Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

New DEPED daily lesson log at www.teachershq.com

Grade Level:

V

Teacher:

File Created by Ma’am ROSA HILDA P. SANTOS

Learning Area:

FILIPINO

Teaching Dates and Time:

JUNE 12-16, 2017 (WEEK 2)

Quarter:

1ST QUARTER

LUNES

Holiday (Independence Day)

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

  1. LAYUNIN

  1. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

  1. Pamantayan sa Pagaganap

Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa napakinggang kuwento at pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap tungkol sa isyu o paksang napakinggan

  1. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggang tula

Nakikila ang kahulugan ng wastong pagkain sa kalusugan ng mamamayan

F5PS-Ia-j-1/Pahina 67 ng 143

Nakapagbibigay ng sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu

 o usapan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang narining.

Nabibigyang halaga ang ginawang kadakilaan ng mga bayani

F5PS-Ia-j-1-Pagsasalita/ Pahina 67 ng 143

Natutukoy ang dami o bilang ng pangngalan

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan  sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid

F5WG-Ia-e-2/ Pahina 67 ng 143

Natutukoy ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap

Naitatala ang ang mga mahahalagang impormasyon mula sa binasang teksto

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng balangkas

F5PT-Ia-b-1.14, F5EP-Ib-10, F5PB-Ib-5.4/ Pahina 67 ng 143

Nasasagot ang mga tanong bago at pagkatapos manood ng pelikula.

Naipakikita ang disiplina habang nanonood ng pelikula.

F5PD-Ib-10/ Pahina 67 ng 143

  1. NILALAMAN

Wastong Pagkain (Tula)

Pagsagot sa mga tanong sa napakinggang tula

Pagbibigay ng sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu  o usapan

Pagbibigyang halaga ang mga nagawang kadakilaan ng mga bayani

Kailanan ng Pangngalan

Paggamit nang wasto ng mga pangngalan  sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid

Pagtukoy ng kahulugan ng salitang pamilyar sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap.

        Pagtatala ang ang mga mahahalagang impormasyon mula sa binasang teksto

Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento sa tulong ng nakalarawang balangkas

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa pelikulang napanood

        Pelikula:  “Bayani, Andres Bonifacio

KAGAMITANG PANTURO

  1. Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

  1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

  1. Mga pahina sa Teksbuk

Hiyas sa Pagbasa 5 p. 6

Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 5 pahina 32-37

        F5WG-Ia-e-2-Pagsasalita (Gramatika)

Pagbasa Filipino 5 Yaman ng Lahing Kayumanggi pp. 14-20

Kayumanggi Pagbasa pp.163-164

Youtube: Bayani”, Andres Bonifacio

  1. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

  1. Iba pang Kagamitang Panturo

Tsart, tula

Balita, larawan, tsart

Larawan, kahon, strips of cartolina, tsart

Word Hunt tsart, kwento

Telebisyon, DVD, USB o CD(maari ring gamitin ang projector at laptop), larawan ni AndresBonifacio

  1. PAMAMARAAN

  1. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Balik-aral

Ano-ano ang mga pagkaing nagbibigay ng nutrisyon sa ating katawan?

Paano ito nakatutulong sa ating kalusugan?

2.Pagsasanay

Batay sa tsart, bigkasin ang mga salita.

malusog        masayahin        bubuti

gulay                prutas                maganda

lalakas                titibay                mahaba

malunggay        sariwa                pagkain

1.Balik-aral

Ano-ano ang mga pagkaing nagbibigay ng nutrisyon sa ating katawan?

2.Pagsasanay

Idikta sa mga bata ang mga sumusunod na salita

1.        Kalamidad

2.        Bayanihan

3.        Nasalanta

4.        Inaabuso

5.        pangangailangan

1.Balik-aral

Pangkatang Gawain (Gawain 2 pahina )

Bigyan ang bawat pangkat ng show me board.

Pumili  ang bawat pangkat ng isang lider na magsusulat sa show me board.

Sa hudyat ng guro, sasagutan ang tanong (uri ng pangngalan).

Ang may pinakamaraming tamang sago tang mananalo sa larong ito.

2.Pagsasanay

Basahin ang mga salitang ipapakita ng guro.

Original File Submitted and Formatted by DepEd Club Member - visit depedclub.com for more

1.Balik-aral

Sagutin ang mga tanong:

Ano ang tawag sa pangngalan na maaaring isahan, dalawahan o maramihan?

Ito ay tumutukoy sa isa lamang pangngalan. Ang tawag dito ay ______.

Ito naman ay tumutukoy sa mga pangngalang tiyak na dalawa ang dami o bilang. Ano ang tawag dito?

Ano naman ang tawag sa pangngalan na may higit pa sa dalawa?                                                                

2.Pagsasanay

Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod nito sa kuwento.

____a. Pagtatakda ni Haring Leon ng isang kautusan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

____b. Malakas na pagpapalakpakan at kasiyahan ng mga hayop.

____c. Gagantimpalaan ang susunod, parurusahan ang lalabag.

____d. Pinulong ni Haring Leon ang lahat ng hayop sa Pamahayupan.

____e. Pag-uulat sa ginawang pagbabantay

Balik-aral

Magbigay ng mga pamantayan bago at pagkatapos manood ng pelikula?

2.Pagsasanay

Pangkatang Gawain: Hulaan Mo (Mga pamagat ng teleserye)

  1. Paghahabi sa layunin ng aralin

A.Pagganyak

Tumawag ng limang mag-aaral. Bigyan ng strips ang bawat isa. Buuin ang pinaghiwahiwalay na salita upang makabuo ng isang pangungusap.idikit ang nabuong sagot sa Manila paper na nasa pisara.

Gabayan ang mga bata sa kanilang pagsasagot.

(Sagot: Isang kayamanan ang malusog na pangangatawan).

A.Pagganyak

Tingnan ang larawan sa p. __. Buuin ang mga letra upang makabuo ng salita na hinango sa larawan.

A.Pagganyak

Magpapakita ang guro ng isang kahon na may nakalagay na strips of cartolina. Tatawag ng (5) bata upang dukutin ang nasa loob ng kahon.Pagkatapos ay babasahin ito at ididikit sa pisara ang kanilang nabunot Itapat ang salita sa bawat kahulugan nito.

Filipino                        isa                marami

Matematika                dalawa

A.Pagganyak

Pangkatang Gawain.

Bumuo ng (2) grupo at papilahin sa unahan kung saan ay nakadikit ang sasagutan tigkabilang grupo.

        Pangkat 1- mga babae

        Pangkat 2-mga lalaki

        

        Bigyan ng limang minuto ang bawat pangkat.

Ano ang pakiramdam n’yo matapos masagutan o mahanap ang mga salita sa ibaba?

A.Pagganyak

Laro: “Pamagat ng Pelikula, Hulaan Ko”

Bumuo ng (2)pangkat na binubuo ng tig-lilimang miyembro.

Bubunot ang bawat lider kung sino ang mauuna sa paghula.

Bwat miyembro ay may nakalaang tig-lilimang pamagat ng palabas sa telebisyon.

Bigyan ng tig sampung segundo ang bawat grupo sa paghula.

Ang may pinakamaraming sago tang siyang mananalo sa laro.

.

  1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

B.Paglalahad

Pakinggan ang tulang babasahin ko na pinamagatang “Wastong Nutrisyon.” Pero bago ko  simulan ang pagbabasa ay nais ko munang marinig sa  ninyo ang mga panuntunan sa pakikinig.

(Tumawag ng (3) tatlong mag-aaral upang banggitin ang mga panuntunan

B.Paglalahad

Iparirinig ng guro ang balita. “Bayanihan susi sa pagbangon sa kalamidad”

B.Paglalahad

Tumawag ng (2) batang babasa ng usapan.

Pansinin ang mga salitang may salungguhit na tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan, na tinatawag na kailanan ng pangngalan.

.  Paglalahad

        Basahin ang kwentong pinamagatang “Ang Kapistahan ng Hulong Duhat”.

        Bago simulant ang pagbabasa ay alalahanin ang mga panuntunan.

B.Paglalahad

Ipaskil sa pisara ang pamagat ng pelikulang panonoorin.

Pag-usapan ang larawan.

Itanong:

Ano ang pamagat ng pelikula

Ano ang nasa larawan?

Ano ang ipinahihiwatig nito?

Anu-ano ang hula ninyong mangyayari sa kwento?

Ano-ano ang mga tanong na nais ninyong masagot ng pelikulang panonoorin?

Ipagamit ang prediction chart.

        (Gabayan ang mga bata sa paggawa ng tanong)

Sasagutan ang gawain habang nanonood ng pelikula ang limang (5)  grupo.

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

C.Pagtatalakay

Batay sa tulang narinig, ano-ano ang mga katangian ng taong malusog?

Ano ang mga pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng ngipin?

Ano pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?

Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan?

Ilagay ang sagot ng mga mag-aaral sa isang graphic organizer

                

C.Pagtatalakay

Tungkol saan ang balita?

Sino-sino ang mga taong nabanggit sa balita?

Ano ang nangyari sa balita?

Anong klaseng mamamayan ang mga taga- Hagonoy, Bulacan?

Paano ipinakita sa balita ang pagpapahalaga nila sa kanilang paaralan? Anong masasabi mo sa ginawa ng mga tao sa balita? Tama ba ang ginawa nila? Bakit?

Ano ang gagawin mo kung mangyari din sa lugar mo ang gaya ng nagyari sa kanila?

C.Pagtatalakay

Sino ang magkausap sa dayalogo?

Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?

Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?( Isulat ng guro ang sagot sa pisara)

                Sagot: Si, Marami at Dalawa

•Isahan – kung tumutukoy sa isang pangngalan. Ginagamitan ng panandang si, ni, kay at ng, pang-uring pamilang na isa, tangi, solo at bugtong.

        Hal. Ang aklat

                       Solong anak

•        Dalawahan- mga pangngalang tiyak na dalawa ang dami o bilang. Karaniwa’y ginagamitan ito ng panlaping mag.

Hal. Ang magkaibigan ay nagmamahalan.

       Kami lang ang magkapatid.

•        Maramihan- kung ang pangngalan ay higit pa sa dalawa. Ginagamitan ng panandang maramihan gaya ng ang mga, sina, nina, at kina. Maaari rin itong gamitan ng salitang marami, sari-sari,iba-iba at ang panlaping mag na sinusundan ng pag-uulit ng unang pantig ng isahang pangngalan.

Hal. sina Ana, Rona at Aida

       Iba-ibang bulaklak

       Sari-saring palamuti

       Maraming bata

       Magpipinsan, magkakapatid

       Ang mga mag-aaral.

Pagtatalakay

                Sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Tanong

Sagot

1.Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa?

2.Saan matatagpuan ang Hulong Duhat?

3.Anong hugis ng sanga ang nakita ng lalaki?

4.Bakit ayaw ipagbili ni Doris ang sangang hugis krus?

5.Kung ikaw ang may-ari ng sangang hugis krus, ipagbibili mo ba ito? Bakit?

6.Sang-ayon ka bang putulin ang sangang hugis krus? Pangangatwiran mo ang iyong sagot.

7.Paano pinahahalagahan ng mga taga-Hulong Duhat ang krus?

C.Pagtatalakay

Pangkatang Gawain: Talakayin ang prediction chart

Iuulat ng bawat grupo ang napagkayariang kasagutan.

  1. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain: Bumuo ng (4) apat na grupo. Pumili ng lider at sagutan ang Gawain sa loob ng (5) limang minuto.

A.Pangkatang Gawain

Bumuo ng (4) apat na pangkat. Isagawa ang reaksyon sa balitang narining.

Pangkat I – Dula-dulaan

        Pangkat II – Wrap

        Pangkat III – Tula

Pangkat 4 – Awit

        Bigyan ng (10) sampung minuto ang mga mag-aaral upang paghandaan ang nasabing gawainn.

Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa (3) grupo Bigyan ang bawat pangkat ng Gawain. Pumili ng lider na siyang mag-uulat ng kanilang sagot.

                        

Pangkat I- Isahan

Pangkat II-Dalawahan

Pangkat III-Maramihan

Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat upang magbahagi ng ulat

A.Pangkatang Gawain

Bumuo ng 4 na pangkat. Pumili ng lider na siyang mangunguna sa gawain.

Humanda sa pag-uulat ang isang miyembro ng pangkat.

Gawin ang Gawain Ninyo pah ___ sa loob lamang ng sampung minuto.

Isulat ang sagot sa Manila paper na ibibigay ng guro.

  1. Paglinang sa Kabihasan

(Tungo sa Formative Assessment)

.Sagutan ang Pagyamanin  Gawin Ninyo  Magbugtungan Tayo pah. 2

Isahang Gawain

Sagutan ang Gawain Mo p. ___

B.Sagutan ang Gawain letrang D pah. ___

B.Isahang Gawain

Sagutan ang Gawin Mo pah ___ sa isang buong papel

A. Magpapanood ng isang video clips. Sagutan ang mga tanong base sa napanood.

  1. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Paglalapat

Sagutan ang Pagyamanin  Gawin Mo  pah. 3

Paglalapat

Bigyan ng reaksyon o opinion ang isyung nasa kahon.

F.        Paglalapat

Sagutan ang Gawain letrang E pah. __

Lagyan ng        kung ang pangngalan ay isahan,      kung dalawahan at            

                  maramihan.

D.Paglalapat

Pagsunod-sunurin ang mga Pangyayari sa Kwento: Basahin ang isang maikling kwento na ibibigay ng guro, pagkatapos ay lagyan ng bilang ang mga bituin ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

) Lagyan ng bilang 1-5 ang mga bituin sa ilalim nito.

______Nakakita siya ng puno ng ubos na hitik ng hinog na bunga.

______Lumundag ang lobo at lumundag ng lmundag ngunit wala siya nakuha.

______ Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.

______Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.

______ Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas

Paglalapat

Pangkatang Gawain: Ano ang Gagawin Mo?

Magbigay ng mga sitwasyon  tungkol sa panonood ng pelikula.

  1. Paglalahat ng Arallin

Paglalahat

Ano-ano ang mga dapat tandaan habang  nakikinig sa binabasang tula.

Ano ang kinakailangang gawin upang mapanatiling maging malusog ang ating katawan?

Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na katawan?

Paglalahat

Itanong:

 Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyo o opinion sa narining na balita o isyu?

Paglalahat

Ano ang tawag sa pangngalan na maaaring isahan, dalawahan o maramihan?

Ito ay tumutukoy sa isa lamang pangngalan. Ang tawag dito ay ______.

Ito naman ay tumutukoy sa mga pangngalang tiyak na dalawa ang dami o bilang. Ano ang tawag dito?

Ano naman ang tawag sa pangngalan na may higit pa sa dalawa?

Paglalahat

Ano ang dapat tandaan upang maging maayos at tama ang pagkakasunod-sunod ng kwento?

Paglalahat

Paano mo mapahahalagahan ang panonood sa telebisyon?

Anong aral ang dapat tandaan kapag nanonood sa telebisyon o ng pelikula

  1. Pagtataya ng Aralin

Pagtataya

        Babasahin ko ang tulang “Balik Probinsya”. Sagutan  ang  nasa pah 3 sa kalahating bahagi ng papel.

        “BalikProbinsya”

. Pagtataya

        Sagutan ang Isulat Mo pah ___

Pagtataya

        Sagutan ang gawain F pah ___.

        

Pagtataya

        Sagutan ang Sulatin Mo pah ___

. Pagtataya

        Ang pag-uulat ng bawat grupo ang magsisilbing pagtataya sa araw na ito.

  1. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

V. Takdang-aralin

        Magsaliksik ng isang tula tungkol sa kalusugan. Humanda sa pagbigkas sa susunod na araw.

Takdang-aralin

        Manood ng balita sa telebisyon. Magtala ng (1) isang isyu o balita at isulat ang inyong reaksyon sa inyong kwaderno.

Takdang-aralin

        Sumulat ng talatang naglalarawan tungkol sa buhay ng mga mag-aaral. Gamitin ang mga kailanan ng pangngalan. Lagyan ng pamagat.

Takdang-aralin

                Maghanap ng maikling kwento . Maglagay ng limang sunod-sunod na pangyayari batay sa binasang kwento sa inyong kwaderno.

Takdang-aralin

        Manood ng pelikula o teleserye sa telebisyon. Magtala ng mahahalagang impormasyon tungkol dito.

  1. Mga Tala

  1. Pagninilay

  1. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

  1. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

  1. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

  1. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

  1. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

  1. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

  1. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

New DEPED daily lesson log at www.teachershq.com

File Created by Ma’am ROSA HILDA P. SANTOS