Description: DEPED-NEW_e78wysqt

        GRADES 1 to 12

        DAILY LESSON LOG

School:

For more DEPED daily lesson log template, go to: www.teachershq.com

Grade Level:

IV

Teacher:

Learning Area:

EPP

Teaching Dates and Time:

DEC. 12-16, 2016 (WEEK 6)

Quarter:

3RD QUARTER

Monday

December 12, 2016

Tuesday

December 13, 2016

Wednesday

December 14, 2016

Thursday

December 15, 2016

Friday

December 16, 2016

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang orna-

Mental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang orna-

Mental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang orna-

Mental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang orna-

Mental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.

Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.

Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.

Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Isulat ang code ng bawat kasanayan

1.8.1 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng pagdidilig at pagbubungkal ng lupa.

EPP4AG-Oe-8

1.8.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng paggawa ng organikong pataba.

EPP4AG-Oe-8

1.8.3 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng paglalagay ng abono sa lupa.

EPP4AG-Oe-8

1.9 Naipakikita ang pamamaraan sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim ng halamang ornamental.

EPP4AG-Oe-8

II. NILALAMAN

Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paraan ng Pagbubungkal ng Lupa

Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paggawa ng Organikong Pataba (Composting)

Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paglalagay ng Abono sa Halaman

LINGGUHANG PAGSUSULIT

BILANG 4

Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paraan ng Paggamit ng Kagamitang Paghahalaman

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

T.G. pp. 156 - 158

T.G. pp. 158-160

T.G. pp. 160-162

T.G. pp. 162-163

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-

    Mag-aaral

L.M. pp. 364 - 366

L.M. pp. 366-374

L.M. pp. 374-378

L.M. pp. 379-381

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa  

     portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

Asarol, dulos, regadera, kalaykay,

Pala, palang tinidor

Pala, kalaykay, mga tuyo at bagong tabas na dahon ng halaman, abo, apog, dumi ng mga hayop, at iba pa, larawan

Larawan, tsart, flashcards

Asarol, dulos, pala, kalaykay, piko, regadera, pala, itak, tulos at pisi, larawan

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o

     pagsisimula ng bagong aralin

Ano-ano ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang pagpuputol?

Ano-anong mga kasangkapan ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa? Pagdilig ng halaman?

Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng organikong pataba tulad ng compost pit?

Ano-ano ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Bakit kailangan ang angkop na kagamitan sa paghahanda ng lupa na pagtataniman? Ano ang maaaring mangyari kung ito ay hindi maayos na naihanda?

Kayo ba ay may mga alagang halaman sa bahay. Anong pamamaraan ang inyong ginagawa upang tumubo ng maayos at malusog ang inyong mga halaman?

Sa palagay ninyo, bakit may mga halamang mataba at may halamang payat? Bakit may malulusog at hindi malulusog?

Nakakita na ba kayo ng dulos?

Paano o saan kaya maaaring gamitin ang dulos?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa

     bagong aralin

Pagpapakita ng larawan ng mga kasangkapan sa mga bata o tunay na mga kasangkapan

Ipabasa sa mga bata ang “Linangin Natin” sa p. 367-369 ng LM at talakayin ito.

Ipabasa sa mga bata ang “Linangin Natin” sa p. 376-377 ng LM at talakayin ito.

Pagpapakita ng larawan ng mga kasangkapan sa mga bata o tunay na mga kasangkapan

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at

    paglalahad ng bagong kasanayan #1

Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman?

Magbigay pa ng ilang tanong sa mga bata…

Ano-ano ang mga masistemang paraan ng pangangalaga ng halaman?

Ano ang broadcasting method? Ano naman ang side dressing method? Ring method? Basal application method? Foliar method?

Narito ang ilang kagamitan sa paghahalaman

-asarol, kalaykay, piko, dulos, regadera, pala, itak, tulos at pisi

Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at

    paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider

-Pag-usapan ng bawat pangkat ang masistemang pangangalaga ng halaman at mga kagamitan na ginagamit dito.

-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa

Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider

-Pag-usapan ng bawat pangkat ang tungkol sa paggawa ng organikong pataba

-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa.

Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider

-Pag-usapan ng bawat pangkat ang tungkol sa paglalagay ng abono sa halaman

-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa.

Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider

-Pag-usapan ng bawat pangkat ang tungkol sa mga kagamitan sa paghahalaman

-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa.

F. Paglinang sa Kabihasnan

    (Tungo sa Formative Assessment)

Paano natin pangalagaan ang mga halaman upang mabilis itong lumaki at malusog?

Paano natin pangalagaan ang mga halaman upang tumubo ito ng maayos at malusog?

Bakit kailangan lagyan ng abono ang mga halaman?

Paano ang tamang pamamaraan sa paggamit ng mga kagamitan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-

     araw na buhay

Si Rene ay nais magbubungkal ng lupa sa paligid ng kanyang halamang daisy, anong kasangkapan ang kanyang gagamitin?

Ang mga halamang rose ni Aling Belen ay hindi namumulaklak at payat, ano ang dapat gawin ni Aling Belen?

Payat at lanta ang halamang Crotons ni Mang Oscar na nakatanim sa paso, anong paraang ng paglalagay ng abono ang kanyang gagawin?

Tuyo at lanta ang mga halaman ni Aling Rosa sa kanyang garden, anong uri ng kagamitan ang kanyang gagamitin?

H. Paglalahat ng Aralin

Ano-anong mga kasangkapan ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa? Pagdilig ng halaman?

Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng organikong pataba tulad ng compost pit?

Ano-ano ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman?

Ano-anong mga kagamitan ang ginagamit sa paghahalaman?

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang kagamitan sa pagbubungkal ng lupa na tinutukoy ng bawat bilang.

1.Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

2. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.

3. Ginagamit sa paglinis ng kalat na mga tuyong dahon at iba pang uri ng basura.

4. Ginagamit sa paglipat ng lupa

5. Ginagamit sa pagdilig ng halaman.

Panuto: Tama o Mali

1.Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng halaman.

2. Ang organikong abono ay maaaring makuha sa medaling pamamaraan.

3. Ang halaman ay kailangan bungkalin ng isa o dalawang beses sa isang lingo.

4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para madaling makita ng mga tao.

5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, apog o abo at lupa ang tamang paglalagay sa compost pit/compost heap?

Panuto: Tama o Mali

1.May dalawang uri ang abono: organiko at di-organikong pataba.

2. Ang organikong pataba ay mga abonong galing sa nabulok na prutas, dumi ng hayop, mga nabulok na dahon

3. Ang abono ay nagdadagdag ng sustansya ng lupa na nagsisilbing pagkain ng halaman.

4. Mayroon tayong paraan ng paglalagay ng abono sa halaman, hand method, side dressing, foliar spray, broadcasting at topdressing.

5. Ang halaman ay lumalago din kahit walang abono ang lupa.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pangungusap at ekis (x) naman kung mali.

1.Maaring gumamit ng lata ng gatas at bubutasan ko ito at gagawing pandilig kapag walang regadera na magamit.

2. Ang dulos ang angkop gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

3. Ang regadera ay ginagamit pangbungkal ng halaman.

4. Ang asarol ay ginagamit pambungkal ng lupa.

5. Ang piko naman ay ginagamit upang hukayin at durugin ang lupa.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-

    aralin at remediation

Magdala bukas ng mga larawan ng mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa na naka-print o nai-drawing sa long bondpaper.

Magdala bukas ng larawan tungkol sa composting.

Magdala bukas ng larawan tungkol sa taong naglalagay ng abono sa halaman?

Magdala bukas ng mga larawan tungkol sa mga kagamitan na ginagamit sa paghahalaman.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

For more DEPED daily lesson log template, go to: www.teachershq.com