PAGSASAGAWA NG SURVEY GAMIT ANG TEKNOLOHIYA SA PAGKALAP NG DATOS PATUNGKOL SA PRODUKTO

NILALAMAN:

Sa araling ito, ay matututuhan ng mga mag-aaral ang kabutihan ng pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya tulad ng Internet at ibang paraan ng pagkalap ng datos patungkol sa mga podukto. Sa gayon, malalaman ang mga iba’t ibang materyales, disenyong ginamit at pamamaraan sa pagbuo at pangangailangan sa pamilihan o market demands.

LAYUNIN:

Naipaliliwanag ang pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng datos.

Nalalaman ang iba’t ibang produktong mabibili gawa sa ibat ibang materyales.

Natatalakay ang mga materyales, kagamitan at pamamaraan sa pagbuo.

Naipamamalas ang pangangailangan sa pamilihan o market demands.

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa:  Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Teknolohiya at Ibang Paraan ng Pagkalap ng Datos Patungkol sa Proyekto

Sanggunian: Aralin 4 K to 12- EPP5IA-0e-5 

Kagamitan: kompyuter, iba’t ibang materyales sa Sining (papel, pandikit, kartolina)

IV. PAMAMARAAN

PAGGANYAK

Ipakita sa mga bata ang iba’t ibang larawan ng mga produkto at itanong:

Ano-ano ang mga produkto ang maaaring magawa mula sa materyales na makikita sa pamilihan.

Saan kaya matatagpuan ang mga ito sa ating pamayanan?

B. PAGLALAHAD

Magpakita pa ng iba’t ibang gamit o uri ng produktong mabibili na gawa sa iba’t ibang materyales sa isang powerpoint presentation at itanong:

Paano ginagamit ang mga ito?

Pasalaysayin ang mga piling bata tungkol sa karanasan kung sila ay bumibili ng mga produkto tulad ng mga gift items, mga handicraft, mga laruan, at iba pa.

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.

Tatalakayin ng guro ang mga pamamaraan ng pagsasagawa ng survey at mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng survey.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral na iyong isinulat sa pisara.

Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng sumusunod na tanong.

   Bakit kailangang gumamit ng mga produktong ito?

Paano gagamitin ang mga ito?

Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang palagay tungkol sa aralin.

Bigyan sila ng malayang pagpapahayag ayon sa kanilang pag-unawa.

Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang karanasan sa pggawa ng survey.

Ipagawa ang isa pang gawain sa LM. Maaaring iugnay ang aralin.

Gawain:

Hatiin ang klase sa limang grupo at magsagawa ng internet research patungkol sa mga produkto na matatagpuan sa pamayanan. Bawat lider ang magsusulat ng mga ito sa kwaderno. Magprint ang isang larawan ng isang produkto.

 

Gumuhit sa kartolina ng produktong napili at maaaring gumawa ng tulad nito at magsagawa ng “Gallery Walk”. Hayaang ang bawat mag-aaral ay pumila at tingnan ang bawat ginawang produkto.

 

D. PAGSASANIB

HEKASI- Iba’t Ibang Produkto na matatagpuan sa Pilipinas; Entrepreneurship

EPP- ICT

Sining- Pagdidisenyo

 E. PAGLALAHAT

Ipabasa sa mga bata ang Tandaan Natin na nasa LM.

V. PAGTATAYA

Magtala ng mga produktong kanilang ginawa sa ICT na maaaring ibenta.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Magsagawa ng interbyu sa mga magulang, kapatid, atbp sa komunidad at itala ang mga produkto na maaaring pagkakitaan na matatagpuan sa kanilang lugar.

Magmasid-masid sa palengke o sa mga tinadahan sa pamayanan. Tanungin ang mga tindera kung ano ang mabentang produkto na kanilang ibinebenta.

Sagutin ang Pagyamanin Natin sa LM.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

Roson, Shiela Mae R.  Edukasyong Pantahanan at Panggkabuhayan IV, p. 244

https://explorable.com/selecting-the-survey-method

Margin-1 all

Left-1.5

Space - single

Arial 11

Letter sans