3RDQuarter: Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa

Aralin 3

Layunin:                         Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga                                          sayaw, awit, at sining gamit ang anumang multimedia o                                                  teknolohiya (EsP5PPP - IIIb - 24)

Paksa/Pagpapahalaga:          Pananagutan

Mga Kagamitan:                  larawan, telebisyon, dvd

Integrasyon:                          MAPEH, ICT

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

  1. Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw na magkaperahang babae at lalake na animo’y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.

Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga, na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Pilipino, kabilang na ang Cariñosa ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sa Cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinagkukubli sa kanyang mukha habang mayuming umiindak. Ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nag-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaperahang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa’t-isa.

  1. Ano ang Cariñosa?
  2. Kailan ito naging pambansang sayaw?
  3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
  4. Paano ito sinasayaw?

Isagawa Natin (Day 2)

Pakitang turo ng guro sa sayaw na Cariñosa. Bawat grupo ay pasasayawin ng Cariñosa. Ito ay ibivideo nila. Mamarkahan ang mga bata ayon sa rubrics. Pagpepresent ng mga bata.

Isapuso Natin (Day 3)

        Pangkatin ang mga bata. Ang unang pangkat ay pagagawain ng awit na nagpapakita ng pagpapahalaga ng kultura ng mga Pilipino. Maaaring ivideo ito ng mga bata o aktwal na sayawin sa klase. Ang ikalawang pangkat ay gagawa ng likhang sining na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Isabuhay Natin (Day 4)

Pagawain ang mga bata ng talata ukol sa tanong sa ibaba.

May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng batang aawit. Si Rudy ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy, ano ang dapat niyang gawin? Bakit?

Subukin Natin (Day 5)

Pagpapakita o pag-exhibit ng ginawa ng mga bata. Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics.

        

                Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.