ARALIN 7.  Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa

Takdang Araw:  5 araw

Layunin

  1. Nakapagbibigay-katwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon.
  2. Nakabubuo ng kamalayan ukol sa mga pangyayaring naganap bago nakamit ang kasarinlan.

Paksang Aralin

Paksa:                Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa

Kagamitan:        powerpoint presentation, video clip,

Sanggunian:        K to 12 – AP5PKB-IVi-7

                Pilipinas Kong Hirang 5, Eleanor D. Antonio et. al., ph. 140-141,146-147

                                            

Pamamaraan

A. Panimula

  1. Magpakita ng larawan. Ipalarawan ito sa mga bata.

https://anakbayannynj.files.wordpress.com/2012/03/18981.jpg

2. Itanong:

  1. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
  2. Iugnay ang mga ito sa aralin.

B. Paglinang

  1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___
  2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral.
  3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
  4. Talakayin ang paksa.  
  5. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
  1. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____

Pagtataya 

Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. ___ ng LM

Takdang Aralin

Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa.

Susi ng Pagwawasto

Gawain A

  1. Pang-aabuso ng mga opisyal na Espanyol
  2. Pangkawala ng kalayaan
  3. Sapilitang paggawa
  4. Pangangamkam ng lupa
  5. Pagpapataw ng mataas ng buwis.

Gawain B

Dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa

  1. pagkakawatak-watak ng mga Pilipino
  2. kakulangan sa pinunong may kaalaman sa pakikidigma
  3. kakulangan sa armas
  4. kawalan ng plano at pagsanib ng ilan Pilipino sa mga Espanyol.

Gawain C

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Poster

Pamantayan

Pinakamahusay

4-5

Mahusay-husay

2-3

Mahusay

0-1

Kawastuhan ng Diwang nais Ipahayag

Malinaw ang mensaheng nais iparating.

Hindi gaanong malinaw ang mensahe.

Malabo ang mensahe.

Malikhaing Pagbubuo at Paggamit ng mga Materyales

Epektibo ang mga materyales, nakadagdag sa ikahuhusay ng pagtatanghal.

Hindi gaanong epektibo

Walang bisa ang materyales.

Nilalaman

Malawak ang kaalamang ibinahagi

Hindi gaanong malawak ang kaalamang ibinahagi.

Walang bagong kaalaman na ibinahagi.

Natutuhan Ko

  1. Tama
  2. Mali
  3. Tama
  4. Tama
  5. Tama