1. A. Paksang Aralin

Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Kwento / Usapan

“Si Annie, ang Kusinera”

     B.  Sanggunian

        Filipino:  Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad 3, pp. 113-115

F5PN-Ic-g-7, F5PS-Ic-f-6.1

     C.   Mga Kagamitan

        Kwento, larawan, metacards, puzzle pieces

  1. Pamamaraan

  1. Pagsasanay

Pagbabasa ng mga parirala

  1. Balik-Aral

Kayarian ng Pangngalan

Itanong:

  1. Ano-ano ang kayarian ng pangngalan?
  2. Magbigay ng mga halimbawa.

  1. Mga Gawain
  1. Pagganyak

Itanong:

  1. Sino ang naghahanda ng pagkain ninyo sa bahay?
  2. Masarap ba siyang magluto?
  3. Ang pagkain bang masarap ay lagging masustansya?

  1. Paglalahad

Pangkatin ang klase sa 5. Bigyan ng puzzle ang bawat pangkat. Ang imahe ang kanilang bubuuin upang magkaroon ng ideya sa gagawing pakikinig.

http://ts1.mm.bing.net/th?id=OIP.M374c41e9b3785115af34b8269d38af97H0&pid=15.1

  1. Pagtatalakay

Ibibigay ng guro ang mga pamantayan sa pakikinig.

Basahin ng guro ang “Si Annie, Ang Kusinera”

  1. Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil napakasarap niyang magluto.  Bihira ang handaanlalo na kung pista na hindi siya ang nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsik, Espanyol, at Italyano.

Itanong:

Sino ang kusinera?

Saang bayan siya kilalang-kilala? Bakit?

Ano ang mga alam nyang lutuin?

(Ipagpapatuloy ang pagbabasa)

Ano kaya ang diwa ng talatang ito?

  1. Bukod sa mahusay mangusina si Annie, napakamalikhain pa niya sa mga inihahandang pagkain. Masarap at kasiya-siya ang mga pagkaing inihahanda niya. Napananatili niya ang likas na kulay at lutong ng gulay. Iba-ibang hugis ang ginagawa niya sa mga sangkap na sili, luya, at sibuyas. Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay isang malaking rosas.

Itanong:

Ano pa ang mga kayang gawin ni Annie?

Ano kaya ang diwa ng talatang ito?

  1. Katakam-takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na luto ni Annie, mabango pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na kapag nalanghap mo ay gugutumin ka. Marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto kung bakit kahit kaunti lang ang sahog ay nakatatakam ang luto niya,

Itanong:

Paano inilarawan ang ulam na luto ni Annie?

Ano kaya ang diwa ng talatang ito?

  1. Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong. Ang kanyang mga iniluluto ay pawing sariwa, masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto. Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam ang anyo at kulay. Tama ang lasa at pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.

Itanong:

Ano-ano ang sikreto sa pagluluto ni Annie?

Ano kaya ang diwa ng talatang ito?

  1. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Pagyamanin Natin. Ibatay ang iskor ng grupo sa rubrik.

Isunod na gawin ang Isaisip Mo.

  1. Paglalahat

Sa anong paraan pa maisasalaysay muli ang isang kwentong napakinggan?

Mga posibleng sagot:

  1. Paglalapat

Sagutan ang  Isapuso Mo

  1. Pagtataya

Sagutin ang Isulat Mo

  1. Takdang Aralin

Tukuyin sa mga pangungusap ang mga pangngalan. Salungguhitan ang mga ito.

  1. Darating ang pamangkin kong galing sa ibang bansa.
  2. Natumba ang bangkong nasagi niya.
  3. Sumama ang ate ko sa field trip.
  4. Kahanga-hanga ang ganda ng Boracay.
  5. Aalis ngayon ang tiyo ko.

  1. A. Paksang Aralin

Kasarian ng Pangngalan

     B.  Sanggunian

        Pag-Unlad sa WIka at Pagbasa, pahina 42-47

        Kamalayan, Wika at Pagbasa Work Texts, pahina 113-116

        https://samutsamot.com

        F5WG-Ia-e-2

     C.   Mga Kagamitan

        Tula, mga larawan, real objects

  1. Pamamaraan

  1. Pagsasanay

Pagbasa ng mga parirala

  1. Balik-aral

Ano ang paksa ng napakinggang kwento kahapon?

Saan natin madalas makita ang paksa ng isang kwento?

  1. Mga Gawain
  1. Pagganyak

Ipakita ang larawang nasa Tuklasin Mo sa mga bata. Tanungin kung ano-ano ang kanilang nakikita.Isulat sa pisara ang mga ito.

Mga maaaring sagot:

Nanay, Park, Bata, lobo, babae, lalaki, lolo, lola, bisikleta, skateboard, gusali, baby, atbp..

  1. Paglalahad

Bumuo ang bawat isa ng limang mag-aaral sa isang grupo. Base sa mga naging sagot ng mga bata na nakasulat sa pisara, bigyan ng manila paper ang bawat grupo. Pagsama-samahin ang sa palagay nila ay magkakaugnay.Bigyan lamang ng tatlong  minuto sa pagsagot. Ipaskil muna sa pisara at hayaang maanalisa ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga sagot at ipapaliwanag ang mga ito.

  1. Pagtatalakay

Ipabasa ang tula na nasa Basahin Mo. Ipapansinin ang mga salitang may salungguhit. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa lalaki? Sa babae? Sa di-tiyak kung anong kasarian? At alin ang walang kasarian?

  1. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Gawin Natin.

(Gabayan ang mga bata sa pagsagot)

Panlalaki

Pambabae

Di-tiyak

Walang Kasarian

tito, binata, hari, ninong, papa, kuya

lola, tinder, ina, prinsesa, doktora, binibini

kaibigan, aso, guro, kapatid, asawa, nars, mag-aaral, bisita

radyo, bahay, puno, paaralan, araw, tubig, ilaw, gamot

Sunod na pasagutan ang Isaisip Mo.

  1. L        2.  L        3.  B        4.  L        5.  L        6.  L        7.  B        8.  B        9.  B        10.  B

  1. Paglalahat

Itanong:

Ano-ano ang mga kasarian ng pangngalan?

Magbigay ng mga halimbawa sa bawat kasarian.

  1. Paglalapat

Sagutan ang Isapuso Mo. 

  1. http://static6.bigstockphoto.com/thumbs/6/3/7/small2/7366876.jpg        2.  http://cdn.mysitemyway.com/etc-mysitemyway/icons/legacy-previews/icons/rounded-glossy-black-icons-alphanumeric/074201-rounded-glossy-black-icon-alphanumeric-x-mark.png        3.  http://static6.bigstockphoto.com/thumbs/6/3/7/small2/7366876.jpg        4.  http://cdn.mysitemyway.com/etc-mysitemyway/icons/legacy-previews/icons/rounded-glossy-black-icons-alphanumeric/074201-rounded-glossy-black-icon-alphanumeric-x-mark.png        5.  http://static6.bigstockphoto.com/thumbs/6/3/7/small2/7366876.jpg

  1. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo.

  1.  tindera                                6.  doktora
  2. nanay                                        7.  tatay
  3. ninong                                        8.  kusinero
  4. binata                                        9.  bukid
  5. piloto                                        10.  magsasaka

  1. Takdang Aralin

Magbigay ng tig-lilimang halimbawa ng bawat kasarian ng pangngalan. Ang mga halimbawang ibibigay ay hindi nakasama sa ating tinalakay o ibinigay na halimbawa.

  1. A. Paksang Aralin

Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar sa Pamamagitan ng tono o damdamin.

     B.  Sanggunian

https://school.quipper.com/en-PH/courses/filipino-grade-5-k-12/kahulugan-ng-salita pamilyar-at-di-pamilyar-gamit-ang-pagbibigay-halimbawa.html

Kamalayan Wika at Pagbasa Work Teks, pahina 137-140

        F5PT-Ic-1.15

     C.   Mga Kagamitan

        Larawan, Metacards

  1. Pamamaraan

  1. Pagsasanay

Pagbasa ng mabilis (mga parirala)

  1. Balik-aral

Anu-ano ang kasarian ng pangngalan. Magbigay ng mga halimbawa.

Pagtatama ng takdang aralin.

  1. Mga Gawain

  1. Pagganyak

Ipapanood ang bidyo.

https://www.youtube.com/watch?v=dNP5BzrBiOg

  1. Paglalahad

Ipaliwanag na ang tono at damdamin ay halos makikita, madidinig o madarama ng isang tao.

  1. Pagtatalakay

Ipabasa ang kwento na nasa Basahin Mo. Ipapansin ang damdamin ng nagkukwento. At maging ng pangunahing tauhan. Maaaring tanungin kung anong damdamin pagkatapos ng bawat talata.

  1. Pagpapayamang Gawain

Gawin ang Pagyamanin Mo

  1. Paglalahat

Ano ang tono?

Ano ang damdamin?

Paano natin magagamit sa pangungusap ang mga salitang ito?

  1. Paglalapat

Sagutan ang Isapuso Mo.

  1. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo.

  1. Takdang Aralin

Maghanap sa internet ng isang kwentong bayan.

  1. A. Paksang Aralin

Pagsagot sa mga Tanong sa Binasang Tekstong Pang-impormasyon

     B.  Sanggunian

        www.rexinteractive.com

        https://www.youtube.com/watch?v=DR01fCosaxE&

        http://www.remate.ph/2010/10/kalusugan-ng-bata-sigurado-basta-i-gp-mo/

        Filipino:  Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad 3, p. 69.

        F5PU-Ic-1

     C.   Mga Kagamitan

        Kwento, Larawan, Metacards, youtube

  1. Pamamaraan

  1. Pagsasanay

Pagbasa ng mga parirala

  1. Balik-aral

Itanong:

Ano ang kasarian ng pangngalan?

Ilabas ang takdang-aralin at itatama ng guro.

  1. Mga Gawain
  1. Pagganyak

Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang balita o teksong pang-impormasyon. Panoorin ito sa link na:  https://www.youtube.com/watch?v=DR01fCosaxE&

Ipaalala sa mga bata ang mga dapat at di-dapat gawin sa panonood.

Ipasagot ang mga tanong pagkatapos.

Itanong:

  1. Tungkol saan ang napanood o napakinggan?
  2. Paano maiiwasan ang dengue?
  3. Ilan ang nagkasakit ng dengue sa Pilipinas noong 2009?
  4. Saan nabubuhay ang lamok na nagdadala ng dengue?
  5. Ano ang sintomas ng dengue fever?

  1. Paglalahad

Itanong:

Ano-ano pa ang mga hakbang na maaring gagawin upang maiwasan ang dengue?

Bakit kaya kailangang maglabas ng mga impormasyong kagaya nito?

Ano ang maitutulong ng mga impormasyong ito sa buhay ng isang tao?

  1. Pagtatalakay

Ipabasa ang Basahin Mo.

 http://www.remate.ph/2010/10/kalusugan-ng-bata-sigurado-basta-i-gp-mo/

  1. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Pagyamanin Natin.

  1. Paglalahat

Itanong:

Bakit kailangang pahalagahan ang ating kalusugan?

Ano-ano ang dapat nating maunawaan sa tekstong ating nababa?

Dapat bang paniwalaan ang lahat ng mga bagay na ating nababasa?

  1. Paglalapat

Sagutan ang Isapuso Mo. 

  1. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo.

  1. Takdang Aralin

Napakaraming uri ng  mga karamdaman na nagpapahina sa katawan ng tao at nagdudulot ng kamatayan sa iba. Kilalanin mo ang mga karaniwang sakit ng mga tao ngayon.  Makikita sa tsart sa ibaba ang ilang halimbawa ng sakit. Maaring gamitin ang diksyunaryo o internet upang kumuha ng mga impormasyon tungkol ditto. Kung gusto mo, maaari kang magtanong kina Nanay at Tatay.

Mga Sakit

Kahulugan at Impormasyon

1.  sipon

 

2.  ubo

 

3.  hika

 

4.  tigdas

 

5. lagnat

 

  1. A. Paksang Aralin

Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Kwento / Usapan

     B.  Sanggunian

        http://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html

        Bagong Filipino sa Salita at Gawa 5, pp. 92-9

        Hiyas sa Pagbasa 5 – Binagong Edisyon

        F5PN-Ic-g-7, F5PT-Ic-1.15

     C.   Mga Kagamitan

        kwento, larawan, metacards

  1. Pamamaraan

  1. Pagsasanay

Pagbabaybay ng mga salitang-hiram

  1. Balik-aral

Pag-tsek ng takdang aralin na inihanda ng mga bata

  1. Mga Gawain
  1. Pagganyak

Ipapanood ang youtube video na ito. Ipaalala ang mga dapat at di-dapat gawin sa panonood. Sabihin din sa mga bata na maari nilang isulat sa kanilang kuwaderno ang mga importanteng salita na kanilang makikita at maririnig.

https://www.youtube.com/watch?v=YA-ans78i8o

Itanong: Ano-anong mga salitang-hiram ang iyong nadinig at ang katumbas nito sa ingles?

Mga sagot:

  1. haynayan – biology
  2. bilnuran – arithmetic
  3. miktiinig – microphone
  4. pang-ulong hatinig – headset
  5. sulatroniko – e-mail
  6. pook-sapot – website
  7. pantablay - charger

  1. Paglalahad

Itanong:

  1. Anu-anong pagbabago ang nangyayari sa ating bansa na iyong napapansin?
  2. Ano ang naidudulot nito na maganda sa ating mga mamamayan?
  3. Bakit kailangan na magkaroon ng  mga pagbabagong ito?
  4. Ang teknolohiya ba ay may mabuti o masamang maidudulot sa mga kabataan?
  5. Anong mga makabagong kagamitan ang nakatutulong sa iyong pag-aaral? Paano?
  6. Mayroon ba kayong dalang mga makabagong kagamitan?

  1. Pagtatalakay

Ipabasa ang Basahin Mo.

Itanong sa mga bata:

  1. Paano inilarawan ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa bansang Pilipinas?
  2. Isa-isahin ang mga pagbabagong nagaganap sa paaralan.
  3. Ang pagkakaroon ba ng makabagong kagamitan ay nagpapakita ng maunlad na bayan? Panindigan ang iyong sagot.
  4. Ano ang makabagong kagamitan ang gusto mo na maaaring makatulong sa kaunlaran ng bansa?

  1. Pagpapayamang Gawain

Sabihin: Pansinin ang mga salitang nakahilig. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Isulat ang mga salita sa pisara at tulungan ng guro na baybayin ang mga salitang ito.

Halimbawa:

Salitang Hiram

Baybay-Filipino

Kahulugan

1.  computer

1. kompyuter

1. Ang kompyuter ay isang makina o electronic device na ginawa para mapabilis ang mga gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut.

Pagkatapos, sagutan ang Pagyamanin Natin at Isaisip Mo.

  1. Paglalahat

Bakit kailangang baybayin ang mga hiram na salita?

Magiging maunlad ba ang ating bansa kung hindi tayo nanghiram ng mga salita? Panindigan ang iyong sagot.

  1. Paglalapat

Sagutan ang Isapuso Mo

  1. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo.

  1. Takdang Aralin

Isulat sa patlang ang wastong baybay ng hiram na salita gamit ang alpabetong Filipino.

  1. index
  2. campus
  3. magazine
  4. guapo
  5. cuatro