ICT Aralin 10 - PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG GAMIT
ANG ICT- ( UNA AT IKALAWANG ARAW)
Paggamit ng Advanced Features ng Isang Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon
2
I. NILALAMAN
Sa araling ito, ay tatalakayin ang paggamit ng advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon. Magiging madali ang ating paghahanap sa internet ng mga impormasyong nais natin makuha sa pamamagitan ng paggamit ng advanced feature ng search engine. Bilang isang mag-aaral, mahalagang aralin natin ito sapagkat maaari natin itong magamit kapag tayo ay gagawa ng takdang aralin o proyekto.
II. LAYUNIN
1. Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng
impormasyon.
2. Napahahalagahan ang ICT sa pangangalap ng mga impormasyon
.III. PAKSANG ARALIN
Paksa: Paggamit ng Advanced Features ng Isang Search Engine sa Pangangalap
ng Impormasyon
Sanggunian: EPP5IE-Od-10
Kagamitan: powerpoint presentation, kartolina, computer at internet
IV. PANIMULANG PAGTATASA
V. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1. Pasagutan ang Gawain A sa LM.
Pagsasaayos ng mga ginulong mga salita.
2. Magkaroon ng pahapyaw na talakayan ang mga mag-aaral tungkol sa
mga salitang nabuo.
● Sa iyong palagay, mahalaga bang matutuhan ang paggamit ng
makabagong
teknolohiya? Bakit?
● Sa tingin mo ba maiiwasan pa natin ang paggamit ng ICT tools sa
kasalukuyang panahon?Bakit?
● Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet?
● Gusto mo ba itong masubukan?
● Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng
impormasyon gamit ang computer at internet sa tulong ng mga
search engines?
B. PAGLALAHAD
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga sumusunod na tanong LM.
- Paano ang paggamit ng mga ito sa pagkalap ng mga impormasyon?
2. Pagtalakay sa advanced features ng google at mga hakbang na maaaring
gawin
kapag gagamitin ang Advanced Features ng search engine.
3. Pagpapakita ng paggamit ng google sa pangangalap ng impormasyon gamit
ang computer at internet.
4. Pagsasagawa ng Linangin Natin bilang Gawain B: Aksyon! (LM)
a. Pangkatin ang klase sa apat .
- Gamit ang meta cards bubunot ang bawat lider ng grupo ng isang
katanungan at sasagutin nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng
ng isang search engine gamit ang internet .
b. Iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga naging kasagutan batay sa
kanilang nakalap na impormasyon.
c. Pagkakaroon ng malayang tanungan/talakayan.
5. Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan Natin sa LM.
6. Ipagawa ang karagdagang Gawain sa LM
VI. PAGTATAYA
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Mo sa LM.
- Pasagutan ang Kaya Mo Na Ba na nasa LM.
VII. PAGPAPAYAMAN NA GAWAIN: MGA BANSA SA ASYA
.
1. Pagpapasagot sa mga impormasyong hinihingi gamit ang search engines.
KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
Quipperschool.com
ICT Aralin 11 - PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG GAMIT
ANG ICT- ( IKATLONG ARAW)
Pagtukoy ng Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon
I. NILALAMAN
Sa araling ito matutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon. Maraming mga search engine ang maaaring gamitin kung nais mangalap ng mga impormasyon o datos mula sa internet. Ganun pa man, may iba’t-ibang kakayahan ang mga search engine na ito na dapat nating alamin.
II. LAYUNIN
Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon
III.PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagtukoy ng Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng Impormasyon
Sanggunian: EPP5IE-Od-11
Kagamitan: powerpoint presentation, computer, at internet
IV. PANIMULANG PAGTATASA
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtatasa sa LM
V. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1. Pagpapangkat sa klase Gawain A : “ TAYO NANG MAG-EXPLORE !”
a. Pagtukoy sa mga search engine sa pagkalap ng mga kaalaman o
impormasyon.
B. PAGLALAHAD
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga susing tanong.
a. Anu-anong mga search engine ang karaniwang ginagamit sa pagkalap ng
mga kinakailangan nating mga impormasyon?
b. Paano natin masasabi na angkop ang mga ito sa atin?
2. Pagtalakay sa ibat-ibang kakayahan at katangian ng ilang kilalang search
engine
na maaaring makatulong sa mas mabisang pangangalap ng impormasyon.
3. Pagkakaroon ng malayang talakayan tungkol paggamit ng angkop na
website o search engine sa pangangalap ng impormasyon.
4. Ipagawa ang Gawain B: LINANGIN NATIN sa LM
Mga Angkop na Search Engine sa pangangalap ng
impormasyon.
5. Basahin at bigyang diin ang Tandaan Natin sa LM.
6. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
mga impormasyon
VI. PAGTATAYA
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Pagtataya sa LM.
2. Pasagutan ang Pangwakas na Pagtatasa sa LM.
VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Pagbisita sa mga kilalang search engine at pagpapasagot sa mga tanong sa
LM.
ICT Aralin 12 - PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG
GAMIT ANG ICT- ( IKAAPAT NA ARAW )
Pagtiyak sa Kalidad ng Impormasyong Nakalap at ng mga Website na
Pinanggalingan Nito
I. NILALAMAN
Sa araling ito malalaman natin kung paano matitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na pinanggalingan nito. Maraming mga website ang maaaring puntahan sa internet. Nariyan ang mga website na tungkol sa mga laro, mga larawan, mga video at mga website na naglalaman ng mga artikulo at impormasyon na nagpapataas ng ating kaalaman. Ngunit hindi lahat ng makikita nating impormasyon sa internet ay mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ay de-kalidad na impormasyon o nagsasaad ng katotohanan. Kung kaya kailangan nating malaman kung paano matitiyak na may kalidad ang nakalap nating impormasyon.
II. LAYUNIN
Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na
pinaggalingan nito.
III. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagtiyak sa Kalidad ng Impormasyong Nakalap at ng mga Website na
Pinanggalingan Nito
Sanggunian: EPP5IE-Od-12
Kagamitan: computer, internet, kartolina, manila paper at pentel pen
IV. PANIMULANG PAGTATASA
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtatasa sa LM
V. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Gawain A: VISIT AND SEE!
1. Pagkakaroon ng pangkatang Gawain
a. Ipabisita ang ilang piling websites sa bawat grupo at ipasuri ang mga ito.
b. Pagsasagawa ng maikling ulat batay sa mga sumusunod na gabay na
tanong:
mga de-kalidad na mga impormasyon?
B. PAGLALAHAD
1. Pagsagot sa ilang mga gabay na tanong sa LM
2. Pagtalakay sa mga paraan upang matiyak ang kalidad ang mga
impormasyon
na maaaring makuha sa internet.
3. Pagkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa pamantayan ng isang
mabuting website.
4. Ipagawa ang Gawain B: LINANGIN NATIN
Mga Katangian ng Mabuting Website sa LM.
5. Pagbasa sa nilalaman ng Tandaan Natin sa LM at bigyang diin ang
nilalaman nito
6. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
a. Gawain C: Pagkilala sa Gamit ng Website
VI. PAGTATAYA
1. Pagpapasagot sa Pagtataya sa LM.
2. Pagpapasagot sa Pagtatasa sa LM.
VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Suriin Ang Website!
Pagsusuri sa mga websites kung ang mga ito ay pasado o hndi pagdating sa kalidad ng mga ito.