                                              

I. Layunin:

II.  Paksa:  Salitang-kilos

     1.  Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:   Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo.

    2.  Gramatika:  Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Sanggunian:

 K-12  Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 11-13

Alab ng Wikang Filipino I pah. 313

Kagamitan:  larawan ng iba’t ibang pagdiriwang

tsart ng kwento

III.  Pamamaraan:

     1.Paunang Pagtataya:

Anu-ano ang mga pagdiriwang na ginaganap sa ating bayan?

    2.  Tunguhin

               Sabihin: Ngayong araw , ay ilalarawan nnyo ang iba’t ibang karanasan ng inyong mga kamag-aral gamit ang mga salitang kilos.

3.   Tukoy-Alam:

Paano ginaganap ang bawat pagidiriwang sa iba’t ibang lungsod?

4. Paglalahad:

Pag-usapan muli ang mga karanasan ng mga bata tingkol sa mga pagdiriwang na kanilang nasaksihan.

6.  Pagtuturo at Paglalarawan:

Paano ginaganap ang bawat festival?

   5.  Paglalahat:

   Anong salita ang ginamit upang ilarawan ang pagdiriwang?

Tandaan:

Gumagamit tayo ng mga pang-uri o salitang naglalarawan upang ilarawan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng kapistahan o pagdiriwang.

6.  Kasanayang Pagpapayaman:

        Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang pista na kanyang nasaksihan gamit ang mga pang-uri sa paglalarawan.

IV.  Pagtataya:

  Ipalarawan sa mga mag-aaral ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilos.

Hal.  Si Kevin ay umakyat sa palosebo.

         Si Vernard ay humuli ng kulig.

         Si Michelle ay sumayaw sa plasa.

V.  Kasunduan:

 Iguhit ang sasakyang naghahatid sa iyo papunta sa paaralan.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

( Unang  Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan.

- pagiging disiplinado

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A.  Aralin 1:  Mga Alituntunin sa Silid-aralan

B.  Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

    Teacher’s Guide pp.

    Activity Sheets pp.

Alab ng Wikang Filipino I pah. 405-407

C.  Kagamitan:

     larawan , tsart ng kwento

D.  Integrasyon ng aralin sa ESP, Art  at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

  1. Balik-aral:

Ibigay ang tamang katwiran sa pagtupad sa bawat alituntunin.

      - gumagamit ka ng basurahan dahil_____

      - nagsusuot ka ng ID para ________

      - nagpapaalam ako sa guro bago lumabas

         ng silid-aralan dahil____

      2.  Pagtsetsek ng Kasunduan

          Bigkasin ang pangako

3. Pagganyak:  

            Magpakita ng bituin na may nakasulat na

            “Very Good” sa loob nito.

            Nais ba ninyong mabigyan ng ganitong

             papuri sa klase?

        Bakit ba nabibigyan ang isang bata ng ganitong

               gantimpala?    

  B.  Panlinang na Gawain:

  1. Paunang Pagtataya:

      Itanong:  

Anu-ano ang  mga alituntunin sa silid-aralan?

      2.  Paglalahad:

        Ipabasa ang kwento:

                ANG CLASS LEADER

     Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral ni G. Tuason nang mapiling “Class Leader”  si Alex.  Siya kasi ang pinakamabait at pinakamatalino sa kanilang klase.

   Isang araw kahit na may kalakasan ang ulan si Alex ay pumasok pa rin.  Huli na ng malaman niya na nag-anunsiyo na si Bb.  Santos, ang punong-guro ng paaralan na suspendido ang klase.  Ngunit marami na ang nakapasok kaya’t nagkakagulo ang mga mag-aaral na nagpupumilit nang makauwi.

    “Aba, si Alex!”  ang puna ng punong-guro.

“Inaalalayan niya ang kanyang mga kamag-aaral, kaybait na bata!”

    “Dito ninyo ilagay ang inyong mga  bag para hindi sagabal sa mga dumaraan,” paalala ni Alex sa mga munting mag-aaral.

“Huwag kayong titigil sa hagdanan.  Baka madulas kayo.”

    Ilang sandali pa’y umunti na ang mga batang naghihintay ng sundo.  Putikan na ang sapatos si Alex.  Pati ang polo niya ay narumihan na rin.

Nakangiti pa rin si Alex.  Wala siyang reklamo.

    “Alex, binabati kita! masayang sinabi ni Gng. Sevilla. ikaw  ang “Huwaran ng Disiplina” sa ating paaralan.

Ikaw lamang ang “Class Leader” na naririto.  Sana dumami pa ang tulad mo!

   “Maraming salamat po.  Tungkulin ko pong tumulong sa aking mga kamag-aaral.”

3.  Pagtalakay:

   Bakit si Alex ang napiling class leader?

   Sino si Bb. Santos?Paano tinulungan ni Alex ang kanyang mga kamag-aaral?

Anong halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan ang ipinakita sa kwento?

 4.  Paglalahat:

Anong halimbawa sa silid-aralan ang nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May mga alituntunin sa silid-aralan na  dapat sundin ng mga mag-aaral.

- pumasok sa paaralan araw-araw

-sundin ang tuntunin sa maayos na pag-uwi

      (huwag magtulakan at magtakbuhan)

-hintayin ang sundo o huwag lalabas ng silid-aralan kung wala pa ang sundo

-panatilihin ang disiplina sa lahat ng pagkakataon

5.  Paglalapat:  

Magbigay ng mga alituntunin sa silid-aralan na nasunod mo na.

Ano ang sinabi sa iyo ng iyong guro?

Napasaya mo ba ang iyong guro?  Bakit?

IV.  Pagtataya:

  Magbibigay ako premyo sa lahat ng mga bata na makapagbibigay ng halimbawa ng pagsunod na ginawa ninyo sa mga alituntunin sa silid-aralan.

V.  Kasunduan

     Sumulat ng 5 alituntunin sa silid-aralan na nasunod mo nang mabuti at gumuhit ng isang bituin sa ilalim ng bawat alituntunin na nasunod mo.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

( Ikalawang  Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan/paaralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A.  Aralin 1:  Mga Alituntunin sa Silid-aralan

B.  Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

    Teacher’s Guide pp.

    Activity Sheets pp.

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa

Aklat A pagsasanay 20

C.  Kagamitan:

     larawan , tsart ng kwento

D.  Integrasyon ng aralin sa ESP, Art  at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

  1. Balik-aral:

            Magbigay ng mga alituntunin sa silid-aralan    na nasunod mo na.

      2.  Pagtsetsek ng Kasunduan

3. Pagganyak:  

            Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?

  B.  Panlinang na Gawain:

  1. Paunang Pagtataya:

      Itanong:  

Anu-ano ang  mga alituntunin sa silid-aralan/paaralan?

      2.  Paglalahad:

        Ipabasa ang kwento:

                Ngayon ay Lunes ng umaga.  Isang kotse ang tumigil sa harap ng paaralan.  Ang mga tao sa kalsada ay tumigil din.  Ang isang matanda ay nag-alis ng sombrero.

  Ang mga bata ay kumanta ng Lupang Hinirang.  Isang batang iskaut ang gumanap ng pagtataas ng watawat.

    Pagkatapos, umandar din ang kotse.  Ang mga tao ay nagpatuloy na rin sa paglakad.  Ang mga bata ay pumasok na sa kani-kanilang silid-aralan.

3.  Pagtalakay:

   Tungkol saan ang kwento?

   Bakit tumigil ang mga tao sa paglalakad?

   Anong alituntunin sa paaralan o silid-aralan ang itinuro sa kwentong nabasa o narinig?

Mahalaga ba na sundin ang alituntuning ito sa pagtataas ng watawat at pag-awit ng pambansang awit?  Bakit?

Ano ang ipinakikita ng pagsunod sa alituntunin?

4.  Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May mga alituntunin sa silid-aralan na  dapat sundin ng mga mag-aaral kung itinataas ang watawat ng Pilipinas at inaawit ang Lupang Hinirang dapat na:

- huminto kung naglalakad

- alisin ang sombrero kung nakasuot nito

- huminto kung nakasakay sa sasakyan

- sumabay sa pag-awit

5.  Paglalapat:  

Pagpapakitang kilos nang pangkatan sa alituntunin na dapat sundin sa paaralan o silid-aralan.

IV.  Pagtataya:

  Lagyan ng √ kung nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin ng paaralan/silid-aralan at X kung hindi.

___1.  Nagtatakbuhan  ang mga bata habang itinataas ang watawat.

___2.  Inaalis ang payong habang itinataas ang watawat.

___3.  Nakikiisa sa pag-awit ng pambansang awit.

___4.  Nakikipag-usap sa katabi habang ginaganap ang Flag Ceremony.

___5.  Huminto kapag narinig ang pag-awit.

V.  Kasunduan

  Alamin:

Bakit kaya kapag inaawit ang Lupang Hinirang ay inilalagay natin ang ating kanang kamay sa tapat ng ating kaliwang dibdib? Interbyuhin ang mga magulang o nakatatandang kapatid tungkol dito.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

( Ikatlong  Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan/paaralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A.  Aralin 1:  Mga Alituntunin sa Silid-aralan

B.  Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

    Teacher’s Guide pp.

    Activity Sheets pp.

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa

Aklat A pagsasanay 33

C.  Kagamitan:

     larawan , tsart ng kwento

D.  Integrasyon ng aralin sa ESP, Art  at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

  1. Balik-aral:

  Lagyan ng √ kung nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin ng paaralan/silid-aralan at X kung hindi.

___a.  Nagtatakbuhan  ang mga bata habang itinataas ang watawat.

___b.  Inaalis ang payong habang itinataas ang watawat.

___c.  Nakikiisa sa pag-awit ng pambansang awit.

___d. Nakikipag-usap sa katabi habang ginaganap ang Flag Ceremony.

___e.   Huminto kapag narinig ang pag-awit.

2. Pagganyak:  

            Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?

  B.  Panlinang na Gawain:

  1. Paunang Pagtataya:

      Itanong:  

Paano kung hindi mo alam ang sagot sa pagsusulit?  Ano ang gagawin mo?

      2.  Paglalahad:

        Ipabasa ang kwento:

       Nagbibigay ng pagsusulit sa mga batang nasa Ikalawang baitang si Bb.  Lopez nang tawagin siya ng punong-guro.

    “Sagutin ninyo ang pagsusulit, kahit na nasa labas ako,” ang sabi ni Bb.  Lopez sa kanyang mga mag-aaral.

    Pagkalabas ni Bb.  Lopez sa silid-aralan ay nagopya na sa kani-kanilang kuwaderno ang mga bata.

    Si Carlos lamang ang hindi nangopya sa kanyang kuwaderno.

    “Bakit hindi ka mangopya sa kuwaderno mo, Carlos?”  ang tanong ni Ben.

    “Dapat ay mangopya ka rin kagaya naming lahat,”  ang sabi ni Cristy.

    “Hindi, kahit na mababa ang makuha kong marka, hindi ako mangongopya,”  ang sagot ni Carlos.

3.  Pagtalakay:

   Ano ang ginagawa ng mga bata sa ikalawang baitang?

Bakit umalis ang guro?

Ano ang ginawa ng mga bata pagkaalis ng guro?

Sino lamang ang hindi nangopya?

Bakit ayaw mangopya ni Carlos?

Anong ugali ang ipinakita niya?

Anong alituntunin ang dapat sundin sa loob ng silid-aralan?

4.  Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May mga alituntunin sa silid-aralan na  dapat sundin ng mga mag-aaral tulad ng mga:

Iwasan ang mangopya kung may pagsusulit

Tahimik na sagutan ang pagsusulit.

Sundin ang wastong pagpapasa ng papel kung tapos na sa pagsagot sa pagsusulit.

5.  Paglalapat:  

   Lutasin:

Hindi nakapag-aral ng leksiyon si Bella dahil napuyat siya sa kapapanood ng telebisyon. Kaya nangopya na lamang siya ng sagot sa katabi.  Tama ba ang ginawa niya?

IV.  Pagtataya:

Sagutin:

Anu-ano ang mga alituntunin na dapat mong sundin kapag may pagsusulit?

V.  Kasunduan

Pangako:  Hindi baling mababa ang makuhang marka sa pagsusulit huwag lamang mangopya o mandaya.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

( Ika-apat na  Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan/paaralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A.  Aralin 1:  Mga Alituntunin sa Silid-aralan

B.  Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

    Teacher’s Guide pp.

    Activity Sheets pp.

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa

Aklat A pagsasanay 14

C.  Kagamitan:

     larawan , tsart ng kwento

D.  Integrasyon ng aralin sa ESP, Art  at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

  1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga alituntunin na dapat mong sundin kapag may pagsusulit?

2. Pagganyak:  

Sino sa inyo ang nais na makakuha ng medalya?

Paano mo kaya matutupad ang iyong pangarap?

Ano kaya ang dapat mong gawin?

  B.  Panlinang na Gawain:

  1. Paunang Pagtataya:

      Itanong:  

Bakit ka dapat mag-aral na mabuti?

      2.  Paglalahad:

        Ipabasa ang kwento:

    Pagdating ni Nelson sa bahay ay hinanap niya agad ang Nanay niya.  Binuksan niya ang bag niya at may kinuhang mga papel.

    “Nanay!  Nanay!  nasaan ka?”  ang tawag ni Nelson.

    “Nandirito lamang ako sa kusina, anak!”  ang sagot ng Nanay.

    “Nanay, tingnan ninyo ang mga test papers ko.  Matataas ang nakuha kong marka sa pagsusulit namin sa Matematika at Pagbasa.”

    “Alam  mo ba kung bakit matataas ang nakuha mong marka sa inyong pagsusulit?”  tanong ng Nanay.

     “Opo, alam ko, Nanay.  Nag-aral akong mabuti ,”  ang sabi ni Nelson.

3.  Pagtalakay:

Sino ang batang umuwing tuwang-tuwa?

Bakit nais niya na maipakita agad sa nana yang mga test papers niya?

Paano raw nakuha ni Nelson ang matataas na marka?

Kaya mo bang gayahin ang ginawa ni Nelson?

Anong alituntunin sa paaralan ang natutuhan mo sa kwento?

4.  Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May mga alituntunin sa silid-aralan na  dapat sundin ng mga mag-aaral tulad ng:

Mag-aral na mabuti .

5.  Paglalapat:  

   Lutasin:

Gabi-gabi ay nag-aaral ng kanyang leksiyon si Nova.

Ano sa palagay mo ang makukuha niyang marka?

IV.  Pagtataya:

Alin ang nagpapakita ng mabuting pag-aaral?

Bilugan ang mga bilang.

1.  Naglalaro habang nagsusulat.

2.  Nagbabasa ng mga aralin gabi-gabi.

3.  Nag-aaral ng leksiyon bago matulog.

4.  Nanonood ng telebisyon maghapon.

5.  Nagbabasa ng mga kwento kapag may libreng oras para madagdagan ang kaalaman.

V.  Kasunduan

Pangako:  mag-aaral akong mabuti.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na  Linggo

( Ikalimang  Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod sa mga alituntunin sa silid-aralan/paaralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A.  Aralin 1:  Mga Alituntunin sa Silid-aralan

B.  Sanggunian:

 Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

    Teacher’s Guide pp.

    Activity Sheets pp.

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa

Aklat A pagsasanay 28

C.  Kagamitan:

     larawan , tsart ng kwento

D.  Integrasyon ng aralin sa ESP, Art  at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

  1. Balik-aral

Alin ang nagpapakita ng mabuting pag-aaral?

Bilugan ang mga bilang.

a.  Naglalaro habang nagsusulat.

b.  Nagbabasa ng mga aralin gabi-gabi.

c.  Nag-aaral ng leksiyon bago matulog.

d.  Nanonood ng telebisyon maghapon.

e.  Nagbabasa ng mga kwento kapag may libreng oras para madagdagan ang kaalaman.

2. Pagganyak:  

Ano ang dapat mong gawin kung wala ang iyong guro sa silid-aralan?

B.  Panlinang na Gawain:

  1. Paunang Pagtataya:

      Itanong:  

Dapat bang laging kayong bantayan ng inyong guro para gumawa kayo nang mabuti at maayos?

      2.  Paglalahad:

        Ipabasa ang kwento:

     Si Gng.  Ablaza at Bb.  Castro ay mga guro ng ikalimang baitang.  Isang araw, habang pinag-uusapan nila si Myrna ay dumating ang punong-guro.

     “Narinig kong marami kayong pinag-uusapan tungkol kay Myrna,”  ang sabi ng punong-guro.

    “Natutuwa ako kay Myrna.  Gumagawa siyang mabuti kahit wala ako sa kuwarto.  Mabuti siyang pasimuno o lider,”  ang sabi ni Bb.  Castro.

    “Si Myrna ang pinakamarunong sa klase ko sa pananahi.  Nakagawa siya ng magandang panyo.  

Nananahi siya ngayon ng isang damit para sa maliit niyang kapatid na babae,”  ang sabi ni Gng.  Ablaza.

3.  Pagtalakay:

Bakit napupuri ng mga guro si Myrna?

Paano ka dapat kumilos kung wala ang guro sa loob ng silid-aralan?

4.  Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May mga alituntunin sa silid-aralan na  dapat sundin ng mga mag-aaral tulad ng:

Maging mabait kahit wala ang guro sa silid-aralan.

Gumawa nang mabuti kahit walang nakabantay sa iyo.

5.  Paglalapat:  

   Lutasin:

Wala ang iyong guro sa silid-aralan dahil kailangan niyang dumalo sa isang agarang pagpupulong.

Ano ang dapat ninyong gawin?

IV.  Pagtataya:

Salungguhitan ang lahat ng iyong gagawin kung wala ang iyong  guro sa silid-aralan:

1.  magpapalipat-lipat ng upuan

2.  makikipag-away sa katabi

3.  lalabas ng silid-aralan

4.  mananatili sa aking upuan

5.  magbabasa na lamang ng aklat

6.  guguhit na lamang ng mga larawan

7.  mag-iingay

8.  maglalaro

9.  tahimik na maghihintay sa guro

10.  makikipaghabulan sa loob ng silid-aralan

V.  Kasunduan

 Lutasin:

Ano kaya ang mangyayari kung hindi natin susundin ang mga alituntunin sa silid-aralan?

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Unang  Araw)

I.  Mga layunin:

II.  Paksa

   A.  Aralin 26:  Number and Attribute Patterns

   B.  Sanggunian:  Gabay sa Pagtuturo pah.

                              Curriculum Guide pah. 12

                           Gabay ng Guro pah. 49-52

        Pupils’ Activity Sheet pp.____

   C.  Kagamitan:  larawan ng clown at medyas na may guhit, payong na may stripe

   D.  Pangunang Konsepto at Kakayahan:        

Pagkilala at Pagpapaliwanag sa mga Simpleng Inuulit na Disenyo

III.  Pamaraan

    A.  Panimulang Gawain

         1.  Balik-aral:

    Gamit ang may luping karton , tumawag ng isang bata upang muling ipakita kung paano ang wastong paggawa ng kahon.

        2.  Pagganyak:    

Nakapunta na kayo sa isang birthday party?

Anu-ano ang mga bagay na nakita ninyo sa party?

Ipakita sa mga bata ang 2 payaso.

Anu-anong kulay ang nakikita ninyo sa damit ng mga payaso?

Anu-anong mga hugis?

Aling mga hugis ang inuulit? kulay na inuulit?

B.  Paglalahad:

   1.    Ipakita ang stripe na payong na may kulay na pula at dilaw.

Anong kulay ang nakikita ninyo?

   2.  medyas na stripe

May nakikita ba kayong disenyong inuulit sa mga bagay na ito? (linya at kulay)

dilaw-pula-asul-dilaw-pula-asul-dilaw-pula-asul

Ipalakpak natin ang inuulit na disenyo tulad ng:

      dilaw  -    pula   -     asul

palakpak-palakpak-padyak

C.  Pagsasagawa ng Gawain:

      Tingnan mabuti ang disenyo mula kaliwa pakanan.  Tingnan ninyo ang pagbabago? Alin ang hindi nagbago?

D.  Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Ano ang dapat mong gawin para makilala ang disenyo o pattern?

Pareho ba ang mga hugis? Pareho ba ang mga kulay?

Alin ang nagbago?  Ano kaya ang susunod ?

F.  Paglalahat

Paano nakikilala  ang isang  disenyo o pattern?

Tandaan:

 Nagkakaroon ng pattern kung may bagay na inuulit ng maraming beses ; maaring itong hugis, kulay, bilang o oryentasyon.

G.  Paglalapat:

Tingnan ang pattern .  Iguhit sa linya ang kasunod:

                                                                 _____

                                                                   ____

  IV.  Pagtataya:  

  Kilalanin ang susunod na pattern.  Ikahon ito.

1.                                                             -  

2.                                                  -

3.                                 -

4.                                               -

5.  

V.  Kasunduan

    Isulat ang kasunod ng pattern:

1.  10   20   30   40 ____

2.  1  2   4  7  11 16 ____

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Ikalawang  Araw)

I.  Mga layunin:

II.  Paksa

   A.  Aralin 27:  Number and Attribute Patterns

   B.  Sanggunian:  Gabay sa Pagtuturo pah.

                              Curriculum Guide pah. 12

                           Gabay ng Guro pah. 49-52

        Pupils’ Activity Sheet pp.____

   C.  Kagamitan:  larawan ng clown at medyas na may guhit, payong na may stripe

   D.  Pangunang Konsepto at Kakayahan:        

Paggawa ng Pattern ng mga Hugis, Kulay at Bilang

III.  Pamaraan

    A.  Panimulang Gawain

         1.  Balik-aral:

    Paano nakikilala  ang isang  disenyo o pattern?

        2.  Pagganyak:

Magpakita ng pangkat ng mga larawan.

Ipatukoy ang naiiba habang umaawit.

Hal.  bulak, bulak, bulaklak, bola, bulakkal.  

Awit:  Alin ang Naiiba?

    Alin, alin, alin ang naiba? (2x)

B.  Paglalahad:

   Ipakita sa mga bata ang gagamitin sa gawain.

Ngayon ay gagawa kayo ng pattern gamit ang mga cut-outs na nakalagay sa envelope.

Kasama ng  inyong mga kapangkat gagawa kayo ayon sa pattern na nakalaan sa inyong pangkat.

C.  Pagsasagawa ng Gawain:

      Pangkat 1 – mga Hugis

      Pangkat 2 – Kulay

      Pangkat 3 – bilang/letra

D.  Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Tawagin ang lider ng bawat pangkat upang ipaliwanag kung paano nila nabuo ang pattern.

Hal. Ayon sa hugis

   Ayon sa kulay

Ayon sa bilang

2   4   6   8   10

F.  Paglalahat

Tandaan:

 Nagkakaroon ng pattern kung may bagay na inuulit ng maraming beses ; maaring itong hugis, kulay, bilang o oryentasyon.

G.  Paglalapat:

Tingnan ang pattern .  Iguhit sa linya ang kasunod:

1.  A  A   B  B  C  C  _____

2.  15   25   35  45  ______

3.  C:\Program Files\Microsoft Office\MEDIA\CAGCAT10\j0212957.wmfC:\Program Files\Microsoft Office\MEDIA\CAGCAT10\j0216858.wmfC:\Program Files\Microsoft Office\MEDIA\CAGCAT10\j0212957.wmf_____

  IV.  Pagtataya:  

Pumili ng 5 hugis sa kahon at gumawa ng pattern.

V.  Kasunduan

  Magdala ng kalendaryo bukas.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Ikatlong  Araw)

I.  Mga layunin:

nasasabi ang bilang ng araw sa isang linggo

II.  Paksa

   A.  Aralin 28:  Mga Araw sa Isang Linggo

   B.  Sanggunian:  Gabay sa Pagtuturo pah.

                              Curriculum Guide pah. 12

                           Gabay ng Guro pah. 53-54

        Pupils’ Activity Sheet pp.____

   C.  Kagamitan:  plaskard ng ngalan ng mga araw , kalendaryo, tsart ng kwento

   D.  Pangunang Konsepto at Kakayahan:        

Pagsasabi ng bilang ng araw sa isang linggo ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

III.  Pamaraan

    A.  Panimulang Gawain

         1.  Balik-aral:

Laro:  Gamit ang mga cut-out ng mga hugis

          Pagawain ang bawat pangkat ng pattern.

        2.  Pagganyak:

Ano ang ginagawa ninyo sa bahay para makatulong sa inyong mga magulang?

B.  Paglalahad:

Ipabasa ang kwento:

                 ANG MGA GAWAIN KO

    Nag-aaral ako tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.

Sa araw ng Sabado, tumutulong naman ako sa ina at ama ko. Sa araw ng Linggo, nagsisimba naman ako.

C.  Pagsasagawa ng Gawain:

Guhitan mula sa kwentong narinig/binasa ang mga ngalan ng araw sa isang linggo.

D.  Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

   Kailan naglilinis ng bahay ang bata?__________

  Ano ang ginagawa niya mula Lunes hanggang Biyernes?

Kailan sila nagsisimba?

F.  Paglalahat

  Ilan ang mga araw sa isang linggo?

Tandaan:

 May pitong araw sa isang linggo.

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkule, Huwebes, Biyernes at Sabado.

G.  Paglalapat:

      Itambal ang ngalan ng araw sa gawain :

Pagsisimba

Paglalaro

Pag-aaral

Pamamalengke

IV.  Pagtataya:  

    Tawaging isa-isa ang mga bata at ipasabi ang bilang ng araw at wastong pagkakasunud-sunod ng mga ito.

V.  Kasunduan

  Gumupit sa lumang kalendaryo ng ngalan ng mga araw sa isang linggo at idikit sa inyong notbuk.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Ika-apat na  Araw)

I.  Mga layunin:

II.  Paksa

   A.  Aralin 29:  Mga Araw sa Isang Linggo

   B.  Sanggunian:  Gabay sa Pagtuturo pah.

                              Curriculum Guide pah. 12

                           Gabay ng Guro pah. 53-54

        Pupils’ Activity Sheet pp.____

   C.  Kagamitan:  plaskard ng ngalan ng mga araw , kalendaryo, tsart ng kwento

   D.  Pangunang Konsepto at Kakayahan:        

Pagsasabi ng bilang ng araw sa isang linggo ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

III.  Pamaraan

    A.  Panimulang Gawain

         1.  Balik-aral:

Ilan ang mga araw sa isang linggo?

Anu-anoang mga ito?

        2.  Pagganyak:

        Awit:  There are Seven Days

B.  Panlinang na Gawain:

    1.  Paglalahad:

          Gumamit ng larawan ng bata.

Ipakilala.  Ito si Nico.  Gusto niyang sumali sa camping bukas.  Inihanda na niya kahapon ang kanyang mga gamit.  Kung ngayon ay Biyernes.

  a.  Anong araw siya naghanda ng mga dadaling gamit?

     b.  Anong araw siya pupunta sa camping?

C.  Pagsasagawa ng Gawain:

Isulat ang mga araw sa isang linggo sa pisara:

LINGGO, LUNES, MARTES, MIYERKULES

HUWEBES, BIYERNES AT SABADO

D.  Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

     Kung ngayong araw ay Biyernes, ating alamin kung:

   Anong araw naghanda ng mga gamit si Nino?

 Anong araw siya pupunta sa camping?

     Biyernes ngayon.

Anong araw ang nauuna sa Biyernes? (Huwebes)

Anong araw pagkatapos ng Biyernes? (Sabado)

Kung gayon, naghanda si Nico ng gamit noong Huwebes at pupunta siya sa camping sa Sabado.

F.  Paglalahat

  Ilan ang mga araw sa isang linggo?

Tandaan:

 May pitong araw sa isang linggo

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkule, Huwebes, Biyernes at Sabado.

G.  Paglalapat:

Laro:  Pabunutin ang mga bata ng card na may nakasulat na pangalan ng araw.

Sasabihin ng guro kung nauuna o sumusunod na araw ang kanyang ibibigay.

hal.  Miyerkules_____(Susunod sa Miyerkules.)

IV.  Pagtataya:  

Isulat ang wastong ngalan ng araw na tinutukoy.

1.  Namasyal kami isang araw bago mag Sabado.

     __________

2.  Wala tayong pasok sa paaralan tuwing_____at _________________________

3.  Nagsisimba ang pamilya tuwing _________.

4.  ____ang unang pagpasok sa paaralan.

5.  Ang araw na kasunod ng Martes ay ________.

V.  Kasunduan

Pag-aralan ang wastong baybay ng mga ngalan ng araw. Isaulo ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga ito.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Ikalimang  Araw)

I.  Mga layunin:

II.  Paksa

   A.  Aralin 30:  Mga Araw sa Isang Linggo

   B.  Sanggunian:  Gabay sa Pagtuturo pah.

                              Curriculum Guide pah. 12

                           Gabay ng Guro pah. 53-54

        Pupils’ Activity Sheet pp.____

   C.  Kagamitan:  plaskard ng ngalan ng mga araw , kalendaryo, tsart ng kwento

   D.  Pangunang Konsepto at Kakayahan:        

Pagsasabi ng bilang ng araw sa isang linggo ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

III.  Pamaraan

    A.  Panimulang Gawain

         1.  Balik-aral:

Isulat ang araw:

Bago                                   Pagkatapos:

____Lunes                           Biyernes____

____Huwebes                     Linggo

            Nasa Pagitan

     Martes   _______Huwebes

        2.  Pagganyak:

        Naaalala pa ba ninyo si Annie ?

        Anong hayop ba siya?

        Anong mabuting ugali ang taglay niya?

B.  Panlinang na Gawain:

    1.  Paglalahad:

Iparinig.ipabasa ang kwento:

  ANG MASIPAG NA LANGGAM

Ito ang masipag na si Langgam.  Mula Linggo hanggang Sabado patuloy siyasa paghakot ng pagkain. Nag-iipon siya para sa mga araw na darating.

Dapat siyang tularan ng mga bata at matanda man.

C.  Pagsasagawa ng Gawain:

Isulat ang mga araw sa isang linggo sa pisara:

LINGGO, LUNES, MARTES, MIYERKULES

HUWEBES, BIYERNES AT SABADO

D.  Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Ilan ang mga araw sa isang linggo?

   Paano isinusulat ang unang titik sa bawat ngalan ng araw?

  Paano ang wastong baybay?

F.  Paglalahat

  Ilan ang mga araw sa isang linggo?

Tandaan:

 May pitong araw sa isang linggo

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkule, Huwebes, Biyernes at Sabado.

Isinusulat  ang unang titik ng ngalan ng bawat araw gamit ang malaking titik.

G.  Paglalapat:

Iwasto:

  lunes    miyerkules  sabado  biyernes    linggo

IV.  Pagtataya:  

Isulat ang  mga ngalan ng araw sa isang linggo  ng may wastong baybay at gamit ang malaking titik.

V.  Kasunduan

Isulat ang buwan ng iyong kaarawan.

LESSON PLAN IN ENGLISH

INTEGRATION OF MATH AND ARTS SUBJECTS

3rd Rating

Week 6 – Day 1

Theme:  Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Realize that we have body parts that can do many things

Appreciate that we are special in different ways.

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun.

Instructional Objectives:

Oral Language:  Listen and share about self

Phonological Awareness:  Recognize words that rhyme

Listening Comprehension:  Listen and share about himself/herself.  

Vocabulary and Grammar:  Recognize, identify and give naming words of animals and  body parts.

I.  PRE-ASSESSMENT:

Conduct a Game:  Touching Different parts of a Face.

ex.  Touch your nose/eyes/ears

Ask the children to draw their favorite animal.

II.  Objectives:

recognize the parts of the face

recognize names of animals and their body parts

count the number of syllables in words

appreciate that we are special in different ways

III.  Subject Matter:  Parts of the Body; Naming Words of Animals

Materials:  paper, coloring materials, pink dress and song chart

IV.  Procedure:

   A.  Activating Prior Knowledge:

Help the children know the meaning of the word “special’ through context clue.

Nanay  made a dress for me.  It is pink my favorite color.  She put laces and pretty buttons.  She made it really special. (not ordinary or common)

  B.  Presentation:  

       1. The teacher will teach the song about body parts using the echo singing

.(Pupils repeat each line of the song after the teacher)

                      I am Special

I am special

I am me.

I have two hands, two eyes to see.

A nose to smell, my ears hear well

A mouth to talk and two legs to walk

But that’s not all because you see

I am special.  I am me.

C.  Modeling:

Let’s touch the body parts mentioned in the song.

These are my eyes.

These are my ears.

This is my nose.

This is my mouth.

These are my hands.

D.  Conceptualization:

  Are you special?  Why?

Remember:

God made each of us special.

E.  Guided Practice:

God made animals. These animals are our  friends. They also have different body parts like us.

Help me find some missing parts of these animals by drawing them.

1. picture of a  bird without wing

2. picture of a dog without at tail

3. picture of a duck without a beak

4. picture of a pig without a mouth

5. picture of a fish without a fin

IV.  Evaluation:

  Draw a human face and label the different parts.

  Choose your answer from the box.

V.  Assignment

Draw your favorite animal and label its different parts.

LESSON PLAN IN ENGLISH

INTEGRATION OF MATH AND ARTS SUBJECTS

3rd Rating

Week 6 – Day 2

Theme:  Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Realize that we have body parts that can do many things

Appreciate that we are special in different ways.

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun.

Instructional Objectives:

Oral Language:  Listen and share about self

Phonological Awareness:  Recognize words that rhyme

Listening Comprehension:  Listen and share about himself/herself.  

Vocabulary and Grammar:  Recognize, identify and give naming words of animals and  body parts.

I.  PRE-ASSESSMENT:

Conduct a Game:  Touching Different parts of a Face.

ex.  Touch your nose/eyes/ears

Ask the children to draw their favorite animal.

II.  Objectives:

identify different body parts

identify names of animals

identify the body parts of the animals

III.  Subject Matter:  Parts of the Body; Naming Words of Animals

Materials:  pictures, chart of song

IV. Procedure:

   A.  Activating Prior Knowledge:

         Forming the Puzzle (Face)

  B.  Presentation:  

       1. Unlock the meaning of the words clean and bright using picture clue

Present pictures of two cars; one is dirty and the other one is clean and bright

Which car looks clean and bright?

Teach the song , I Have Two Hands

   I have two hands,

   The left and the right,

   Hold them up high

   So clean and bright

   Clap them softly

   One, two, three

   Clean little hands are good to see.

C.  Modeling:

What body parts are mentioned in the song?

Pair up the pupils. Have them identify and name their body parts with a partner.

Pupil 1:  I have two hands.

Pupil 2 :  I also have two hands.

D.  Conceptualization:

  Are you special?  Why?

  What are your different body parts?

Remember:

God made each of us special.

A person has different body parts:

Animals have also different body parts.

E.  Guided Practice:

    Guessing Game.

Show a body part of an animal.  Let the pupils guess the animals with that body part shown.

ex.  picture of tail of a pig

IV.  Evaluation:

   Label the different body parts of this animal.

  Choose your answer from the box.

C:\Program Files\Microsoft Office\MEDIA\CAGCAT10\j0332364.wmf

V.  Assignment

         Draw animal with wings.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    

LESSON PLAN IN ENGLISH

INTEGRATION OF MATH AND ARTS SUBJECTS

3rd Rating

Week 6 – Day 3

Theme:  Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Realize that we have body parts that can do many things

Appreciate that we are special in different ways.

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun.

Instructional Objectives:

Oral Language:  Listen and share about self

Phonological Awareness:  Recognize words that rhyme

Listening Comprehension:  Listen and share about himself/herself.  

Vocabulary and Grammar:  Recognize, identify and give naming words of animals and  body parts.

I.  PRE-ASSESSMENT:

Conduct a Game:  Touching Different parts of a Face.

ex.  Touch your nose/eyes/ears

Ask the children to draw their favorite animal.

II.  Objectives:

identify body parts

state the names of animals and their body parts

III.  Subject Matter:  Parts of the Body; Naming Words of Animals

Materials : pictures of animals with body parts

IV.  Procedure:

   A.  Activating Prior Knowledge:

         Game:  Pair up the pupils.

   Follow the Directions:

Pupil A :  Put your right hand  on your partner’s elbow.

Pupil B :  Put your right hand on your partner’s ear.

  B.  Presentation:  

       1. Show pictures of animals with body parts:

            Say the name of the animal as you point to its different body parts.

ex.  This is a bird.  This is the wing. This is the beak.etc.

              bird          fish        cat       snake

C.  Modeling:

Get a picture of animal.  Name it and tell its different body parts.

D.  Conceptualization:

  What are the different body parts of animal?

  Remember:

Animals have also different body parts.

Some animals have common body parts such as eyes, ears, nose, mouth and legs.

E.  Guided Practice:

    Game:  Completing the missing parts of animals.

ex.  Pinning the duck’s bill

IV.  Evaluation:

 A.    Tell  the name of the following animals.

         1.  picture of rabbit

         2.  picture  of a butterfly

         3.  picture of a horse

         4.  picture of a shrimp

         5.  picture of an elephant

B.  Which part of the animal is shown?

        1.   picture of a dog’s ear

        2.   picture of a horse’s tail

        3.   picture of a goat’s horn

        4.   picture of a butterfly’s wing

        5.   picture of a fish’s fins

V.  Assignment

         Cut and paste pictures of animals with horn.

LESSON PLAN IN ENGLISH

INTEGRATION OF MATH AND ARTS SUBJECTS

3rd Rating

Week 6 – Day 4

Theme:  Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Realize that we have body parts that can do many things

Appreciate that we are special in different ways.

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun.

Instructional Objectives:

Oral Language:  Listen and share about self

Phonological Awareness:  Recognize words that rhyme

Listening Comprehension:  Listen and share about himself/herself.  

Vocabulary and Grammar:  Recognize, identify and give naming words of animals and  body parts.

I.  PRE-ASSESSMENT:

Conduct a Game:  Touching Different parts of a Face.

ex.  Touch your nose/eyes/ears

Ask the children to draw their favorite animal.

II.  Objectives:

identify and name their own  body parts

name the common body parts of animals and persons

III.  Subject Matter:  Parts of the Body; Naming Words of Animals

Materials : pictures of different animals  

IV.  Procedure:

   A.  Activating Prior Knowledge:

      Rhyme:  Looking At Me

                  Looking at me.

                  What do I see?

                  I see two eyes

                  One nose and one mouth

                  With hair on my head

                  And ears to hear

                 I like my face

                 From year to year.

           Follow the sentence pattern:

    This is my ___________.

  B.  Presentation:  

      Show an enlarged picture of  a boy and a dog with different parts labeled.

            Let the children show and  point to the part that the teacher will say

Which body parts are common to a boy and a dog?

C.  Modeling:

Show the class some pictures of animals.

Let the children tell the names of the animals and the names of the body parts that are similar to people.

 D.  Conceptualization:

  What are the different body parts of animals  that can also be found in people?

  Remember:.

Some animals have common body parts  with that of people such as eyes, ears, nose, mouth .

E.  Guided Practice:

                    Mystery Bag

  Get a picture from the bag.  Name the animal that you pick and name the body parts you and the animal both have.

IV.  Evaluation:

Box the letter of the correct answer.

1.  A boy and a dog both have

       a.  horn     b.  tusk    c.  eyes

2.  The boy breathes with nose. The cat breathes with  its

      a.  ear     b.  eyes       c.  nose

3.  A boy has two legs. Which animal has two legs?

      a.  rabbit    b.  hen     c.  snake

4.  A boy and a goat both hear with their

     a.  face     b.  ears     c.  legs

5.  The people and animal use their __ to eat the food.

  a.  nose               b.  mouth     c.  eyes

V.  Assignment

Draw a boy and an animal that you like.

Label the parts common to both.

LESSON PLAN IN ENGLISH

INTEGRATION OF MATH AND ARTS SUBJECTS

3rd Rating

Week 6 – Day 5

Theme:  Me and My Family

TARGET SKILLS:

Expressive Objectives:

Realize that we have body parts that can do many things

Appreciate that we are special in different ways.

Appreciate that singing songs and reciting rhymes can be fun.

Instructional Objectives:

Oral Language:  Listen and share about self

Phonological Awareness:  Recognize words that rhyme

Listening Comprehension:  Listen and share about himself/herself.  

Vocabulary and Grammar:  Recognize, identify and give naming words of animals and  body parts.

I.  PRE-ASSESSMENT:

Conduct a Game:  Touching Different parts of a Face.

ex.  Touch your nose/eyes/ears

Ask the children to draw their favorite animal.

II.  Objectives:

identify the body parts of the animals (monkey)

name the animals and the parts of their body

follow directions

III.  Subject Matter:  Parts of the Body; Naming Words of Animals

Materials : pictures of different animals  

IV. Procedure:

A.  Activating Prior Knowledge:

        Pick  all the zoo animals in the pictures.

   (Teacher prepares cut out of pictures of different animals.)  

B.  Presentation:  

Show an enlarged picture of a monkey.

Where can you find this animal?

Can you name the different parts of this animal?

C.  Modeling:

Show more pictures of not common animals and let the children name the different parts.

D.  Conceptualization:

  What are the different body parts of animals  that can also be found in people?

  Remember:.

Some animals have common body parts  with that of people such as eyes, ears, nose, mouth .

Some animals have horns.

E.  Guided Practice:

Game:  Following Directions:

              Using a big picture of an animal.

ex. tiger  step on the tiger’s ear

               sit on the tiger’s back

IV.  Evaluation:

  Worksheet

Picture of a monkey.

Follow each direction properly.

1.  Color the tail of the monkey , yellow

2.  Color the ears red.

3.  Color the body brown.

4.  Color the legs green

5.  Color the nose black.

V.  Assignment

Follow the direction.

Draw a cage.  Draw two birds inside the cage.

One with a big beak and the other one with a red crown.

Banghay Aralinsa MUSIC

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Unang  Araw)

Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I.  Layunin

II.  Paksa: Rhythm

    Batayan:  Music Teaching Guide pah.1-2

                     Music teacher’s Module pah. 7

                 Music Acitivity Sheet pp. ____

    Kagamitan:  tsart ng awit

II. Pamamaraan:

A.  Panimulang Gawain

 1.   Balik-aral:

    Batiin ang mga bata gamit ang So-Mi na pagbati

Ilagay ang kamay sa ulo kung mataas ang tonong narinig at sa bewang kung mababa ang tonong narinig.

 2.  Pangganyak:

   Awit:   Jack and Jill

B.  Panlinang na Gawain

  1.  Paglalahad:

Ipasabi ang pantig na aah habang tinutunton ang kurba-kurbang guhit. (tingnan sa pah. 7 ng Modules)

Alin ang pinakamataas na bahagi ng guhit? pinakabamababa.

  2.  Ipatukoy ang mataas na tono at mababang tono.

   3.  Madali ba o mahirap hanapin ang mataas o mababang tono?

IV.  Pagtataya:

     Ipaawit ang Goobye Song

V.  Kasunduan:

Lakipan ng kilos-lokomotor ang malakas at mahinang kumpas sa awit.  Humandang ipakita ito sa klase sa susunod na pagkikita.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN

Ikatlong  Markahan

Ika-anim na    Linggo

(Ikatlong Araw)

I.  Layunin:

II.  Paksa: Rhythms

   Sanggunian:  Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I pah. 1-2

Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. Kagamitan;  larawan na nagpapakita ng mga kilos ng lokomotor at di-lokomotor

Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pah. 243-246

Integrasyon, Sining, Matematika at  Musika

III.  Pamamaraan:

  1. Panimulang Gawain:
  1.  Balik-aral:

Nakaawit ka na ba nang may kilos?

Paano?

  2.  Pagganyak

Ano ang tumutulong sa inyo para kayo makapag-isip?

B.  Panlinang na Gawain

   Ipabasa ang awit:  Mag-isip,Isip

   Mag-isip, isip, isa, dalawa, tatlo(3x)

   Sundan ninyo ako

   Sundan , sundan, sundan ninyo ako (3x)

   Ikaw naman dito.

C.  Paglalahat:

          Paano isinasagawa ang awit na may kilos?

     Masaya ba kayo?

Tandaan:

    ang awit na may kilos ay nakatutuwang gawain natin.  Ito ay nakapagpapaligaya sa atin.  Ito ay nagpapagaan ng ating pakiramdam

Tayo ay magiging masigla..

D.  Paglalapat:

     Pagpapakitang kilos ng lahatan

IV.  Pagtataya

Bilugan ang wastong sagot.

1.  Ang pamagat ng ating awit na may kilos ay

   a.  Ikut-ikot

b.  Paa at Kamay

   c.  Mag-isip-isip

2.  Ang magiging taya na gagayahin ng ibang mga bata ay ang

    a.  bata

    b.  guro

    c.  nanay

3.  Ang taya ang siya namang magtuturo sa kanyang mga

   a.  guro

   b.  kamag-aaral

   c.  kapatid

4.  Ang batang ituturo ang siyang magiging

   a.  taya

   b.  taga-awit

   c.  tagakilos

5.  Ang

a.  awit na may kilos

b.  larong paupo

c.  kilos-lokomotor

ay napakasayang gawin kahit sa silid-aralan.

V.  Kasunduan      
Pag-aralan ang natutuhang kilos sa bahay.

Banghay Aralin saART

Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na   Linggo

(Ika-apat na Araw)

I.  Layunin:

II.  Paksang Aralin:  Paggawa ng Palayok, Paso

      A.  Talasalitaan

pottery, pottery clay, kiln  

     B.  Elemento at Prinsipyo

   form, texture

    C.  Kagamitan

       clay

     D.  Sanggunian: K-12 Art

Curriculum Guide in Arts pp.11-12

 Pupils; Activity Sheet pp.

  Teacher’s Guide  pp.7-10

III.  Pamamaraan:

  A. Panimulang Gawain:  

1. Balik-aral:

Ano ang maaring maitulong ng isang anting-anting sa isang tao?

2.  Pagganyak:

      Nakasali na ba kayo sa larong

“Basagan ng Palayok”.

Nagtagumpay ka ba na mabasag ito?

Saan ba yari ang palayok?

B.  Panlinang na Gawain

   1.  Paglalahad:

Magkwento tungkol sa paggawa ng palayok/paso at iba pang katulad ng mga bagay na yari sa putik o clay.

Maraming mga lalawigan sa ating bansa ang kilala sa paggawa ng mga palayok.

Sa Vigan, Ilocos Norte at  sa Sagada, Mountain Province.  Ang Pottery Clay ay gawa sa basing putik o banlik.  Iniluluto ito sa isang malaking lutuan para magkadidikit-dikit ang mga putik.

    1.  Gawain:

Ngayon ay susubukin nating gumawa ng bowl o mangkok gamit ang clay.

     2.  Paghahanda ng mga kagamitan:

   clay

     3.  Pagsasagawa sa gawain sa patnubay ng guro.

C.   Pagpoproseso ng Gawa:

     1.  Paano kayo  nakalilikha ng eskultura?

     2.  Kanino mo gustong ibigay ang nagawa mong bowl?

IV.  Pagtataya:

Paupuin nang pabilog ang mga bata pagkatapos ng gawain.

Pag-usapan ang mga disenyo na nagawa ng mga bata ukol sa kulay, linya, hugis at balance.

V.  Kasunduan:

    Magsulat ng 5 sa mga paborito mong pagkain.

Banghay Aralin sa HEALTH

Pinagsanib na aralin sa Science at Art

Ikatlong   Markahan

Ika-anim na    Linggo

(Ika-limang Araw)

I.  Layunin:

II.  Paksa:  Personal Health

A.  Health Habits and Hygiene:

           Pangangalaga sa Ilong

     B.  Kagamitan: larawan ng ilong, bote ng alcohol, pabango, bawang, kalamansi

     C.  Sanggunian:   K-12 Health Curriculum Guide   p. 10  

Teacher’s Guide pp. 8-9

Pupils’ Activity Sheet pp. ______

III.  Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1.  Balik-aral:

  Lagyan ng √ ang nagpapakita ng kahalagahan ng ilong.

___1.  Panghinga

___2.  Pang-amoy sa mga bagay

___3.  Tumutulong sa ating pagsasalita at panlasa.

___4.  lalagyan ng sipon

___5.  Nakatutulong sa pagdinig ng mga musika

2. Pagganyak:

Awit:  

Our Nose (Tune:  Leron-leron)

 Our nose is for breathing

Our nose is for smelling

Let it smell the good.

Let it smell the bad.

Keep our nose real clean

Keep our nose healthy.

Always blow it gently.

Clean it so carefully.

B.  Panlinang na Gawain:

     1. Paglalahad:

Ipakita ang mga kagamitan na ginagamit sa paglilinis ng ilong.

Tissue paper o puting panyo

Tumawag ng batang magpapakita kung paano ito isagawa nang wasto.

   2.  Pagtalakay:

Paano ang wastong paglilinis ng ilong?

Paano natin mapangangalagaan ang ating ilong?

Mahalaga ba ang ilong?  Bakit?

C.  Paglalahat:

Mahalaga ang ating ilong kaya dapat lamang itong pangalagaang mabuti.

Tandaan::

Ang ating ilong  ay mahalagang bahagi ng ating katawan na dapat nating pangalagaan.

Dahil sa ating ilong naamoy  natin ang mga iba’t ibang bagay sa ating paligid.

Dapat nating pangalagaan ang ating mga ilong.

D.  Paglalapat:

 Lutasin:

  May sipon si Alvin.  Tumutulo na ito kaya ipinunas niya ito sa kanyang damit.  Tama ba ito?  Bakit?

IV.  Pagtataya:

  Lagyan ng √ ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ilong.  X ang hindi.

1.  Nagungulangot kahit saan.

2.  Sumisinga nang ubod lakas.

3.  Gumagamit ng tissue sa paglilinis ng ilong.

4.  Isinusuot ang lapis sa ilong.

5.  Umiinom ng bitamina C para makaiwas sa pagkakaroon ng sipon.

V.  Kasunduan:

Ano ang nakakatulong sa iyo para malasahan ang mga pagkain?  Iguhit mo ito.

More DLP teachershq.com