TG – EPP5 HE – 0i – 27

Pagtatala ng mga Sangkap sa Pagluluto

ng Sinigang

  1. Nilalaman

Mahalaga na matutunan ng mga batang nasa Ikalimang Baitang ang pagluluto. Sa araling ito, malalaman nila ang mga sangkap na ginagamit sa pagluluto ng simpleng putahe katulad ng Sinigang na Baboy o Baka. Maitatala ang mga sangkap na ito bilang paghahanda sa kanilang aktwal na pagluluto.

  1. Layunin

1.   Naitatala ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang na Baboy    

      o Baka.

  1. Paksang Aralin

Paksa:                Pagtatala ng mga Sangkap sa Pagluluto ng

                Sinigang na Baboy o Baka

Sanggunian:        K to 12 EPP5 HE – 0i – 27

Kagamitan:        larawan ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto

                tsart ng resipi ng Sinigang na Baboy o Baka

  1. Panimulang Pagtatasa

Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong.

  1. Sino ang naghahanda ng pagkain para sa inyong mag-anak?
  2. Ano ang unang dapat ihanda bago ang pagluluto?
  3. Bakit mahalaga ang paghahanda ng menu?

  1. Pamamaraan
  1. Pagganyak

        Pag-awit ng mga bata ng “Bahay Kubo”.

        Itanong sa mga bata kung ano ang masasabi nila sa awiting ito.

  1. Paglalahad
  1. Pagpapakita ng guro ng tunay o larawan ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto.
  2. Sasabihin sa mga bata na maglalaro sila ng “Mamalengke Tayo”.
  3. Ipakikita ng guro ang ngalan ng lulutuin (nakasulat sa meta card).
  4. Papangkatin ang mga bata sa 4 na grupo.
  5. Ang bawat pangkat ay pipili ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto.
  6. Pagkatapos ng laro, ipakikita ng guro ang resipi ng Sinigang na Baboy o Baka na nakasulat sa tsart.
  7. Ipauulat sa bawat lider ng grupo kung anu-ano ang mga sangkap na napili nila.
  8. Ang grupo na tama ang nakuhang mga sangkap ang siyang panalo.

  1. Pagpapalalim ng Kaalaman
  1. Tatalakayin ang resipi ng Sinigang na Baboy o Baka.
  2. Iisa-isahin ang mga sangkap nito. Sabihin na ang mga sangkap nito ay nasa awiting Bahay Kubo na matatagpuan sa ating pamayanan.
  3. Pag-uusapin ang mga hakbang sa pagluluto upang maihanda ang mga bata sa aktwal na pagluluto.

  1. Pagsasanib
  1. Tatalakaying muli ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang na Baboy o Baka.
  2. Itanong sa mga bata kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong sangkap sa pagluluto.

  1. Paglalahat

Ipabasa ang mga nasa Tindahan Natin sa LM.

  1. Pagtataya

Ipasagot ang nasa Gawin Natin sa LM.

        Susing sagot:

  1. Pangwakas na Pagtatasa

Itanong sa mga bata.

  1. Anu-ano ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang na Baboy o Baka?

  1. Pagpapayaman ng Gawain
  1. Isulat sa kwaderno ang resipi ng Sinigang na Baboy o Baka.
  2. Tumulong sa nanay sa paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.

TG – EPP5 HE – 0i – 28

Pamamalengke ng mga Sangkap na

Gagamitin sa Pagluluto

  1. Nilalaman

May mga salik na dapat isaalang-alang sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Ang mga ito ay kailangang makatugon sa pangangailangang pangnutrisyon, na ang mga ito ay makikita sa pamayanan, mura, at sariwa.

  1. Layunin
  1. Naipakikita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura at masustansiyang sangkap sa pagluluto.
  2. Naisasaalang-alang ang mga sangkap na makikita sa paligid.
  3. Nakapagkukuwenta nang mahusay sa pamamalengke.

  1. Paksang Aralin

Paksa:                Pamamalengke ng mga Sangkap sa Pagluluto

Sanggunian:        K to 12 EPP5 HE – 0i – 28

                Gumawa at Umunlad V

                Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V

Kagamitan:        Larawan ng mga sangkap sa pagluluto

                Flashcard, tsart

  1. Panimulang Pagtatasa

Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong.

  1. Anu-ano ang mga sangkap na ginagamit sa pagluluto ng sinigang?
  2. Bakit dapat isaalang-alang ang mabuting katangian ng mga sangkap na gagamitin?
  3. Ano ang naidudulot ng angkop na paggamit ng mga sangkap sa pagluluto?

  1. Pamamaraan
  1. Pagganyak

Sasabihin ng guro na hahatiin ang mga bata sa 3 pangkap. Ipapaliwanag ng guro ang gagawin ng bawat pangkat.

        Unang Grupo                - Sa pamamagitan ng mga larawan, sasabihin nila ang katangian ng mga sangkap sa pagluluto.

        Ikalawang Grupo        - Sa pamamagitan ng mga salitang nakasulat sa flashcards, pipiliin nila ang mga sangkap na makikita sa pamayanan.

        Ikatlong Grupo        - Sa pamamagitan ng listahan ng pinamili, kukuwentahin ang kabuuang halaga ng pinamili.

  1. Paglalahad
  1. Ipabasa ang isang sanaysay sa LM. Talakayin ang tungkol dito.
  2. Itanong sa mga bata.

  1. Pagpapalalim ng Kaalaman
  1. Ipabasa sa mga bata ang mga alituntunin sa matalinong pamimili ng mga sangkap sa pagluluto.
  2. Ipakita ang halimbawa ng listahan ng pinamili na may kalakip na halaga. Kuwentahin ang kabuuang halaga.
  3. Tingnan sa LINANGIN NATIN sa LM.

  1. Pagsasanib

Dula-dulaan tungkol sa mahusay na pamamalengke ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto.

Pipili ng ilang bata na gaganap.

  1. Paglalahat

Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa matalinong pamamalengke upang makapili ng mas mataas na uri ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto at upang makatipid sa oras, lakas, at salapi.

  1. Pagtataya

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.

     Susing sagot.

        A. 1.                 B. 1. Php 142.50

            2.                     2. Php 39.00

            3.                     3. Php 219.00

            4.

            5.

  1. Pagpapayaman ng Gawain

Ipagawa sa mga bata ang nasa Pagyamanin Natin sa LM.