Ika-apat na Markahan
Week 4
Lingguhang Layunin
Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan )
Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan ( F5PN-Iva-d-22
Pagsasalita ( Wikang Binibigkas )
Nakapagbibigay ng panuto gamit ang pangunahing at pangalawang direksyon ( F5PS-IIId-8.8 )
Gramatika ( Kayarian ng Wika )
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto ( F5WG-IVd-13.3 )
Pagbasa (Pag-unlad ng Talasalitaan )
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan ( F5PT-IVd-f-1.13 )
Pagbasa (Pag-unawa sa Binasa )
Nasasagot ang mga tanong sa binasang paliwanag ( F5PB-IVc-d-3.2 )
Pagbasa ( Estratehiya sa Pag-aaral )
Nagagamit ng wasto ang card catalog ( F5EP-IVd- 9.1 )
Pagsulat
Nakasisipi ng talata mula sa huwaran ( F5PU-Iva-f-4 )
Panonod
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napanood ( F5PD-IVb-d-17 )
Paunang Pagtataya
Sumulat ng maikling talata tungkol sa napapanahong isyu sa bansa gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
Ika-apat na Markahan
Week 4
Unang Araw
I. Layunin
Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan
II. A. Paksang Aralin
Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga
B. Sanggunian
F5PN-Iva-d-2 MISOSA 6 SIM # 1
C. Kagamitan
Tsart
Organizer
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Isakilos ang mga dahilan kung bakit ang isang mag-aaral ay nahuhuling pumasok sa paaralan.
2. Balik-aral
Batay sa pelikulang napanood
tagpuan
tauhan
3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng ilog
B. Paglalahad
Itanong: Ano ang pumapasok sa isipan mo kapag nabasa mo ang salitang ilog? Naranasan mo na bang mamangka?
Ano ang dapat nating gawin upang ito ay mapangalagaan?
Basahin ang kuwento “Matapang Na’y Mapamaraan Pa “MISOSA 6 SIM # 1”
C. Pagtatalakay
1. Bakit mabilis na pumalaot ang mga magbabangka?
2. Bakit inabot ng malakas na hangin sina Alib at Paquito?
3. Bakit naisipan ni Paquito na ibigay ang kanyang bisikleta kay Alib?
4. Bakit nagising si Paquito?
5. Ano ang salitang binanggit ni Alib nang tanggapin niya ang bisikleta?
6. may kaibigan ka ba? Sino ? Ilarawan mo siya.
Gamitain ang mapang pangkonsepto sa unang tanong
Sanhi Bunga
D. Pagpapayamang Gawin
Pangkatang Gawain
Pangkat I – Ngayon, ano kaya ang manyayari kung ikaw ay hindi sususnod sa nanay at tatay mo.
Bunga
Sanhi
Pangkat II-Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga estero at kanal
E. Paglalahat
Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay may mga dahilan ang bawat pangyayari.
Dapat matukoy namabuti ang sanhi upang malutas kung ito’y nagdudulot ng suliranin upang maging maganda ang bunga.
IV. Pagtataya
Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga
1. Paggamit ng dinamit Pag-init ng paligid
2. Panghuhuli ng hayop Pag-abuso sa mga hayop
3. pagpuputol ng punongkahoy Pagkamatay ng mga hayop
4. Pagsunog ng kabundukan Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog Pagdumi ng ilog
Pagbaha
V. Takdang Aralin
Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga
Ika-apat na Markahan
Week 4
Ikalawang Araw
I. Layunin Nakapagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto
II. A. Paksang Aralin
Pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon
Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
B. Sanggunian
( F5PS-IIId-8.8 ) ( F5WG-IVd-13.3 )
C. Kagamitan
mapa
larawan
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Magtala ng mga bagay na nasa iyong kanan, kaliwa, unahan, likuran
2. Balik- aral
Pumalakpak kung nagpapahayag ng sanhi at pumadyak kung nagpapahayag ng bunga.
>namatay ang mga isda >marumi ang tubig
>marami ang nagtatapon ng basura sa ilog >kaunting pag-ulan
>mabango at malinaw ang tubig >marami ang naliligo
3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Ipagawa sa mga bata ang TRAVEL PLANNER
Ipasulat sa isang papel ang limang lugar sa Pilipinas na iyong napuntahan na.
Ipaturo ito sa klase kung saang bahagi ng Pilipinas ito makikita
B. Paglalahad
Pansinin ang kinalalagyan ng mga produkto
C. Pagtatalakay
Ano-anong direksyon ang maaari mong gamitin upang tukuyin ang kinalalagyan ng mga produkto na nakita sa mo sa mapa?
Kung nais mong bumuli ng tsinela na abaka sa anong direksyon ka pupunta?
Anong panuto ang maibibigay mo kung nais bumili ng sombrero? Bag? sapatos? basket? lansones? Strawberry jam?
Suriin natin ang mga produkto sa mapa. Bumuo ka ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis sa mga produkto.
Bakit mahalaga ang paggamit ng direksyon ? mapa?
D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
Bumuo ng panuto gamit ang iba’t ibang direksyon upang tukuyin ang kinalalagyan ng isang lugar.Tingnan ang larawan
E. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin
F. Paglalapat
Balikan muli ang mga larawan ng produkto. Bumo ng pangungusap ukol dito at gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
IV. Pagtataya
Magbigay ng limang panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon upang mapuntahan ang iba’ibang bahagi ng pamayanan gamit ang larawan.
1. simbahan
2.sasakyang nag-iisa
3. dalawang sasakyan
4. nag-iisang tahanan
5. court
V. Takdang Aralin
Itala ang mga bagay na matatagpuan sa bahaging hilaga, silangan, timog at kanluran ng iyong silid.
Ika-apat na Markahan
Week 4
Ikatlong Araw
I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan
Nasasagot ang mga tanong sa binasang paliwanag
II. A.Paksang Aralin
Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di Pamilyar sa Paglalarawan
Pagsagot sa mga tanong sa Binasang Paliwanag
B. Sanggunian
( F5PT-IVd-f-1.13 )
( F5PB-IVc-d-3.2 )
C. Kagamitan
Tsart
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Bigyang kahulagan ng salitang may salungguhit.
1.Nag-aalimpuyo sa galit ang babae ng hablutin ng magnanakaw ang kanyang bag.
2.Sinakmal ng aso ang magnanakaw.
3. Ang batang si Ana ay matabil.
4. Bilasa na ang isda na itinitinda ng ale.
5. Dahil sa peste nasira ang mga pananim.
2. Balik-aral
Itaas ang kanang kamay kung ito ay pangunahing direksyo at pumalakpak ng isa kung ito ay pangalawang direksyon.
HILAGA TIMOG SILANGAN KANLURAN
TIMOG SILANGAN HILAGANG KANLURAN
HILAGANG SILANGAN TIMOG KANLURAN
3.Mga Gawaain
A. Pagganyak
Buuin ang salita
Ano ang nabuong salita
B. Paglalahad
Ipakita
Mga Salitang Hindi Pamilyar
Salumpuwit- upuan
Halimbawa: Parating nakaupo si Lolo Minyong sa salumpuwit na ito.
Talipandas- Makapal ang mukha
Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumupunta sa handaan kahit hindi iniimbita.
Katoto- kaibigan
Halimbawa: Ang katoto niya ay namatay.
Durungawan- bintana
Halimbawa: Parating nakadungaw si Juliet sa durungawan tuwing gabi.
Tsubibo- ferris-wheel
Halimbawa: Nais kong makasakay sa tsubibo ngayong pista.
Salipawapaw- eroplano
Halimbawa: Salipawpaw ang kanyang sinakyan patungong Maynila.
Batalan- hugasan
Halimbawa: Batalan ang madalas na ginamit n gating mga ninuno noon sa kanilang ga tahanan.
Pitak- bahagi
Halimbawa: Ang bawat pitak ng kaniyang pagkatao ay dapat nating malaman.
Nanunudyo- temtasyon
Halimbawa: Nanunudyo ang kompyuter sa aking pag-aaral.
Piging- party
Halimbawa: May piging mamaya sa paaralan.
Kubyertos- kutsara o tinidor
Halimbawa: Ang mga kubyertos ay dapat nang hugasan.
Katipan- syota
Halimbawa: Ang katipan ni kuya ay mabait.
Balintataw- imahinasyon
Halimbawa: Malikot ang balintataw ng batang matalino.
Punyal- itak
Halimbawa: Punyal ang kanyang ginamit sa pagpatay kay Romeo.
Tipanan- lugar kung saan sila nagtatagpo
Halimbawa: Madalas silang pumupunta sa kanilang tipanan.
Alipugha- iresponsable
Halimbawa: Ang mga nag-iisang anak ay minsa’y lumalaking alibugha.
Mapaniil- abusado
Halimbawa: Ang mga Espanyol noong unang panahon ay mapaniil.
Pook-sapot- website
Halimbawa: Matatagpuan mo ang mga salitang ito sa pook-sapot na Wikipedia.
Talaksan- papeles
Halimbawa: Mahalaga ang mga talaksan na nakatago ditto.
Miktinig- microphone
Halimbawa: Kinakailangan natin ang miktinig ngayon para tayo’y marinig.
Tradisyon na ng aming pamilya na magsama-sama tuwing mayroong may kaarawan.
C. Pagtatalakay
Ano ang pagkakaiba ng pamilyar na salita sa di pamilyar na salita?
Ano-anong salita sa mga inilahad ang lagi momg nagagamit?
Magbigay ng iba pang halimbawa.
D.Pagpapayamang Gawain
Alin ang tamang kahulugan ng may salungguhit?
Kakarampot lang ang kinain ng batang si Emily.
E.Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng pamilyar at di pamilyar na salita?
F. Paglalapat
Tukuyin ang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng salitang pamilyar batay sa pagpapakahulugan nito.
Ipinapakita sa pangungusap na ito na ang salitang daga ay nangangahulugang kaba o nerbyos.
IV. Pagtataya
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1.balintataw-
2.tipanan-
3.pitak
4.batalan
5.salumpuwit
V. Takdang Aralin
Sumulat ng mga pangungsap gamit ang pamilyar at di pamilyar na salita.
Ika-apat na Markhan
Week 4
Ika-apat na Araw
I. Layunin
Nagagamit ang card catalog
II. A. Paksang Aralin
Paggamit ng Card Catalog
B. Sanggunian
F5PU-IVa-F-4
Hiyas sa Pagbasa ph. 189
C. Kagamitan
Aklat larawan
Card Catalog
Index Card
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Tukuyin kung anong uri ng sanggunian. Anong impormasyon ang makukuha sa bawat sanggunian.
2. Balik-aral
Magtala ng mga halimbawa
3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng silid-aklatan
Ano ang masasabi mo sa larawan?
B. Paglalahad
Magpakita ng Card Catalog
Saan at paano ito ginagamit?
Ibigay ang bahagi nito
C. Pagtatalakay
Saan tayo makakakita ng Card Catalog?
Ano-anong impormasyon ang makikita dito?
Ilang uri ng kard mayroon ang isang aklat?
Kung alam mo ang may akda ng aklat, anong uri ng kard catalog ang hahanapin mo? Para sa pamagat? Para sa paksa?
D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
Bumuo ng mga tanong gamit ang iba’t ibang uri ng kard catalog
Pangkat I-
Pangkat II-
Pangkat III-
E. Paglalahat
Paano ginagamit ang kard katalog sa paghahanap ng aklat na gagamitin?
F. Paglalapat
Gamitin ang indeks kard at sipiin ang indeks kard na inilahad ng guro
IV. Pagtataya
Gamitin ang kard katalog at sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may akda ng aklat?
2. Ano ang pamagat ng aklat?
3. Ano ang katawagang bilang ng aklat?
4. Ano ang paksa ng aklat?
5. Paano mo malalaman kung saang istante matatagpuan ang aklat?
V. Takdang Aralin
Bumasa ng ilang Kard Katalog sa silid-aklatan. Magtala ng 5 halimbawa.
Ika-apat na Markahan
Week 4
Ikalimang Araw
I. Layunin
Nakasisipi ng talata mula sa huwaran.
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napanood.
II. A. Paksa
Pagsipi ng Talata
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napanood
B. Sanggunian
F5PU-Iva-f-4
F5PD-IVb-d-17
C. Kagamitan
Tsart
CD- HIRAYA
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
2. Balik-aral
Ibigay ang mga uri ng Kard Katalog
3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Pamantayan sa panonood
B. Paglalahad
Panonood ng palabas
Ano ang nais ipahiwatig ng palabas
C. Pagtatalakay
Sino-sino ang mga tauhan sa palabas?
Saan ito naganap
Ano ang katangian ng mga tauhan?
Naranasan mo na ba ang naging karanasan ng tauhan sa palabas?
Ano ang iyong ginawa at bakit?
D. Pagpapayamang Gawain
Sumulat ng maikling talata tungkol sa napanood
E. Paglalahat
Anong kasanayan ang natutuhan sa aralin?
F. Paglalapat
Pangkatan
Pagsasadula ng napanood
IV. Pagtataya
Sipiin nang wasto ang talata
V. Takdang Aralin
Sumulat ng maikling talata tungkol sa napanood,